Chapter 33


Nagpresintang driver si Leo ng panganay niya at manugang na nakatulog na sa pagod. Hindi tuloy niya maiwasang magkompara.

Noon kasing si Carmiline pa ang girlfriend ng anak niya, tuwing nakakatulog ito, hindi ito basta nagpapakarga lang kay Eugene. Kapag ginising ito at sinabing nasa lokasyon na sila, gising agad ito at lalakad kahit gaano pa kaantok o kalayo ang lalakarin.

Si Divine, gising naman na pero nagpakarga pa rin kay Eugene. Hindi na lang siya nagsalita dahil ayaw niyang masumbatan na ganoon din kasi minsan si Kyline sa kanya. Magpapabuhat dahil wala lang.

Pagpasok sa loob ng cabin, nagpasabi agad si Leo. "Magpapadala na lang kami rito ng dinner galing diyan sa kabilang resto ng garden. Doon daw kasi magdi-dinner sina Melanie sa manggahan, may inuman din kasi yata. Kami lang ang maiiwan nina Luan sa main house."

"Okay lang, Dada."

"Tumawag ka kapag may kailangan."

"Yes po. Ingat sa pag-drive."

Isinara na ni Leo ang pinto ng cabin at tiningnan na lang ni Eugene ang asawa niyang namamaluktot na sa kama at may yakap nang unan.

"Mine, bihis ka muna. Pawis ka na diyan sa onesie mo."

Hindi umimik si Divine, pero naglahad lang ng mga braso at binti patihaya at nagkunwaring humihilik.

Nagkalkal lang si Eugene ng towel pamunas kay Divine pero wala namang kinuhang damit. Pag-upo niya sa kama, ibinangon niya ang asawang namumungay ang mata habang nakanguso.

"Antok ka na?" tanong ni Eugene. "Bakit hindi kasi natulog kaninang umaga, pinatutulog na nga?" Ang lalim pa ng buntonghininga niya nang buksan ang zipper ng onesie ni Divine. Tumikom lalo ang mga labi niya nang makitang tadtad ang leeg at dibdib nito ng kiss marks na sobrang pula—hindi na nga pula sa mata niya, maroon na. Ipagpapasalamat na lang niyang tinamad magbihis ang asawa niya at onesie na lang ang isinuot kaysa nagsando o T-shirt. Karamihan pa naman ng damit nito, mababa ang neckline. Malamang na pulutan na naman siya sa usapan ng mga ninong niya kung nagkataon.

"Jijin . . ." nagpapaawang tawag ni Divine, nagpa-puppy eyes sa kanya.

"Hmm?" Ginaya niya ang ginagawa nito saka tumawa nang mahina.

"Aantok na 'ko . . ."

"Kaya nga matutulog na tayo. Punasan lang kita, ha?" Parang batang hinihilamusan ni Eugene ang mukha ng asawa niya. Kinuha pa niya ang scrunchie nitong iniwan sa nightstand katabi ng kama nila sa cabin. "Ikaw, tsinitsismis mo si Carmiline, pagagalitan ka na naman n'on," sermon niya nang talian ang buhok nito.

"Gusto ko lang naman malaman yung side niya."

"Bakit mo aalamin? Break na kami, di ba? Ikaw na asawa ko."

Lumapit pa si Eugene kay Divine para silipin ang likod nito at punasan iyon ng bimpo.

"Narinig ko na side mo, e. Baka kasi iba sabihin niya," katwiran ni Divine.

"Kung maririnig mo ang side niya? Ano naman ang gagawin mo?"

"Aasarin kita palagi."

Pag-atras ni Eugene, nabuburyong ang tingin niya kay Divine na nang-aasar pa ng ngisi sa kanya.

"Let her be happy with Kuya Aki," sabi na lang ni Eugene at pinunasan na ang leeg ni Divine pababa sa may dibdib. Napabuntonghininga na naman tuloy siya nang makita na naman ang mga kiss mark na gawa niya.

