CHAPTER 4
CHAPTER FOUR
"HANGGA'T hindi pa humuhupa ang galit ni mommy sa'kin, sa condo muna ako ni kuya tutuloy," ani Yane kay Akira.
Katatapos lang nilang asikasuhin ang mga dapat gawin sa unibersidad na pinapasukan bago tuluyang magsara ang unang taon nila sa kolehiyo. Pareho sila ni Akira ng kurso at magkaklase kaya hindi na rin nakapagtatakang mabilis silang nagkasundo unang araw pa lang sa eskwela.
They are in one of the coffee shops in BGC. It's walking distance from her brother's condo unit.
"Bakit kasi hindi mo na sabihin sa Kuya Keith mo ang totoo, Yane? He's clueless about what really happened to your father. Kaya nagkakaganyan ang mommy mo dahil sa ginawa ng daddy mo, di ba?"
Tumango siya. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit sa kanya ibinubunton ng ina ang galit sa kasalanang ang daddy niya naman ang gumawa. Hindi iyon makatarungan sa totoo lang pero ano ba ang magagawa niya?
Pilit na iinitindihin niya na lang ang pagtrato sa kanya ng mommy niya dahil alam niyang masakit ang pinagdadraanan nito.
"Galit si kuya kay daddy dahil sa biglang pag-alis nito, at alam kong mas magagalit siya kapag nalaman niya ang totoo. Na may iba na si daddy. Hindi na siguro talaga makukumpleto ang pamilya namin."
Malungkot siyang tiningnan ni Akira. Mabuti na lang at mayro'n siyang kaibigang nasasabihan niya ng problema at iba pang bagay na hindi niya magawang ipaalam sa kapatid.
"Tingin mo ba ang paglilihim ang mabuting paraan?"
"Hindi ko alam. Pero, ayoko na sanang dagdagan pa ang problema ni Kuya Keith. Masyado nang inokupa ni mommy ang oras niya. Ang alam ko nga ay nag-file siya ng leave para lang maasikaso niya nang maayos si mommy."
"Keith Tuazon is really an ideal man." Akira sighed dreamily. "May girlfriend na ba siya?"
Umirap siya sa kaibigan. Hindi pa nito nakikita nang personal ang kapatid niya, sa litrato lang, at alam niyang humahanga rin ito sa Kuya Keith niya.
"Wala akong nakikitang girlfriend niya at wala rin naman siyang ipinakikilala."
"Maybe, he's really single. Or, he's hiding his girls."
Ni isa ay wala pa siyang nakitang babaeng kasama ng kapatid. Madalas siyang magtaka kung may nobya na ba ang Kuya Keith niya, pero minsan ay mas pinipili niyang sarilihin na lang ang tanong sa isip tungkol sa buhay pag-ibig nito.
"Kuya Keith is very private. Sabi niya ay wala pa siyang balak mag-asawa kaya nasisigurado kong wala siyang girlfriend ngayon, o kung meron man..."
"... Kung meron man baka fuck buddy niya lang?" patuloy ni Akira na nagpalaki ng mga mata niya.
Fuck buddy? What?
Tinawanan ng kaibigan ang reaksyon niya.
"Ano ka ba, Yane? Tingin mo ba zero ang sex life ng Kuya Keith mo? Sa itsura niyang 'yon?"
"Ayokong isipin."
Alright, she gets curious sometimes about sex and making love, pero hindi siya dumating sa puntong iisipin niyang may ka-sex ang kuya niya! Parang nag-iinit ang buong mukha niya sa ideyang 'yon.
"Ang sabi pa naman nila, swabe raw gumalaw 'yang mga militar. I can almost imagine Keith on bed, naked... oh my!" Akira giggled and she cupped her face using both of her palms. She was blushing! "I wonder how many packs he have?"
"Stop na, please. Ang dirty mo."
Tumawa lang ito at tuwang-tuwa sa pinag-uusapan nila.
