CHAPTER 1

CHAPTER ONE

ALL that she wanted was support from her parents for choosing modeling over running their business. She couldn't afford to sit in the office all day and do paperwork or go on a trip to visit their sites, lands, and other housing and condominium projects.

Sometimes, she just wanted to be a rebellious child, but she knew she couldn't live yet without depending on her parents' financial support. She's scared to be poor, to live in a small ugly house, or to ride in public vehicles. No way!

Kaya naman kahit hindi aprubado ng magulang ang trabaho niya, kahit madalas na nasesermunan niya, nanatiling matibay ang loob niya at matigas ang ulo na ipagpatuloy pa rin ang pagmomodelo.

Nasasanay na siya sa mga sermon ng mommy at daddy niya pero kalaunan, tumitigil din naman ang mga ito kapag nakikitang nasasaktan na siya, at minsan ay umaarte pa siyang umiiyak para lang matigil na ang mga ito.

Hindi rin siya matiis ng magulang, na kahit hindi na gusto ang ginagawa niya, wala, hindi talaga siya mapigilang huminto.

"I don't want to have a rebellious child, Campbell!" She heard her mom's voice from the backyard's swimming pool. She was talking to her father. "Let that kid do whatever she wants. Magsasawa rin 'yan sa pagmomodelo."

Ang ikinaganda lang siguro sa sitwasyon niya, may dalawa siyang kapatid na tumutulong sa negosyo. Siya ang bunso at siya pa talaga itong matigas ang ulo, huh.

Bakit kasi hindi na lang tanggapin ng daddy at mommy niya na ito talaga ang kapalaran niya, ang pagmomodelo.

"Suwail talaga 'yang bunso natin. Tanggapin mo na, Pamela," ani ng daddy niya. "I will never support her modeling." He was shaking his head, very disappointed.

"Maybe, shes just confused about what she really wants in life. She's enjoying that modeling because her friends are in that industry. Sa kumpanya natin, wala ang mga kaibigan niya. And she's still young. Let's just give her the life she wants for now."

Marahil ay suko na rin ang mommy niya sa pagbabawal sa kanya sa pagmomodelo kaya ganito na ang naririnig niya. Medyo sumasang-ayon na ito sa kanya o baka pinagbibigyan lang talaga siya.

"You're spoiling her kaya 'yan naging suwail. Hindi na lang gumaya kina Amara at Asher," tukoy nito sa mga kapatid niya. "They are already successful and they stopped spending our money because they earn enough from working for our company. How 'bout your little spoiled brat, huh?"

Napanguso siya. Hindi gano'n kalaki ang kinikita niya. Mas mahal pa ang isang Chanel na bag niya kaysa sa isang buwan na kita.

Nag-uumpisa pa lang naman siya at sa katulad niyang beginner, kailangan ay maging sapat muna sa kanya ang perang pinaghihirapan, kung hindi ay susuko talaga siya. Kaya pinagtiyatiyagaan niya ang maliit na halaga ng pera galing sa pagmomodelo.

Naisip niya rin na maghanap na lang ng bagong agent. Matumal ang agent niya, at hindi siya mabigyan ng magandang raket. Sa susunod, 'yon ang pagkakaabalahan niya—maghahanap siya ng bago.

"She earned a little," her mother said in a weak tone, but there was a smile on her lips. "At least, she earns, right? Pinaghirapan niya 'yon. Dapat lang na kumita siya kahit papa'no."

"And how many bodyguards does she have? Two, right? Pablo and Renato? One driver and her personal assistant?" His father shook his head again. He then laughed without humor. "She can't pay them with her small earnings. Pinapagod niya lang ang sarili niya sa trabaho niyang 'yan."

"Pero sa pagmomodelo ako masaya," kausap niya sa sarili sa mahinang boses. Pinagkakasya niya ang sarili sa sulok, sa gilid ng halamanan, huwag lang siyang mamataan ng magulang.

