15 ~ Broken Hearts




CHAPTER FIFTEEN

ALEXZA almost losing herself. Ang lamig ng hangin na humahampas sa katawan niya at tumatangay sa buhok niya ay mas lalo lang nagpapahirap sa sitwasyon niya, mas lalong nagpapatigil sa kanya sa pag-galaw dahil sa lamig niyon. Sinusubukan niyang bumangon upang habulin si Drake, but she's really weak that she cannot even move a finger. Her head is spinning so bad and that's hurt.

"Alexza!" It was a familiar voice of her brother from somewhere.

She's closing her eyes, crying and kneeling painfully on the sand. Halos mapahiga at napapayuko na sa buhanginan sa labis na sakit na nararamdaman. The man she love the most is nowhere to be found now. Nawala na sa paningin niya. Parang gumuguhong muli ang mundo niya, katulad noon nang iwan niya ito. Naulit lang pero mas doble na ang sakit.

Dwaye hurriedly attended on her and pulled her closer to let her cry on his chest. His one hand is under her hair the other one is hugging her back. They're both kneeling on the sand.

"W-why he can't understand m-me? B-bakit kailangan n-niya akong iwan sa ganitong sitwasyon?" Humahagulhol siya sa malapad na dibdib ng kapatid. "I know I m-made the wrong choice for leaving him, b-but I had many reasons, Kuya! B-bakit hindi n-niya 'yon maintindihan?! G-ginawa ko 'yon para sa k-kanya kasi m-mahal na mahal ko s-siya! B-bakit...bakit...g-ganito..."

"Hush,"

Patuloy ito sa pag-alo sa kanya sa pamamagitan ng mararahan na haplos sa likod at buhok niya. Sa tigas at lapad ng dibdib ng kapatid, nakapagtatakang nakapagbibigay iyon ng kaunting ginhawa. Ginhawa na inaahon siya sa dilim na gusto na siyang tuluyang lamunin.

"M-Mali ba ang ginawa ko, K-Kuya? Mali ba a-ako sa p-pag-iwan ko sa k-kanya?" May hinanakit sa tinig niya. "Mali ba na ginawa ko 'yon dahil s-sobrang mahal ko siya? N-na kakayanin kong h-hindi siya makasama p-para lang sa kaligtasan  n-niya? Hindi n-niya man lang ba inisip 'yung nararamdaman k-ko noon? O m-mas importante lang sa k-kanya 'yung nararamdaman n-niya? A-akala niya siya lang 'yung n-nasaktan! H-hindi niya alam na a-ang sakit-sakit p-para sa akin na i-iwan siya!"

Ang galit at sakit ay tila naghahalo na ngayon sa kanyang dibdib. Galit na hindi siya naintindihan ni Drake. Galit na hindi man lang ng binata naisip ang nararamdaman niya. Galit na halos nangingibabaw na kesa sa sakit na narararamdaman niya.

"Give him time. You have to give each other time, Alexza." He said softly. "Did you tell her about the baby?"

Sa dalawang gilid ng mga mata niya ay tumulo ang isa pang masakit na luha. Tumango-tango siya sa dibdib ng kapatid.

"I told him about the b-baby. I expect him to comfort me knowing that we both lost our child, but he did not...instead, h-he left me." Humagulhol ulit siya. Her body is shaking because of so much crying. "D-dalawa silang nawala sa a-akin. Ilang taon akong nagdusa...b-bakit hanggang ngayon pinagdudusahan ko pa rin 'yon?! B-bakit parang a-ako nalang 'yung laging m-mas nasasaktan?! B-bakit pakiramdam ko n-nasa akin ang bagsak ng l-lahat ng sakit?!"

Ilang minuto siyang umiyak sa dibdib ng kapatid. Wala ng pakialam kung ano ang itsura niya at kung basang-basa na rin ng luha niya ang polo shirt nito. Gusto niya nang ilabas lahat ng luha at sakit. Gusto niya ng mawala ang damdaming iyon na nagpapahirap sa kanya.

Iniluha niya ang lahat hanggang sa mapagod siya at tuluyan ng manghina. Tuluyan ng unti-unting nagpapakain sa kahinaan at sa dilim.

Her heart is so broken that the pain is almost lost her consciousness. Sa kagustuhan na mawala ang sakit, gusto niya nalang biglang mawalan ng malay.

"A-Alexza? Alexza?!"

Ang nag-aalala at ang pagkataranta sa boses ng kapatid ang huling narinig niya bago niya hinayaan ang sariling balutin ng dilim...kasing dilim ng paligid...kasing dilim ng tubig dagat.

DRAKE THOUGHT that the most painful feeling he had ever feel was the day when Alexza left him, but he was fucking wrong! Because the most painful feeling he had felt was just happened awhile ago.

