CHAPTER 1

CHAPTER ONE




ISANG ihip ng hangin lang ay hindi niya inaasahang magbabago nang ganoon lang ang kanyang buhay.

Sa isang kurap ng mga mata lang ay tila dinala siya sa lugar kung saan pa lang mag-uumpisa ang buhay na nakalaan sa kanya.

Muling umugong ang malakas na pagsabog at nagkagulo ang mga tao sa paligid. Bawat nakabibinging kalabog ay animo isang sumpang humahabol sa mga taong naroon, kung nasaan siya.

Everyone around her was panicking. They are running as fast as they could as if death is behind them.

"Takbo! Doon! Doon kayo dumaan!" Isang boses ng lalaki ang umalingawngaw.

She turned around but she bumped into someone. Napaupo siya sa sahig, wala pa ring ideya kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Mama! Papa!" she started calling her parents who are now nowhere to be found.

Panic attacked her. Kanina lang ay mahigpit na hawak ng magulang ang kanyang kamay.

"Dito! Halika ka rito! Nasaan ang mga magulang mo?" Isang babae ang lumapit sa kanya at umagaw sa atensyon niya.

"M-Mama! Mama! P-papa!" she kept on calling them and looked around hoping to see her parents.

"Come here. We will find your mama and papa."

The woman offered her helping hand to her. May magaang ngiti ito sa labi na sinasabing mapagkakatiwalaan niya ito.

Umalingawngaw ang malakas na pagsabog na halos bumingi sa kanya. Binalot siya ng matinding takot at mabilis na yumakap sa babaeng hindi kilala.

"We will be okay. I will help you find your parents," the woman whispered softly.

She carried her and they ran away from that place.

MASAKIT ang ulo ni Yane nang maalimpungatan mula sa malalim na pagtulog. Kinurap-kurap niya ang mga mata upang bigyan ng laya ang sarili na magkaroon ng malinaw na paningin.

She fell asleep while reviewing for her final exam. Her sleepy eyes went to the alarm clock above the table. It's already three in the morning. Alas sais dapat ay nasa unibersidad na siya. Hindi niya na matandaan kung anong oras ba siya nakatulog, nakayukyok ang ulo sa ibabaw ng lamesa.

Then, her eyes dropped down to the picture frame on the other side. It was her and her brother.

A smile crept on her lips.

The only thing that keeps her going to continue her studies and to be a better person is Keith.

Kung wala ito, hindi niya na alam kung makakayanan niya bang lagpasan ang lahat ng pasakit na ibinabato sa kanya ng mundo.

Marahang kinuha niya ang kuwadradong bagay na iyon at hinaplos ito. Kung bakit tila tinutusok ang dibdib niya sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam.

It feels like everything is just a dream to her. Kung kailan siya magigising ay hindi niya pa alam. If this is really a dream, she wants to be awake and face the reality.

"K-Kuya..." she whispered longingly and her heart ached for some reason.

Parang napapasong ibinalik niya ang picture frame sa lamesa at mabilis na nagpunta sa shower room para tuluyang gisingin ang sarili.

Matapos ang ilang minutong pagbababad sa tubig at pag-iisip ay nagpasya siyang magbihis na.

She wore their university uniform-black skirt and white long sleeves polo. Tinuck-in niya iyon bago sinuot ang itim na sapatos na two inches ang taas ng takong.

Masyado pang maaga kaya naman nang lumabas siya ng kanyang silid ay wala pang tao. Nakapatay pa ang mga ilaw pero hindi ang ilaw sa kusina. Marahil ay gising na ang mga kasambahay.

Yane walked towards the kitchen and her heart was filled with happiness when she saw a familiar built of a man standing near the island counter.

"Kuya Keith!" She giggled and excitedly ran towards her brother.

"Oh-oh," anito nang salubungin niya ng yakap mula sa likod.

"Kuya, kadarating mo lang?"

"Yeah."

Maingat na tinapik nito ang mga braso niyang nakayapos sa baywang nito, tila ba sinasabing bumitaw na siya.

Napanguso siya at kumalas ng yakap.

"Hindi ka nagsabi na uuwi ka na pala."

"Well..." Keith turned around to face her. "It's a surprise," anito tapos ay kinindatan siya at sumandal sa island counter sa likod nito.

"Hmm." She crossed her arms above her chest. "Magtatagal ka rito?"

Her brother is working in the military. Anim na buwan ang matagal na lumilipas bago niya ulit ito makita at makasama. Minsan ay higit pa sa anim na buwan kaya sobra niya itong nami-miss.

