Chapter 13
Inabot ni Hernan ang kamay ni Thalia at siya naman ang nagpakilala. "I'm Hernan de Haro."
Malambot ang palad ng babae at para bang nahawakan na niya dati ang kamay nito. Nginitian siya ni Thalia na siyang nagpatunaw pa sa puso niya.
Ang kanyang tanong, bakit siya nakakaramdam nang ganito?
"Welcome back po, sir," magalang pang dugtong nito.
"Thank you."
Lumapit sa gawi nila si Samuel kaya bumitaw na sa pagkakahawak si Thalia sa kamay ng lalaki.
"Picture tayo," masayang sabi ni Samuel. Binuksan nito ang camera at nag-umpisang kumuha ng mga pictures.
Nang matapos magsikuha ng mga larawan ay medyo lumayo sa kanila sina Samuel at Thalia. Itinuturo ni Samuel kay Thalia ang mga kuha nilang larawan saka sila tatawa. Napansin ni Hernan ang mga kilos nila at kung gaano kalapit ang kanyang pinsan sa dalaga.
Hindi nalamayan ni Hernan na tumabi sa kanya ang kanyang lolo Robert. "Titig na titig ka yata sa kanila?"
Napangiti ang binata saka sumagot. "She's beautiful."
Napapailing-iling ang matanda sapagkat alam niyang may gusto ang nakababatang pinsan ni Hernan kay Thalia.
"Don't fall in love," natatawang biro ng matanda.
Napaisip si Hernan sa sinabi ng kanyang lolo. Sinakyan niya ang tawa nito pero napatanong siya. "Why, lolo?"
"You can see what I mean."
Tumango siya. "I see."
Umakbay siya sa kanyang lolo. "I'm only here for a vacation, no falling inlove thing. I promise lolo."
Nahinto ang usapan nila nang makitang paparating ang mga magulang ni Samuel. Kumakaway pa ang mag-asawa. Malayo pa lang ay tanaw na ang magagarang suot nito at naka-sunglass pa ang babae.
Natigilan din sa pagpi-picture sina Samuel at agad na sinalubong ang mga magulang.
"You're a handsome man, Hernan," nakangiting puri ng ginang kay Heran pagkalapit.
"Welcome back," sabi ng asawang lalaki.
Parehas niyang nginitian ang dalawa. Sobrang tagal na ng panahong nakita niya ulit ang mga ito at halos di niya na makilala.
"Thank you, tita and tito."
"Balita namin ay wala ka raw girlfriend?" umpisa ng ginang.
Sumagot si Hernan. "That's right, haha."
"Talaga?" manghang tanong ng lalaki. "Yong ganyang mukha, dapat kinakalat yong lahi," biro nito.
Siniko siya ng kanyang asawang babae at natawa na lang sa sarili niyang joke.
"Sobrang busy lang po sa work at sa mga bagay-bagay," paliwanag ni Hernan.
"Really? Well, you're a good-looking man. Mga babae na mismo ang lalapit sa'yo." Bumaling ang ginang sa kanyang asawa. "Di ba?"
"I agree," sagot nito.
Nasa gilid lang nila si Samuel, nakikinig sa usapan nila.
"Oh, Samuel," pagdamay ng ina sa kanyang anak. "Look at your cousin, successful, goal-oriented at mukhang walang stress sa buhay."
Dugtong pa ng ginang, "Be like your cousin. Aral ka muna nang maayos para maging katulad ka niya."
Tumango na lang ang binata. "Yes, mommy. Idol ko yan si kuya Hernan, e," napapakamot sa batok niyang sagot.
Sumingit na sa usapan si Robert. "Michelle, don't you worry. Samuel will follow the steps of his cousin."
"Dapat lang, papa," tugon ni Michelle.
Nabaling ang isip ng ginang sa pagkuha ng larawan.
"Picture, let's have a picture," sabi ni Michelle. Tinuro niya ang dalawang kasambahay. "Can you take us some family pictures?"
"Sige po." Agad na lumapit ang tinawag at si Samuel ang nag-abot ng phone niya sa babae.