Tatlong masasakit na katotohanan na sabay-sabay ibinato sa kanya nang hindi niya inaasahan.

The woman he wanted to marry ever since is bound to marry his friend, soon. They did not just break his heart but they also break his ego. He felt betrayed. He felt being cheated with those people who's matter to him. After all these time, they're playing with him!

"Why did you have to do all of these?!" He asked himself hurtfully, thinking about the woman who always give him pain.

Mapait na sinimsim niya ang alak sa bote at hinayaan na sakupin ang lalamunan niya ng pait ng likido na iyon. Pero kahit pa gano'n, hindi napawi ng pait ang sakit sa dibdib.

He's on his suite's veranda while his son is sleeping peacefully on bed.

He took a quick glance at Blake.

Kailangan niya pang tumingala sa langit, pumikit ng mariin at hawakan ng mariin ang bote para mapigilan ang emosyon na unti-unti ng tumutunaw sa kanya.

He's not yet ready to see his son crying and hurting because of Alexza's absence on their lives.

Tiyak na hahanapin ng anak niya ang babae pagmulat ng mga mata nito at hindi niya pa napaghandaan ang kung anuman ang susunod na mangyayari kapag sinabi niyang wala na sa buhay nilang mag-ama si Alexza.

"You got me p-pregnant..."

That words replying on his mind multiple times since she told it on him. Paulit-ulit na para bang isang sumpa iyon na sa tuwing maririnig niya ay napipiraso ang puso niya.

"I lost our child... I lost our b-baby..."

Ang sakit at pighati sa boses ni Alexza ay muli niyang narinig. Kung ilang pagtingala niya na iyon ay hindi niya na mabilang para lang huwag muling mahulog ang masasakit na luha sa mga mata.

Her painful words started to sink in. Mabagal na rumirihistro iyon sa kanya, sa sobrang bagal mas sobra ang sakit at pait. Parang pinupunit ang dibdib niya ng walang pahintulot niya.

Its true. Its real. That's the fact. May anak sila, ngunit namatay iyon at ngayon niya lang nalaman. Kung alam niya lang, kung sinabi lang sa kanya ni Alexza, siguradong hindi niya na ito papakawalan magkamatayan man, but she did not tell him. Ipinagkait sa kanya ang anak niya. Ipinagkait sa kanya ang pagiging ama sa anak nila.

Kung patuloy niyang iisipin ang mga nalaman mula sa dalaga baka tuluyan na siyang mabaliw. She's really good in making him crazy and breaking his heart.

"Daddy..."

Napalingon siya sa glass door sa likod niya. There is his son, squeezing his eyes and trying to look at him.

"Come here,"

Inaantok itong naglakad at siya naman ay tahimik na hinawi sa gilid ang mga bote ng alak sa ibabaw ng bilog na lamesa.

"What time is it daddy?" Tanong ng anak nang ma-i-upo niya ito sa katabing upuan.

He look straight on his direction and see the sun slowly rising. Paangat na ang araw na hindi niya man lang namalayan sa sobrang daming bumabagabag sa kanya. Magdamag hanggang mag-umaga.

"It's too early to get up, son. You can go back to sleep. I'll be right here."

"Where's my mommy?" Maamo ang mukha nito na nag-angat ng tingin.

He tried to keep being calm in front of his son when in reality, his heart was hammering on his chest.

"S-She..."

"She left us?" Malungkot itong napayuko. "I fell asleep last night daddy. I'm sorry if I let her escape from me. Niyakap ko naman ng mahigpit ang mommy ko pero umalis pa rin siya...?"

Drake blink for a seconds then heave a sigh. Sumasakit ang lalamunan niya na parang nagbabara. Biglang tila ba napakahirap magsalita.

"It wasn't your fault, son."

"Iniwan talaga tayo ng mommy ko? Tell me you're just kidding me, daddy!"

Kaagad na nangislap ang magkabilang gilid ng mata ni Blake habang naghihintay na sabihin niyang nagbibiro nga talaga siya.

He doesn't know how to handle this kind of situation with his son. He wasn't prepare. And he's not really in the right mind at the moment.

Maging siya ay nahihirapan sa nangyayari pero ayaw niyang paasahin pa lalo ang anak sa isang kasinungalingan. As long as he can be honest with him, he will. They both need to face and deal with the fact that Alexza is no longer part of their lives.

"Expect that you will not see her for awhile."

"W-Why daddy?!"

Blake is almost crying, but his boy is also good in controlling his emotions at the young age. Kaya hindi malaglaglag ang luha nito pero mas masakit para sa kanya iyon dahil alam niya ang pakiramdam nang nagpipigil ng damdamin.

"Just listen to me!" Mapait na bigkas niya.