"Ang dami kong pasâ . . ." nakangusong sabi ni Divine, dinudutdot ng daliri ang mga bakas ng halik sa kanya ni Eugene. "Feeling ko, hindi 'to love bite, Jijin. Binugbog mo siguro ako."

"Did I?" sarcastic na tanong ni Eugene at dinaan na lang sa pagpunas ng braso ni Divine ang pag-iwas niya sa usapan.

"Hindi man lang ako napagod sa ginawa natin. Hmp."

Napahinto tuloy si Eugene sa pagpunas ng braso ni Divine at tiningnan nang masama ang misis niya.

"Pero okay lang 'yon, Jijin . . ." pakunsuwelo pa ni Divine at tinapik-tapik ang tuktok ng ulo ni Eugene, parang asong inaamo. "Gano'n talaga kapag highly aroused tapos ten years na walang sex life. Or more than ten, who knows?"

"Mine . . ." naiiritang naiiyak nang saway ni Eugene sa asawa niya.

"I'm not mad at you." Tumango-tango pa si Divine, pinapaniwala si Eugene. "Para masanay ka, every day tayong magkakan—"

"Akala ko ba, inaantok ka?" saway ni Eugene sabay tulak sa noo ni Divine gamit ang hintuturo. "Every day, every day ka diyan. Hindi ka nga umuuwi sa akin every day!"

"Hahaha! Sorry na, Jijin. Ako na maghuhubad nito." Si Divine na ang nag-alis ng onesie niyang nauupuan pa rin dahil kalahati lang sa itaas na parte ang hinubad ni Eugene. "Kapag nakatulog ako, okay lang kahit ipasok mo all the way. May permission ko na 'yan."

"Ipasok ang?"

Kumindat naman si Divine sabay thumbs up.

Lalo namang kumunot ang noo ni Eugene. "I'm not getting it. Ipapasok ko ang . . . ?" Inikot-ikot pa niya ang palad sa harapan para ilabas ni Divine ang sagot doon.

"Ipasok mo si Junjun! Yung alaga mo!"

"Dukki ang name ng alaga ko. Wala akong pet na Junjun. Saka nasa bahay siya ng father-in-law ni Luan, so I guess nasa loob na siya."

Saglit na natulala si Divine kay Eugene, naghalo na ang pagkamangha at pagtataka sa naririnig dito. "Kailan ka first na nakipag-chenelyn?"

Kumunot naman ang noo ni Eugene sa sinasabi ni Divine. "Nakipag-what?"

"First na gumawa ng baby?" tanong ni Divine.

"Oh. Um . . ." Nag-isip pa si Eugene at tumingin sa itaas. "Ang sabi ni Dada, huwag daw kaming gagaya sa kanya. But I'm exposed to the idea. Nag-take ako ng family planning course. I know what size I should buy kapag bibili ng condom, and—"

"So, wala ka pang nakaka-sex na kahit sino? Kahit ex mo?" gulat na tanong ni Divine.

"Nag-promise ako kay Dada, kay Mimy, kay Carmiline, sa Babi niya, and sa lahat, na gagawin ko lang 'yon kapag kasal na ako sa asawa ko because I don't want to treat girls as trophies na kailangang bilangin just to prove my masculinity."

"OMG . . ." Napasapo na lang ng bibig niya si Divine. "May nag-e-exist pa palang gaya mo." Hindi mawala-wala ang gulat niya. "Sana nagpari ka na lang."

"Tulog na lang tayo, Mine. Sige na. Para hindi ka na maraming questions."

"Grabe, Jijin, nawala antok ko sa 'yo."

"Hindi, matutulog ka. Wala ka pa ngang tulog mula kagabi." Tumayo na si Eugene dala ang onesie ni Divine.

"Ay, wait, sama mo na 'to." Mabilis na hinubad ni Divine ang bra niya at nginisihan ang lalaki.

