Chapter 5


Ilang text na rin ang ipinadala ni Eugene sa sekretarya ni Divine pero wala pa rin itong reply. Gusto lang naman niyang makausap nang personal ang dalaga pero mukhang mahihirapan siyang hanapan iyon ng tiyempo.

Matagal-tagal na rin mula nang ibigay niya si Dukki sa kapatid niya para magbantay sa bahay ng biyenan nito kaya ibang klase na ang lungkot ng condo unit niya tuwing umuuwi siya roon.

Anak si Dukki ng dating alagang aso ng ex-girlfriend niya. Sa anim na tuta nito, si Dukki lang ang nahingi niya bago mamatay ang asong orihinal na alaga ni Carmiline.

Ang iba ay napunta na sa kapatid nitong si Hezekiah na naroon naman ang bahay sa Olivarez.

Ngayon, wala na ulit siyang aso at mag-isa na naman siya sa condo niya. Meron naman siyang maliit na halaman sa balcony, ang tanim niyang kamatis sa paso.

Iyon na lang ang inaalagaan niya at may papausbong na ring bunga sa isang dulo ng tangkay.

Wala pang update sa kanya kung kailan ang susunod na photoshoot. Tinanong niya na rin ang Lola Diyosa niya, at naintindihan na rin niya kung bakit ang tagal ng delay—wala pa raw available na schedule dahil naabutan na sila ng December at puno ang buong buwan sa lahat ng gustong studio ng pamilya ni Divine. Katatapos lang niyang mag-dinner at nag-text na naman sa secretary ni Divine kung puwede bang magpa-schedule ng lunch date kinabukasan, pero hindi pa siya tapos sa pangatlong message, may nanggigigil na sa pagpindot ng doorbell niya.

"Sandali lang po," saway niya roon sa tao sa labas. Pero mukhang hindi siya narinig dahil sunod-sunod pa rin ang tunog ng bell sa speaker ng condo.

Pilit ang ngiti ni Eugene nang buksan ang pinto pero mabilis ding nawala nang makita ang malapad na ngiti ng bisita niya.

"Div—hey!" Napaatras agad si Eugene nang itulak siya ni Divine papasok sa unit niya. "What are you doing?"

"Sshh! Quiet ka lang, baka maabutan nila ako rito."

"Maabutan nino?"

Nagkibit-balikat lang si Divine at tuloy-tuloy na pumasok sa unit ni Eugene. Hinubad pa niya ang hood ng pulang jacket at inilibot ang tingin sa loob.

"Your couch is white," puna niya sa kaliwang gilid. "Your chairs are white. Wow."

Salubong naman ang kilay ni Eugene dahil nalilito na siya kung ano ang ginagawa ni Divine sa bahay niya sa ganoong oras.

"Ang daming walls," pansin ni Divine. "Malaki siguro itong unit. Hindi ko makita ang bed."

"May dalawa pang room doon sa dulo kasama ng bathroom at toilet. Nandito sa right side ang kitchen," paliwanag ni Eugene.

"Oooh, that's cool."

"Where's Miss Van? Saan yung iba mong guards?"tanong agad ni Eugene.

"Nakita ko yung text mo kay Vanessa. Gusto mo raw akong makausap," sabi ni Divine, iniwasan ang tanong ni Eugene.

"Yeah. I was expecting na makakausap kita tomorrow, lunch time."

"Imposible 'yan. Hindi ka nila papayagan." Nag-dive agad si Divine sa puting sofa ni Eugene at yumakap ng throw pillow roon.

"Hindi ako papayagan because?" tanong ni Eugene nang lapitan ang bisita niya.

"Because ayaw nilang bigyan ka ng reason para humindi sa kasal. Anyway, bakit mo nga pala ako gustong makausap?"

Hindi agad sumagot si Eugene. Tinitigan niya si Divine na nag-aabang ng salita sa kanya. Naka-red jacket ito, iyong puwedeng ilusob sa ulan at hindi agad mababasa. Jogging pants na green naman ang pang-ibaba, gaya ng sa mga PE uniform, wala lang tatak ng school. At nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakapaa lang ito, marumi ang kanan pero malinis naman ang kaliwa.

