Chapter 4


Nawirduhan talaga si Eugene sa nangyari sa photoshoot nila at masasabi niyang wala silang napalang maganda kahit may photos naman na ipinakita sa kanila dahil uulitin pa rin pala.

Pero mas nag-alala siya kay Divine dahil umiiyak na ito pag-alis at hindi man lang nagpaalam sa kanya. May number siya ng sekretarya nito, pero kanina pa niya tinatanong kung puwede bang makausap si Divine para mangumusta, sinasagot lang siya nito na maayos naman daw si Divine pero saka na lang niya kausapin.

Inabot na ng kinabukasan, wala pa rin siyang matinong balita maliban sa huwag na raw siyang mag-alala kaya lalo siyang nag-aalala. Napadalaw tuloy siya sa Ninong Clark niyang nasa opisina nito sa corporate building kahit wala sa schedule nilang dalawa ang pag-uusapan.

"Hmm . . ." Napapahimas ng baba si Clark, inuunawa ang ikinukuwento ni Eugene. "Baka nagka-emergency lang kaya biglang umiyak."

"But ang weird din kasi nina Miss Van. Gusto ko lang ng confirmation."

"Confirmation such as?"

"I need records," sagot agad ni Eugene. "Medical records, police records. Diabetic ba si Uncle Jun. May history ba sila ng hypertension, or anything."

"Police records?" nagtatakang tanong ni Clark.

"I was thinking, baka may history ng holdup, vehicular accident, traumatic events, anything—lahat ng records."

"And what if meron ang mga hinahanap mo?"

"I'm going to marry her, Ninong Clark. Ayokong malalaman ko na lang 'tong mga 'to, kapag may nangyayari nang hindi maganda."

Nagusot naman ang magkabilang gilid ng labi ni Clark. "Sa bagay."

"Can you do it for me?"

Napakamot ng ulo si Clark. "Puwede naman. Pero, di ba, may sasabihin dapat sina Mame Tess if meron nga nitong mga ganitong issue sa fiancée mo? I mean, nagpa-medical pa muna kami ni Sabrina before yung actual wedding. Wala ba kayong gano'n?"

"Required ba 'yon sa kasal, Ninong?" nalilitong tanong ni Eugene.

"Not really required para sa kasal," paliwanag ni Clark. "Ang point lang kasi n'ong medical test for Mame Tess is to confirm ang health history namin ni Sabby. Test para sa HIV, drug test, psychological examination, et cetera, just to make sure lang na healthy kaming dalawa physically and mentally para ikasal."

"Wala kaming gano'n, Ninong Clark—or wala pa," sabi ni Eugene. "Next month pa naman ang wedding. Gusto ko lang din ng confirmation na may sakit si Divine, especially kung may maintenance or nagme-medication siya. Ano-anong mga vitamin ang iniinom niya or may allergy ba siya like Tita Sab na dapat kong i-avoid."

"Oo nga, 'no? Allergy nga pala." Napatango-tango agad si Clark. "Sige, kukuha ako ng records nito kung allowed akong makakuha ng kopya."

Hindi naman sana mag-aalala si Eugene kung umpisa pa lang, si Divine na ang nakausap niya. May hawak itong phone, alam niya, dahil nakakapag-take ito ng pictures. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit hindi siya pinapayagang hingin ang personal number nito. Kailangan munang dumaan sa sekretarya ang lahat ng text at tawag bago niya makausap si Divine.

Ultimo sa mga personal record nito, ang number na gamit ay number ng secretary, kung hindi man ay telephone number sa opisina ni Julio Lee.

"Good morning, Miss Van."

"Good morning, Sir Eugene. Bakit kayo napatawag?"

"How's Divine?"

"Uh . . . tulog pa, e. Oo."

Napatingin si Eugene sa wristwatch niya. "It's already 11 a.m. Tulog pa rin siya?"

"Oo, tulog pa. Napuyat kasi—Vanessa, saan yung—"

Saglit na napataas ang magkabilang kilay ni Eugene nang mabosesan si Divine bago pa pinatay ng sekretarya ang tawag.