Sa harap ng nakasulat na pagbati kay Hernan, doon sila lumapit para makuhanan ng mga larawan. Sa pinakagilid ang papa ni Samuel, sumunod si Michelle, si Samuel, si Hernan at katabi si Robert. Nanonood lang ang mag-amang sina Ferdinand at Thalia sa mag-anak.
"They can join us," ani Hernan nang mapansing naiwan ang mag-ama.
"Of course," sagot ni Robert.
Ayaw pa sana lumapit ng mag-ama pero tinawag na rin sila ni Robert kaya napalapit na. "Join us here!"
Sumunod ang mag-ama at tumabi kay Robert.
Nag-umpisa nang magbilang ang kasambahay. "One, two, three, smile."
*Snap!
Ngumiti ang lahat.
Nagbilang ulit ang babae. "Isa pa, one, two, three, smile."
"Ang saya nila tingnan, happy family," puna ng kasama nitong kasambahay.
Matapos nito ay nagsilapit na sila sa mga nakahaing pagkain. Lumapit sa isang upuan si Samuel at sinenyasan si Thalia na tabi silang dalawa.
Sumunod naman si Thalia at sa tabi ni Thalia nakaupo si Ferdinand. Si Robert ay tabi ni Hernan at magkatabi naman ang mag-asawa. Kaharap ni Hernan ngayon ang Thalia na sinasabi nila.
Hindi maiwasan ni Hernan na mapasulyap sa babae. Unang kita niya pa lang ay nama-magnet na siya sa mga titig nito. Bukod kasi sa ganda nito ay tila mabait pa. Napayuko siya nang marinig na magsisimula na ang dasal.
"Let us pray before we eat," simula ni Robert.
Pinikit nilang lahat ang kanilang mga mata maliban kay Hernan. Napatingin na naman siya sa babaing nasa harap niya at-- nakatingin din ito sa kanya. Nagkatitigan pa sila. Napalunok ang dalaga dahil kanina niya pa napapansin na iba ang mga titig nito sa kanya.
"Dear, God. Thank you for everything," umpisa ni Robert sa pagdadasal.
Ilang segundo silang nagkatitigan pero di na nakayanan ni Thalia. Yumuko na lang siya at pinikit ang mga mata. Pagdilat ng lahat ng mga mata ay nilantakan na nila ang mga nakahaing putahe.
Habang ngumunguya si Thalia ay napapansin niyang sinusulyapan pa rin siya ni Hernan. Ano kaya ang problema nito? Umiiwas na lang siya ng tingin sa tuwing nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya.
"How's life in Manila?" tanong ni Robert.
"Masaya naman lolo pero medyo malungkot kasi ako lang mag-isa sa apartment ko."
"Why don't you find someone na makakasama mo sa bahay mo?" usisa naman ni Michelle.
Halos mabulunan si Hernan sa tanong ng ginang. Umiling-iling siya at napainom na lang ng juice.
"Pinag-aasawa ko na nga yan," sabat ni Robert. "Hindi ko lang alam at bakit ayaw pa."
"Naku, maraming magaganda rito. Baka dito ka makahanap," biro pa ni Michelle.
"Tama," sumagot din si Samuel. "Gaya ng nasa harap mo, kuya Hernan."
"Tama, maganda talaga si Thalia," ani Robert.
Napapangiti na lang ang nahihiyang dalaga.
"Ikaw ba, Thalia," banggit ni Robert sa kanya.
Nag-angat ng mukha si Thalia.
"Kailan ka rin magkaka-boyfriend?" tanong ni Robert.
Nanlaki ang mga mata ni Thalia. Hindi siya makaisip ng isasagot at napansin ni Samuel na kinakabahan siya kaya siya na ang sumagot.
"Di pa ready sa mga ganyang bagay si Thalia, lolo."
Nagkatinginan silang lahat sa isa't isa. Tahimik na lang na tinuloy ni Hernan ang pagsubo ng kanin habang nagbibiruan ang lahat. Matapos niyang sumubo ay napatingin na naman niya sa dalaga at kitang kita ng kanyang dalawang mga mata kung gaano ka-sweet na iniaabot ni Samuel ang plato ng spaghetti kay Thalia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top