Chapter 1

Masayang nagtatawanan ang mga tao sa paligid. May mga kumikislap-kislap na ilaw rin at sinasabayan pa ito ng masiglang tugtugin. Sa pool, may mga babaing naka-swim suit at lalaking naka-shorts na naglalaro ng voleyball.

Nasa gilid lang si Hernan kasama ang dalawang kaibigan habang hawak sa kamay ang isang baso ng wine nang may lumapit na waiter sa kanya.

"Sir, may nagpapaabot po." Iniabot ng waiter ang hawak nitong maliit na papel. Nakiusyoso ang dalawa niyang kaibigang sina David at Ric.

Ani Ric, "Ano yan?"

Nagtatakang tinanggap ni Hernan ang papel sabay tanong ng, "Kanino galing 'to?"

Tinuro ng waiter ang isang babaing nasa gilid ng pool.  Umiinom ito ng fruit juice. Nakasuot ito ng white two-piece, maikli ang buhok, nakalubog ang paa na abot hanggang tuhod sa pool at nakatingin sa direksyon nina Hernan.

Nang makita iyon ni Hernan ay agad na umalis na ang waiter.

"Maganda ba 'yong babae, Hernan?" pabirong tanong ni David habang tinitingnan yong tinuro ng waiter kanina.

"Kamanyakan ni David," sumagot naman si Ric. "Isusumbong kita sa girlfriend mo."

Natawa na lang si David sabay sabing, "Survey lang. Di naman kayo mabiro."

Tiningnan ni Hernan ang nakasulat sa papel. Nakalagay rito, "Hi, ang guwapo mo."

Akmang itatapon niya sa sahig ang papel nang pigilan siya ni Ric.

"Patingin muna." Nakibasa na rin si David rito. "Ang guwapo mo," aniya.

Natatawang tinapik ni Ric ang balikat ni Hernan sabay sabing, "Ang lakas mo talaga."

Sa likod ng papel ay nakalagay ang contact number ng babae. Walang pakialam na nilagay na lang ni Hernan sa bulsa ng shorts niya ang maliit na papel at lumagok ng wine.

"Hindi mo man lang lalapitan yong babae?" tanong ni David.

"Tama. Palay na lumalapit, oh. Tukain mo na," pagsabay na rin ni Ric.

"You know me," pag-uumpisa ni Hernan. "I don't like it when a woman pursues a man."

Inakbayan siya ni David at pinayuhan. "Iba na panahon ngayon, Hernan. Wala ka na sa 1990's. Minsan nga, yong babae pa mismo nanliligaw."

"Sila pa mismo lumalapit pag gusto ka nila," untag pa ni Ric.

Umiling-iling si Hernan. "You can't change my mind."

Umalis sa pagkakaakbay kay Hernan si David at tumingin kay Ric saka nagtawanan ang dalawa.

"Hays, Hernan. Palay na nga lumalapit, oh," pagpipilit pa ni Ric.

"Mukhang tatandang binata itong supervisor Hernan natin," biro pa ni David saka naghalakhakan ang tatlong binata.

Sa malayo ay natatanaw ni Hernan ang babae at huli nyang nakatingin ito sa kanya. Malayo pa lang ay alam niyang hindi niya ito magugustuhan. Tumayo ang dalaga.

Nasilayan ni Hernan ang maputing balat nito, makinis at kahit malayo ay nakikita niyang maganda siya. Sinulyapan siya nito saka naglakad na palayo.

Habang tinitingnan pala niya ang babae ay nakatingin din ang dalawa niyang kaibigan sa babae. Muli nilang ininis si Hernan.

Tanong ni Ric, "Ayaw mo pa rin, Hernan?"

Walang reaksyon ang mukha ni Hernan na pinagpapatuloy lamang ang pag-inom ng wine. Nangangalahati na siya ng baso nang iabot niya kay Ric ang baso.

"Magbibihis na ako," nagmamadaling paalam ni Hernan. Di man lang hinintay na makasagot ang dalawa. Dali-dali na itong naglakad paalis.

"Teka-- ang aga naman--"

"Hayaan mo na," sagot ni David. "Baka nagbago isip. Tutukain na niya yong babae."

Nagtawanan na naman ang dalawa at si Ric na ang umubos ng wine ni Hernan.

~~~~~~

Pinupunasan ni Hernan ang kanyang basang buhok habang nakaupo sa kama nang pumasok sa loob ng kuwarto sina David at Ric na nagtatawanan at mukhang lasing na. Bukod kasi sa wine ay uminom pa ng alak ang dalawa kanina pagkaalis ni Hernan.

Patumba-tumba na si David pero si Ric ay nasa katinuan pa. Dumiretso sa shower si David pagkatapos na hilahin ang nakasabit na tuwalya sa labas ng CR.

Si Ric naman ay tumabi kay Hernan at pagod na humiga sa kama.

"Ano, tinawagan mo na ba yong number sa papel?" usisa nito sa kaibigan.

"Hindi," tipid na sagot ng binata.

Bumangon sa pagkakahiga si Ric. "At bakit?"

"Wala. Ayoko lang."

Napakunot ang noo ni Ric. Mula ulo hanggang paa ay tiningnan niya si Hernan.

"Hernan, di ka naman bakla 'no?"

Natawa si Hernan at tumayo sa tabi ng bintana. Wala siyang t-shirt nang mga oras na ito. Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang shorts at binalingan si Ric.

"Tingin mo ba?" balik niya kay Ric.

"Mukhang hindi naman. Kami na nga gumagawa ng paraan para magka-girlfriend ka, ayaw mo naman."

"I tried, but I'm looking for something to someone."

Sumeryoso ang usapan nila. Umayos ng upo si Ric. "Ano'ng hinahanap?"

"Basta," tipid niya na lang na sagot. Kahit siya ay hindi naman talaga niya alam kung ano yon.

Di nga naman maikakaila na marami magkakagusto sa tulad niya dahil bukod sa pagiging magandang lalaki ay masipag at may kaya pa.

Hindi naman siya 6 footer. Sakto lang sa height na 5'9. Di rin sya maputi, moreno lang pero matangos ang kanyang ilong, malaki ang mga braso, at kulay-kayumanggi ang kanyang bilugang mga mata. Bukod pa rito, si Hernan ay may lahing Espanyol. Espanyol ang tatay ng kanyang lolo Robert.

Dugtong pa niya, "I need to focus in myself for now. Girls bring stress."

Tumango lang din si Ric sa sagot ng kaibigan.

"Tama ka dyan lalo na yang stress. Mga babae masakit sa ulo. Ilang taon ka na nga ulit, Hernan?"

"I'm thirty four," mabilis na sagot ni Hernan.

"Woa! Wala na sa kalendaryo edad mo. What if yong hinahanap mong babae ay baby pa lang ngayon. Paano yon?"

Napatawa na lang si Hernan sa tanong ng loko-lokong kaibigan. Di pa man sya nakakasagot ay nakalabas na sa CR si David. Nakabalot ng tuwalya ang pang-ibaba nito at narinig pala ang usapan nila.

"Ako sasagot ng tanong mo, Ric," pagsingit ni David.

"Kung baby pa lang yong para diyan sa tropa natin, walang problema."

Kumindat ito kay Hernan.

"Age doesn't matter, di ba?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top