"Depende."

"Depende kung ano?"

He played with the glass of cold water on his hand. His eyes were playful.

"Depende kung... mabait ka."

"Mabait naman ako, ah."

"Yeah?"

"Yeah." Inilapag niya ang shoulder bag sa lamesa. "Papasok na nga sana ako kaya lang nandito ka. Parang ayaw ko nang pumasok, kuya."

"Nandito pa rin ako hanggang sa pagbalik mo. Kaya... pumasok ka. Ihahatid kita."

Ang sanang malapad na ngiti ay nauwi sa pag-usli ng kanyang labi. Pinigil niya ang matinding kasiyahang bumalot sa kanya nang kay aga-aga.

"Sure! Ipakikilala kita sa mga kaklase ko. Ay, wag na pala." Mabilis na nagbago ang isip niya. "Baka kulitin lang ako ng mga 'yon tungkol sa'yo."

Umirap siya sa hangin. Iba pa naman ang dating ng kapatid niya sa mga babae.

"Wala rin naman akong balak makipagkilala sa mga kaklase mo, Yane."

Nanliit ang mga mata niya. Hindi niya mawari, may kasintahan na ba ito?

"Uh, kuya. May girlfriend ka na ba?"

Ibinaba nito ang baso sa gilid. His tired eyes simply scanned her from head to toe. Then, his brows furrowed when his eyes went back to her button down long sleeve polo.

"Ganyan talaga 'yan?"

Ibinaba niya ang tingin sa butones na nakabukas pababa sa ibabaw ng dibdib. Hindi naman iyon malaswa at gano'n din naman ang sa mga kaklase niya.

"Ganito talaga 'to." Inayos niya pa ang butones. "Huling palit na namin ito ng uniform ngayong taon. Sa susunod na buwan ay mag-o-OJT na ako, kuya. Di ba may kaibigan kang may-ari ng hotel?"

"Your top is disturbing. Ibutones mo 'yan hanggang sa leeg," imbes ay utos nito sa kanya.

Itinuro pa nito ang bandang dibdib niya na para bang krimen ang hindi niya pagbubutones. Napailing-iling pa ito.

"Gano'n?" Muli niyang pinasadahan ang damit at mabait na sumunod lang sa utos ng kapatid. "Okay na, kuya?"

"That's much better." He sighed, relieved. "Anyway, yes, I have a friend who can help you with your OJT. Sabihin mo lang sa akin kung kailan at saan mo gustong ma-assign."

"Yes!" She giggled.

"Good morning, sir... and Yane," bati ng isang kasambahay na pumasok sa kusina. "Ano po ang gusto niyong almusal?"

"What do you want?" Keith asked her, instead.

"Bacon and garlic rice."

"Bacon and garlic rice. And, coffee," anito sa kasambahay na magalang na tumango at nag-umpisa nang maghanda ng almusal.

"I'll be back," paalam ng kapatid at umalis na sa kusina.

"Manang, alam niyo po bang darating si kuya ngayon?"

"Ah, oo. Sinabi sa amin kahapon ng mommy niyo."

"Gano'n?" Malungkot na umupo siya sa isa sa mga bakanteng upuan doon. "Hindi naman sa'kin sinabi ni mommy."

"Baka gusto ka lang niyang sorpresahin."

"Manang naman. Pati ba naman ikaw naniniwalang gusto akong sorpresahin ni mommy?"

"Malay natin? Nagbabago naman ang tao pagdating ng araw, Yane."

"Ewan ko po, manang."

"Basta, mag-aral ka nang mabuti para matuwa ang mommy mo sa'yo."

"Ginagawa ko naman ang lahat para matuwa siya pero hindi pa rin sapat. Hay." Napabuntong-hininga siya.

"Pagpasensyahan mo na ang mommy mo, Yane. Alam mo namang may pinagdaraanan."

"Pero ang tagal nang nangyari 'yon..."

Naputol ang sasabihin niya nang marinig mula sa pangalawang palapag ang boses ng kanyang ina.

Mabilis siyang tumalima at tinakbo ang silid ng mommy niya. Nakabukas ang pinto at naabutan niyang nagwawala ang mommy niya. Ang Kuya Keith niya naman ay tahimik na nakatayo lang do'n, pinanonood ang ina.

"Sa'yo, sa inyo, ayos lang ang nangyari, Keith! Pero sa akin? Hindi!" May hinanakit sa boses ng mommy niya.

She's still wearing her black silk robe, her hair is messy and she looks like she drunk all night. Again.

