Chapter 10


Tumila na ang ulan at sakto ay nakarating na sila sa bahay ni Gaile. Huminto sa labas ang kotse ni Hernan. Sa labas ay kita ang hitsura ng bahay. Kulay-gray ang kulay ng pintura nito, iisang palapag lang ang mayroon, dalawang bintana sa labas at meron ding gate.

"Thank you," pasasalamat ni Gaile sa binata. Nginitian niya ito. Halos di niya maalala ang ginawang pagtataray sa lalaki kanina kasi hinatid naman siya nito nang ligtas, walang labis, walang kulang.

Nabigla si Hernan nang bigla siyang halikan sa pisngi ni Gaile. Bago pa man makapagsalita si Hernan ay inunahan na siya ni Gaile.

"Peace offering kiss yon."

Hindi pa rin natatauhan si Hernan kung ano ang dapat na maging reaksyon sa nakaw nitong halik sa kanya. Pakiramdam niya ay lumukso bigla ang puso niya sa tuwa. Hindi niya gusto si Gaile, yon ang naalala niya pero iba na 'to.

"See you, ingat sa pag-uwi." Ngumiti ulit si Gaile saka tuluyang bumaba.

Nang makababa ay hindi muna umalis si Gaile. Sinilip muna niya sa bintana si Hernan at kumaway-kaway. Sa loob-loob ni Hernan ay natutuwa siya, may nararamdaman siyang kakaiba o baka naninibago lang siya dahil matagal na nang may kinilala siyang babae.

"Wait!" tawag ni Hernan nang akmang aalis na si Gaile.

"Take care," pahabol niyang sabi.

"Thanks, mr. Hernan," nakangiti ulit na kumaway si Gaile sa binata. "Magkikita pa naman tayo kasi sa iisang building lang tayo 'no."

Hindi nasabi ni Hernan na paalis na siya ng Maynila. Para sa kanya ay hindi naman importante kung sasabihin niya ba o hindi.

"I'll see you around, ingat lagi," paalam niya sa dalaga.

Sa huling sandali ay ngumiti si Gaile at huling kaway ang binigay kay Hernan. Umuwi siyang masaya kasi nakita at nakasama niya sa kotse si Hernan, at nahalikan pa sa pisngi!

Napakasaya ng araw niya. Pagkasara niya ng pinto ay sumandal siya sa pinto at napagakip sa bibig niya. Sinilip niya si Hernan sa bintana. Paalis na siya. Napakagat-labi pa siya nang maalala na nag-shake hands sila, nahalikan sa pisngi, nakakuwentuhan, etc.

Sinampal niya ang sarili. "Gaile, di mo na siya crush, di ba? Bakit ang rupok mo?"

"Argh!" Napasabunot pa siya sa sarili.
"Di ko na siya dapat crush e!"

Nag-flashback kay Hernan ang lahat ng nangyari kanina. Habang nagmamaneho pauwi ay napapangiti siya. Hinawakan niya ang pisnging hinalikan ni Gaile kanina.

Sariwa pa sa alaala niya kung paano dumampi ang labi nito sa kanya. Ilang taon na nga ba siyang walang kiss, isa, dalawa, limang taon? Di na niya mabilang kung kailan ang huling kiss niya.

Tumunog ang kanyang phone. Si Ric ito, nagre-request ng video call kaya mabilis niya itong sinagot. Nakita niyang magkasama sina Ric at David sa camera.

"Zup, dude?" bati ni Ric.

"What's up, guwapong tropang Hernan?" Si David naman.

Napapangiti si Hernan, inaalala niya pa rin ang mga pangyayari. Parang bumabalik siya sa pagkabata, kung paano na-iinlove nang first time.

"You won't believe me," umpisa niya sa dalawa.

Nilapit ng dalawa ang mukha sa camera. "Teka, nasa kotse ka ba?" tanong ni David.

"Tanga. Obvious naman," untag ni Ric sa kaibigan. "Kita mo, nagda-drive, oh."

"Mukhang masaya ka diyan, ah," puna ni Ric kay Hernan.

"Ano'ng ganap bukod sa malapit na alis mo?"

