31 ~ No
CHAPTER THIRTY ONE
IT FEELS like a dé jàvu to Ayesha. She can still remember the day she was being kidnapped when she was ten. Hindi na siguro kailanman maiaalis sa memorya niya ang araw na 'yon. It was part of her childhood and it will remain like that.
Madilim ang paligid sa pinagdalhan sa kanya noon at lalong nagdilim dahil nakapiring ang kanyang mga mata, naririnig niya ang mga komosyon sa paligid gamit ang ibang lenggwahe, ngunit ngayon, komosyon ng mga tarantang panauhin ang bumalot sa pandinig niya.
"Ano'ng nangyari? Bakit namatay ang lahat ng ilaw?"
"Calm down. They are fixing it now."
"Wala akong makita."
Siniko niya ang kung sinoman ang may hawak sa kanyang palapulsuhan. The darkness made her blind, she can't recognize who he is, but surely, he's a man with wide built.
"Sino ka... s-saan mo ako dadalhin." Nanginig ang boses niya, hindi makawala sa kapit nito kahit pa ilang beses na siyang magpumiglas.
Nanatili sila sa back stage, habang ang paligid ay paunti-unting kumakalma. Gusto niyang sumigaw, pero pinapangunahan siya ng takot na baka saktan siya ng kung sinoman ang may hawak sa kanya.
She can't risk her safety, especially now that she has a son who needs her and a husband who will be worry if something bad might happen to her. Kailangan niyang kumalma at umisip ng paraan kung paano tuluyang makakalayo sa lalaki.
"K-Kung kailangan mo ng pera, handa akong magbigay, pakawalan mo lang ako. Magkano ba ang kailangan niyo?" Nagmamakaawa na sabi niya, pero sinulyapan lang siya nito.
"I don't need a money, my sister in-law."
Shock by his familiar voice, Yesha move to face the man.
"C-Carter?" Pumiglas siya at lumuwag ng bahagya ang pagkapit nito sa kanya. "Ano 'to?"
"Shh." Pinatahimik siya ng kapatid ng asawa, na tila ba kasalanan ang pagsasalita sa mga sandaling 'yon. "Shut your mouth for a moment, please."
"Ano ba ang nangyayari?" Bulung-bulong niya, nakahinga na ng maluwag dahil wala sa peligro ang buhay pero... "Nasaan na ang mag-ama ko?"
Hindi ito nagsalita, nanatiling naka-matiyag sa dilim. Habang siya ay nabubulag na sa kadiliman, si Carter naman ay tila may matang pusa sa talas ng tingin sa paligid.
"Dalhin mo na ako sa mag-ama ko. Ang baby ko, baka nagugutom na 'yon." Aniya, nararamdaman ang medyo pananakit ng dibdib, it was full and she need to release a milk.
Umasa siya na marinig man lang ang iyak ng anak, kahit iyak lang, mapapanatag na siya na ayos lang baby niya, pero walang iyak o ingit man lang na umalingawngaw. Wala siyang ideya kung ano ba ang nangyayari pero may guhit ng kaba sa kanyang dibdib, kaba na ikinabahala niya bigla.
"Carter, ayos lang naman, di ba? Nawalan lang ng kuryente?"
"Where?" Carter murmured, as if he was talking to someone. He tilted his head, his free hand is on his ear. Sa anino ay nasisilayan niya ng kaunti ang bawat galaw nito. "Si Kuya? The fuck? Bakit si Kuya?"
"What happened? Si Clane? What happened to my husband?" Panic consumed her.
Sinubukan niya kumawala sa kapit ni Carter ngunit humigpit lang 'yon, hindi siya binigyan kahit kaunting pag-asa na makakaalis sa tabi nito.
"Ang baby ko... nasaan ang baby ko? Carter! Ano ba!"
She was panicking and her eyes watered. Maisip niya palang na may mangyayaring masama sa mag-ama niya ay para na siyang hinahati sa sakit at labis na pag-aalala. Siya nalang sana!
"Alright. Yeah, she's here. She's safe."