"May suot ka bang sapatos bago ka pumunta rito sa condo ko?" tanong ni Eugene nang ituro ang nakataas na paa ni Divine sa armrest ng sofa.

Tumingin pa sa itaas si Divine para mag-isip, kalaunan ay ngumiwi at nginisihan na lang siya. "Um . . . may sandals ako kanina, however . . ." Pinalobo nito ang pisngi at nangangasim na ang mukhang umiling kay Eugene.

"What happened?" tanong ni Eugene at nagkrus ng braso.

"I was running . . . then nag-cut ang strap niya. And it—" Nagkibit-balikat na lang si Divine bilang panapos ng sinasabi.

"It what?" dugtong na tanong ni Eugene.

"It fell off?" di-siguradong sagot ni Divine. "I can't wear it anymore. Sira na, e."

"And you're running away from?"

"Bakit mo 'ko gustong makausap?"

"Answer me first," utos ni Eugene.

"Answer me first. Ako ang naunang nagtanong."

Napabuntonghininga si Eugene at namaywang muna bago sagutin si Divine. "Are you okay na?"

"Yeah! I'm okay naman. Why do you ask?" nagtatakang tanong ni Divine.

"You're crying the last time na nagkita tayo. Hindi ka nakapagpaalam sa 'kin. Sabi ni Miss Van, okay ka naman na, but I wanted to make sure that you are," paliwanag ni Eugene.

"Aw, that's sweet. But I'm okay," sinserong sagot ni Divine.

"Good," simpleng sagot ni Eugene. "Now, you're running away from what?"

Napangiwi si Divine nang maipaalala ni Eugene ang tinatakasan niyang tanong. Mabilis siyang bumangon at pinagpag ang yakap niyang unan.

"Ten days na lang, wedding na natin," sabi ni Divine na tinanguan naman ni Eugene.

"Yes, and baka sa mismong wedding na ang continuation ng photoshoot natin."

"Yung nangyari last time, walang nag-explain sa 'yo?" tanong ni Divine.

Sumeryoso agad si Eugene at naupo sa katapat na mahabang sofa kung nasaan ang bisita niya. "No one's telling me about your problem. I asked my Ninong some things about you, and he said na may sakit ka—and I mean that one na nasa PWD record."

"OH!" masayang tili ni Divine at humalakhak pa habang natatawa. "You're smarter than I thought!"

Nangunot na naman ang noo ni Eugene sa tuwa ni Divine. "Bakit parang happy ka pa?" nagtatakang tanong niya rito.

"Because you're not allowed to know that information, but you know now," confident na sagot ni Divine at napansin agad ni Eugene ang pag-iiba ng mood at timbre ng boses nito habang umaandar ang bawat minuto.

Ilang sandali pa silang natahimik na dalawa at nakikiramdam lang si Eugene. Ilang saglit pa, si Divine na ang pumutol sa katahimikan nilang dalawa.

"This is the case, Mr. Scott. Hindi ka nila palalapitin sa 'kin hangga't hindi pa tapos ang kasal. For what reason? Or reasons? First, ayaw nilang malaman mo ang tungkol diyan at ipa-cancel mo ang kasal."

Napataas ang mukha ni Eugene at napasandal nang maayos sa sofa para makinig sa sinasabi ni Divine. Bumigat na rin ang tono nito, kaiba kanina.

"Second, I'm not easy to handle, and I'm not bragging about that. It's an obvious warning, waving a red flag from miles away. Hindi ko niyayabang na hindi ako gaya ng ibang babae diyan dahil wala naman sigurong matinong babae ang hihiling na magkasakit sila sa utak."

"That's not how I perceive you," paniniguro agad ni Eugene.

"Then good for us." Itinuro ni Divine ang likuran. "I saw your text message kay Vanessa kanina. Kakatapos ko lang ding uminom ng gamot bago ako umalis. Medyo umeepekto na ngayon kasi wala na 'kong masyadong nararamdaman. Maya-maya, aantukin na 'ko." Itinuro niya ang paa. "May sandals ako pag-alis. Hinabol ako ng aso pagbaba ko sa terminal ng tricycle kasi hindi pala pinapapasok ang public transpo rito sa area n'yo. So I walked two streets away from here na isa lang ang sandals. Hinubad ko na lang pagdating diyan sa lobby dahil tiles naman na rito, hindi na masakit sa paang maglakad."

