Chapter 6

Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ang paglukob ng ginaw sa paligid at tuluyang napukaw ang diwa sa ingay ng mga traysikel dumadaan. Kinusot ko ang mga mata at unti-unting dumilat. Bahagyang nangunot ang aking noo nang matagpuan ang sarili ko sa gilid ng kalsada. Sumisilip na ang araw sa isang banda.

Marahas akong napatayo nang napagtanto ang rason kung bakit ako naririto. Agad akong humarap sa building kung saan nagtatrabaho ang aking asawa. May gwardiyang nakatayo sa gilid ng entrance ngunit hindi ko na ito mamukhaan. Siguro ka-shift ito ng gwardiyang nakausap ko kagabi.

Sinuklay ko ang buhok gamit ang aking daliri habang naglalakad patungo sa gwardiya.

"Manong, anong oras na po? Nakaalis na po ba iyong mga nagna-night shift?" tanong ko nang makalapit.

Saglit na tumingin si Manong sa relong nasa kanyang pala-pulsuhan bago ako sinagot, "Alas singko na po ng umaga, Ma'am. Nakauwi na po iyon kanina pa. Mga alas-kuwatro."

"Ganoon po ba? Sige po," pagpapaalam ko bago pinihit ang sarili paharap sa kalsada.

Dali-dali akong nagtawag ng traysikel at nagpahatid sa aming bahay. Pagdating ko doon, mukha ni Miro ang sumalubong sa akin sa harap ng pinto. Napanatag ang kalooban ko nang makitang maayos naman ang lagay niya. Ngunit salungat iyon sa naging ekspresyon ni Miro nang tuluyan akong makarating sa terrace ng bahay. Mula sa aking mukha ay bumaba ang kanyang nakakapasong  tingin sa aking suot. Hindi nakatakas sa aking pansin ang paghigpit ng hawak niya sa kanyang kaliwang saklay.

Nalilito man sa pinapakita niyang emosyon, binalewala ko na lamang ito. Masigla akong lumapit sa kanya sa kabila ng sakit ng likod at laylay ng aking mga balikat. Hindi madaling matulog sa gilid ng kalsada na wala man lang nasasandalan. Dumukwang ako upang halikan siya ngunit nabitin iyon sa ere nang ilagan niya ang labi ko. My hand balled into fist as the embarassment surged in.

"Saan ka galing?" mahina ngunit pasinghal niyang tanong.

Sa kanyang pananalita pa lang, kuha ko na ang nasa isip niya. Alam ko na kung saan 'to patungo. Kung iniisip niyang matatakot ako, nagkakakamali siya. Wala namang rason upang makaramdam ako ng ganoon. Pumasok ako sa sala at narinig ko ang kanyang pagsunod, base sa tunog ng kanyang saklay.

"Jean..." he said in a warning.

Huminto ako sa paglakad at muli siyang hinarap. Ngayon ay nasa gitna na kami ng sala at nakatayo sa pagitan ng center table na gawa sa kahoy at gray na sofa.

"Nagpunta ako sa pinagtatrabahuan mo kagabi at doon nakatulog sa kalye," simple kong paliwanag na naging dahilan ng lalong paglalim ng gitla sa kanyang noo.

Puwersahan ang naging paghakbang niya palapit sa akin, tila 'di alintana ang maaaring pagkawala ng balanse. "Huwag mo nga akong gawing tanga, Jean!"

Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang kanyang balikat. Ngunit agad lamang niyang hinawi ang aking kamay at lumayo nang bahagya sa akin.

"Miro..." I spoke softly but with conviction, my eyes locked on his fiery glare. "I went there dahil sa pag-aalala ko sa'yo. I kept calling you for a couple hours pero 'di mo sinasagot ang tawag kaya kahit gusto ko ng magpahinga at matulog na lang, nagdesisyon akong pumunta sa'yo. At oo, ngayon lang ako nakauwi dahil hinintay kita doon, sa gilid mismo ng kalsada."