"You need to rest, mom." Kalmado ang kapatid niya. "Please?"

Nanghihinang napaupo ang mommy niya sa kama. Gulu-gulo ang kwarto nito at may mga basag na bote ng alak sa sahig.

"I gave my all to your father, Keith. Pero ano ang isinukli niya sa akin?!"

Napakurap siya. Nag-iinit ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata dahil ramdam na ramdam niya ang paghihirap ng ina.

Tuluyan nang lumapit ang kapatid sa mommy nila. Naupo ito sa gilid.

She was outside, secretly looking at them, and it made her feel like she does not belong to be with them. Na dapat ay manatili siya kung nasaan lang siya nakatayo at huwag nang makisali pa.

"Sana ay huwag kang tumulad sa daddy mo, Keith. Na babalewalain ang babaeng totoong nagmamahal sa kanya, iiwan at aalis nang walang paalam."

Marahan lang na tumango si Keith, kasing rahan ng paghagod nito sa likod ng mommy nila, inaalo.

Ilang buwan nang hindi umuuwi ang daddy niya. Wala silang balita kung nasaan ito o ano na ang nangyari.

Ngunit, isang mensahe ang natanggap niya nung nakaraang linggo lang. Mensaheng naglalaman ng larawan ng ama na may kasamang babae na di hamak na mas bata sa mommy niya.

Ang nagpapahirap sa kanya sa mga araw na dumaraan ay ang katotohanang mas pinili niyang ilihim ang bagay na iyon sa kanyang mommy. Kung tama ba ang ginagawa niya ay hindi niya alam. Pero alam niyang mas masasaktan nang labis ang ina kung malalaman nito ang totoo.

"Baka nga may iba nang kinakasama ang daddy mo. Mas masakit 'yon."

Napasandal siya sa pader at napapikit. Iyon ang iniiwasan niya, ang sabihin dito ang totoo.

"Magpahinga ka na, mom. Babalik ulit ako rito. Ihahatid ko lang si Yane."

"Isa pa 'yang batang 'yan! Palalayasin ko na 'yan dito sa bahay!"

Nakagat niya ang loob ng pisngi nang maramdaman ang kirot sa puso dahil sa narinig.

"Don't say that-"

"Salot ang batang 'yan sa buhay ko!"

Bago pa siya makarinig ulit ng masasakit na salita ay tumakbo na siya palayo sa silid na iyon.

Hindi na siya nakapag-almusal at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makalabas sa gate ng subdivision kung saan sila nakatira.

"Good morning, Miss Yane," bati ng gwardiya pero hindi niya na pinansin.

Everyday was like that since their father left them. Mainit palagi ang ulo ng mommy niya at siya ang napagbubuntunan, kung hindi ay ang mga kasambahay.

Naging malupit ang mommy niya sa kanya. Minsan nga ay sa labas na siya natutulog bilang parusa sa kasalanang hindi naman siya ang gumawa.

Their family isn't perfect and she's starting to hate it.

"Yane!"

Bago pa siya hintuan ng taxi na pinara ay malakas na busina ang narinig niya galing sa likod. Nang tingnan niya ay ang sasakyan ng kapatid.

"Come on. Get it."

Sumilip ito mula sa nakabukas na tinted na bintana. Problemado ang mukha nito.

Kung magmamatigas siya, mas lalo lang mamomoblema ang kuya niya kaya napilitan saying pumasok sa sasakyan. Sa front passenger's seat siya naupo.

"Seat belt," Keith said coldly and waited for her to buckle up before he started driving.

"Galit siya sa'kin." Mababa ang boses niya, may hinanakit.

"Kailangan natin siyang intindihin. I saw you there and I know you heard what she said about you. I did not expect that she would say those hurtful words to you. Pagpasensyahan mo na, Yane."

"Kuya, aalis na lang ako. Magdo-dorm na lang ako," aniya. Kahit siya ay hindi inaasahang masasabi 'yon.

Sinulyapan lang siya ng kapatid. Halatang hindi gusto ang ideya niya. Wala naman kasi itong alam tungkol sa pinagdaraanan niya. Ilang buwan bago ito nadestino sa malayong probinsya ay nauna nang umalis ang daddy niya.

Habang wala ang dalawang lalaking mahalaga sa kanya, doon niya naranasan ang kalupitan ng mommy niya. Kaya tuwang-tuwa siya nang dumating ang kapatid dahil alam niyang may magtatanggol na sa kanya.

"Dorm? I don't think it's a good idea. You're still a baby. Seventeen."