Deretso lang ang tingin ni Eugene sa asawa niya nang kunin ang strap ang bra nito saka isinampay sa braso niya ang mga nakuhang damit. "Matutulog, ha?" Tumalikod na siya at pumunta sa mga bag nila para ilagay ang mga pinaghubaran ni Divine sa hiwalay na disposable travel bag.

"Okay lang 'yan, Jijin. Guwapo ka pa rin naman. Isipin ko na lang, special ka rin gaya ko."

Ang sama ng tingin ni Eugene paglingon kay Divine dahil sa sinabi nito. "Nag-seminar ako about this, so meron akong certificate."

"HAHAHA! Para saan yung certificate?!" natatawang hiyaw ni Divine.

"I don't want to talk about it right now kasi matutulog ka pa," sermon ni Eugene, turo-turo na ang asawa niyang yakap na ang kumot sa kama. "You need rest. Wala ka pang tulog mula kagabi. I'll wake you up before dinner, then iinom ka ng gamot after that, okay?"

"Para saan muna yung certificate?" pang-asar ni Divine, sinusundan ng tingin si Eugene palapit sa kanya.

"Certificate 'yon para hindi ka mag-ingay. Sleep ka na. Bukas ka na mangulit."

Napapairap na lang si Eugene sa asawa niyang ang lakas mang-asar. Paghiga niya sa tabi nito, lalo pa itong natawa sa kanya.

"Dapat talaga, hindi na kita pinagising kay Dada," naiinis na sabi ni Eugene kay Divine.

"Walang kasalanan si Papa Leo, hindi siya ang topic."

"Tulog ka na nga." Hinatak ni Eugene ang kumot at kinumutan ang sarili saka tinalikuran ang asawa.

"Hahahaha! Grabe, ang tampuhin ni Jijin . . ." Parang uod na gumapang si Divine palapit kay Eugene saka ito niyakap mula sa likod. "Okay lang 'yan, Jijin. Ang mahalaga, nagmamahalan tayong lahat."

Si Divine ang pinatutulog, pero mas nauna pang makatulog si Eugene. Alas-kuwatro ng hapon na nakatulog si Divine habang ibinabalik ang sarili sa pagtulog. Nasa sulok na nga si Eugene pero dinagan-daganan pa niya ito para lang makasiksik siya sa loob ng mga braso nito.

Kung nagising man si Eugene, para ibalik na lang ang asawa niya sa puwesto nito. Doon na lang din siya humarap dahil pareho na silang nasa dulong gilid ng kama habang ang lawak pa ng kabila.

Nagising lang si Eugene pagdating ng alas-siyete. Kinatok sila roon ng room service, dinalhan sila ng pagkain. Kahit inaantok pa, gumising na lang silang dalawa para maghapunan.

Gaya ng nakasanayan, unan na naman ang pantapis ni Divine sa katawan niya at naka-panty lang. Naka-boxer shorts nga lang din si Eugene at walang pantaas maliban sa bath towel na nakabalot sa magkabilang balikat niya. Ipinantapis lang niya iyon pagdating ng room service na may dala ng hapunan nila.

May dinette naman doon pero nasa sahig na naman silang dalawa dahil single-seat sofa lang ang meron sa cabin, at hindi sila kasya roon.

"Jijin, lagyan mo nito," utos ni Divine nang ituro ang crab paste. Susubuan na sana siya ni Eugene pero hindi natuloy dahil kumurot pa muna ito ng crab paste sa maliit na saucer, ipinatong sa mainit na kanin, at saka isinubo sa kanya.

Wala silang ni-request kay Leo na kakainin nila kaya nagulat din sila sa mga pagkaing dinala sa kanila ng room attendant.

Isang malaking order ng bulalo, isang malaking mangkok ng kanin, samot-saring side dishes at ginisang gulay, at may pork barbecue pa. Leche flan lang ang meryenda nila at sago't gulaman at tubig para sa inumin.