"What?" Tumawa siya, ngunit puno ng panunuya ang boses. "You expect me to believe that? Sino ba ang nasa tamang pag-iisip ang maghihintay ng ilang oras ng kalsada para lang sa nagtatrabahong mister nila. At ang malala, dis-oras pa talaga ng gabi. Kahit sinong taong-kalye hindi iyong gagawin!"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang naging turan. I don't expect him to believe, but at least think rationally. I'm his wife and I was worried and I wanted to check on him. Iniisip niyang walang taong gagawa ng ganitong kabaliwan? Well, I just did. All for him! Tapos ngayon, sa ginawa ko pang-iinsulto niya lang ang natamo ko. Parang piniga ang puso ko sa aking napagtanto. I caught my own reflection on the mirror hanged just beside a brown frame with our wedding picture. I looked calm on the outside, but my mind's bursting with thoughts.

Napabuntong-hininga ako bago siya sinagot, "Kung nagdududa ka, tanungin mo iyong mga gwardiyang nakaduty kagabi at kanina."

Pagkatapos iyong sambitin ay iniwan ko siya sa sala at diretsong nahiga sa kama nang makapasok sa kwarto. Niyakap ko ang sariling unan at sa bawat malalim na paghinga ay unti-unti itong humihigpit. Ipinikit ko ang aking mga mata upang sana'y umidlip ngunit lumilipad ang utak ko sa kung saan.

I feel frustrated of him and of my own stupid actions. Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Kung sana alam kong ganito lang ang mangyayari ay hindi na lang ako nagpunta doon. Kung sana 'di na lang ako nagpadala sa pag-aalala. Isinubsob ko ang aking mukha sa unang yakap at unti-unting pinakawalan ang mga butil ng luhang dumaloy na sa aking pisngi.

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Paggising ko'y wala si Miro sa aking tabi. Pansin ko ring hindi nagalaw ang unan sa kabilang bahagi ng kama. Mabilis akong bumangon upang matingnan siya sa sala. Tama nga ang hinala ko. Naroon siya sa couch natulog, nakatagilid, ang mga paa'y nakasabit sa arm rest. Mapait akong napangiti. Mabilis akong lumapit at naupo sa kaunting espasyo sa gilid ng kanyang dibdib. Ang palad ko'y marahang humaplos sa kanyang pisngi.

Bumalik sa aking isipan ang nangyari. Ngunit 'di pareho kanina na nagagawa kong ilabas ang emosyon. Ngayon ay tila nakulong ito sa hawla. Tila nakabaon ito sa aking puso at 'di na makalaya. At mas masakit ang ganito.

Sa kabila ng pagtatampo ko sa aking asawa ay nagawa ko pa siyang ipagluto. Paalis na ako sa trabaho ay tulog pa rin siya sa sala. Hinalikan ko na lamang siya sa noo bilang pagpapaalam bago umalis.

Hanggang sa pagpasok sa trabaho ay tinatakasan ako ng sariling pokus. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang pagtatalo namin ni Miro. At sa bawat eksena ay naninikip ang aking puso. Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib.

I came back to my senses when Kris called me by our endearment. Napatingala ako at mabilis na naibaba ang kamay sa table. Ngumisi siya at sinundot ang aking tagiliran, dahilan upang mapasinghap ako at mabilis na tumayo. Tiningnan ko siya ng may pagtataka ngunit puno ng malisyang tingin ang naging sukli nito.

Bahagyang gumalaw ang swivel chair nang umatras ako. "Anong tingin iyan, ha?"

"Pinapatawag ka ni Sir Wade, Madam," nanunuksong sambit niya. "Hindi sinabi kung bakit."

Narinig ko ang pagtikhim ni Ofelia kaya mabilis akong napalingon sa kanilang gawi. Si Nita ay seryoso lamang na nakatingin sa akin habang kaharap ang PC. Si Ofelia naman at Tara ay parehong may nakakalokong ngisi sa kanilang labi. Nagtaas-baba pa ang kilay ng dalaga naming ka-opisina. I know what they're all thinking. Hindi naman ako tanga upang 'di maintindihan ang kanilang mga pinapakitang ekspresyon.