"Kaya ko naman. Ang mga kaklase kong malalayo ang bahay, nagdo-dorm."

"Look, sweetheart, are you aware that mom needs us?"

"Hindi niya ako kailangan. Pinalalayas niya nga ako." Napanguso siya at tumingin sa labas ng bintana.

Sa totoo lang ay ayaw niyang magsumbong sa kapatid. Kaya lang ay kung malalaman nito ang pagmamalupit sa kanya ng mommy nila, baka magbago ang isip nito at payagan na siyang mag-dorm.

"Salot daw ako sa buhay niya."

"No, you're not."

"Kung alam mo lang, kuya."

Bumagal ang takbo ng sasakyan nang papalapit na sa stop light. Doon ay nagkaroon ang kapatid ng pagkakatong ibigay ang buong atensyon sa kanya.

He shifted his seating position and cocked his head on the side. May pagod sa mga mata nito ngunit nangingibabaw pa rin ang taglay na kagwapuhan.

"Tell me what happened while I was away from home. Don't you dare lie to me, Yane."

Napakurap siya. Pilit niyang itinutulak ang sarili na magsumbong na sa kapatid, kaya lang ay tila may pumipigil sa kanya.

Hanggang sa mag-vibrate ang iPhone nitong nasa dashboard at mag-green ang ilaw sa kalsada, tanda na aandar na ulit ang sasakyan nila.

"Can you answer it for me?"

"U-Uh, okay."

Kinuha niya ang iPhone at nakitang may tumatawag.

Banchero is calling...

"Who's calling?"

"Banchero."

"Answer it. Set it in loud speaker."

Sinagot niya ang tawag at pinindot ang loud speaker.

"Hey, brute, heard you're home." It was a sexy baritone from the other line.

"Yeah, what's up?"

"Fine. How 'bout at D' Club tonight?"

"Okay. I'll be there."

"May ipakikilala ako sa'yo, Keith." Isa pang boses iyon ng lalaki.

"Not interested, Carter."

"Come on. Anim na buwan ka sa trabaho. Hindi ka ba natigang?"

"Tang ina mo, Altaraza. Watch your words. I'm with my sister."

Napangiwi siya sa naririnig na lenggwahe. Kasabay niyon ay may sumipol sa kabilang linya.

"Sister? Baka babae mo kamo, gago."

"Cut the line," utos sa kanya ng kapatid at mabait na sinunod niya naman.

Ibinalik niya ang iPhone sa dashboard at curious na nagtanong.

"Kuya, what's tigang?"

Keith's eyes widened a bit at her question.

"Just ignore it, Yane."

"Ano nga?" pilit niya pa.

"No."

Napairap na lang siya sa pagdadamot nito sa sagot.

"Siguro bastos ang ibig sabihin niyon."

"Yes."

"Sabi na! Mabuti pa 'yong Howell, seryoso ang boses. Hindi bastos katulad nung... sino nga ulit kuya 'yong nagsabi ng tigang? Altaraza?"

Napabuntong-hininga na lang ito at tumango.

"Magpupunta ka sa D' Club mamayang gabi?"

"Yes."

"Sama ako."

"Hindi ka pwede ro'n."

"Hindi naman ako mukhang seventeen!"

Sa kagustuhan niyang makatakas sa mommy niya ay ipipilit niya na lang ang sarili na sumama sa Kuya Keith niya kahit na hindi naman siya mahilig sa party at alak.

"Please, sweetheart, don't be too hardheaded."

"Sige na, kuya, kahit ngayong gabi lang. Please?"

Nagpa-cute na siya at nagpapaawa ang mga mata. She even held his veiny arm to convince him more.

"Kasama naman kita kaya ayos lang 'yon. At hindi ako magsusuot ng sexy na damit."

"And who told you that I would let you wear sexy clothes?" mainit ang ulo na tanong nito.

"Kaya nga hindi ako magsusuot kasi ayaw mo ng mga gano'ng damit."

Ang swerte talaga ng magiging kasintahan ng kapatid niya. He's very protective. At marami pang magagandang katangian ang meron ito na talagang kahit siya ay hangang-hanga.

Kung pwede nga lang na pumili ng lalaking mamahalin at makakasama niya habang buhay, ang klase ni Keith ang pinakauna sa kanyang listahan.

He has everything that a woman could ask for in a man.

Unluckily, she's the kind of woman who chose to stop asking for what she wants in a man because she knew that life and her situation wouldn't let her.

Maybe, this is really the life that is destined to her. A kind of life that she needs to deal with and to live with, even if it's against her will.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top