Chapter 12
Life went on with Miro and I despite our loss. It had been days. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin kami, oo, pero hindi ibig sabihin no'n ay magpapadala kami sa sakit. Pumasok agad kami sa trabaho matapos ang araw ng libing at naging distraksyon iyon upang kahit papaano ay malimutan saglit ang sakit na dulot ng pagkawala ng mahal namin sa buhay.
"My, okay na ba itong suot ko?" tanong ni Miro.
Natigil ako sa paglo-lotion at mabilis na napalingon sa aking asawa. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at hindi napigilang mapangiti sa kakisigang nakikita ko sa kanya. Hapit sa kanyang katawan ang suot na polo at magara rin ang suot niyang sapatos.
"Araw-araw ka namang gwapo sa paningin ko pero mas gumwapo ka ngayon," pagsabi ko ng totoo at may biro pang pahabol, "Nagpapa-impress ka sa mga empleyadong babae doon sa call center, ano?"
"Jean! Ano na naman 'yang nasa isip mo?" saway niya kasabay ng pangungunot ng noo. He even hissed.
"Joke lang," natatawang sagot ko at lumapit sa kinauupuan niya sa gilid ng kama.
Dumukwang ako at mabilis na dinampian ng halik ang kanyang labi. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkislap ng kanyang mata kasabay ng pagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang mukha. Akmang tatalikod na ako nang bigla niyang kinulong ang aking baywang sa kanyang bisig at hinila ako palapit sa kanya. Magkalebel na ngayon ang aking tiyan at ang kanyang mukha. Napayuko ako at sinalubong ang nangungusap niyang tingin.
"I love you..." makahulugang sambit niya na siyang nagpabilis ng pintig ng puso ko.
Hindi ko naitago ang matamis na ngiti sa aking labi dahil sa narinig. "I love you, too, dy."
Napapikit siya nang marahan kong pinaglandas ang aking mga daliri sa kanyang buhok. Pagkaraan ng ilang segundo ay hinuli niya ang aking kamay at dinampian ng marahang halik ang aking palad. Ang asawa ko talaga 'pag naglambing, pasimple din.
"May gusto kang sabihin, ano?"
"Wala. Masaya lang ako," mahina niyang sambit.
"Hmmm..." pang-aasar ko. "Baka naman..."
Sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lamang siya. Pinakawalan niya ako. Akala ko nga ay napikon pero...
"Ang kulit mo kahit kailan..." nakangising komento ni Miro habang itinatayo ang sarili gamit ang saklay.
Sabay kaming lumabas ng bahay matapos ang tagpong iyon. Sinamahan ko siyang maghintay ng taxi na masasakyan papunta sa kanyang pinagtatrabahuan. Ilang minuto din iyon na pagpapakain sa mga lamok bago may humintong taxi sa aming tapat.
Napahawak ako sa kanyang baywang nang hagkan niya ako sa labi bago siya tuluyang sumakay sa taxi.
"Mag-iingat ka..." bulong ko nang maghiwalay ang labi namin.
"Ikaw din, my. Siguraduhin mong naka-lock ang pinto."
Naiwan ako sa tabi ng kalsada na may mapait na ngiti sa labi, tinatanaw ang mabilisang takbo ng taxi palayo. Bumalik ako sa loob ng bahay kasama ang munting hiling sa aking isipan na sana ay walang mangyaring masama sa asawa ko. Pagbalik sa loob ng bahay ay itinulog ko na lamang ang aking pag-aalala.
Kinaumagahan, nagising akong katabi si Miro sa kama, tulog na tulog. Wala siyang damit pang-itaas at ang braso ay nakapulupot sa aking baywang. Lumingon ako sa orasang nakapatong sa bedside table sa aking uluhan at nanlalaki ang mga matang bumangon nang mapagtantong isang oras na akong late. Dali-dali akong nag-ayos sa pagpasok sa trabaho. Ni hindi ko na nagawang kumain nang almusal at hindi ko na rin ginising si Miro. Hinalikan ko na lamang ang kanyang pisngi bilang pagpaalam.
"Good morning, Sir," nahihiyang bati ko sa aking boss dahil nga sa kaisipang late na ako. "Pasensiya na po kung hindi ako maagang pumasok ngayon."
"It's alright, Jean."
Nagtataka man kung bakit ngumingiti si Sir sa akin ay ipinagpasalamat ko nalang din na hindi ako pinagalitan.