"Oh . . . yeah, I forgot to tell—" Nangunot na naman ang noo ni Eugene, nagtataka. "How did you know na dito ako nakatira?"

"May copy si Vanessa ng curriculum vitae mo. I saw your address, and hindi naman mahirap hanapin itong condo kasi visible naman sa map, nakakuha ako ng directions kung paano ka pupuntahan."

Marahan ang pagtango ni Eugene, inaanalisa ang sinasabi ni Divine, at seryoso ito kaya kahit paano ay napapaniwala naman siya.

"So, 'yon lang ang reason mo kaya mo 'ko pinuntahan ngayon?" tanong niya sa mapapangasawa. "Para itanong kung bakit kita gustong makausap?"

Natawa naman nang mahina si Divine, pero hindi gaya kanina na halatang nantitrip lang ito. Mas seryoso ang tawang iyon, para pang hindi makapaniwala sa sariling gawa. "Expect something like this kung matuloy man ang wedding natin. Hindi naman ako ganito every day, but recurring ang impulsiveness ko, so I'll give you a chance right now to think twice about marrying me."

Impulsiveness. Top of the list ng pet peeves pa naman niya iyon.

"The decision to visit you is so sudden," pagpapatuloy ni Divine. "Believe me, kahit ako, hindi ko rin naman inaasahang dadalawin kita tonight, and I didn't see myself visiting you at any time in your place, but it's too late now kasi nandito na 'ko." Mabilis niyang kinapa ang bulsa ng suot niya pero walang kahit anong laman ang mga iyon maliban sa iilang barya at punit na tiket ng bus. "And I didn't bring my freaking phone. Great! Paano ako uuwi?"

"You didn't bring your phone?" nagtataka na namang tanong ni Eugene. "Saan ka tumingin ng map?"

"Sa phone ni Vanessa." Maagap na tumayo si Divine, kinapa pa ang ibang parte ng suot niya. "Shocks! I was supposed to be sleeping right now. Wala akong T-shirt man lang, my God!"

"Gusto mong mag-stay rito sa condo ko kahit ngayong gabi lang?" alok ni Eugene. Pilit ang ngiti ni Divine sa kanya nang lingunin siya nito.

"I honestly thought na kung mag-o-offer ka man, it would be a call sa secretary ko to pick me up."

Gumilid ang tingin ni Eugene at napaisip din doon. "Hmm . . . yeah. But sorry, that didn't cross my mind. Hindi kasi ako nire-reply-an ni Miss Van kaya hindi ko na rin naisip."

Saglit pang umikot ang mata ni Divine sa kanya saka ito umiling. "Pakitawagan, please."

"Hmm. Okay." Kahit may parteng tumatanggi si Eugene ay sinunod pa rin niya si Divine. Iyon nga lang, dadalawang ring pa lang pero pinatay na agad ng sekretarya ang tawag, at iyon din ang nagpakunot sa noo ni Divine. "Told you, hindi niya ako balak reply-an."

Nagsisimula nang gumuhit ang iritasyon sa mukha ni Divine nang magkrus siya ng mga braso. Bumababa na rin ang mga talukap ng mga mata niya gawa ng paparating na antok.

"My God . . ." naiirita na niyang bulong at pinipilit ang sariling mag-isip ng solusyon kung paano uuwi, pero wala nang pumapasok sa utak niyang sagot. "Yung driver—ugh! Hindi pala puwede. Pagagalitan ka ni Papa." Ang bigat ng buntonghininga ni Divine nang ihilamos ang mga palad sa mukha, pilit ginigising ang diwang gusto nang matulog. "Damn it . . . wala akong maisip . . ."

"May spare room ako."

"Hindi ako puwedeng matulog nang walang katabi. It's a long story, at inaantok na 'ko. Paki-text si Vanessa, please?" Takip-takip na ni Divine ang mga mata gamit ang magkakatabing mga daliri at ilang segundo lang ay mahina na niyang sinasampal ang sarili para lang magising pa rin.

