12 ~ Ace


CHAPTER TWELVE

"WHAT do you like? Sex on the beach... or sex on the... bed?" A flirty voice from the woman beside him asked, she even caress his shoulder, nanunukso.

Clane took a sip on his sex on the beach. Isang sulyap sa babaeng katabi ang iginawad niya. Sporting a grey short dress that hugs her curve and high heeled sandals, she leaned closer to gave him a full view of her cleavage.

Riva Miller was his fuck buddy way back in his College days. She's now one of the highest paid lingerie model in Asia.

"Clane Altaraza, I hope you still remember me."

"Yeah, Shane."

She giggled when her name slipped his lips. Umayos ito ng upo, elegante ang dating kahit na ramdam niya ang motibo kaya lumapit sa kanya.

"Are you with someone?"

"No,"

"Are you single?"

Sumimsim lang ulit siya ng alak sa tanong na 'yon. He's single. That brat, Ayesha Villamor dumped him in coffee shop in New York City after his long travel just to see her and talk to her personally. Iniwan siya, imbes na tulungan siyang isalba ang relasyon nila.

No one dare to dump him like a trash, just her.

"I know! You don't do relationshits."

Riva became more aggressive when she realized that he's single... but, damn, he felt like he left himself in New York City. Is that even fucking possible?

"Ow, Riva!" Zyron butt it.

"Hey, Zy." Riva smiled wickedly. "Are you up tonight?"

"I am always up." The brute said meaningfully, then gave him a knowing look.

"Come on, Clane, you are no fun." Riva caressed his thigh. "Ayaw mo ba ng may kahati sakin?"

"My friend is a bit territorial. Siguro ayaw nga niyan na may kahati." Si Zyron na hilig na ang demonyohin silang magkakaibigan na mambababae. "Well, I'm leaving now. Ayaw mo talaga?"

"Brute, just fucking leave."

Zyron laugh and patted his shoulder. "Enjoy the night, Altaraza."

Sa tabi niya ay nag-umpisa na si Riva na haplusin siya, nang-aakit.

"It's been a long time, Clane, I missed your tongue."

He smirked. "Yeah?"

Riva nodded her head. "Sa lahat, ikaw lang ang gusto kong balik-balikan. Iba ka. Iba 'yung sarap. Iba 'yung hagod. Let me experience it again."

Riva's hand travel between his thigh and cupped his cock, she started caressing it.

He closed his eyes and Ayesha's beautiful face popped up. Their memories made him feel like he was cheating right now just because he was letting other woman touch him.

But, he's so furious to give a damn, she left him that day without knowing his struggles just to be with her. She didn't even give him time to explain, that brat is really the death of him.

It's better this way, right? The fact that Ayesha is still very young to handle a long distance relationship made him understand everything. She wasn't ready for him and he doesn't want to force her to be with him, because he knew she has a big dream and she's struggling to reach it.

Ayaw niyang maging sakim para lang mapasakanya ang dalaga. He'd rather see her happy reaching her dreams without him, than seeing her unhappy with him and unreached her dreams.

SEEING A BABY always made her feel excited and happy. Totoo nga na ang mga bata ay nagbibigay ng kakaibang saya sa mga tao. Their innocent smiles melt everyone's heart.

"Baby!" Gigil na kinuha niya kay Kelly ang anak nito. "Cute cute mo talaga!"

"Mana sa mommy." Ang kaibigan niya na nakasunod sa kanya sa sala. "Ang bigat niya na, nakakapagod ng kargahin."

Nilingon niya ang kaibigan. "Gusto mo dito nalang kayo tumira sakin?"

Her condo is big enough to live alone. It has two bedroom and Kelly could use the other one since her mother left already.

"Pwede rin. Kailan ba babalik si Tita?"

Nilaro-laro niya si Brittany. She have a very soft spot with kids, especially that this little girl in her arms is connected to her.

"Hindi ko pa alam. But you can stay here, Kelly, anytime. I don't wanna be alone here."

"Bakit? Naiisip mo siya?"

Wala naman itong binanggit na pangalan pero pareho nilang alam na si Clane ang tinutukoy nito. Of course. he's always on her mind, hindi nga minsan naalis. Siguro ganito talaga ang buhay na itinakda sa kanya, kahit gustuhin niya na mapanatili si Clane sa tabi niya, hindi pwede. Hindi lahat nang oras ay umaayon ang tadhana sa mga bagay na gusto niyang mangyari.