Pinandidilatan niya ang phone dahil hindi makapaniwala na binabaan na lang siya ng tawag nang ganoon lang kadali.

Sinubukan ulit niyang i-dial ang number ni Miss Van pero pinatay agad nito ang tawag at nag-text na lang sa kanya.


Miss Van

Sorry, Sir Eugene, may urgent meeting kami. Update po ako later.


Habang tumatagal, hindi na siya komportable sa inaakto ng sekretarya ni Divine. Ina-anxiety na siya sa tuwing iniisip ang kawirduhan nito samantalang tingin naman niya ay ayos lang ang mapapangasawa niya.

Isang linggo pa ang inabot bago siya balitaan ni Clark ng tungkol sa mga pinahahanap niya. Malapit na ang kasal nila ni Divine at hindi pa rin siya tinatawagan kung kailan uulitin ang photoshoot nila.

"Ninong Clark, pasuyo ulit. Yung secretary kasi—"

"Mamaya na 'yan, maupo ka muna," utos ni Clark.

Sumunod naman si Eugene at naupo sa sofa sa visitor's area nito sa opisina. Nakatitig lang siya sa seryosong mukha ni Clark at hindi niya alam kung dapat na ba siyang kabahan dahil seryoso nga ang ninong niya.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula," sabi ni Clark at ipinagpag sa hangin ang folders na hawak niya.

"What's the matter, Ninong?" ninenerbiyos nang tanong ni Eugene.

"Police and medical records . . . may nakita kami," panimula ni Clark.

"Police . . . what do you mean by police records? Accident?" kunot-noong tanong ni Eugene.

"Sana nga, ganoon lang 'yon kasimple. Isa lang naman ang nahanap naming record." Inilapag ni Clark sa harapan ni Eugene ang isa sa dalawang folders na hawak niya. "Na-involve siya sa kidnapping incident 13 years ago. Ang sabi sa news articles na nandiyan, na-kidnap siya ng janitor nila sa school bago matapos ang school year noong Grade 8 siya. Pero ang sabi sa sworn statements na galing mismo sa kanya, kusa siyang sumama sa janitor nila. Dinala siya sa Pangasinan. Three weeks siyang nag-stay roon bago siya ma-recover ng mga Lee."

Hindi na naiwasang mapaawang ang bibig ni Eugene habang binabasa ang mga laman ng folder.

"And 37 years old ang janitor," putol ni Eugene sa sinasabi ni Clark.

"Yes."

"Bakit siya sumama rito sa taong 'to?" tanong ni Eugene dahil wala siyang ibang mabasa sa mga naroon sa article at report kundi kidnapping victim si Divine at sapilitan itong kinuha mula sa school isang hapon nang mag-uwian ang mga estudyante.

"Walang lumalabas sa police records, pero may record sa Afitek na galing din sa mga sworn statement ni Divine. Inalis yata nila base na rin sa instruction ng abogado. Boyfriend niya yung janitor."

Mabilis na umangat ang tingin ni Eugene, salubong ang kilay, para itanong kay Clark kung tama ba siya ng narinig. "Wait. Boyfriend?"

"Uh-huh?" Tumango si Clark.

"And the guy is 37."

"Yep."

"And she's 12."

"Yeah."

"Where's the guy?"

"Patay na. But don't worry, hindi naman pinapatay. Aortic aneurysm ang cause of death based sa certificate."

May itatanong pa sana si Eugene pero naiwan na lang na nakaawang ang mga labi niya. Paulit-ulit niyang iniisip ang tungkol doon. Hindi niya maiwasang magkompara. Noong 12 siya, nililigawan pa lang niya ang ex-girlfriend niyang si Carmiline n'on. Pero naisip din niya na noong mga panahong iyon base sa date ng article, magkasama na sila noon ni Carmiline sa apartment at may kanya-kanya nang trabaho. Magkaedad nga pala si Divine at ang bunsong kapatid niya kaya paniguradong sa edad na iyon, hindi pa nakakaalis ng bahay si Luan nang hindi hinahatid ng daddy nila.

"Did Lola Diyosa know something about this?"