"Ipakilala mo naman ako sa kuya mo, Yane. Kailan siya bibisita sa'yo?"
"Mamayang gabi magpupunta siya. Kaso, uuwi ka sa bahay ng mommy mo, di ba?"
"Hindi. Hindi muna ako uuwi. Mag-overnight na lang ako sa condo niyo."
Pinanliitan niya ito ng mga mata. Naramdaman niyang gustung-gusto talaga nitong makita sa personal ang kapatid niya. Knowing Akira, she's a bit naughty.
"Okay. I will introduce you to my brother, but don't be so naughty at him."
"I'm not naughty. Alam kong seryosong tao 'yang mga gaya ni Keith. Remember, my brother is in military, too."
"Yes, thanks for reminding me about it."
"Ah! I'm excited to meet Keith! My ideal man aside from my Kuya Neilsen!"
Napangiti siya sa kaibigan. She's like Akira. They both admire their brothers. Pareho nilang gustong makakilala ng ganoong klaseng lalaki balang araw.
INAASAHAN na ni Yane ang pagdating ng kapatid kinagabihan, pero ang hindi niya inaasahan ay ang kasama nitong dumating.
Sporting a dark blue polo shirt and khaki pants, Howell stood next to his brother with a grim line on his lips, watching her being shocked because of his presence.
"P-Pasok kayo." Niluwagan niya pa ang pinto.
Parehong mataas ang dalawa kaya talagang nanliliit siya nang makatapat sa kanya.
"Hi! I'm Akira! Yane's best friend."
Napailing siya sa ipinakitang ka-agresibuhan ng kaibigan na sinalubong ang dalawa at unang naglahad ng kamay sa kuya niya.
"Nice to meet you, Akira." Her brother casually shook Kira's hand. "Keith."
"I'm pleased to meet you, Keith." Malapad ang ngiti ng kaibigan.
"Call me Kuya Keith." Medyo magaspang na sabi ng kuya niya, tapos ay nagpunta sa kusina.
"Oh." Akira chuckled. Oh, her poor friend. "Uh, hello, I'm Akira, and you?" anito kay Howell nang mahimasmasan sa ipinakitang kagaspangan ng Kuya Keith niya.
"Howell."
Kaswal na nagkamay ang dalawa at bumalik na sa upuan si Akira. Habang siya ay nakatayo pa rin doon, nabibigla pa rin sa muli nilang pagkikita ni Howell.
She could still remember the night he told her about her smell, about how much he likes it. Hindi sila madalas nagkaka-text at hindi rin naman siya nauunang mag-text. Alam niyang busy na tao ang gaya ng binata, kaya naman hindi na rin siya umasa pang madurugtungan ang huli at unang gabing nagkausap sila.
"U-Upo ka," aniya, pilit na ngumiti.
Howell found his seat, in front of her friend who kept on ogling at her brother in the kitchen. Muli siyang napairap. Hindi ba tinatablahan itong si Akira? Ayaw pa ring sumuko?
Sa totoo lang ay medyo nabigla siya sa ugaling ipinakita ng Kuya Keith niya. Did he just turn down Akira? Alam kaagad nito na may paghanga ang kaibigan? At hindi nito gusto iyon?
"I did not know you're with your friend, Yane," sabi ng kuya niya nang makabalik sa sala.
"Hindi ko na naisip sabihin sa'yo, kuya. Dito rin pala matutulog si Akira ngayong gabi."
"Okay. I have something important to discuss with you."
Nagkatinginan sila ng kaibigan at nagpapasalamat naman siya dahil nakaramdam ito.
"Sa kwarto muna ako. Excuse me." Tumayo na si Akira at magalang na nagpaalam.
"That's the reason why Howell is here," patuloy ng kapatid.
Sumulyap siya kay Howell. He's not looking at her though. Nasa kabilang gilid ito ng upuan kaya kung titingnan niya ito nang mas madalas pa ay mahahalata na ng kuya niya na nasa katapat niyang upuan.
