Chapter 8
"Good morning, Sir Wade!" magalang kong bati nang pumasok sa loob ng kanyang opisina.
Dumapo ang tingin niya sa akin, ibinababa ang file na hawak. His eyes were blocked by a frame of eyeglasses that I can't see where his gaze is directed at.
"Good morning din, Jean." Lumitaw ang matamis na ngiti na nakasanayan ko nang makita tuwing nagkakasalubong kami. "I know you are yet to be oriented about the tasks of a secretary."
Napahawak ako sa aking gray na palda nang maramdaman ang pagbasa ng aking mga palad. Hindi ko maiwasang kabahan dahil ngayon ang unang araw ko bilang sekretarya ni Sir. Wala pa naman akong karanasan kaya may malaking posibilidad na 'di ko magawa nang maayos ang trabaho.
"Are you nervous?" nakangiting tanong ni Sir Wade, ngayo'y naibaba na ang eyeglasses sa table.
Kita ko ang kislap sa kanyang mga mata. Tila ba natutuwa ito dahil sa halatang pagkakanerbiyos ko.
Huminga ako nang malalim at sinabi ang nasa isipan, "I'm a little worried Sir na baka 'di ko magawa ng tama ang trabaho. Alam ko naman ang basics pero hindi ang mga pasikot-sikot."
Ipinagkrus nito ang braso sa dibdib at marahang tumango. "Gano'n lang pala. Don't worry too much. I won't be hard on you."
Natigilan ako sa aking narinig. Ito ba iyong sinasabi nila Kris na kakaibang pagtrato ni Sir Wade sa akin? Minsan, sa mga salita niya'y napapaisip rin ako na baka totoo ang paratang nila. Pero alam naman ng boss ko na may asawa ako kaya imposible.
"I moved your table inside the office temporarily. I'll have someone orient you about what to do," he said in a baritone and stretched his hand towards the table adjacent to the door.
Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng boss ko pero wala naman akong karapatang kuwestiyonin ang motibo niya kaya tumango na lamang ako at lumapit sa lamesang uupuan ko ng ilang buwan. Sana lang ay makabalik pa ako sa market research team.
Namuno ang katahimikan sa loob ng opisina nang simulan na namin ang pagtrabaho. Wala pa naman akong masyadong nagawa maliban sa i-arrange ang schedule niya ngayong araw. At nang mag-alas diyes, dumating iyong mag-oorient sa akin. Nagpakilala siya bilang dating sekretarya ni Sir at ngayon ay sa CEO na naman siya nagtatrabaho.
Noong maghapon na ay mag-isa kong sinubukan ang pagtanggap ng mga tawag at mga mails. Hindi naman pala mahirap basta may pormal at maayos ka lang na pananalita.
Alas siyete ng gabi ay nagyaya na si Sir na umuwi. Mukhang tapos na rin ang trabaho niya. Sa elevator ay panay ang kanyang anyaya na magdinner muna kaming dalwa. Pilit ko naman itong tinanggihan. I have Miro waiting for me in our house. Baka kung 'di ako makauwi nang maaga ay umalis na lang din iyon ng walang kain.
"It's your first day as a secretary. We should celebrate," magiliw nitong sambit at humawak pa sa aking braso.
Parang tapik lang naman iyon pero para akong napaso. Agad akong napaatras. Hindi ako sanay na mahawakan ng ibang lalaki. Nanginig ang aking kalamnan.
"Sir, naghihintay po ang asawa ko sa bahay," magalang ngunit may-diin ring sagot.
Nangunot ang noo niya habang matamang tinititigan ang aking mukha. Umiwas na lamang ako ng tingin, tahimik na nagdadasal na sana ay may pumasok na ibang empleyado o 'di sana ay makababa na kami sa ground floor para matakasan ko na si Sir Wade.
"Your usual out is 7:30, hindi ba? May kalahating-oras pa naman," pamimilit nitong muli.
