Chapter 19
Napag-isip-isip ni Hernan na hindi na dapat siyang umasa na mas makilala pa si Thalia. Gusto ni Samuel si Thalia at sapat na dahilan na dapat ito para umiwas sa babae. Hindi na dapat siyang manggulo.
"I believe in destiny," sabi niya kay Samuel. Sasagutin niya ang tanong nito.
"Kung dumating yong araw na ready ka na pero may iba na siya, tapos destiny ninyo na kayo talaga, yong destiny na mismo ang gagawa ng paraan para maging kayo," mahaba niyang paliwanag dito.
Tumangu-tango si Samuel at ngumiti. "Nagiging serious mode na tayo, but you're right, kuya. If it is destiny's will, nobody can stop it."
Tumayo na rin si Hernan. "But remember, we are the ones who create our own destiny."
Naalala niya pa rin ang pakiramdam na kasama ang babae sa panaginip. Alam niyang hindi yon nagkataon lang, alam niyang mangyayari yon at nangyari na nga. Ibig sabihin ay parte iyon ng kanyang destiny.
"Salamat, kuya," pasasalamat nito. Nginitian niya ito.
"Welcome." Aalis na sana agad siya nang maalala ang 'Thalia, mi amor' na nakasulat sa drowing ni Samuel.
"Thalia, Mi amor means Thalia My Love. Right?"
"Yes, kuya."
Tumango si Hernan pero bago pa man siya makaalis ay dumating si Robert na masayang-masaya. Agad na nagmano ang kanyang dalawang apo sa kanya.
"I have some good news for you, two!" masaya nitong sabi sa kanila.
Nagkatinginan ang magpinsan.
"Mag-swi-swimming tayo bukas!" dugtong pa ng matanda. Parang bata itong eksayted sa kanyang balita.
"Talaga po, lolo? Saan?" eksayted ring tanong ni Samuel.
Magandang ideya ito para sa kanilang family bonding. Panibagong memory na naman ito para kay Hernan.
"Edi sa dagat, saan pa ba?" pabirong sagot ni Robert sa apo.
"Pack your things, Samuel and Hernan. We will swim in the sea tomorrow," utos nito sa dalawang apo.
Tahimik lang si Hernan na pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Si Samuel ay hindi na naman nakatiis na tinanong ang kanyang lolo. "Sasama po ba si Thalia?"
Napatingin si Robert sa kanyang apong si Hernan. Tahimik lang itong pinagpapalit-palit ang tingin sa maglolo.
"Of course, the more, the merrier!" anang matanda.
"Everyone's coming pati na sina Michelle at ang papa mo," dugtong niya pa. "Sama natin si Belinda." Si Belinda ay ang isa sa kanilang kasambahay.
Sumingit sa usapan si Hernan. "It's suppose to be a family bonding. Right?"
Nagulat sina Samuel at Robert sa tanong ng binata.
"Kuya, ate Belinda is like part of the family saka para ma-enjoy din niya sa labas," sabi ni Samuel.
Pinalaki kasi siya ng kanyang lolo na tinuturing na parte ng pamilya ang mga kasama sa bahay. Hindi lang basta utusan o kung ano pa man.
"No, not her," paglilinaw niya. Tumingin siya kay Samuel. "I'm referring to his friend."
"She's like a part of the family too. Do you have a problem with her?"
"No, I'm just asking," sagot ni Hernan kay Samuel.
Naramdaman ni Robert ang tensiyon sa kanyang dalawang apo kaya inutusan muna niya ang batang apo.
"Mag-ayos ka na, Samuel para sa dadalhin mo bukas."
"I'll talk to your cousin," ani pa nito. Sumunod naman agad si Samuel at iniwan silang dalawa.
"Did something happen, Hernan?" umpisa ng matanda.
Umiling si Hernan saka sumagot.
"Nothing, lolo. It's just supposed to be us. Right?"
Nahulaan naman ni Robert ang nangyari. "May sinabi sa'yo si Samuel, 'no?"
"Wala po."
"You don't need to lie. You can trust me."
"You don't need to get mad, Hernan. You don't need to be angry at her dahil lang sabi ko na wag kang ma-inlove sa kanya."
Sumagot na si Hernan. "You're right, lolo. Sorry."
"From now on, I just don't want to see her often because.."
"Because you're starting to like her."
Napahinto sa pagsasalita si Hernan dahil sa sinabi ng kanyang lolo. Tama ito, tinatanggi niya lang sa sarili ang nararamdaman at ayaw na niyang mas lumalim pa ang paghanga niya sa dalaga.
"Well, Thalia is a good person, pretty, humble and jolly. Kahit sinong lalaki ay mai-inlove sa babaing gaya niya. She got a pure heart."
"Remember, Hernan. You said you're only here for a vacation, nothing else," paalala niya pa.
Tumingin sa may pintuan sa labas si Robert bago muling nagsalita.
"But if in any case, ikaw ang maunang umamin kay Thalia at sa'yo mahulog ang loob niya, hindi ko kayo masisising dalawa."
Ayaw niyang sirain ang tiwala ng kanyang pinsan. Ayaw niyang agawin sa pinsan ang babaing gusto nito.
"I don't want to hurt Samuel, lolo."
Tiningnan siya ng kanyang lolo nang may makahulugang titig na parang nagsasabing susuportahan niya ito.
"If you love the person, you should tell them while you still have time. Love is about who shows love and fights for it. Go for it, Hernan," paliwanag naman ni Robert.
"Go for it," pag-ulit niya. "Hindi na kayo mga bata. Hindi na dapat nagkakahiyaan. Kung gusto ninyo yon, gawin nyo. Sabihin ninyo."
"Perhaps, you'll never know if it's not for you unless you try it first," dugtong pa ng lolo.
"I'm just testing your cousin pero di niya pa kaya e. I'm not saying na gawin niya agad na girlfriend si Thalia." Natawa muna ang matanda. "I told him not to have a girlfriend, but the point is, he should tell her he loves her while he still have time."
Tumatak lahat ng salita ng kanyang lolo sa isip niya. Sabi nga sa sikat na quote, "blood is thicker than water" pero paano naman ang sarili mong nararamdaman?
Matatawag bang pang-aagaw kung ang taong gusto mo ay malaya namang magmahal ng iba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top