Pilit itinatago ni Clark ang pagtawa dahil sa tanong ng inaanak. "Alam mo, Gene, hindi ko alam kung . . ." Nakatingin lang sa gilid si Clark, nawawalan ng salita tungkol sa dapat sabihin. "Tinanong ko si Mame," pag- amin niya nang salubungin ang nagtatakang tingin ni Eugene. "Aware siya. Alam niya 'yan. May record sa Afitek kaya siguradong alam niya 'yan."

"At walang nagsabi sa 'kin," dismayadong tugon ni Eugene.

Napapakamot tuloy ng ulo si Clark at pilit hinanap ang tamang salita para sa paliwanag kay Eugene. Itinuro niya ang folder na hawak ni Eugene saka nagsalita. "Basis ba 'to ni Mame Tess para i-reject si Divine? I don't think so. Basis ba 'to para ikaw ang piliin ni Mame para kay Divine? Possible. Kasi . . ." Napakibit-balikat siya. "Walang binabanggit si Mame, pero tingin ko, kung papipiliin man siya ng lalaking para sa gaya niyang fiancée mo, baka ikaw nga talaga ang piliin niya. Kasi may niligawan dati si Rico na . . ." Balak pa sanang tapusin ni Clark ang kuwento pero nagdalawang-isip agad. "Basta! Kung alam man 'yan ni Mame at pumayag pa rin siya sa kasal, then hindi 'yan big deal sa kanya."

"Connected ba 'to sa medical records or iba pa ang nasa medical?" tanong ni Eugene, taas-taas ang hawak na folder.

"Ayun, connected, somehow," mabilis na sagot ni Clark. "Meron siyang record sa Persons with Disability Affairs Office. Naka-apply ang ID niya under ng psychosocial disability, at diagnosed siya na may Bipolar II. So, nagme-make sense na sa 'kin ang kuwento mo last time. Nagte-take siya ng mood stabilizers, hindi lang ako sigurado sa eksaktong gamot na nasa reseta niya. Siguro, sekretarya na lang niya ang tanungin mo tungkol dito."

"Pero wala naman dati sa records niya na PWD siya."

Ayun na naman ang pilit na pinipigil na tawa ni Clark. "'Yan ang isa sa controversial parts nitong research natin sa kanya kasi . . . si Divine ang nag-apply niyan base sa logbook, pumunta raw noon si Julio sa office para ipa- delete ang record niya sa DSWD, ang problema, hindi napagbigyan itong tatay. Kaya . . . mino-monitor na lang nila si Divine para hindi magamit ang ID para sa privileges maliban sa school."

"So, may doctor siya."

"'Yon nga ang iniisip ko noong isang araw pa kasi wala akong mahinging pangalan ng attending psychiatrist niya o kahit sinong doktor na nagbibigay sa kanya ng reseta," paliwanag ni Clark. "Tinanong ko si Mame Tess kung aware ba siya diyan. Aware nga. Ang sinabi lang niya sa 'kin, mas maiintindihan mo 'yan kapag kasal na kayo."

"So, wala talaga silang planong sabihin 'to sa 'kin until the wedding?" malungkot na tanong ni Eugene.

"Hindi ko alam, Gene. Maniwala ka sa 'kin, ngayon ko lang din nalaman ang tungkol sa mga 'yan," depensa ni Clark. "Bakit? May balak ka na bang umatras?"

Lumalim pang lalo ang paghinga ni Eugene at napatingin na naman sa folder na hawak niya.

"I'll try to talk to Divine—kung payagan ako. Gusto kong i-confirm mula sa kanya itong mga 'to. Ayoko munang mag-decide ngayon na marami pa pala silang hindi sinasabi sa 'kin."


♥♥♥


Next Wattpad update,

kapag naka-CHAPTER 35 na si Eugene sa advanced updates sa Telegram

You can avail the advanced chapters (and full novel version) for 150 pesos.
Chat lang po kayo sa t.me/lenareacts if interested kayo.

Join po kayo sa t.me/TambayanNiLena sa Telegram kung nais ng spoilers. Pero kung ayaw n'yong ma-spoil, don't join para hindi kayo magreklamo na puro ako spoiler doon, hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top