Humigpit ang kapit ko sa aking shoulder bag. Being locked inside the elevator alone with my boss is the longest ride for me. Kahit na ilang minuto lang naman ito. Parang isang dekada ang paghihirap ko.
"Sir, next time na lang po," muli kong tanggi.
"Sige." Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Akala ko ay susuko na siya. "But let me drive you to your house."
"Hala, Sir! Huwag na po!" mariin kong tanggi na respeto rin naman niya. Siguro, out of kidness lang iyong pag-offer niya.
Umuwi akong mag-isa at kumain ng hapunan kasama si Miro. Hindi nga lang ako nakapagluto dahil sa labas na ako bumili ng ulam.
"Nalipat ako ng opisina ni boss," kwento ko na siya namang ikinakunot ng noo ng aking asawa.
"Iyong Sir Wade?" pagklaro niya sa tinutukoy kong boss.
"Oo, bilang sekretarya niya."
Natigil siya sa pagsubo at mabilis na ibinaba ang kubyertos sa kanyang plato. "Paano nangyari iyon? Are you even qualified? Baka may gusto na iyan sa'yo."
Mataman niya akong tinitigan sa mata. Hindi ko maintindihan ang sariling emosyon. Nainsulto ako sa kanyang mga salita ngunit nabawi naman ito ng tuwa sa nahihimigan kong selos sa kanyang boses.
"Replacement lang naman ako sa secretary niyang on maternity leave. Babalik din ako sa market research team," paliwanag ko upang mapanatag naman ang kanyang kalooban.
Ibinaba niya ang tingin sa pagkaing nasa harap at bumuntong-hininga. "Sabihin mo ang totoo, Jean. May gusto ba ang Sir Wade na 'yon sa'yo?"
Tila umurong ang dila ko sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung anong dapat isagot dahil kahit ako mismo ay hindi sigurado. Oo nga at iyon ang sabi ni Kris at ng iba ko pang katrabaho noon pero hindi ko naman alam kung ano o sino ang laman ng puso ng boss ko. Baka gano'n lamang niya tratuhin ang mga babae.
"Hindi ko..." Napatikhim ako, hirap na sinambit ang huling salita, "alam."
Nag-angat ng tingin si Miro, ngayon ay magkadikit na ang mga kilay, at tinutusok ako ng kanyang matalim na tingin.
"Anong hindi mo alam? Jean, babae ka. Alam mo kung paano makiramdam. Kung hinahawakan ka niya na gaya ng paghawak ko sa'yo, iyon na iyon!"
His outburst left me muted. Sa ilang segundo ay tila kinulong kami ng katahimikan. Lumamlam ang kanyang tingin. Napakagat na lamang ako sa isang piraso ng lechon manok.
"Hindi ko naman hahayaang ma-violate na ako o ano. Ikaw, kumusta ka sa trabaho?" pasimple kong pag-iba ng topic. Ayoko ng pag-usapan ang boss ko dahil walang lang naman siya sa buhay naming mag-asawa.
Nanunuring tingin ang ipinukol niya sa akin bago tipid na sumagot, "Maayos naman."
"Hindi ka ba nahihirapan?" nakatutok ang tingin ko sa kanyang mukha habang itinatanong ito. "Baka naman pwede ka nang magpa-assign sa day shift?"
"Hindi pa pwede. Inaayos pa ang list ng mga opisyal ng empleyado," seryosong wika niya at muling sumubo.
"Kailan ba iyon?"
Uminom siya ng tubig bago muling nagsalita, "Next week o kaya next next week pa."
Napatango ako. May pag-asang biglang umusbong sa aking isipan. Kung may final screening pang mangyayari ay may posibilidad na hindi makapasok si Miro. Call me selfish, but I want it much to happen. Dahil hindi ko na alam kung saan hahantong ang aming relasyon kung magtatagal pa ang ganitong set-up namin.
