Chapter 22


Nakatambay na naman si Hernan sa paborito niyang tambayan sa upuan sa labas ng kanilang bahay. Nakaupo siya nang pade-kuwatro habang naninigarilyo.

Hawak niya sa isang kamay ang cellphone habang ka-chat si Gaile. Gaya ng sabi ng kanyang lolo, subukan niyang kumilala ng iba at si Gaile ang naisip niya. Madalas na niya ito i-chat at halatang gustung-gusto siya nito. Araw-araw. Mula good morning, hanggang evening, nirereplayan niya pero kung kailan lang niya gusto.

Gaile:

New day na naman. Kumusta? Imy.

Hindi niya naituloy ang dapat na sasabihin dahil nakita niyang paparating si Thalia.
Masaya itong papalapit sa kanya, may bitbit na isang maliit na tupperware at kutsara sa ibabaw.

Nagpantig ang kanyang puso kung sasalubungin ba ang dalaga o hahayaan lang na lumapit sa kanya. Ilang araw niya itong hindi nakita at aaminin niya sa sariling na-miss niya itong kasama.

"Sir!" Kumakaway nitong bati.

Naalala niyang allergic sa amoy ng sigarilyo si Thalia kaya agad niyang hinulog ang sigarilyo sa lupa. Isang puting t-shirt at gray na maong ang suot ng dalaga, nakahati sa dalawa ang kayang buhok na parehong naka-tirintas.

Gaya ng una niyang kita, masaya pa rin ang aura nito, walang kung anu-anong kaartehan sa mukha at katawan.

"You're back," sabi niya sa kanya.

Parang hindi nagkasakit ang hitsura ni Thalia, hindi lubog ang mga mata, hindi mukhang maputla o ano. Parang wala lang nangyari. Masaya siyang magaling na ito pero paano na ang planong iwasan ang dalaga?

Nilapag ni Thalia ang maliit na tupperware sa kanya na may kasama na ring kutsara.
Nagtataka itong tiningnan ni Hernan.

"Dinalhan ko po kayo ng tinola, sir Hernan," nakangiting sabi nito sa kanya.

Hindi niya magawang pigilan ang sarili. Ngumiti siya sa babae. Napakagaan kasi ng loob niya sa dalaga. Pakiramdam niya ay nasa ulap siya pag kausap ito ang kasama.

"Kumakain naman daw po kayo niyan, sabi ng lolo ninyo kaya tikman ninyo po ang luto ko."

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Inosente rin ang mga tingin nito sa binata. Nakaramdam siya ng lungkot nang maalala si Liz sa Maynila. Ito kasi ang madalas magdala sa kanya ng mga pagkain.

"Sir, ayaw ninyo po ba?" nalulungkot na tanong ni Thalia. "Baka busog po kayo. Gusto ninyo, initin ko po muna o itabi ko na lang para sa inyo mamaya."

Umiling si Hernan. "I like it. Wag kang mag-alala, kakain ako."

Naupo sa harap niya si Thalia at hinintay siyang kumain. Kinuha ni Hernan ang kutsara, sumandok ng sabaw. Mainit nga ito at malinamnam.

"Masarap po ba?"

Nakadalawang higop muna siya ng sabaw bago sumagot. "Yes, masarap. I love it. Thank you."

"Buti po nagustuhan ninyo
Mahilig po kasi ako magluto. Kapag nandito po si Samuel, dinadalhan ko siya ng mga paborito niya," kuwento niya pa.

Mas lalong nanlambot si Hernan sa nakikita niya kung gaano ka-effort ang isang Thalia. Paano niya ito iiwasan kung ito naman ang kusang lumalapit sa kanya at wala siyang nakikitang mali o masama sa kanya.

Noong una ay naiilang siyang pinapanood kumain ni Thalia pero unti-unti siyang nasanay hanggang sa maubos niya ang dala nitong tinola. Walang labis, walang kulang. Pati buto ng manok ay halos lunukin niya.

"You remind me of someone," simula ni Hernan.

"Sino po, sir?"

"My friend, mahilig din yon magluto. Lagi ako dinadalhan ng mga ulam at mga paborito ko."

"Wow," namamanghang si Thalia. "Ang effort naman po ng friend ninyo, sir. Nasaan na po siya?"

"Wala na, nag-resign na siya."

Nawala ang sigla sa boses ni Hernan. "We did not even see each other bago kami nagkahiwalay."

"Sorry po," paumanhin ni Thalia. "Tinanong ko pa."

"No, it's fine. I just remember her because of you."

