Chapter 19
It has been two years of worry and missing him. It was torture trying to survive without my husband by my side. Nagalit ako kay Miro noon. Karapatan ko din namang magalit dahil ako ang iniwan, ako ang sinaktan, pero kalaunan ay hindi ko na makapa sa aking dibdib ang galit na iyon. Siguro ay dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala ko sa kanya kaysa sa iba pang mga negatibong kaisipan.
Nagpatuloy akong mamuhay nang wala siya sa tabi ko, pero sa araw-araw na lumipas ay parang unti-unti ring kinakain ng sakit ang puso ko. Hanggang sa namanhid na ako. Noong una, parang hindi ko kakayanin. But time has its own magic. It heals.
Alam ko kung nasaan si Miro ngayon at kung anong pinagkakaabalahan niya. Nagpipinta siya, iyon ang balita ko galing sa kaibigang malapit sa aming dalawa na bumibisita kay Miro sa bahay ng mga yumaong magulang. Masaya ako para sa unti-unti niyang pagbangon mula sa personal niyang dilemma. But to this date, I keep the boundary because I respect him. Ganito ang gusto niya. Napapagalitan ko nalang minsan ang sarili ko kapag pakiramdam ko gusto ko siyang bisitahin at makita.
"Jean..."
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses ni Ofelia na tinatawag ang pangalan ko. Nabalik ako sa reyalidad at dali-daling umayos ng upo sa swivel chair.
"May mail para sa'yo," sabi nito sabay abot ng isang envelope.
Nangunot ang noo ko nang tanggapin iyon. Wala naman kasi akong kakilalang taga ibang bansa at wala rin namang ibang kompanya na pinag-applyan ko o kahit ano. Dala ng kuryosidad ay agad ko iyong pinunit at kunot-noong kinuha ang sulat sa loob.
Isang imbitasyon sa isang art exhibit.
Nanlolobo ang mga luha sa ilalim ng aking mga mata nang mapasadahan ng tingin ang mga salitang nakaimprinta sa makapal na invitation paper.
MIRO SANDOVAL'S ART EXHIBIT
Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa labi ko. The date says it's two days to go. Akala ko matatagalan pa bago kami magkaharap muli ngunit heto siya, muli nang binubuksan ang sarili para sa akin.
Dumating ang araw ng kanyang art exhibit. Napuno ako ng pangamba, ng mga what ifs. Paano kung hindi na bumalik sa dati? Paano kung iyong imbitasyon niya ay para lang magpakita ng respeto?
Sa kabila ng mga katanungang naglalaro sa aking isipan, pinagtulakan ko ang sariling magpunta doon. Iyon nga lang, hapon na akong nagtungo kung kailan wala ng bisita.
Unang tapak ko pa lang sa loob ng studio, sinalubong agad ako ng mga pintang linyadang nakasabit sa kayumangging dingding, may iba't-ibang klase ng guhit ang display. Sa kabila ng katahimikang bumalot sa maespasyong lugar ay dinig na dinig ko ang dagundong ng aking puso. Ramdam ko ang bigat ng aking bawat hakbang habang nagpatuloy sa paglakad, nililibot ang tingin sa mga pintang nabuhay sa kulay at abstract. Ngunit ang humakot sa atensiyon ko ay iyong canvas na nasa gitna, nakapatong lamang sa isang easel stand na gawa sa kahoy. Isang abstract ngunit halata ang pulang pigura ng babae at lalaking magkahawak ang kamay sa pagitan ng mga kulay at kakaibang hugis na nakaguhit. Sa gilid noon ay nakalabel ang title na tender touch kasama na ang munting pirma ni Miro at ang petsa kung kailan ito natapos.
Muling kumubli ang pinaghalong saya at lungkot sa aking sistema nang mapagtantong sa anniversary namin mismo iyon. Hindi ko man lang siya nagawang batiin dahil akala ko hindi niya gugustuhing makarinig pa tungkol o mula sa akin. Pero heto. Sa pintang ito, para bant pinamukhaan akong walang pagpapahalaga. Now I am starting to doubt if I still deserve him. I was no longer a good wife for letting him go, and letting him be. Lumapat ang mga daliri ko sa gilid ng canvas at marahang humaplos doon, kasabay ng pagbuhos ng mga luha na tila ba tubig sa sirang faucet na hindi masara.
"Jean..." rinig ko ang malumanay ngunit may siglang boses ni Miro mula sa likuran.
Natigil ako sa paghikbi at agarang tinuyo ang mga luha sa aking pisngi gamit ang aking palad. Humugot ako nang malalim na hininga bago siya hinarap.