She needs to control herself and keep her eyes away from him.
"Mom's condition is getting worse, Yane. Ayoko itong gawin sa kanya pero ito lang ang naiisip kong paraan para bumalik siya sa dati."
"Ano 'yon, kuya?"
Wala siyang ideya sa kung ano man ang plano ng kapatid, pero kung iyon nga lang talaga ang paraan para mapabuti ang lagay ng ina, hindi siya mag-aatubiling makipag-cooperate.
"We decided to bring her to the rehabilitation center."
Nakaramdam niya ng pagkahabag sa mommy niya. Bakit kailangang umabot pa sa ganito ang lahat?
"P-Pumayag siya?"
Her brother nodded his head. "But in one conditon."
Hindi niya matukoy ang pagdaan ng kaba sa dibdib.
"Ano?"
Napabuntong-hininga ito at napatingin kay Howell na tahimik lang.
"She wanted you to leave home."
Napahilamos siya sa mukha gamit ang mga palad. Ang pagguhit ng kirot sa puso niya ay hindi niya maitanggi.
"But don't worry, sweetie." Lumapit na sa kanya ang kapatid. He squatted in front of her and held her shaky hands. "You can stay here. Okay? Hindi naman kita pababayaan."
Naluluhang tumango-tango siya. Ano pa ba ang magagawa niya? Para sa ikabubuti ng mommy niya, handa siyang umalis sa bahay nila.
Ang mahalaga sa kanya sa mga sandaling 'yon ay sa wakas, mabibigyan na ulit ng pagkakataon ang ina na bumalik sa normal nitong buhay.
"H-Hindi ko rin siya pwedeng makita, kuya?" humihikbing tanong niya, nasasaktan pa rin talaga.
"She wanted to be alone. We will let her be."
"We will give you updates about her though," Howell said.
"Howell's family owns a rehabilitation center, too. Mommy will be there soon," imporma sa kanya ng kapatid.
"Saan 'yon?"
"It's in Tagaytay."
"P-Pwede ba akong bumisita? Na hindi malalaman ni mommy."
"Sure," Howell answered shortly.
"You can visit anytime without mom's knowledge. Sabihin mo lang kay Howell para maabisuhan niya ang mga empleyado nila ro'n."
Muli niyang ibinalik ang tingin sa binata. Masuyo lang itong tumango na tila sinasabi sa kanyang handa itong tulungan siya at pagbigyan ang mga gusto niyang mangyari.
"I will be leaving next week, Yane."
Naguguluhang ibinalik niya ang atensyon sa kapatid. Nakaupo na ito sa tabi niya, marahang hinahaplos ang mahaba niyang buhok sa likod. Inaalo pa rin siya nito kahit na medyo kumalma na ang pakiramdam niya.
"Mawawala ka na naman ng ilang buwan? Paano na ako, kuya? Wala si mommy, wala rin si daddy."
Keith took a deep sigh. He looks stressed, but still very handsome.
"Then, it's time for you to stand on your own. Be an independent girl. This is what you wanted to do, right?"
"Right, but..." Yane pouted her lips a bit. "Ang lungkot naman nang mag-isa."
"Yes, but this is life. We need to deal with all of these."
"Sana naman magbago ka na ng trabaho, kuya."
Keith let out a short laugh. Napailing ulit ito.
"At sana nandito ka sa 18th birthday ko. Kung hindi, ako lang mag-isa ang magse-celebrate?"
Wala pa man din ay nakikita niya kung gaano magiging malungkot ang espesyal na kaarawan niya.
"Of course, I will be here on your birthday." Ginulo nito ang ibabaw ng ulo niya.
Naiiritang tinapik niya lang ang kamay ng kapatid at hindi sinasadyang napatingin kay Howell. Ang malalim na mga mata nito ay tila bahagyang nagdilim. Kalaunan ay nag-iwas ng tingin sa kanila.
