Chapter 17


Huminto na ang traysikel at bumaba sila sa isang bukid. Napapaligirin ang bukid ng mga puno, berdeng damo at may mga hayop din silang nadadaanan gaya ng kalabaw, manok, mga ibon at marami pang iba.

"Ayan," masayang turo ni Thalia. "Yan po ang bukid rito, sir Hernan."

Nilinga ni Hernan ang paligid. Pamilyar ang eksenang ito sa kanya. Parang nakita na niya ito noon pa.

"Maglalakad-lakad po tayo, sir," sabi niya sa binata.

"Tapos may mga prutas po rito, sariwa po at masasarap ang mga 'yon," nakangiti pang pagkukuwento ni Thalia.

Ngayon ay naaalala na niya kung saan niya nakita ang eksenang 'yon. Ang babae sa panaginip. . Ang bukid sa panaginip at prutas.

"Maselan po ba kayo sa mga prutas, sir?" tanong pa ng dalaga.

Hindi umiimik si Hernan. Kaya pala pamilyar sa kanya si Thalia. Totoo nga. Siya ang babae sa panaginip niya.

"Sir, maselan po ba kayo sa prutas?" pag-ulit niya sa tanong dahil hindi sumagot si Hernan kanina.

"Ah, h-hindi naman," mautal-utal niyang sagot at nagpatuloy na sila sa paglalakad.

"Meron po kasi ditong aratiles na prutas, sir. Natikman ninyo na po ba yon?" sunud-sunod na tanong ni Thalia.

Diretsong sagot ni Hernan, "Hindi ko pa natitikman yon."

"Puwes, ngayon po matitikman ninyo na 'yon," eksayted pang dugtong ni Thalia.

"Doon po, sir," turo ni Thalia sa isang puno. "Doon po yong aratiles. Maliit lang siya tapos may lamang maliliit na bilog-bilog."

Tumango lang ang binata bilang sagot pero tila nabuhayan ito ng loob sumagot.

"Mukhang masarap nga yan. Sige, titikman ko."

Sabay na silang naglakad. Narating nila ang puno ng aratiles. Ngayon mas nalapitan at nakita ni Hernan ang tinutukoy ni Thalia na aratiles. Merong kulay-pula, dilaw, at berdeng aratiles. May maliliit at malalaki rin.

"Yong mga kulay-green po, ibig sabihin ay mga hilaw pa," paliwanag ng dalaga habang namimitas ng mga hinog na aratiles.

Si Hernan ay nakatayo lang sa gilid niya, pinapanood siya sa ginagawa niya.

"Yong mga red at medyo yellow green, hinog na po 'yon," dugtong niya habang pinupuno ng aratiles ang kanyang kaliwang kamay.

Nang mapuno na ay lumapit siya kay Hernan. Nilahad niya ang kaliwang kamay sabay sabi, "Kuha po kayo, sir. Tikman ninyo."

Kumuha na rin si Thalia at kumain ng dalawang aratiles. "Masarap po yan."

Nakita niyang hindi kumukuha si Hernan, nakatingin lang ito sa kamay niya kaya dinamihan ni Thalia ang pagkain.

"Wala pong lason yan. Tingnan ninyo, buhay pa ako," natatawang biro niya sa lalaki.

"Saka mula bata pa po ako, namimitas na talaga kami ng mga aratiles." Ngumunguya-nguya siya habang nagkukuwento.

Dugtong niya pa, "Pag kumakain ako nito, para akong bumabalik sa pagkabata."

Nawala ang pag-aalinlangan ni Hernan. Kumuha na rin siya ng isa at tinikman. Nasarapan siya rito kaya kumuha pa ng tatlo.

"Di ba? Sabi sa inyo, sir. Masarap yan," wika pa ng dalaga.

Namitas pa siya nang marami para makakain ng marami si Hernan. Natutuwa siyang nasarapan ang binata sa prutas. Maging si Hernan ay namitas na rin ng mga aratiles at siya ay nakarami. Naglakad ulit sila at puno naman ng balimbing ang tinuro ni Thalia.

"Yan naman po ang puno ng balimbing, sir."

Nasisiyahan si Hernan sa pagtingin sa mga punong nandirito sa bukid. Bibihira siyang makatikim ng mga prutas sa Maynila. Madalas, ang mga nakakain lang niya roon ay mga pangkaraniwang prutas hindi gaya ng mga prutas sa probinsiya.

"Ano naman lasa niyan?" usisa niya.