Si Clane ay hindi materyal na bagay na kapag gusto niyang makuha ay nakukuha niya. Having him for herself is something she can't get yet. He's a very busy person, he's unreachable. He can't give her his full attention, she didn't force him to do it... instead, she cut their connection, she ended their relationship, so that, she would stop waiting and expecting more from him, more that he couldn't give to her.

She was expecting too much, she dreamt big about their relationship, pero naglaho 'yon lahat nang mag-umpisa nang sumalungat sa kanya ang guhit ng tadhana.

"I admit, yes, I am thinking about him, always." A sad smile crept her lips.

"Sa totoo lang, mas nabagabag ako sa pag cancel ni Clane sa kasal niyo kesa sa daddy ng anak ko."

Humapdi ang puso niya. Dapat ay maging masaya siya na hindi natuloy ang kasal nila ni Clane nang mag eighteen siya, pero pagkadismaya ang una niyang naramdaman nang malaman ang balitang 'yon ilang araw lang matapos silang maghiwalay.

AYESHA FELT exhausted. It was a long day for her. She woke up early and went to an audition for a new face and body of one of the largest swimwear company in America.

Gabi na nang makauwi siya at excited na ibalita sa mommy niya ang nangyari sa audition niya kaya lang ay naabutan niya itong tila balisa habang hinihintay ang kanyang pagdating.

"Mom," She kissed her in the cheek. "I have a good news to you."

"Ayesha," Napatayo ito sa inuupuan, siya naman ang pag-upo niya. "What the hell did you do to Clane? Bakit hindi mo sinabi sakin na nagpunta pala siya rito para kausapin ka?"

Ang pagod na pilit itinatago kanina ay kumakawala dahil sa pag-aalburoto ng mommy niya. Halata na dismayado ito sa ginawa niya kay Clane.

"Where did you get that news, mom?"

"Hindi na importante 'yon, anak. All I want to know right now is... why he suddenly refused in marrying you? Ano na naman ang kalokohang ginawa mo? Hindi mo ba naisip na maaaring ikabagsak ng negosyo natin 'yang ginawa mo kay Clane?"

Nakatitig lang siya sa mommy niya, hindi na ma-proseso ang lahat ng sinabi nito dahil isa lang ang siyang tanging naglalaro sa isipan niya at iyon ay ang pagkansela ni Clane sa kasal nila.

Napatayo na rin siya, tuliro.

"S-Saan mo nakuha ang balitang 'yan, mommy? Hindi 'yan sinabi sakin ni Clane nang huli kaming mag-usap."

Napahilot ito sa sintido. Parang tumanda ng isang taon ang mommy niya dahil sa itsura nito, stress sa kanya.

"Umamin ka nga sakin, Ayesha! Ano ba ang koneksyon niyo ni Clane, hah?! Akala mo hindi ko napapansin ang pagiging malapit niyo noon? Umamin ka sakin!"

Yesha bit the side of her cheek. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya, ang malaman ng mommy niya ang inililihim niya sa mga ito patungkol sa totoong relasyon nila ni Clane.

"Mom-"

"Umamin ka!" Napapikit siya sa nang medyo tumaas ang boses ng ina. Gigil na ito sa kanya, sobra lang ang pagtitimpi. "Magkakaro'n ako ng sakit sa puso dahil sayo. Wag mo ng dagdagan ang problema ko, Ayesha."

"I'm sorry, mom." Mahina ang boses niya. Napahugot ng hangin sa dibdib bago umamin. "Clane is my boyfriend..." Her mother glared at her. Hindi makapaniwala. "I mean, not anymore, I broke up with him."

"Boyfriend?"

"Yes, mommy. Believe me."

"You were seventeen."

"I was the one who force him, okay? I was still a minor that time, pero, wala siyang kasalanan, mommy. Ako ang may gusto na maging boyfriend siya para wala na siyang kawala sa'kin."

Pakiramdam niya ay ang defensive niya masyado, na kapag may mali siyang sinabi tungkol kay Clane ay magkakaro'n ang mommy niya ng dahilan para magalit sa binata.

"At ngayon na nakipaghiwalay ka sa kanya, ano sa tingin mo ang kahihinatnan ng lahat ng 'to?"

"Kakausapin ko siya, mommy. Ako po ang bahala."