"Kahit walang handa, kuya. Basta nando'n ka lang sa araw na 'yon."
Malambing siyang humilig sa balikat ng kapatid kaya ang mga mata niya ay napunta kay Howell. Tila ba habang lumilipas ang mga minuto ay dumidilim nang dumidilim ang mukha nito. Ang dati nang seryosong awra ay naging mabigat sa paningin niya.
It feels like he was silently fighting with the demons inside of him.
"Excuse me," paalam ng kuya niya nang mag-vibrate ang cellphone sa bulsa.
Keith went to the balcony, leaving her with Howell.
"How's school?" he asked casually.
Gustong umangat ng isang kilay niya dahil sa ito ang naunang makipag-usap sa kanya. Tandang-tanda niya pa nung una nilang pagkikita sa D' Club, ni hindi siya nito tinapunan ng kahit sulyap lang.
"Tapos na po. Bakasyon na po namin."
Nakita niyang naging iritado ang mga mata nito. Tila may hindi ito nagustuhan sa sinabi niya.
"Cut that po."
Ngumuso lang siya. Nasusungitan talaga siya kay Howell kapag sinasabi na nito ang mga ayaw. He's straightforward. He tells whatever is in his mind.
"Kuya Howell..." she murmured teasingly.
Mas lalong rumehistro ang iritasyon dito na lihim na nagpapangiti sa kanya.
"Oh, fuck that kuya thing, baby. I'm not your brother and I will never be."
Sa mga sinabi nito, ang baby lang ang tanging naging malinaw sa pandinig niya!
"Mas gusto ko 'yang baby kaysa sa kid."
And for the first time, she heard Howell let out a short hearty laugh. He obviously did not expect her to say that. Why not? She likes it better. Calling her baby is much more soothing than kid.
"Yeah?"
"It's much more better than kid."
"Brute, let's have some dinner here before we go to D' Club." Nahinto sila sa usapan nang bumalik na ang kuya niya.
"Okay."
"Sige, kuya, magluto ka na. Gusto ko ng..." Nag-isip siya at napatayo.
Sumunod siya sa kusina kung nasaan ang kapatid, naghahanda ng lulutuin. He's a good cook.
"What do you like to eat?" he asked.
"Hmm, how 'bout beef steak?"
"Beef steak then. Howell likes that too, right, brute?" Silip nito sa ibabaw ng balikat niya.
Wala sa sariling lumingon siya at nakitang naglalakad papunta sa gawi niya ang binatang doktor. Halos maputol ang paghinga niya nang tinabihan siya nito sa pagtayo sa island counter.
Ilang minuto silang dalawa ro'n na pinanonood ang Kuya Keith niya sa pagluluto.
"Bakasyon niyo na, Yane?"
"Opo, kuya."
"Any plan this summer?"
"Wala pa naman. Wala naman din akong makakasama mag-travel dahil uuwi si Akira sa bahay nila sa probinsya. Dito na lang ako sa condo mo."
"You can stay in Altaraza Hotel. I have VIP access."
"Talaga?" It excites her. "Gusto ko. Kailan pwede?"
"It's up to you. I will give you my card."
Lumapad ang ngiti niya. Kahit papano ay napawi ang kalungkutan sa dibdib niya.
"Pero, ako lang mag-isa? Hindi ka sasama?"
"Oh, sweetie, you can do it yourself. Enjoy being alone."
Wala sa sariling napatingin siya kay Howell. Hindi niya naman balak na ayain ito, pero bakit gano'n yata ang sinasabi ng mga mata niya?
Nagkibit lang ng balikat si Howell kaya napanguso siya.
"Pwede ka?" she mouthed.
Howell's lips pouted a bit. He looked like he was suppressing a damn smile.
Pero bago pa ito makasagot ay humarap na ulit sa gawi nila ang kuya niya. Ekspertong naghiwa ng sibuyas at kung anu-ano pa ang ginawa bago bumalik sa niluluto.