"Gaile was here earlier," umpisa ni Hernan.

Nangunot ang noo ni David. "Who's Gaile?"

Napaisip si Ric at agad na naalala ang pangalang Gaile. "Yong babae sa pool?"

"Babae sa pool?" pag-ulit ni David habang pilit inaalala kung sino yon. Binatukan siya ni Ric kaya natawa si Hernan.

"Yong sexy at maganda sa staycation natin sa Makati," paliwanag ni Ric.

"Ahh, okay naaalala ko na." Natawa na rin ito sa pagiging ulyanin niya.

"Kailangan ipaalala pang sexy para maalala eh," biro pa ni Ric.

Binalingan ng dalawa ang kaibigang nagda-drive pa rin.

"Hinatid ko siya sa kanila," kuwento pa ni Hernan. "Kaya pauwi pa lang ako ngayon."

"Oh?" Di makapaniwala si Ric. "Paano? Saan?"

"Kinontak mo yong number niya tapos nagkita kayo sa isang hotel?" Naguguluhang tanong ni David.

"Hotel agad?" natatawang sabi ni Ric. "Ang advance mo naman."

"It turns out that she also works in the same building where I work. Nakita ko siya kanina sa labas tapos malakas ang ulan."

"Malakas ang ulan? Edi malamig," makahulugang sabi na naman ni David.

"Ehem, pinasakay sa kotse, malakas ang ulan, malamig. Mukhang. . ehem ehem."

Natutuwa ang dalawa para kay Hernan. Mukhang hindi na ito uuwing single.

"Wag nga kayo gumawa ng kuwento." Pinigilan niya ang dalawa na pagtagpi-tagpiin ang kuwento niya.

"Walang nangyari," inunahan na niya sila. "I swear, wala."

"May nangyari man o wala, di na importante yon," seryosong sabi ni Ric.

Umiinom naman ngayon ng tubig si David sa camera.

"Ang mahalaga, hindi ka na uuwing single. Di ba, David?"

Tumango naman si David. "Tama. Tama."

"Ang bilis magbago ng isip. Aayaw-ayaw pa noong una, tapos magde-date din pala," kantyaw pa ni Ric.

"Date lang ba talaga?" Nagkatinginan sina Ric at David at sabay na nagtawanan. Si Hernan ay natatawa na lang din sa kalokohan ng dalawa.

~~~~~~

Makalipas ang ilang araw . . .

Handa na ang lahat; mga gamit, maleta at pasalubong na dadalhin ni Hernan. Hinawakan niya ang mga pictures na nakasabit sa dingding ng apartment niya. Mayroong mga pictures niya noong bata pa siya, merong kasama ang lolo niya at napahinto siya nang makita ang picture niya kasama ang kanyang mommy at daddy.

Matagal na panahon na pero masakit pa rin para sa kanya ang nangyari. Buong akala niya ay happy ending na ang pamilya nila, mali pala siya.

"Dad, are you crying?" inosenteng tanong ng batang Hernan. Nakita niyang mag-isang umiinom ng alak sa kusina ang kanyang daddy.

Pinaupo siya ng daddy niya sa tabi niya. "Daddy's tired," dalawang salitang isinagot ng ama sa kanya.

"But why, daddy?"

Pinakita ng daddy niya ang picture ng pamilya nila sa phone nito. Masaya pa sila sa kuha ng litrato.

"We used to be a happy family, son."

"Yes, daddy."

"Hernan, alam kong bata ka pa pero-" Hindi maituloy ng kanyang daddy ang sasabihin. Tuluyan na itong napahikbi at nag-umpisang mangilid ang mga luha.

"Kailangan mo na 'to malaman."

"Daddy, ano po 'yon?"

"Your mom has another family." Limang salita lang yon pero pakiramdam ni Hernan ay sinaksak siya ng kutsilyo nang mga oras na 'yon. Limang salitang paulit-ulit na sumasaksak sa kanya hanggang ngayon.

Hinaplos niya ang picture niya noong bata pa siya kasama ang lolo Robert sabay sabing, "I'll see you soon, lolo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top