"Ano ang gusto mo? Tanggalan siya ng bodyguard?"

Kinabahan siya bigla sa isasagot ng ama. Hinawi niya ang bulaklak upang makita pa ang mga ito.

"Maybe one is enough. Dito lang naman siya sa Maynila."

"You gotta be kidding me, Campbell."

"No, I'm serious. Kung gusto niyang dalawa ang bodyguard niya, bayaran niya 'yung isa."

"I can live without a bodyguard or with only one," she murmured. "But I can't live without Ate Evie." She was pertaining to her personal assistant.

"Then, I'll talk to her about that."

"Mabuti pa dahil hindi ko kakausapin ang batang 'yan." Ang daddy niya, galit talaga sa kanya.

Nang pumorma na aalis ang mommy niya ay mabilis siyang pumasok sa mansyon nila. Napatili pa siya nang masalubong si Aling Nora na may dalang tray ng merienda at orange juice.

"Hay, aatakihin ako sa 'yo sa puso," anito na nagulat din sa presensya niya.

"Kina Daddy 'yan?" Turo niya sa tray.

"Oo, ihahatid ko."

"Ako na. Ako na ang maghahatid." Hindi pa ito nagsasalita ay kinuha niya na 'yon at masayang nagpunta sa swimming pool area.

"Hi, Dad! Hi, Mom!" magiliw na bati niya. "Merienda!" Inilapag niya 'yon sa lamesa at nagkalansingan ang mga baso at plato sa walang ingat niyang paglapag. "Oops."

Hindi siya pinansin ng daddy niya. Ang mommy niya naman ay nagkibit lang ng balikat.

"Pupuntahan sana kita sa kwarto mo, anak. May sasabihin ako."

Alam niya na 'yon. Narinig niya na.

"Ano po 'yon?"

Naupo siya sa sun lounger. Malilim na at nakakahalina ang lumubog sa tubig sa pool kung hindi lang siya kakausapin ng ina.

"Kianna," my name escaped from her lips. "We decided to remove one of your bodyguards. You choose between Pablo and Renato to be your guard."

"Si Kuya Renato na lang."

Umangat ang isang kilay ng mommy niya sa mabilis niyang sagot at walang reklamo na narinig sa kanya. One guard was enough!

"Pero, saan magtatrabaho si Kuya Pablo?"

Matigas ang ulo niya pero concerned naman siya sa mga tauhan nila kahit papano.

"We will bring Pablo back to Campbelland Tower as one of our securities."

Tumango siya. "Sige po, ayos lang sa 'kin ang isang bodyguard... kahit nga po wala na. Wala namang ki-kidnap sa 'kin."

"Mas maganda na ang mayroon, anak. We don't want to risk our children's lives."

Kianna was really not sure how wealthy they were. She didn't really care though. Ang alam niya lang ay kailangan nilang magkakapatid ng bodyguard. Simula pa pagkabata ay mayroon na silang bantay kaya hindi na malaking bagay sa kanya na palaging may nakasunod sa kanya.

"Oh, by the way, next week, we are going to celebrate the anniversary of Campbelland. You should be there."

"Oh no, I can't. I have a photoshoot in El Nido."

"No, you should be there."

"I can't, Mom."

"It's in the evening. I'm sure you have already arrived in Manila."

"I'd stay for one more night, then leave the next morning."

"No, leave in the evening and go straight to Campbelland Tower." Hindi papatalo ang mommy niya. Pinipilit talaga siya pero hindi rin siya magpapatalo.

"Hindi nga pwede, Mom, dahil may shoot pa ako kinabukasan-"

"Kianna Avarie!" Kapag buong pangalan na ang itinawag nito sa kanya, alam niyang hindi na nga ito dapat pang suwayin.

"Alright." Labag sa loob na pagsuko niya. "I will try—"

"Be. There." There was a finality in her mother's voice. "Kung hindi ka magpupunta, ako mismo ang sisisante kay Evie!"