"Where's my Cole?" Pinahid niya ang luha na bumagsak sa pisngi. "Please, dalhin mo ako sa mag-ama ko. Ayos lang naman sila di ba? Bakit hindi parin bumubukas ang mga ilaw? Bakit ang tahimik na ng paligid? Nasaan na sila mommy? Nasaan na ang mga bisita?"
Ang dami-dami niyang tanong na ni isa ay walang sinagot si Carter, bagkos, maingat lang siya nitong hinila sa kung saan, kung hindi siya nito hawak siguradong nadapa na siya dahil bukod sa madilim ay hindi niya kabisado ang bawat pasikot-sikot ng lugar, hindi katulad ni Carter na sigurado sa bawat hakbang.
Napakurap si Ayesha nang makalabas sa madilim nalugar na 'yon. Nililinawan niya palang ang paningin ay ipinasok na siya sa sasakyan at umandar 'yon.
Wala siyang ideya sa kaganapan, pero sigurado siyang may nangyayaring hindi maganda.
Ibinaba siya sa mansyon ng mga Altaraza. Maraming tauhan ang nakapaligid sa labas palang, pagpasok niya ay sinalubong siya ng yakap ng mommy niya.
"Anak, oh my God. I thought I would lose you again. Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw mawawala sakin." Her mother cried on her shoulder.
Hindi siya handa sa ganitong eksena. Bakit? Bakit narito sa mansyon ang mga bisita nila kanina sa hotel? Bakit dumoble ang mga tauhan? Bakit tila balisa ang pamilya at mga kaibigan ni Clane?
"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" Her mother checked her body.
"Ayos lang po ako, mommy." Sagot niya para matigil ang pagkataranta ng mommy niya.
Inilibot niya ang tingin sa malawak na paligid ngunit walang Clane at Cole doon. Her heart pound loudly at the thought about the two, being in danger.
"S-si Clane po? Ang baby ko? N-Nasaan sila, mommy?"
Her mother's eyes went to Clane's parents. Nakaupo sa pang isahang sofa ang biyenan niya, nakapalibot ang isang nurse at ang asawa, inaalo ito.
"Mommy! Answer me!" She hysterically demanded for an answer. "Nasaan ang asawa ko? Nasaan ang anak ko?! Please, everyone..." Inilibot niya ang tingin sa mga bisitang naroon. "Please, sagutin niyo ako! Nasaan ang mag-ama ko?!"
"Hindi pa namin alam, anak." Sa mababang boses na sagot ng mommy niya. Nanghihina na tinignan niya ito. "Nang bumukas ang ilaw kanina, wala na ang mag-ama pati ikaw."
Tears pooled her eyes. Makirot ang bawat pagpintig ng puso at binalot ng matinding pag-aalala.
Paano kung na-kidnap ang mag-ama niya? Paano na ang baby niya? Siguradong iyak na iyon ng iyak dahil hinahanap siya at nagugutom na! Halos isang oras na nang huli niyang pinadede ang anak, tiyak na naghahanap na ng gatas 'yon!
"Mommy... ang anak ko..." Umiiyak na sambit niya, tila ba mawawala sa sarili kung may mangyaring masama sa mag-ama niya.
Nanghihina ang mga tuhod na napaupo siya, mabuti nalang at maagap ang mommy niya at sina Alexza na alalayan siya upang makaupo sa mahang sofa. Mabigat ang pakiramdam niya at hindi na yata kaya pang mag-isip ng maayos dahil binalot na 'yon ng pangamba.
"Sayang lang ang ibinabayad sa inyo, tang ina, magsialis kayo rito sa harap ko!"
Hanggang sa loob ay umalingawngaw ang galit na boses ni Carter sa labas kausap ang mga tauhan ng Altaraza.
"Sir, na-track na po namin ang lokasyon nila."
Napatayo siya nang maulinigan ang boses na 'yon. Nagmamadali siyang tumayo at nagpunta sa labas. Naabutan niyang alerto ang mga tauhan, ang iba ay nakapalibot kay Carter at Colton, kausap ang impormante.