"Why would I? Tell me that I will see her again! I want my mommy back!" Tuluyan ng bumagsak ang luha ng anak ngunit galit nitong pinunasan iyon gamit ang maliliit na kamay. "Hindi ako iiyak daddy...b-big boy na ako. Hindi po ako iiyak..." pero patuloy ang agos ng luha nito na patuloy din na pinupunasan.

"It's okay to cry, son." Kalmado ang boses niya, ibang-iba kung ano ang nasa loob niya.

Parang pinipiga ang dibdib niya habang pinapanood ang anak na pilit na kinokontrol ang pag-iyak pero hindi magawa.

"B-big boy don't cry,"

"They do,"

Deretso ang tingin niya sa kalayuan sa malawak na kulay asul na karagatan na nagkikislapan dahil sa magaan na tama ng sikat ng araw. Kalmado ang hampas ng alon. Sana gano'n din ang nararamdaman nilang mag-ama.

"K-kahit masakit dapat hindi iiyak, daddy." Humihikbi na ito. Namumula ang tungki ng ilong. It reminds him of Alexza when she cry. The tips of her nose turn red like his son.

"Pwede mong i-iyak ang sakit, anak... it will help you feeling better."

"I'm not going to c-cry! Mommy w-would not like it when she see me like this!" Nagmamatigas pa rin ang anak niya kahit nahihirapan na itong magsalita dahil sa pag-iyak. "B-bakit iniwan tayo ng m-mommy ko? H-Hindi niya ba tayo love? Hindi niya ba a-ako love? Love n-naman natin siya daddy...love na love ko naman s-siya, ha...b-bakit pa siya u-umalis?!" Bumubuhos ang luha sa pisngi ni Blake habang nakakaawang nagtatanong sa kanya. Inosenteng-inosente sa nangyayari.

He swallow hard. Nanunuyo ang lalamunan niya. Awang-awa sa anak at mas nadoble pa ang bigat sa dibdib niya habang pinapanood ito. This is what he afraid of, that his son was hurting because of Alexza. And it's happening now.

"I'm sure she love you, too."

He said that not to make his son feel good, but because he can feel that Alexza love his son. Hindi nga lang talaga nakaayon sa kanila ang tadhana para tuluyan ng magsama.

"B-Bakit siya umalis kung love n-niya talaga ako!" Blake frustratedly wipe his tears using his small palms. "Mommy doesn't love me!" Halos pasigaw ng anak at talagang umiyak na ng umiyak. "S-she doesn't love me!" Paulit-ulit nitong isinisigaw iyon na para bang ang sakit sakit na katotohanan iyon.

Sa sakit na makitang umiiyak si Blake ay kinuha niya ito at kinarga, dinala sa bisig niya. He let his son cry on his chest as if that's the only thing he can do to make him feel good and to comfort him.

"Your mommy loves you. Please, trust me. She loves you..." Marahan na sambit niya. "Its just that there are things that don't work out. I'm sorry if I hurt you because of this. I'm sorry."

"I'm sorry d-daddy... I'm s-sorry for forcing y-you to give me a m-mommy. H-hindi p-pala madali m-maghanap ng m-mommy ko. M-masakit pala k-kapag u-umalis siya..." Blake is crying on his chest. "A-ang s-sakit po ng h-heart ko daddy..." Para itong nagsusumbong at marahan na hinawakan papiga ang sariling dibdib. "It hurts so m-much every time I-I stop myself from c-crying...that's w-why I chose t-to cry..."

Timingala siya, napasandal ng husto sa inuupuan at desperadong pinunasan ang mga mata ng kanyang braso. His one arm is hugging his son and the other one is covering his eyes.

Why Alexza needs to break their hearts? Its so gay to be so emotional, but knowing that Blake's heart is breaking, it break him even more. Mas triple ang sakit bilang ama. His innocent son is hurting because of that woman. She's really a fucking heartbreaker. Damn it!

"Let yourself cry if that's make you feel better, anak. Daddy will always be here for you. You can count on me, you can cry on my shoulder and you can tell me whatever is in your mind and in your heart." He brush his son's hair using his other hand.

"Mommy break my heart, daddy..." Blake sobbing hurtfully. His face is on his neck. His tears were falling down his chest. "My heart feels like its really breaking...I don't want this daddy. I don't want this kind of hurt in my chest."

Mapait siyang tumikhim upang maalis ang paulit-ulit na bara sa lalamunan niya. His son just confessed his feelings and he did not expect it. Its fucking hurt!

"We will heal our broken hearts, son. We just need some time for it." Marahan na hinahaplos niya ang likod ng anak na patuloy ang paghikbi. "Daddy will never break your heart. Daddy will never hurt you. Daddy will never leave you. I promise, Blake. I promise."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top