Tanong ni Thalia, "Hindi pa rin po kayo nakakakain niyan?"

Umiling siya.

"Wag kayong mag-alala, sir. Ngayon matitikman ninyo na ang lasa ng balimbing."

Kumuha si Thalia ng isang mahabang putol na kahoy at sinungkit ang isang piraso ng balimbing. Nahulog ito sa lupa at agad na kinuha ni Thalia. Binigay niya ito kay Hernan.

"Tikman ninyo po."

Kumagat si Hernan at napangiwi sa sobrang asim nito pero tinawanan lang siya ng dalaga.

"Maasim po kasi yan pero masarap naman pag hinog na."

Tiningnan ni Hernan ang kinuhang balimbing ni Thalia. "Hindi ba ito hinog?"

"Hindi po," tugon niya. "Wala naman po kayong sinabing hinog ang gusto ninyo e," namimilosopo nitong sabi sa kanya.

"Sa'yo na nga." Iniabot niya kay Thalia ang kinagatang balimbing.

Kinuha niya agad ito at siya na ang kumain. Sarap na sarap sa bawat pagnguya si Thalia samantalang si Hernan kanina ay parang nakainom ng suka sa hitsura niya.

"Masarap naman e," reklamo pa ng dalaga. Nang maubos na niya ang balimbing ay tinapon na niya sa malayo.

Unti-unting gumagaan ang loob ni Hernan sa kasama niya. Pag hindi ito nakatingin ay sumusulyap siya sa magandang dalaga. Palangiti ito at nahahawaan siya ng saya nito.

Habang naglalakad ay hinarap siya ni Thalia. "Dala ninyo po phone ninyo, di ba?"

"Yeah. Bakit?"

"Picture-an ko po kayo."

Nabigla si Hernan. Ngayon lang siya nakakita ng babaing eksyated na kuhanan siya ng litrato. Sa mga iilang babaing nakilala niya noon ay madalas siya ang nag-o-offer na kuhanan sila ng larawan.

Kinuha niya sa bulsa ang cellphone. "Sure," saka niya inabot kay Thalia ang phone.

Binuksan ni Thalia ang camera at naghanap ng magandang gawing background para sa picture-taking. Tinuro niya ang puwestong nahanap niya at doon pinatayo si Hernan.

"Ayan, ang ganda ng view," masaya niyang iniikot ang kamera sa background para makahanap ng magandang anggulo.

"Dito?" paniniguro ni Hernan na nasa puwesto na siya na gusto ni Thalia.

"Opo, diyan lang kayo."

"One, two, three."

Nag-pose ng isa pa si Hernan. "Isa pa po, one, two, smile."

Ngumiti siya sa harap ng kamera. Lihim siyang natutuwa sa nangyayari. Pakiramdam niya ay mas nakikilala niya ang sarili at nalalaman niya ang mga gusto niya sa babae habang kasama si Thalia.

Natapos din ang pag-picture ni Thalia sa kanya. Tiningnan niya ang mga kuha nito sa kanya at isa lang ang masasabi niya-- magaganda ang mga nito.

"Ikaw naman," saad ng binata sa dalaga. "Picture-an din kita."

Tumanggi si Thalia. "Wag na po, baka ano pa po isipin ng iba pag nakita ako sa phone ninyo lalo na ng lolo ninyo."

Binaba niya ang phone saka tiningnan si Thalia. "Don't mind them. Mind the beautiful view."

Nahihiya man ay nag-pose na si Thalia at kinuhanan siya ni Hernan ng mga larawan.

"One, two, three, smile!"

*Snap!

"Patingin!" Eksayted na lumapit si Thalia at nakitingin sa kuha ni Hernan sa kanya.

"Ang pangit ko," sabi pa nito na inangalan naman ni Hernan.

"That's not true. Maganda ka."

Kinilig si Thalia sa pagtawag sa kanya nito ng maganda. Madalas may tumawag sa kanyang maganda pero iba ang pakiramdam ng pagkakasabi ni Hernan sa kanya.

"I'll take you another one," offer ni Hernan kaya nag-pose ulit si Thalia.

Nilagay niya ang isang kamay sa kaliwang beywang, tinaas ang isa pang kamay sa ere saka ngumiti.

Hindi napindot ni Hernan ang 'capture' button dahil napatitig lang siya sa ganda ng dalaga. Napakaganda nito!

"Okay na po?" ani Thalia habang naka-pose pa rin.

Nabalik sa huwesyo si Hernan. "Ah, hindi pa. Wait. One, two, smile!"

*Snap!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top