"Gan'on lang 'yon kadali sayo? Na kapag kinausap mo si Clane ay magbabago ang desisyon niya? Do you really think that Altaraza is stupid? Na kaya mo siyang paikutin sa palad mo? Well, think again, Ayesha. Hindi aasenso ang negosyo nila kung gano'n lang sila kadali kausap. Mga tuso ang mga 'yan."

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Nag-iisip kung ano o paano niya ba uumpisahang kausapin si Clane para pakasalan siya!

"Alam mo, hindi na ako magtataka kung isang araw ay ibabalita sa'kin ng daddy mo na pinutol na ng mga Altaraza ang koneskyon sa hotel natin. You know what's worse? Clane won't manage our business in the near future. Saan ka pupulutin kapag nawala na kami ng daddy mo, ha? Tingin mo saan ka pupulutin?"

Napapagod na napasandal siya sa inuupuan. Kung kanina nakakapag isip pa siya, ngayon ay hindi na. She felt like she just give her parents a big problem.

"I will do my best to talk to him, mommy. Wag ka na po mag-alala, sige ka, magkaka-wrinkles ka."

"Shut up, Ayesha. This is not the right time to make fun with me."

"How about I tell you what happened to me today?" Lambing niya, pilit na inililiko ang topic nilang masyadong masakit sa ulo.

Uh, that Altaraza is so bitter. But, she cannot blame him, siya itong may kailangan dito sa umpisa pa lang, at siya pa itong malakas ang loob makipaghiwalay. Ni hindi man lang niya inisip na kapag nakipaghiwalay siya kay Clane ay puputulin nito ang koneksyon ng mga ito sa negosyo nila at higit sa lahat ay hindi na siya papakasalan!

"Just make sure that you have a good news, Ayesha. Masyado mo ng pinasakit ang ulo ko ngayong araw."

"For me, this is a good news. Pumasa ako, mommy! I will be modeling a swimwear brand!" Napatili pa siya a napatayo. "See? This is the start of my career here! This company finally noticed me!"

A weak but genuine smile form in to her mother's lips. Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng magaan na yakap.

"At least, this day gonna end with a good news. I'm proud of you, my baby brat."

Gumanti siya ng yakap, dinama. "Thank you, mommy. And I'm sorry for the headache. I will make it up to all of this."

And that night, she swore to herself that one day, Clane Altaraza will marry her, by hook or by crook.

"Ayos na rin ito na hindi kami nagpakasal. Hindi ko pa natutupad ang pangarap ko. Marrying him is another responsibility to me." Aniya matapos magbalik tanaw sa panahon na kinansela ng binata ang dapat na kasal nila.

"And marrying you is also a responsibility to him. Ang dami niyang responsibilidad, kaya siguro pinili niya rin na huwag ka munang pakasalan."

Nakatulog sa bisig niya si Britanny. Napanguso siya.

Paano pala kung sila ni Clane ang nagkaanak? Magiging masaya ba siya? Siguradong, oo, pero malulungkot din dahil may posibilidad na hindi niya matupad ang pangarap na maging modelo.

Sa buhay, hindi pala talaga pwedeng pagsabay-sabayin ang mga bagay. Most of the time, people always need to choose between taking what they think is best for them and set aside something that they think isn't really important.

In her case, she chose her career over love. Mas pinili niya na abutin ang pangarap at isantabi ang lalaking alam niyang naninirahan na sa puso niya. Pero, tama ba talaga ang desisyon niya?

"Pasalamat ka parin kay Clane 'no? Hindi niya pinutol ang koneksyon ng Altaraza sa Villamor."

Sa lahat yata ng mga naging pangamba niya, ang pinaka nagpagaan sa kanyang loob ay ang katotohanan na nanatili ang koneksyon ng Altaraza sa hotel nila. Maybe, that's what business works, kapag parehong may pakinabang, hindi basta-basta itatapon nalang dahil lang sa isang mababaw na dahilan.

"Kaya lang... hindi niya na talaga ako kinausap. Siguro, galit talaga siya sa'kin."

"At sinong lalaki ang hindi magagalit sa ginawa mo?" Mataray na sabi ni Kelly, nakataas pa ang isang kilay na ipinamumukha sa kanya na siya talaga ang may kasalanan ng lahat.

"It was supposed to be a cool off, he just misinterpret it."