"Kasalukuyan silang lihim na sinusundan ng ibang tauhan natin. Hindi pa sigurado kung saan papatungo, pero may mga mata na po tayong naka-abang."
"Puntahan na natin, Kuya." It was Colton's voice.
"W-where are they? How's my baby?"
It was rude to interrupt, but damn, she doesn't mind being rude when it comes to her baby and husband's safety!
Magalang na sinulyapan lang siya ng impormante, bago hinayaan ang magkapatid na Altaraza ang magpaliwanag sa kanya.
"No specific location yet, but I assure you that Cole will be safe in Kuya's hands."
Kahit pa gano'n ang narinig niya ay hindi niya magawang mapanatag. Gusto niyang makasigurado na ayos lang ang anak niya!
"Puntahan natin. Let's go!" Histeryang aya niya.
"No, you better stay here."
"Hindi! Ayoko! Sasama ako sa inyo! Puntahan natin ang mag-ama ko!"
"Gusto mo bang patayin kami ni Kuya?" Iritadong baling sa kanya ni Carter. "At tingin mo ba papabayaan niya ang anak niyo? Let's trust him, please?"
"No! I want to see them!" She insisted.
Mas mababaliw siya kung maghihintay lang siya ng balita s mansyon!
Carter groaned annoyingly, but didn't bother to speak.
"Please, Ayesha, let us do this job alone. Kapag nalaman ni Kuya na kasama ka namin, baka mas lalong lumala ang sitwasyon. Sana maintindihan mo." Si Colton na mas maayos kausap at mahaba ang pisi ng pasensya.
"H-hindi. Gusto kong sumama. Sige na, payagan niyo ako." Halos magmakaawa siya sa dalawa. "Sigurado akong nagugutom na ang baby ko. Kawawa naman 'yon."
Nangilid ang luha sa gilid ng kanyang mga mata, naaawa na sa baby niya.
Nagkatinginan ang magkapatid. Matigas si Carter, halatang ayaw siyang isama, pero si Colton ay alam niyang naiintindihan siya at ang pangangailangan ng anak niya.
"Magdadala nalang kami ng bottled milk para kay Cole." Ani Colton, na akala niya ay pumayag na sumama siya.
Umiling-iling siya, ipinipilit ang gusto.
"Mababaliw ako kakahintay dito! Kaya isama niyo nalang ako kung ayaw niyong magkaro'n ng sister in-law na baliw! Kayong dalawa," Itinuro niya ang magkapatid na napaangat ang mga kilay. "Lagot kayong dalawa kay Clane kapag nabaliw ako!"
"Woah!" They both gasped.
"Sir, tumatawag."
Lumapit ang isang lalaki at ibinigay ang cellphone kay Carter.
"Loud speaker mo." Utos niya.
Carter leered before he pressed the loud speaker button.
"... 500 million in exchange of your brother and nephew's head. I will give you 24hours to settle the payment or else I will kill them!" The man from the other line, said.
Carter's jaw clenched. Colton was calm, but she's sure, he's in deep thought.
"I will send you the location. No media. No policemen. Only you and the money-"
"Kindly bring bottled milk for my son." She heard Clane's voice around.
"Oh, God!" Natutop niya ang bibig. Naiiyak na naman. "Ang baby ko..."
"Don't you dare bring my wife here, or I will kill you, brother." Pahabol pa na bilin ng asawa sa kapatid, na ang boses ay tila ba wala sa peligro ang buhay!
Paano nito nagagawang kalmado sa gano'n sitwasyon?!
"Shut up!" The voice of the kidnapper echoed again. "Your time starts now." Then the line ended.
"You heard your husband?" Baling ni Carter sa kanya. "Papatayin niya ako kapag isinama ka namin. You better stay here and wait for them."
Ipagpilitan niya man ang gusto ay alam niyang walang pag-asa na isasama siya ng mga ito lalo at mahigpit na ibinilin 'yon ng asawa. Paano na ang baby niya?
"Wait for me here. 'Yung bottled milk." Aniya sa mga ito at nagmamadaling pumasok na sa mansyon.