"No way!" Napatayo siya, tutol sa pagsisisante nito sa personal assistant niya. "I will come but don't expect me to be early because I still have some things to do before I leave the island."

"Okay, that's enough. We will see you on our company's anniversary."

"And don't expect me to stay longer and mingle with the employees. I need to rest, Mom."

Matagal siyang tiningnan ng mommy niya bago bumuntonghininga at inirapan siya na para bang ang sakit niya talaga sa ulo.

THE BEAUTIFUL island of El Nido made her want to stay for another couple of days, but her mother kept on reminding her about the party tonight in Las Piñas. They finished their third shoot, and they were resting now.

"Kianna, is it true?" her co-model, Iris, asked.

Ibinaba niya ang ang sunglasses at tiningnan ito. Iris was wearing her revealing maroon one piece, and her cleavage was waving at all the people around them. Mapa-foreigner o Pinoy, napapatingin talaga rito dahil sobrang agaw eksena. Kanina ay nakita niya ito na nakatalikod, labas ang magkabilang pisngi ng pang-upo.

"What?"

"Kielton Grande's band will perform tonight on the anniversary of your family's company?" Iris giggled.

Hindi naman ito nakikipaglapit sa kanya nang husto, ngayon lang. Karibal ang tingin nito sa kanya pero ngayon ay animo gustong makipagkaibigan.

"Who's that? I don't know." Ibinalik niya ang malaking salamin sa mata at itinuon ang atensyon sa kulay asul na tubig dagat na nasa harapan.

Kianna was comfortably laying in the sun lounger, next to her was Ate Evie. They were both enjoying the view and her mood was starting to get ruined with Iris' presence.

"You don't know him?" medyo dismayado nitong tanong. "You better go with me next time at D' Club and meet Kielton and his friends."

"I'm not interested." Like how I'm not interested in talking to you.

"Well, maybe he's not really your type. Mayayaman din yata ang tipo mo katulad niyo." Pumuwesto ito sa kabilang sun lounger. "But I like to get near him again."

"Okay." She shrugged, cutting off that boring conversation.

"Can you help me?"

Umirap siya. Does this woman really think they are friends?

"Help you with what?"

"Can I go with you tonight to your company's party?"

"Kianna, hindi pwede ang outsider do'n," bulong ni Ate Evie sa kanya. "Mahigpit ang seguridad dahil sa mga bisita ng daddy mo."

Narinig 'yon ni Iris kahit na ang hina na ng boses ni Evie.

"I'm sure I can enter because I'm friends with Campbell's daughter, right, Kianna?" Sinulyapan niya si Iris na may magandang ngiti sa kanya.

"As far as I remember, we are not friends, Iris. I don't even remember you treating me as your friend. So, no."

"How dare you..." Napabangon ito, nagalit sa sinabi niya. Nagsasabi lang siya ng totoo, 'no!

"At, 'wag mong makanti-kanti 'yang alaga ko, Miss Iris. Ako ang makakalaban mo," singit ni Ate Evie na bumangon na rin, handang-handa siyang protektahan sa magtatankang manakit sa kanya.

Samantalang siya ay komportable lang na nakahiga ro'n, walang pakialam sa nanggigigil na itsura ni Iris.

"May problema ba?" tanong ni Kuya Renato nang lapitan sila.

Naka-summer outfit ito. Pinagpalit niya ito ng uniporme na palaging gamit dahil ayaw niyang kumuha sila ng atensyon sa lugar na 'yon, na sa beach lang ay may bodyguard pa siyang dala.

"Wala, Renato." Si Ate Evie ang sumagot, kaya umalis lumayo rin kaagad ang guwardiya niya.

Kianna yawned dryly. She was annoying Iris, showing to this woman that she's not threatened with her anger towards her.

"What's with that..." Nakalimutan niya ang pangalan na binanggit ni Iris. "... whoever is that man's name. What's with him? Why do you like to get near him?"

"Because I like him," Iris answered simply.

"Ex-boyfriend?"