Ngumunguya pa si Divine nang alukin siya nito ng adobong kangkong. Isinubo agad iyon ni Eugene at saka siya naghanda ng bagong kutsarang may laman para sa asawa.

Masaya na si Eugene sa ganoon. Na hindi sila kakain sa mamahaling restaurant. Hindi nila kailangang magsuot ng mamahaling damit at alahas. Ni hindi rin nila kailangang isipin kung paano ba kikilos nang tama sa harap ng mga taong nakapalibot sa kanila.

Naroon lang sila ng asawa niya sa sahig, ni wala halos mga damit na suot, bahala na kung maingay ngumuya o magkakamot ng ulo habang kumakain. Wala naman kasing magsasabi sa kanila na mali ang ginagawa nila . . . at masaya na si Eugene sa ganoon.

Sa harap ng asawa niya, hindi niya kailangang pilitin ang sariling maging pinakamabuti sa lahat ng mabuti o maging pinakadisiplinado sa lahat. Gustuhin man niyang ipakita kay Divine kung paano ba siya dapat umakto gaya ng itinuro sa kanya, pilit naman siya nitong inilalabas doon sa bawat disiplinang iyon hanggang sa makita na lang niya ang sariling wala na sa bihis na ginawa sa kanya ng mga nakatatanda sa kanya.

Habang pinakakain ang asawa niyang may kamay naman, naiisip niyang kaya niyang mabuhay nang ganoon lang sila.

Kakain ng dinner sa sahig na walang mga damit tapos masaya lang silang nagsusubuan ng pagkain kahit nakakamay. Iba ang paghinga niya tuwing kasama si Divine. Nag-a-adjust pa rin siya. Di-hamak ngang mas marami siyang adjustments dito kompara sa ibang taong nakasama niya. Pero ayos lang sa kanya iyon dahil pakiramdam niya, lahat ng adjustments na iyon, hindi puwersahang ipinagagawa sa kanya at laging labag sa loob niya para masabing marunong siyang makisama. Napapansin na nga rin niyang dumadalas na ang pagkabuwisit niya kay Divine pero mas nabubuwisit naman siya kapag wala ito sa kanya.

"Ang sarap kumain," sabi ni Divine sabay dighay.

Natawa tuloy si Eugene. "Busog ka na?" tanong niya at pinunasan ng tissue ang bibig ni Divine na nagmamantika.

"Yung papa ko, kahit marami magpahanda ng pagkain, hindi naman ganito karami ang nakakain ko," kunot-noong kuwento ni Divine at akmang hihiga pero inawat ni Eugene.

"Huwag munang hihiga, baka magka-acid reflux ka niyan," saway ni Eugene.

"Inaantok pa 'ko, e."

"Mamaya, tutulog ulit tayo." Bahagya na lang niyang binuhat si Divine at pinasandal sa dibdib niya. Sumandal naman siya sa upuan ng sofa at ginawang sandalan ng ulo ang mga unan doon.

Nangibabaw na naman ang katahimikan sa loob ng cabin kaya inasahan na ni Eugene ang pang-uusisa ni Divine, kung hindi man pang-aasar sa kanya.

"Jijin . . ."

"Hmm."

"Bakit kayo nag-break ni Carmiline?"

Napabuntonghininga tuloy si Eugene. Hindi alam kung dahil ba sa tanong o inaasahan niyang mang-aasar ito na hindi siya makakasagot.

"Bakit mo na naman natanong?" nabubugnot na tanong ni Eugene. "Alam ko, na-explain ko na 'yan sa 'yo dati."

"Oo nga. Sabi mo, you two grew apart tapos hindi mo alam kung ano ba talaga ang main reason kung bakit kayo nag-break."

"Di ba, sabi ko, baka iba lang kami ng gustong mangyari sa buhay?" mahinahong sagot ni Eugene at sinilip pa ang mukha ng asawa niya.