Napailing na lamang ako at dinampot na ang folder na may lamang print ng report. Hinihingi na siguro ni Sir Wade ang partial status ng ginagawa naming market research. Buti na lang ay natapos na namin kahapon ang computation na ng data mula sa ginawang survey.

Mabilis akong nagtungo sa opisina ni Sir na nasa huling palapag ng gusali. Sinalubong ako ng kanyang sekretarya.

"Good morning, Ma'am!" bati ko. "Nasa loob ba si Sir Wade?"

Tumayo siya at ngumiti. Hindi nakawala sa aking paningin ang umbok sa kanyang tiyan. Ngunit mabilis ko ring inilihis ang aking tingin nang nilahad niya ang palad paturo sa nakasaradong pinto.

"Pasok ka lang, Ma'am," magalang nitong sambit bago umupong muli.

Nagpasalamat ako bago lumapit sa pinto. Isang katok pa lang ay agad na itong bumukas. Isang nakangiting Sir Wade ang bumungad sa likod nito. Sinuklian ko ang kanyang ngiti at binati siya ng magandang araw.

"It's good to see you," tugon niya at niluwagan ang pagkabukas ng pinto. "Pasok ka."

Bahagyang umatras si Sir upang tuluyan akong makapasok. Pagkatapos ay itinulak niya ang pinto pasara at iginaya ako sa couch ng kanyang opisina.

Naupo siya sa aking tapat. Akmang iaabot ko na ang folder na hawak nang mahuli ko ang malalim niyang paninitig sa aking mukha. Umawang ang aking labi at mabilis na lumipad ang tingin sa glass wall ng palapag. Ilang segundong nanatili ang mga mata ko sa bughaw na himpapawid na nagmistulang painting sa ganda.

"Did something happen?" tanong niya, nasa boses ang pag-aalala.

Doon ako napalingon sa kanya. Mariing nagdikit ang aking mga labi. Hinanap ko ang emosyon sa kanyang mga mata at nakita ko roon ang aking repleksiyon. Isang babaeng pilit na binabalewala ang pagod.

"I'm okay, Sir," pagsisinungaling ko. Nalukot ang gilid ng folder nang humigpit ang paghawak ko doon. Bago pa man ito madamay ay inabot ko na ito sa boss ko. "Ito na po pala ang report."

Inilapag niya lamang iyon sa center table. Nanatili ang pagtitig nito sa akin na nagdulot ng labis kong pagka-ilang. Kung ganito siya ay hindi na ako makakatagal pa dito pero paano iyong report?

"Uhm..." Pilit kong nilabanan ang kanyang tingin at nagsimulang maglahad ng impormasyon. "Sa ginawa po naming research—"

"You look exhausted," sabat niya na siyang nagpatahimik sa akin. "Nawalan ng sigla ang mga mata mo. What's wrong, Jean?"

The way he said it was full of worry, but I didn't pay enough attention. Anyway, it's not his concern that I needed.

"Wala lang po ito, Sir. Hindi lang po talaga ako nakatulog nang maayos kagabi."

He shifted on his seat, propped his hand on his leg and pinched lightly his chin as he looked straight to me. "For what reason?"

"Sa akin na lang po iyon, Sir."

Napaayos siya ng upo at tumikhim sa naging sagot ko. He sure was offended, but that's the only thing I know to stop him from asking more. Alangan namang sabihin kong 'Sir, huwag pong maraming tanong' o 'Sir, wala po kayong pakialam'.

"Well..." Tumikhim siyang muli at binuklat na ang folder. "If you want to share, I'm always ready to listen."

Pagkatapos iyong sabihin ay muli siyang bumaling sa aking gawi, makahulugang tingin ang muling ipinukol.

Napayuko ako at 'di napigilang mautal nang sumagot, "Salamat po, Sir."

Marahan siyang tumango at humalukipkip. "And about sa promotion na sinasabi ko noon, hindi na ako maghihintay pa sa sagot mo. I've decided..." He cleared his throat before he declared one thing that almost made me choke, "to appoint you as my secretary dahil nag-submit na ng letter for maternity leave si Mrs. Aguilar ngayon."

"This soon, Sir?" naguguluhan kong tanong.

"Yes, Jean. This instant."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top