Tinulungan siya ng mommy niya na mag handa ng gatas sa bote. Ang ibang kasambahay ay nakaantabay sa kanya, sa pagkataranta niya. She even used breast pump to filled another bottle from her breast milk. They quickly prepared it and she brought it to Carter.
"3 bottle. Ibigay mo kaagad sa baby ko. Okay?"
Tumango lang ito at kinuha ang itim na bag na pinaglagyan niya. Umalis ito kasama si Colton at ang iba pang tauhan.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga at lihim na ipinagdasal ang kaligtasan ng mag-ama niya.
THE OLD building is fully guarded. Sa bisig niya ay natutulog ang anak. Nakakulong sila sa isang maliit na silid, sapat lang para sa isang tao.
Pinaghandaan nila ang sitwasyon na ito. Ilang buwan na pinag-aralan bago tuluyang ipasok ang sarili sa sitwasyong ganito.
What he didn't expect was... he unintentionally putting his son in danger with him. Umigtig ang kanyang panga, galit sa sarili.
"You will be safe with daddy. Don't be scared, you're with me."
Inihele niya pa ito kahit ang himbing na ng tulog. Sigurado siya na kapag nagising na si Cole ay maghahanap na ito ng dede. Lihim siyang nagdasal na huwag munang magising ang anak.
Kung hindi niya lang ito kasama, hindi niya na hahayaan ang sarili na umabot sa gusaling 'yon. He could fight and bring them all down, but he can't risk his son's life. He will never risk it.
"Altaraza..." Keith low voice invaded his ear. "I'm in."
Ang maliit at manipis na earpiece na suot ay hindi naialis sa kanya ng mga sindikatong kinapkapan siya kanina. Kaya, magpahanggang ngayon ay may komunikasyon parin siya sa mga tauhan niya.
"I'm inside the small room at the left side of the building." He whispered it.
Sa labas ng pinto ng silid kung nasaan siya ay naririnig niya ang kwentuhan ng mga bantay. Ang mga gago, akala siguro ay naka-isa na sa kanya.
"His family name is in the top list of the billionaire in Asia."
Inggles man ang lenggwaheng ginagamit ng mga sindikato pero nasisiguro niyang lamang ang taga Asya sa mga ito.
"His net worth grew bigger when he started handling Villamor Hotel."
"I don't know why our boss, choose to kidnap Mr. Altaraza? Instead, of his wife?"
"They changed the plan, I heard."
Patuloy sa kwetuhan ang mga bantay habang patuloy sila ni Keith na nagpaplano ng palihim.
"Carter and Colton are on their way now. Do you want me to connect you with them?"
"Yes."
Ilan pang sandali ay may tumunog na sa listening device niya, tanda na konektado siya sa bagong device.
"Carter, Colton."
"Kuya! Malapit na kami." Si Carter na tila nabuhayan nang marinig ang boses niya.
"Wala na bang mas ibibilis 'yan? Magigising na ang anak ko."
Pinagpapawisan na siya dahil walang hangin na pumapasok sa silid. Tinignan niya ang anak at napanatag ulit sa himbing ng tulog nito, nasa bibig ang maliit na hinlalaki, paminsan-minsan ay sinisipsip. His lips pursed, naku-cute-an sa anak.
"Their fucking boss just arrived." Keith informed him.
"Then, let him." He said that while carefully removing his coat.
Bumabalot na ang init sa maliit na apat na sulok na iyon. Nakapagtataka na hindi pa nagigising ang anak, samantalang sanay ito sa malamig.
"We're close." Colton informed them. "Keith, where the hell are you?"
"Second floor. Watching these idiots before I kill them."
"We're here. Kuya, wala bang bintana dyan sa kwarto niyo?"
"Kung meron, sinabi ko na." Sagot niya kay Carter.
"Kapag tumatanda na talaga, madalas na ang pagiging masungit." Pasipol-sipol pa ang kapatid, sinusubukan na naman ang pasensya niya.
"You better hurry and bring me the bottled milk."
"Magpapahuli na lang ako para maibigay ko sayo 'tong gatas ni Cole." Suhestiyon pa nito.