When I finally saw him, when I had him eye to eye with me, when we were just standing there in the center of the room filled with his art and expressions, there were no simple hello, no kumusta, no I miss you. Si Miro pa rin na tulad ng dati. Walang pinagbago. Pero sa akin...
This is not as simple as coming back home from work. This is coming to the past which brought ripples of heartaches. All that I could do is fire away my frustration, my missing him, my being miserable as a terrible wife. The truth and anger I had to keep buried in my conscience. I didn't know I had it with me until now.
Naibunton ko agad ang lahat sa kanya. "I should have been with you, pero you chose to do this alone. Pinagtabuyan mo ako para lang, ano? Ipamukha sa akin na kaya mong wala ako? Ganoon ba, Miro? Hanggang kailan mo ba paiiralin ang pride mo?"
Umiwas ito ng tingin na para bang kung hindi niya iyon gagawin ay matatamaan ko ang katotohanang nakakubli sa kanyang mga mata.
"Jean, hindi gano'n," malumanay niyang sambit at muli akong nilingon, humakbang palapit sa akin kasabay ng isang saklay sa kaliwang kamay. Ang libreng kamay niya naman ay hinuli ang palad kong namamawis at nanlalamig. "I wanted you to see that I am a better man now. I can love you better now."
They were too close that her nose catches his manly scent. Sobra niya itong namiss. Pero hindi siya nagpatalo sa sigaw ng puso na yakapin na lang ito at muling tanggapin.
"At sa tingin mo, naghahanap ako ng mas higit pa sa'yo noon?" Enraged, with heart thumping so hard, bumitaw siya sa hawak ni Miro at dinuro ang puso nito. "Miro, you were the best to me! Ikaw ang pinili ko. Ikaw ang minahal ko!"
"Hindi mo kasi ako naiintidihan. I was insecure," pag-amin nito sa namamaos na boses, tila may pinipigilang paghikbi.
Marahan akong napailing at pinunasan ang luha sa aking pisngi na hindi ko namalayang tumulo. "Akala ko kapag nagkita tayo, magiging maayos na ta'yo... but you never learned your lesson."
Nag-iba ang timplada sa mukha ni Miro, mula pagsusumamo ay nahaluan ng inis. "Ako lang? Ako lang ba ang may problema dito? Hindi mo ba kinwestiyon kung bakit ako naging ganito? It's because of you. Puro nalang ikaw. Puro pagmamahal mo lang sa akin ang iniisip mo. Paano naman ang pagmamahal ko sa'yo? You provide for me. You feed me. It makes me feel incapable. It makes me feel like I am no good for you."
Hindi ako nakapagsalita. I didn't know he had that in him. Sumobra ba ako? Maybe I was too much, too. That's why we end up this way. But I just want him to feel all my love back then.
"Gusto kong bumawi, Jean. Gustong-gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal. Kung gaano ko kagustong pagsilbihan ang asawa kong nagpapakapagod para lang sa mister niyang baldado."
Once again, my tears pooled in the corner of my eyes once more, but I had enough crying. I try so hard to suppress it that my voice cracks. "Don't say that, dy."
Umiling lamang si Miro at itinuloy ang pagsasalita, "I want you to see na may maibibigay din naman ako sa relasyong ito. Na kaya kong gampanan ang pagiging asawa mo. Hindi iyong palagi nalang akong tumatanggap. I want to give you everything you deserve."
"Miro..."
Hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin. Sobrang bigat ng puso ko sa aking narinig at gusto ko na lamang iyong pakawalan sa halik. I stepped into his personal space and captured his lips into a passionate kiss that I wish would aid my longing for him and that would compensate for the two years without him.
Noong magkahiwalay ang labi namin ay naglapat ang aming mga noo. Napapikit ako at bumulong, "What am I going to do with you?"
"Just take me back, Jean."
*****
Ending na!
Charot, joke lang. Pero half-meant. Haha
Tbh, gusto ko na po itong maging ending ni Jean at Miro. Hindi naman sa napapagod na akong magsulat pero feeling ko okay lang din naman na ganito na ang ending. Pero ah, ewan. Sa unang plano, may kadugtong pa ito, e. Pero doon, medyo hindi sila okay sa scene na to. Pero ngayon, nagkaayos naman na sila so ending na ba? Pag-iisipan ko pa po. Pero next week balik skwela na ulit.
Advertise ko po lang pala, sana mabasa niyo po yung This Love is Golden.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top