Seryosong tiningnan niya si Thalia sa mga mata. Alam din ni Thalia na mabuting tao si Hernan gaya ng kanyang pinsan kaya gumagaan na rin ang pakiramdam niya rito.

~~~~

Kinuhaan ni Belinda ng larawan nang palihim ang dalawang nasa labas ng bahay na masayang nag-uusap, walang iba kundi sina Hernan at Thalia. Nakuhaan na niya ng larawan ang tagpo kanina habang kumakain si Hernan at nakatingin lang si Thalia.

"Sweet ninyo ah," kausap niya sa sarili.

Mabilis niyang s-in-end ang mga larawan kay Samuel saka umalis na. Mabilis naman na nag-seen ng chats si Samuel at nagreply.

Samuel:
Thank you, ate Bel. Maaasahan talaga kita.

Nagsalubong ang mga kilay ni Samuel pero napangisi rin nang makaisip ng isang plano. Walang blood is thicker than water para sa kanya dahil kitang-kita naman ng kanyang mga mata kung paanong landiin ng kanyang pinsan ang babaing gusto niya.

Bulong ni Samuel sa sarili, "You'll see."


"Thanks for the food," pasasalamat ni Hernan sa dalaga.

"Wala po 'yon, sir saka mabait naman po kayo. Deserve ninyo po lutuan."

"Ako? Mabait?"

Tumangu-tango siya. Yon ang tingin niya sa binata, mabait at adventurous. Parang marami itong gustong maranasan na mga hindi naranasan dati.

"If that's what you think, I appreciate it."

Napangiti si Hernan nang hindi niya namamalayan. Sumandal siya sa upuan at matamang tinitigan sa mukha ang dalaga. Mahirap na para sa kanyang kalimutan na ang babaing kasama niya ngayon ay nakasama na niya sa panaginip.

"Mukhang marami kang alam lutuin. Can you teach me some recipe sometime?"

Nagliwanag ang mata ni Thalia.

"Sige po sir, walang problema. Kahit ano pa yan. Ano po ba paborito ninyong ulam?"

"Anything basta chicken."

Napokus na ang tingin niya sa ganda ng dalagang nasa harap niya. Kahit siguro mukha ni Thalia ang makita niya nang buong isang linggo, hindi siya magsasawa.

"Copy, sir. Basta chicken."

"Anyway, okay ka na ba?" usisa ni Hernan. "Sabi nila nagkasakit ka raw. I've mi--" Muntik na siyang madulas at mabuo ang huling pangungusap. Napakamot siya sa batok nang maisip ang dapat niyang sasabihin.

"Okay naman na po ako. Salamat po sa pagtatanong, sir."

Mukhang hindi naman napansin ang naudlot na dapat sabihin ni Hernan.

"Kayo po ba? Okay lang po ba kayo?"

"Of course. Lalo na.. nabusog ako sa pagkain mo."

Napangiti na lang si Thalia bilang tugon.

Dahil gusto niya lang maituloy ang usapan nila, tinanong niya ito. "Are you studying, Thalia?"

"Hindi po."

"College graduate?"

"Hindi rin po."

"Oh," naisagot na lang niya. "I see. Do you have any plans?"

Tumango siya. "Opo, kung papalarin. Pangarap ko rin po makarating ng Maynila at doon mag-aral."

"Gusto ko makakita ng malalaking gusali roon, makasakay sa elevator, makapasok sa mga bar, yong mga gano'n."

Ani Hernan sa isip niya ay nakakapagod ang gano'ng mga view sa Maynila kaya nga siya nagbakasyon. Kung si Hernan ay gusto sa probinsiya kasi tahimik, si Thalia naman ay pangarap ang Maynila.

"I can see you'll achieve all of your dreams," pagpapalakas ng loob niya sa dalaga.

"You're a dreamer, Thalia. Alam kong matutupad lahat yan."

Nararamdaman ni Thalia na lumalalim ang usapan nila. Nakakatuwang marinig sa isang taong naniniwala ito sa kanya at sa mga pangarap niya. Nakakadagdag ito ng paniniwala ni Thalia sa sarili na matutupad niya ang mga gusto niya sa buhay.

"You're one of a million. You bring joy to people."

Lihim siyang kinikilig sa sinasabi ng lalaki pero hindi niya ito lalagyan ng kung anumang malisya. Nilalarawan lang siya ng binata at hindi dapat mag-isip ng masama.
Pero di niya maiwasan kasi napakaseryoso ng mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"Alam kong papabor din sa'yo ang mundo."

Hindi niya inaalis ang mga tingin sa babaing nasa harap niya.

"I'm seeing you'll live your dreams in the future."

Nagkatitigan sila sa mga mata, at ang dalaga, tila nanlambot sa kanyang kinauupuan. Sana ay walang ibig sabihin ang binata sa mga sinabi nito. Sana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top