"Ask your brother," Howell whispered and motioned his head to Keith.
"Kuya..." tawag niya.
"Yes?" He wasn't looking.
Nag-aalangang tiningnan niya si Howell. Bakit nga ba niya tinanong ito kung pwede itong sumama sa kanya? Hindi naman sila close! She should have asked Akira instead.
"Pwede bang sumama si Kuya Howell?"
Sa gilid niya ay ang pagsasalubong ng kilay ng binata. Ipinagsawalang bahala niya na lang ang reaksyon nito.
"Howell?" Sabay lingon sa kanya ng kapatid, nagtataka.
"Yes."
"What about that, brute? Are you close?"
"Hindi."
"She just want a company, brute," Howell said casually.
"I know you're busy, Banchero," her brother stated a fact with smirk.
"I can have time for myself."
"Really, for yourself?" There was a sarcasm on Keith's voice now.
"Kuya, nagtatanong lang naman ako kung pwede sumama si Doc dahil hindi ka pwede."
"Come on, Yane. Howell is my friend and I know him a lot. A lot." Mabigat ang pahayag na 'yon. Tila may iba pang ibig sabihin.
"Come on, brute. You know my likes. Stop accusing me." Howell seems defensive.
Isang sulyap ang iginawad sa kanila ng Kuya Keith niya bago napailing.
"Kapag may ginawa kang masama sa kapatid ko, asahan mong matatapos ang pagkakaibigan natin, Banchero."
Nagpalit-palit ang tingin niya sa dalawang magkaibigan. Medyo hindi niya nakukuha ang totoong kahulugan ng salitang binitawan ng kuya niya.
Bakit naman siya gagawan ng masama ni Howell? And he doesn't looks like someone who would do bad things to girls by the way.
He's a doctor. He supposed to be caring. At isa pa, mahaba ang pasensya ng mga doktor kaya malabo talagang gumawa ito ng hindi maganda laban sa kanya.
"Asahan mong hanggang sa dulo ang pagkakaibigan natin, Tuazon." May laman ang bawat kataga nito na nagpahanga sa kanya.
Hindi niya tuloy naiwasang tingnan ang binata. Cute siyang ngumiti nang maabutan siya ni Howell na nakatingin. Ngunit ang cute na ngiti niya ay sinuklian nito ng isang supladong irap na para bang may itinaya ito at nababahalang baka matalo sa huli.
"Sama ka na, ha." Magiliw ang pabulong niyang boses, sabay kalabit sa braso nito nang bahagya.
Howell let out a breath. It feels like he's in trouble and he was trying his best to avoid it.
"Kailan tayo aalis?" tanong niya pa ulit. Medyo excited na.
"Anytime you want."
"Fuck you, brute. As far as I know, your schedule is tight like a virgin pussy. Wag mong paasahin 'yang kapatid ko."
Napangiwi siya sa Ingles na 'yon ng kuya niya. Inosente siya at birhen pero naintindihan niya ang pagkukumpara nito sa schedule ni Howell. Talaga nga namang sobrang busy ng binata. Mabuti ay napapayag niyang samahan siya.
"I can give my precious time, Tuazon."
"Yeah." Tumango-tango ang kapatid, nanunuya habang nagluluto. "I will see that, Banchero."
"So, pwede ka next weekend?"
Nagpatuloy ang excitement niya. Pakiramdam niya nga ay kumikislap ang mga mata niya habang nag-aabang ng sagot mula kay Howell.
Medyo nakatingala siya rito dahil di hamak na mas mataas talaga ito sa kanya.
"Yeah, for you," Howell whispered that.
Halos mapatalon at mapatili siya sa tuwa, pinigil niya lang ang sarili.
"Next week, then?"
Howell crouched his head on the side, watching her and at the same time giving her the full view of his sharp sexy jaw.
"Yes baby," he mouthed, making her stomach flutter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top