"Wag ka na magpaliwanag, brat. Basta, sigurado ako, nagpupuyos sa galit 'yun si Clane. Hello, sino ba naman kasing babae ang tatanggi sa isang Altaraza? Ikaw lang! Ang haba ng buhok mo, minsan gusto na kitang gupitan ng hindi mo alam."

Hindi parin talaga nagbabago ang bibig ng kaibigan kahit na may anak na, kahit na iba na ang paligid na ginagalawan nila.

"I thought he would not take it seriously. Kasi, sabi ko naman sa kanya na kahit mag break kami, magpapakasal parin kami kapag eighteen na ako."

Aaminin niya na hindi niya ininda masyado ang paghihiwalay nila ni Clane, dahil itinanim niya sa kanyang isip na kahit magkahiwalay sila, magpapakasal parin naman sila, magiging sila parin sa huli. Pero, hindi niya inaasahan na magiging sanhi ang paghihiwalay nila ng hindi ni Clane pagpapakasal sa kanya.

Ngayon ay nangangamba siya na hindi na nga talaga siya pakasalan ni Clane. Paano na ang negosyo nila? Hanggang kailan ba ang kontrata ng koneksyon nila sa mga Altaraza? Paano kung hindi 'yon pang habang buhay? Paano na? Sino na ang magpapatakbo ng negosyo nila sa hinaharap?

"Hindi ka kasi muna nag-iisip bago ka nakipag-break."

"Hindi pa naman niya sinasagot ang mga email at tawagko. Galit ba talaga siya o busy lang?"

"Both."

Inirapan niya ang kaibigan. Wala siyang makuhang suporta, sermon pa ang inabot niya.

"Ikaw kaya ang maghintay ng mga reply at tawag niya? Ewan ko lang kung hindi ka ma-frustrate."

"Sana 'no, nagkaanak nalang kayo baka sakaling mag mature ka na." Inirapan siya ni Kelly na pra bang ang bata bata niya pang mag-isip!

"What do you mean by that? Hindi pa ako mature mag-isip, huh?"

"Hindi pa." Mabilis na sagot nito. "Dahil kung oo, maiintindihan mo na sobrang busy niya. May I remind you again that your ex boyfriend is a fucking CEO now of their Hotels and Resorts. It means, he's super busy."

"Kaya tama lang na nakipaghiwalay ako sa kanya dahil wala siyang time sa'kin!"

Bumuntong hininga si Kelly. "Tama na nga rin na nakipaghiwalay ka dahil wala siyang time sayo, brat. At hindi mo siya naiintindihan."

"Balang araw, hahabulin din ako ni Clane."

"Ganda mo eno?" Sarkastikong sabi nito.

"I have my ace. Maghintay lang siya at bubulabugin ko ang buhay niya."

"Anong alas ang hawak mo, aber?"

Yesha just smiled wickedly at her best friend. "Just wait and see. I won't just let him cancel our wedding just because he's furious because I dumped him."

"At kailan mo balak bulabugin ang buhay niya? Kapag huli na ang lahat? Kapag may ibang babae na siyang gustong pakasalan?"

Kumulo ang dugo niya sa ideyang may ibang babae si Clane na gustong pakasalan. Is she jealous?

"Hindi 'yon magpapakasal sa iba, bago niya pa maisip 'yon, hahadlangan ko na. Sa akin lang si Clane."

"Ang tanong... ikaw ba ay sa kanya lang din? Ni hindi mo ba naisip na ngayong single na siya ay siguradong malaya siyang mambabae. Another tahong to eat for daddy Clane." Kelly laugh evilly. "I hope now you realize that breaking up with him is the worse thing you ever did to your life."

Para siyang masisiraan ng bait kakaisip kung tama pa ba ang desisyon niyang hiwalayan si Clane, dahil sa totoo lang ay nangingibabaw na ang pagsisi niya sa ginawa. Parang, gusto niya ng bawiin 'yon!

"If you really want Clane for you, you should start working now for it to happen. Wag puro ganda at alindog ang pairalin, ha. You have your ace,right? Gamitin mo 'yan para tikisin siya. Give him no choice, but to marry you in the end."

"I hope this ace would work."

"Kapag hindi, magpabuntis ka para wala talagang kawala sayo." Humagikhik si Kelly. "Tignan mo si Branth, habol nang habol sakin."

Sumimangot lang siya at hindi na pinatulan pa ang hindi naman seryosong payo ng kaibigan at kalokohan lang.

One thing is for sure, she will use her ace to bring back that Clane Altaraza to her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top