"Yeah, I think, that's much better." Sarkastikong pagsang-ayon niya. "Double time. Come on."
Ilan sandali pa ay narinig niya na ang tunog ng mga suntukan at tadyakan, kalaunan ay ang komosyon sa labas na pinasok ang kuta ng mga ito.
Hindi nakaligtas sa kanya ang bawat yabag sa labas hanggang sa tumunog ang lock ng pinto at bumukas 'yon.
"I said no policemen!" The man pointed a gun on him.
He gave him a bored look. Inayos niya ang pagkarga sa anak, ibinalot ito sa coat niya na nagsilbing baby carrier, nakahilig sa dibdib niya, tulog at walang pakialam sa nangyayari.
"Follow me. Don't do anything stupid or I will shoot you!"
Tumayo siya at sumunod sa lalaki palabas.
He's not sure if these men are stupid enough to forgot to tie his hands and feet. O, siguro ay iniisip na kapag itinali siya ng mga ito, sino ang magbabantay sa anak niya? These people is careless and idiots.
"Hey, here's the money." Carter suddenly went inside the room with a creepy smile on his lips, holding a black duffle bag.
Sabay-sabay na tinutukan ito ng baril ng mga armadong lalaki, nasa sampu katao.
Isang lalaki ang tumulak sa kanya sa likod kaya napaupo siya sa silyang kahoy. Nauga ang anak niya, bahagyang nagising.
Cole sipped on his small thumb and continue sleeping, like nothing happened.
"Calm down, people. I'm here to give all of you the money." Carter announced and took a step forward.
"Stay there!" The man ordered him. Alerto ang mga ito dahil sa mahangin na presensya ng kapatid niya. "Don't go near us!"
"How can I give you the money?" Carter asked innocently, showing the duffle bag. This fucker!
"Get it." Utos ng isa sa katabi.
Lumapit naman kay Carter kaya lang ay iniwas ng kapatid ang bag.
"Let my brother and nephew go before I will give you the money." He negotiated.
Nagkatinginan ang mga sindikato. Hindi makapag desisyon ng maayos dahil wala pa ang amo ng mga ito.
"I need the milk." He said to Carter.
"Oh," Carter get something on his back, a small bag. "Here." At inihagis sa kanya ang bag na 'yon na kaagad niya namang nasalo.
Nagkatinginan ulit ang mga armadong kalalakihang nakapalibot sa kanila. Carter looks like he was just playing and he didn't take this situation seriously. It made them feel confused that he and his brother don't show fear.
Ni hindi man lang siya taasan ng balahibo sa mga ito. Hinding-hindi kailanman.
Ang tangi lang nakakapagpa-takot at pangamba sa kanya ay kapag nakipaghiwalay sa kanya ang asawa. Iyon lang. At hindi niya naman hahayaan na mangyari 'yon.
Kaya rin mahigpit na pinagbilin niyang huwag nang isama pa si Ayesha dahil hindi niya kakayanin kapag nangyaring masama sa mag-ina niya.
"Don't play with us! Give us the money!" The man demanded.
"No, I will wait for your boss. Where's your boss?" Carter asked, looking around.
"The mastermind is coming there." Keith informed him with the boss's arrival in that room.
Umingit ang anak niya at tuluyan nang nagising. Kinuha niya ang isang milk bottle at maingat na inilagay 'yon sa bibig ng anak, tumahimik ulit ito.
Hinigpitan niya ng bahagya ang pagkakatali ng coat niya sa kanyang likod, pati na rin ang seguridad ng anak na hindi ito mahuhulog kung sakaling gumalaw siya nang gumalaw.
He made sure that Cole is comfortable and safe.
"Oh, look, your boss is here..." There was a sarcasm on Carter's voice as he gave way to the mastermind of this kidnapping.
"Shut your mouth, Altaraza." And made his way inside the room. together with his armed bodyguard.
The boss stopped in front of him, towering him, telling him that he's just a piece of shit to him.
"Are you surprise, Altaraza?" He evilly asked.
"No." He smirked. "Never to an asshole like you, Samuel."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top