"Puwede kang mag-stay sa room ko," alok ulit ni Eugene. "Wala akong gagawin sa 'yo, promise. Wala pa rin kasing reply si Miss Van."

"This is a very bad idea," naiiritang bulong ni Divine, sa sahig na nakatingin habang takip-takip ng magkabilang kamay ang itaas ng noo, bandang anit. "But, okay, doon ako sa room mo. Sorry, kung manghihingi ako ng favor, baka kasi mapuyat ka. But if ever makatulog ako—like sobrang tulog na tulog—and I started choking or gasping for air, wake me up, okay?"

Sasagot sana si Eugene ng 'Okay' pero natulala na lang siya kay Divine nang mag-sink in ang sinabi nito.

"Pero kung hindi naman, let me sleep in peace. Hindi naman ako every night nagkakaganyan. Where can I sleep?" tanong ni Divine, hinahanap ang daan.

"Uh . . . wait. Doon." Nalilitong itinuro ni Eugene ang papunta sa kuwarto niya.

Sa sobrang pagkalito, hindi na alam ni Eugene ang unang iisipin. Hindi pa siya nakaka-move on sa panggigigil ni Divine sa doorbell niya, hayun na ito at makikitulog na.

"Huhugasan ko muna ang paa ko. Kung saan-saan na 'ko tumapak," sabi ni Divine bago pumasok sa kuwarto ni Eugene.

"May disposable towel ako diyan. Puwede ko namang punasan ang paa mo."

Biglang lumiit ang mga mata ni Divine, sinusukat siya ng tingin sa alok niya. "Hindi mo pa 'ko asawa, reminder lang."

"Yeah. But I can see na inaantok ka na."

"Huwag kang magpapogi sa 'kin kapag nakainom ako ng gamot. Hindi ako tatablan niyan, namamanhid ang buong sistema ko."

"It's okay. Mahiga ka na lang diyan sa loob, pupunasan ko na lang ang paa mo."

"I'm still giving you the option to say no, Mr. Scott."

Walang sinabi roon si Eugene. Naghiwalay ng direksiyon ang dalawa dahil sa kaliwang pintuan pumasok si Divine at sa kanan naman ang lalaki.

Iniisa-isa pa rin ni Eugene ang lahat ng sinabi ni Divine sa kanya magmula nang tumapak ito sa unit niya at mukhang marami nga talaga siyang magiging adjustments dito.

May disposable compressed towel siyang nasa maliit na pack at nag-e-expand kapag natutubigan. Saglit lang niyang itinutok iyon sa faucet saka niya pinigaan bago binalikan si Divine.

Bukas ang main light ng kuwarto niya at naabutan niya itong nakahiga nga pero nakapaling naman ang paa sa labas ng kama.

Hindi niya alam kung maaawa ba rito o ano. Sinilip muna niya ang phone kung na-reply-an na ba siya ng sekretarya ni Divine pero wala pa ring sagot sa huling text niya.

Naghatak na lang siya ng upuan mula sa vanity dresser at itinapat sa tabi ng kama. Ipinatong niya ang paa ni Divine sa tuhod niya para mapunasan iyon.

Ilang minuto pa lang siyang nasa bathroom, mahimbing na agad ang tulog nito. Naalala tuloy niya ang paalala nitong gisingin daw kapag nahihirapang huminga.

Naisip niya kung anong araw na ba. Saturday ang sabi sa alarm clock na nasa nightstand katabi ng kama. Linggo kinabukasan kaya siguradong walang pasok sa school at trabaho. Puwedeng magpuyat.

Wala pa ang mismong kasal nila, pero marami-rami na siyang maililista sa reminder niya para sa daily to-do list oras na magkasama na sila ni Divine sa iisang bahay.



♥♥♥

Next Wattpad update,

kapag naka-CHAPTER 35 na si Eugene sa advanced updates sa Telegram

You can avail the advanced chapters (and full novel version) for 150 pesos.
Chat lang po kayo sa Telegram, t.me/lenareacts if interested kayo.

Join po kayo sa t.me/TambayanNiLena sa Telegram kung nais ng spoilers. Pero kung ayaw n'yong ma-spoil, don't join para hindi kayo magreklamo na puro ako spoiler doon, hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top