Our dinner ended, and it was time for him to go to work. Ito ang unang beses, simula noong makapasok siya sa call center, na nasamahan ko siyang maghintay ng traysikel sa labas ng bahay.
"God bless, 'dy. Mag-ingat ka," bulong ko sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang pisngi.
"Ikaw din. Make sure na ma-ilock mo ang bawat pinto," nakatingala niyang bilin bago pumaharurot ang sasakyan tungo sa kanyang pinagtatrabahuan.
Pagbalik ko sa loob ay agad kong narinig ang ingay mula sa aking cellphone na naiwan ko pala sa couch. Umiilaw ito kaya agad kong nabasa ang nakaprintang pangalan sa screen. Napasinghap ako at mabilis na sinagot ang tawag.
"Magandang gabi po, Ma," bati ko sa aking biyenan.
"Jean?" isang nanghihinang boses ang aking narinig sa kabilang linya.
"Opo, ako po ito." Umupo ako sa sofa.
"Pasensiya na kung ngayon lang ako nakapangumusta at hindi na rin nakakadalaw diyan sa inyo. Kumusta na kayo ng anak ko?"
"Maayos naman po," pabulong kong sambit at pinisil-pisil ang aking pajama.
"Wala naman siguro kayong problemang mag-asawa, ano, 'nak?"
Tila may humaplos sa aking puso sa narinig. Gustong-gusto ko talaga kapag tinatawag akong anak ni Mama Miranda. At hangad kong hindi ito magbabago.
"Kaunting pagtatalo lang po," pag-amin ko.
"Wala akong karapatang manghimasok, anak, pero kung ano man iyan, huwag niyo ng palakihin. O siya, ibababa ko na 'to para makapagpahinga na kayong mag-asawa."
Napahilot ako sa aking sentido dahil sa huling sinabi ni Mama bago pinutol ang tawag. Mukhang hindi nabanggit ni Miro ang pagtatrabaho niya sa kanyang mga magulang. Ano na lang ang sasabihin ni Mama at Papa kung nalaman nilang pinayagan ko si Miro?
Nakatulugan ko ang pag-iisip no'n. Isang marahang haplos sa buhok ang gumising sa akin kinaumagahan. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa ginaw at huminga nang malalim. Kunot-noong mukha ni Miro ang bumungad sa aking pagdilat. Awtomatiko akong napangiti.
"Nakauwi ka na pala." Hinuli ko ang kanyang libreng kamay. "Good morning."
Napasulyap siya sa nagdampi naming palad at humigpit ang kanyang paghawak dito.
"Tumawag nga pala si Mama kagabi."
Tumango siya at dahan-dahang umupo sa aking tabi. Magkahawak pa rin ang aming mga kamay.
"Hindi ko pa nababanggit sa kanya ang tungkol sa trabaho ko," seryoso niyang sambit habang isinasandal ang saklay sa isang tabi.
I shifted on my seat, my left knee now touching his legs. "Baka naman magalit dahil pinagtatrabaho kita."
Lumingon siya sa akin, may kung anong kislap sa kanyang mga mata. Lumuwag ang kapit ng kanyang kamay hanggang sa mabitawan niya ako nang tuluyan. Napatitig ako sa mga palad na ngayo'y nakakuyom na.
"Iyon naman dapat ang ginagawa ko bilang asawa mo."Dumukwang siya palapit sa akin at pinulupot ang braso sa aking beywang.
"Bakaㅡ"
Impit akong napasinghap nang marahan niya akong hinila palapit sa kanya. Nabuhay ang lahat ng selula sa aking katawan.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ko hahayaang maapektuhan ka sa naging desisyon ko," mahina niyang sambit bago lumapat ang labi sa akin.
Napakapit ako sa kanyang balikat nang lumalim ang kanyang halik. Para ng jelly ang katawan ko! Nakakapanghina ang pinaparamdam niyang pagmamahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top