"No."

"Ano lang?"

"It's adult stuff, Kianna. You wouldn't understand."

"Kung hindi mo sasabihin, hindi kita tutulungan na makita ang lalaking 'yon," aniya, inignora ang tingin nito sa kanya na masyado siyang bata para hindi maintindihan ang ginagawa ng matatanda sa kanya.

Bumalik sa pagkakaupo si Iris, kumalma na.

"I had a one-night stand with him," Iris trailed off. "I can't forget him. He's so good."

"Dapat kasi ginalingan mo rin para hindi siya lumayo sa 'yo," payo niya pa na akala mo ay may karanasan na siya sa ganoong bagay.

"Kahit gaano pa kagaling ang babae, balewala sa kanya 'yon. Kielton has a rule when it comes to his women, and he always follows it."

"What are these rules?" She's getting curious.

"It's only a one-night stand. After that, he will forget you."

"And that's what that asshole did to you? He forgot you after a one-night stand with him?" Kianna was disgusted. "He's not worth your time, Iris. Forget it. Hindi na kita isasama sa party."

"But Kianna... I want him so bad. You don't understand me. I think I'm in love with him." Iris looked problematic.

Pero buo na ang desisyon niya. Hindi niya ito isasama para mailayo sa gano'ng klaseng lalaki! Hindi niya ipapahamak ang kapwa niya babae. 'Yon na lang ang tangi niyang magagawa para matulungan si Iris.

"You're not in love with him, Iris. Siguro ay sobrang galing lang niya sa kama kaya hindi mo siya makalimutan."

"He is. He's really good. He has an expert pierced tongue. Oh, geez, the rumors were right. Kielton Grande is a beast in bed that you won't forget everything that he did to you."

Kianna cringed. How did Iris manage to tell her that private matter? And she sounded so proud that she had a one-night stand with that asshole. She couldn't believe this.

Was that lust over love? Mas nangingibabaw na ba talaga ang makamundong pagnanasa kaysa sa tunay at purong pagmamahal?

Ang pagmamahal ay napakasagrado para sa kanya. Hindi niya 'yon basta-basta ibibigay sa isang lalaking walang kasiguraduhan sa kanya. Sa pag-ibig, kailangan maging matatag ng puso natin dahil ang pagmamahal mismo ang sisira sa atin kapag hindi tayo nag-ingat.

Maling pagmamahal sa maling tao, 'yan ang ayaw niyang maranasan. Sana ay maiwasan niya kung darating man iyon sa kanya. Sana.

IT WAS very tiring, but she needed to attend the party. Gabi na nang makalapag sila sa Maynila. Nagpahatid pa siya sa mansyon nila para makapag-shower at naroon din ang susuotin niya.

"I don't need you there, Ate Evie. Magpahinga ka na," aniya habang tinutulungan siya nitong ayusin ang kanyang buhok.

Evie was curling the tip of her ash-gray hair while she's doing her own makeup in front of her vanity mirror in her bedroom.

"Sigurado ka, ha?"

"Yes."

"Paano si Iris? Baka nag-aabang 'yon sa tower."

She paused from putting a nude lipstick. She pouted her lips to check if the lipstick was enough or she needed to put more.

"Kahit ano pa ang pagmamakaawang gawin niya, hindi ko pa rin siya isasama sa party. Iris doesn't deserve that asshole."

Kumukulo talaga ang dugo niya kapag naaalala ang mga kabaliwan ni Iris sa lalaking 'yon. Kahit gaano pa ka-guwapo, hindi pa rin tama na maglaro ng damdamin ng mga babae!

"Gwapo talaga kasi 'yon," segunda ng kausap niya kaya inangatan niya ito ng kilay sa repleksyon ng salamin, pero dahil matagal na siya nitong alaga at kilala, hindi na umeepekto ang pagtataray niya. "At balita ko, anak mayaman 'yon. Hindi ko lang sigurado kung totoo nga talaga."