Mabilis naman akong umiwas ng tingin at inilapag na ang aking bag sa ibabaw ng aking desk. Inabala ko na ang sarili ko sa trabaho pagkatapos. Wala naman akong masyadong ginawa maliban sa pag-arrange ng schedule ni Sir, pagreremind sa kanya sa meetings, pagtanggap ng emails at calls, at paminsan-minsang pakikipag-usap ni Sir tungkol sa mga bagay-bagay. Noong maglunch ay inanyayahan niya naman akong sumabay sa kanya pero magalang ko iyong tinanggihan at sinabing bibisita ako sa marketing research team. Tatawag nga sana ako kay Miro pero naaalala kong natutulog pa iyon ngayon kaya tinipid ko nalang ang pagpapahiwatig ng pagka-miss sa kanya sa isang text.
Pag-uwi ko sa bahay ay wala na si Miro. Nakaalis na siya sa trabaho. I tried calling him pero hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at kinalma ang sarili. Siguro ay maraming calls ngayon at abala siya sa trabaho.
Nilibang ko na lang ang sarili sa panonood ng teleserye sa telebisyon at nakatulugan na ang paghihintay sa asawa ko.
Naalimpungatan ako nang may maramdamang yumuyugyog sa braso ko.
"My..."
Pilit kong binuka ang mga mata at nilabanan ang antok. Papungas-pungas akong nag-angat ng tingin. Sinalubong iyon ng isang nag-aalalang ekspresyon sa mata ni Miro. Agad akong napapunas ng mukha.
"Lapit ka na sa kwarto natin..." pabulong niyang sambit.
"Anong oras na?"
"Almost five."
Tumango-tango lang ako. Dahil medyo disoriented ay hindi na ako nakapagsalita at nanlalabo pa ang tingin na tumungo sa kwarto. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Miro.
Kinaumagahan, nagising ako katabi ang asawa ko na kasalukuyang mahimbing pa ring natutulog. Sinilip ko siya, kunot ang noo at mariing nakapikit ang mga mata. Tila ba may masakit dito o baka pagod.
Imbes na gisingin ay ipinagluto ko na lamang ang asawa ko. Pagkatapos ay naghanda na ako sa pagpasok ko sa trabaho. Kahit anong ingay ang nilikha sa paligid, hindi magising si Miro kaya hinayaan ko na lang. Mukhang kailangan niyang bawiin ang puyat dulot ng mahabang pagtrabaho kagabi. Hindi na ako personal na nagpaalam at hinalikan na lamang siya sa pisngi bago umalis ng bahay.
Lumipas ang ilang araw... ilang linggo. Hindi namin namalayan pareho pero tila ba nanakaw sa amin ang oras na sana kami ay magkasama. Ang isang gabing pagtulog na wala siya sa aking tabi at ang isang araw ng walang nangyaring pagpaalam bago pumasok sa trabaho ay nasundan nang nasundan.
It's sad. Lonely, even. Daig pa namin ang nasa magkabilang panig ng mundo. Pero kailangan kong tanggapin na ito ang aming reyalidad. Hindi ko naman kasi siya pwedeng patigilin sa trabaho lalo na ngayong nakikita kong masaya siya sa ginagawa. At hindi ko rin naman magawang bitawan ang propesyon ko.
"Are you alright, Jean? You're spacing out again..."
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Sir Wade. Sa hiya ay basta nalang akong nagtipa ng kung ano sa keyboard. "Sorry po, Sir. May iniisip lang po."
I heard him sigh. "Ilang araw ka nang ganyan. What seems to be the problem? Sa work mo ba?"
Tumayo siya at lumapit sa aking desk.
Napasinghap ako at mabilis na umiling. "No, Sir. I'm fine with being your secretary for awhile."
Pinagdiinan ko talaga iyong huling salita dahil gusto ko talagang malipat muli sa marketing office 'pag nakabalik na ang dating secretary mula sa maternity leave nito. Pero hindi iyon binigyang-pansin ni Sir Wade. Sa halip ay kinulit niya lang ako tungkol sa bagay na bumabagabag sa akin.
Kahit nasa aking harapan na siya ay diretso lamang ang tingin ko sa screen ng PC.
"It's... uh... it's not something we should discuss, Sir," I uttered with such formality just so he could pick up that I recognize our bondary. "You're my boss."
"Well, if that thought keeps you from talking, then I want to be your friend."
Doon na ako tuluyang napalingon sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top