Chapter 21
Sa swimming..
In-enjoy ni Hernan ang paglangoy sa tubig-dagat. Kinalimutan niya lahat ng stress sa buhay na meron siya at nagpakasaya na lang kasama ang buong pamilya.
Suot niya ay isang blue na swimming trunks at topless lang. Sa bawat paglubog-ahon niya ay tila isa siyang diwatang naliligo sa dagat. Marami-rami rin ang mga tao pero di na niya iyon inisip. Ang mahalaga ngayon ay malayo siya sa Maynila.
Pagkaahon niya ay may napadaang isang grupo ng mga batang kababaihan. May mga bakla rin silang kasama sa grupo. Tinuro ng isa sa kanila ang kakaahon lang na si Hernan at nagtilian.
"Ang pogi!"
"Foreigner ba yan?"
"Pa-pic tayo, dali," anang isa pa.
Sinalubong siya ng grupo at magalang na nagpaalam kung puwede magpakuha ng litrato.
"Hello, puwede po ba magpa-picture?"
Tumango naman agad siya. Sa lagay ni Hernan ay hindi na niya kailangan maging artista para pagkaguluhan ng mga babae dahil sila mismo ang lalapit sa kanya. Kinikilig-kilig pa sila matapos magpa-picture. Ang isang beki pa ay hindi nakatiis at humawak sa kanyang dibdib.
"Ang hard," kinikilig nitong sabi na ikinatawa na lang ni Hernan.
Nagsialisan na silang lahat matapos na magpaalam sa kanya.
"Grabe si sir Hernan," puna ni Belinda sa kanilang cottage. Nakita niya kasi kung paano pinagkaguluhan ang binata. "Parang artista."
Nakita nilang lahat iyon at sumagot si Robert. "Of course, mana sa lolo." Saka sila nagtawanan.
Si Samuel ay seryosong tiningnan si Hernan habang umiinom ng isang basong Alfonso. Sabi na nga ba, kakaiba ang mga titig ng kanyang pinsan sa babaing gusto niya noong unang punta pa lang. Mas inisip niyang may gusto ito dahil sa mga pictures ni Thalia sa kanyang phone.
Lumapit na si Hernan sa gawi ng kanyang pamilya at tumungga ng isang baso ng Alfonso. Napansin niya ang mga masamang tingin ni Samuel sa kanya pero hindi niya na lang pinag-isipan ng masama ang pinsan.
"Aren't you going to swim?" tanong ni Hernan kay Samuel pero di siya nito pinansin. Nilapag lang nito ang baso saka naglakad papunta sa dagat.
Nagkatinginan sila ni Robert na nakita rin pala ang reaksyon ni Samuel. Napansin niya rin kung paano titigan ni Samuel ang kanyang kuya Hernan kanina pa. Para bang may mali.
Walang nagsalita sa kanilang lahat. Naupo na lang si Hernan sa upuan ng cottage na gawa sa kahoy ng kawayan. Iniisip niya kung ayos lang ba ang kanyang pinsan.
Kinuha niya ang kanyang phone at na-click niya ang Facebook. May notification agad na may nag-add friend sa kanya. Pagtingin niya, si Gaile ito. Nakasuot ng swim suit si Gaile sa kanyang profile photo at naka-lock ang profile.
Paanong nalaman nito ang kanyang account? Pagtingin niya naman ng Messenger, may message request din.
From: Gaile Morata
Takang binuksan niya ang message nito at meron itong long sweet message para sa kanya.
Hi, Hernan. Yes, this is Gaile from Sanveille Residences sa Makati, yong nagbigay sa'yo ng maliit na papel na hindi mo naman pinansin, ako rin yong nakita mo sa smoking area at hinatid mo pa ako sa bahay noong umuulan. Ako rin yong nag-kiss sa'yo sa cheeks sa car mo. I just want to say, take care always. I found out you're on a vacation and I hope you are enjoying there. See u!
Napangiti siya pagkabasa sa mensahe nito. Someone cares for him. Baka ito na ang senyales na dapat niyang i-pursue si Gaile dahil ito yong babaing gumagawa ng paraan para sa kanya. Tumabi sa kanya ang kanyang lolo at sinilip nang kaunti ang babaing nag-chat sa kanyang apo.
"Ehem," tumikhim ito. "Sweet," pang-iinis pa ng matanda.
Pinindot agad ni Hernan ang back button para di tuluyang mabasa ng kanyang lolo ang message ni Gaile.
"Is that someone special?" usisa nito.
"Si lolo talaga. It's just a friend," deny niya pa.
Halatang di naniniwala ang matanda.
"I read about kiss. Kiss as a friend?" pang-iinis nito.
Umiling siya. "Hindi, lolo. It was an accident or maybe a friendly kiss."
Bakas pa rin ang duda sa mukha ng matanda at pinangaralan na lang niya ang kanyang apo.
"There's nothing wrong to meet new people, Hernan. You're not a teenager anymore. It's totally fine to meet someone."
Iniba nito ang usapan. "How about her?" tanong ni Robert sa apo. "Hindi mo na ba siya mas kikilalanin?"
Umiling-iling siya. "Hindi na po siguro, lolo. Blood is thicker than water."
Mahinang tumawa ang matanda sa biro ni Hernan at napatingin kay Samuel na naghahagis ng mga kabibe sa dagat.
"Are you sure?"
Tumango siya pero ang totoo hindi siya sigurado kung mapipigilan niya ba talaga ang sarili lalo na nagugustuhan niya ang babae. Iiwas siya sa kanya, yon ang nasa isip niya. Sana lang ay magawa niya.
"E kung gano'n, pakilala mo ako diyan sa babae mo," biro ni Robert na tinutukoy si Gaile.
"Can I see?" dugtong nito.
"Ah, naka-lock po profile niya. Hindi ko po makita mga pictures niya."
Sinulsulan agad siya ng kanyang lolo. "Then, go and send her a friend request. Come on, Hernan."
Wala na siyang nagawa nang pilitin siya ng kanyang lolo. In-accept niya ang friend request ni Gaile para makita ang iba pang pictures. Pinindot niya ang photos ni Gaile. Halos lahat ay sexy pictures.
Inayos ni Robert ang kanyang salamin para mas makita ang mga pictures ng dalaga. Nang makita na niya ang hitsura nito at pananamit, binalingan niya si Hernan.
"Be honest, is she your type?"
Hindi muna s'ya nakasagot.
"Silence means yes," pang-iinis pa ng kanyang lolo.
Tinawanan niya lang ang matanda. Mahilig talaga ito magbiro kahit kailan. Para bang kahit ang pinakamahirap na sitwasyon ay kayang pagaanin ng kanyang lolo Robert.
"I don't think so," sagot niya. "I see her as a friend only."
"Alam mo, minsan, kailangan mong mas kilalanin yong tao para masabi mo kung gusto mo siya o hindi."
Payo pa niya, "Go out with her, exchange messages, and so on."
"I don't think I am ready to meet someone, lolo."
Tinapik ng matanda ang balikat niya. "You will be unless you're seeing someone."
Natawa naman si Hernan.
Tanong ni Robert, "Am I wrong?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top