"I don't really care."

"Gano'n ang mga tipo mo, Kianna. May mga tattoo."

Kianna arched her brow again. She admits, a man with tats attracts her, but it still depends on the tattoos and the man's appearance as well. Ayaw niya ng sobrang burdado ang katawan na parang galing sa selda.

"But I hate womanizers very much!"

Tumango si Ate Evie. Alam nito kung gaano katindi ang disgusto niya sa mga babaero. Hindi kailanman siya ulit mahuhulog sa mga gano'n klaseng lalaki!

Kung hindi pa siya makatanggap ng tawag ulit galing sa mommy niya, hindi pa siya magmamadali na umalis sa mansyon.

From their mansion in Alabang Village, they traveled to Las Piñas. She's with Kuya Renato and Pablo. Pablo became her driver. Ang dating driver niya ay isa na sa driver sa kumpanya nila kaya parang dalawa pa rin ang bodyguard niya kung tutuusin.

"Mommy, on the way na nga," iritadong sagot niya dahil paulit-ulit ang ina sa pagpapaalala sa kanya na dumalo siya. "Here, talk to Kuya Renato para maniwala ka."

Ibinigay niya ang cellphone sa bodyguard niya na nasa unahang upuan.

"Yes, Madam, on the way na kami," she heard him say that, before he gave back her phone.

"Okay, see you soon, anak."

"Okay, Mom." Then she cut the line.

Ilang sandali pa nang makarating sila sa mataas na gusali ng Campbelland. This was the main branch office. Her favorite place in this building was the rooftop. When she gets bored at the party, she can spend her time on the rooftop while watching the city lights.

Binati kaagad siya ng mga guwardiya sa lobby nang makapasok siya. Behind her were her bodyguards.

"Good evening, Ma'am."

Head high and chin up, she just nodded at the security.

"Kuya, okay na ako. Take your time na," aniya sa dalawang guwardiya niya.

"Okay, Ma'am."

Hinatid pa muna siya ni Kuya Renato sa elevator. Mag-isa siyang sumakay ro'n papunta sa palapag kung saan ginaganap ang anibersaryo ng kumpanya nila.

The elevator door opened on the right floor. Her cellphone vibrated inside her crystal purse while walking to the hallway.

Ate Amara is calling...

"Hello, Ate?" aniya nang sagutin ang tawag.

"Where are you, our little brat?" Medyo maingay na sa kabilang linya.

"Just arrived."

"Oh, you're not late, huh? That's a miracle."

"I don't wanna go here! But Mommy forced me."

Tinawanan lang ng kapatid ang sinabi niya bago nagpaalam.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang may tumawag sa kanyang pansin.

"Hey." It was a man's voice. She paused as she heard someone from behind. Wala naman siyang kasunod kaya na-alerto siya kung saan galing ang sinoman itong nagtangkang kunin ang pansin niya.

Slowly, she turned around to face him and she almost caught her breath when she saw a gorgeous man walking towards her direction. The black sleeveless shirt that was open on both sides he's wearing revealed the flame tribal tattoo on his right forearm. He's so tall that she felt small with her five and six eight inches height. His hair was in top knot style which she could only see on some of the male international models.

Hindi lahat ng lalaki ay deserve ang hair style na 'yon, pero sa lahat ng nakita niyang lalaki na nakatali ang buhok, itong isa sa harap niya ang pinakanagbigay kahulugan kung gaano kaangas at kalakas ang dating ng hair style na 'yon.

Pakiramdam niya ay hindi makatarungan ang sobrang pagiging magandang lalaki nito. He carried himself confidently and arrogantly, and it annoyed her for some reason.

Siguro ay dala ng inis, pagkabigla, kaba, pagod, at ang katotohanang hindi niya matanggap na naguguwapuhan siya sa lalaking kaharap ang nagdala sa kanya sa pagbato rito ng mga paratang na hindi niya rin inaasahan na lalabas galing sa kanyang bibig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top