Chapter 14


Natapos na ang handaan at kainan. Nagsi-uwian na rin sina Michelle at kanyang asawa pero si Samuel, tumatambay pa sa bahay ng kanyang lolo para makasama si Thalia.

Si Ferdinand ay nauna na ring umuwi. Ang dalawang kasambahay ay tapos na rin maglinis mga kinainan. Ang naiwan na lang ay sina Hernan, Thalia at Samuel. Si Robert ay nakatulog na sa kanyang kuwarto.

Ang huling gawain na lang ay ang pagpupunas ng mesa, si Thalia ang gumagawa nito nang lumapit si Samuel. "Tulungan na kita."

Kinuha nito ang basahang hawak ni Thalia pero binawi ni Thalia. "Ako na, ang dali-dali lang naman nito."

Hinablot ulit ni Samuel ang basahan at nagpunas na pero nagpumilit si Thalia.  Kinuha niya ulit ang basahan at s'ya naman ang nagpunas.

"Give it to him," boses iyon ni Hernan na nagsalita sa likod nila.

Napalingon sila parehas sa lalaki at nagkatinginan.

Sasagot pa sana si Thalia pero pinigilan siya ni Hernan. "Samuel can manage that."

Tumingin ito kay Samuel. "Right?"

"Syempre naman," masaya nitong sagot at siya na ang tuluyang nagpunas ng mesa.

"Salamat," pasasalamat niya sa dalawa. Kung hindi dahil sa binatang Hernan ay ipipilit niyang siya na ang magpunas.
Nakasandal sa mesa si Hernan habang tinatanaw ang labas ng bahay.

"Okay, done," ani Samuel at pinagpagan ang kanyang kamay.

"I think you're tired, Samuel," simula ni Hernan. "You can go home."

Nagkatinginan ang magkaibigan. Tama ba ang narinig nila? Pinapauwi si Samuel ng kanyang pinsan.

"I'm good, kuya Hernan." Ngumiti lang si Samuel.

Nakakaramdam ng kaba si Thalia. Paano na lang kung maiwan siyang mag-isa kasama ang lalaking bisita. Pag nagkataon, gusto na lang niya maglaho at sumama kay Samuel palabas. Nakakatakot kasi ang aura nito. Nakakailang kasama dahil pakiramdam niya ay tila alalay lang siya pag katabi ito.

Tumunog bigla ang phone ni Samuel, tumatawag pala ang kanyang mommy. Nag-aalinlangan pa sana itong sagutin pero nakatingin sa kanya ang kanyang pinsan kaya sinagot na niya.

"You have to go home now!" hysterical na boses ni Michelle sa kabilang linya.

"B-bakit po, mommy?"

"Oreo, your dog is not eating," alalang-alala ang boses nito.

Bumakas sa mukha ni Samuel ang pag-aalala kaya kailangan na talaga niyang umuwi. Kahit sino ba naman ay mag-aalala kung ayaw kumain ng kanilang alagang hayop.

"I'm sorry, but I gotta go," paalam ni Samuel sa kaibigan at pinsan.

"Thalia, ingat ka sa pag-uwi, mamaya," dugtong pa nito.

Tumingin ito sa seryosong mukha ng kanyang kuya Hernan.

"Kuya Hernan, it's nice to meet you. Bibisita ulit ako dito."

Tiningnan na lang nilang maglakad palayo si Samuel.

Pakiramdam ni Thalia ay pinagpapawisan siya kahit malamig sa buong bahay. Gusto na rin niyang umuwi pero nakakahiya naman sa bagong bisita na iwan niya ito nang gano'n.

"Don't tell me, iiwan mo rin ako?" tanong ni Hernan sa kanya. Nakasandal pa rin siya sa gilid ng mesa at nasa bandang gitna ng parte ng mesa si Thalia nakatayo.

"Hindi po," maikli niyang sagot. Kahit papaano naman ay may respeto siya sa binata lalo na at bagong balik lang nito sa bahay ng kanyang lolo.

"How old are you?" pa-Ingles pa nitong tanong.

Napalunok ulit siya. Pakiramdam niya ay nanliliit siya sa binata. Halos buong usapan sa kanilang kainan ay tungkol sa buhay nito at hindi maikakailang marami itong maipagmamalaki sa buhay. Kung ikukumpara sa kanya, talagang nanliliit siya.

"Twenty-four po," sagot ni Thalia.

"Kayo po ba?" dugtong niya.

"Don't mind. I'm already old."

Tumango na lang si Thalia. Tanong tanong siya ng edad pero siya mismo ayaw sabihin ang edad.

"I'm thirty-four," sagot nito na ikinagulat ni Thalia.

Hindi kasi halata sa hitsura nitong 34 na siya. Mukha lang siyang 26-28 anyos dahil maganda ang suotan, makinis ang balat at wala halos wrinkles sa mukha. Ultimo tigyawat ay mahihiyang tumubo sa kanyang balat.

"34 na po pala kayo," di makapaniwalang sabi niya.

"Do I look like 18 to you?"

Natawa si Thalia sa tanong nito. "Hindi po 18. Mukha po kayong 16, sir," biro niya pa.

Maging si Hernan ay natawa sa sarili niyang biro. Hindi pa rin maalis ni Hernan ang naramdaman pagkakita kay Thalia, para bang nakasama na niya ito.

"Nagkita na ba tayo dati?" tanong niya sa babae.

Inalala ni Thalia kung nakita na ba niya ang binata dati pero imposible yon kasi ngayon pa lang niya nakita ang mukha nito sa personal.

"Hindi pa po. Ngayon pa lang," magalang niya pa ring sagot.

Nawe-weirduhan na siya sa lalaki. Iniisip yata nitong nagkita na sila dati. Tama nga ang kanyang pamilya, ang mga babae ang pipila sa isang Hernan de Haro.

"Nakakatakot ba ako?" tanong niya.

"H-hindi po," nauutal niyang sagot.

Hindi umaalis sa puwesto si Hernan habang kinakausap si Thalia. Nakakaramdam siya ng hiya sa isiping makakatabi niya ang lalaking gaya ni Hernan. Kung ilalarawan, tingin niya ay hindi dapat magsama ang langit at lupa.

"Don't worry, hindi ako nangangain ng tao," pabiro niyang sabi.

"Don't mind my question kung nagkita na ba tayo dati. Baka kamukha mo lang 'yon."

Parang may gustong sabihin ang lalaki na hindi niya maintindihan. Sa dami ng mukha sa mundo ay hindi nga naman malabong magkaroon ng kamukha. Hindi pa rin makaisip si Thalia ng sasabihin. Baka kasi isang maling salita ay may mangyaring hindi maganda at iba ang isipin ng lalaki sa kanya.

"If you're still scared of me, you can go home," dugtong ni Hernan.

Kung titingnan ay hindi naman mukhang nakakatakot si Hernan para sa kanya. Marahil ay kinukumpara lang niya ang estado ng buhay niya sa binata.

Hinintay ni Hernan na maglakad palayo ang dalaga pero nanatili lang ito sa kinatatayuan niya. Hindi pa ito umuuwi.

"Hindi pa po ako uuwi," ang sagot ni Thalia.

Pinagmasdan niya ang kabuuan ng binata.

Napakadisente talaga nitong tingnan.
Yong tipong pag nagkumparahan ng achievements sa buhay at labanan ng magandang mukha, mapapauwi ka na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top