"Alam mo . . . naisip ko lang din . . . kasi sabi mo, hindi mo alam kung bakit ba talaga kayo nag-break dahil diyan. Iba rin tayo ng gustong mangyari sa buhay. Ibig sabihin ba n'on, maghihiwalay rin tayo?"

"Siyempre, iba naman tayo." Kinuha ni Eugene ang kamay ni Divine at napangiti na suot na nito sa kamay ang wedding band nito. "Asawa na kita, e."

"Kahit pa," kontra ni Divine. "Siya nga, fifteen years mong nakasama. What more akong five times pa lang yatang nakakapag-overnight kasama mo?"

"Bakit mo kasi tinatanong?"

"Naisip ko lang kasi, parang hindi kayo okay."

"Dapat bang okay kami?"

Tumango naman si Divine. "Mas gusto ko 'yon kaysa galit ka sa kanya or whatever na negative feeling."

Sinilip na naman ni Eugene ang mukha ni Divine, nagtataka sa sinasabi nito. "Why? What's wrong with that?"

"Kasi kung may galit ka pa sa kanya o masama pa rin ang loob mo, ibig sabihin, mahal mo pa siya. Kasi galit ka pa, e."

"Mine," saway niya sa sinasabi nito at saka ito hinapit sa baywang para yakapin mula sa likod.

"Hindi naman ako nagagalit o magagalit sa 'yo kung totoo man. Fifteen years 'yon, e. Hindi mo 'yon basta malilimutan kasi kahit pa sabihing nag-grow kayo nang magkahiwalay, still, you grew up together."

"But for the past decade, hindi na kami magkasama. I know how to move on."

"You just let it pass because you had no choice. That's how I see it." Bahagya niyang nilingon si Eugene. "I could tell na concerned pa rin siya sa 'yo, although ramdam kong hindi dahil mahal ka pa rin niya. Concerned pa rin siya sa 'yo kasi kilala ka niya. Kaya rin gusto kong marinig ang side niya kasi kahit sobrang dami niyang chance na i-confront ako kanina, naging civil pa rin siya."

"Baka kasi pinagsabihan na siya nina Dada," depensa ni Eugene.

"If she's not well-raised, hindi niya ako patatahimikin at gagamitin pa niya ang sakit ko against me. I should know kasi ang dami kong nakakaaway because of that. And I want you to be honest with me kasi kung ikaw ang may mali, don't expect na papanigan kita kahit asawa mo pa 'ko. Kasi unfair 'yon sa kanya."

"I honestly don't know the answer, Mine," malungkot na sabi ni Eugene. "I let it pass because that was the best I could do for myself."

"Ghinost ka ba niya?"

Umiling si Eugene. "She gave me time to process everything kahit ilang araw lang before the mismong breakup."

"So, may proper goodbye?"

"Siguro, proper goodbye na 'yon kahit hindi ko naman gusto."

"Sabi mo, walang third party."

Umiling na naman si Eugene. "I think hindi third party si Kuya Aki. Malalaman ko naman 'yon agad kung siya man. Never namang pinasama si Chamee sa mga family reunion namin."

Biglang nangunot ang noo ni Divine. "Never pinasama? What do you mean by never pinasama?"

"Kilala siya ng family ko saka ng iba kapag sinasama ko siya sa mga ganitong hangout lang. Pero yung family reunion na kasama sina Lola, hindi siya allowed."

"Hindi allowed means?"

Nagkibit-balikat si Eugene. "I'm not really sure. Basta ang sabi ni Lola Tessa, para hindi siya pine-pressure ng family ng mom ko. She said, it was for Chamee's own good, so I believed that because Lola Tessa knows better. But we were young pa when I first heard that."

"Ano'ng surname ni Carmiline?"

"Zaspa."

"Hmm. Never heard of the name."

"I know. One of the family requirements pa naman na dapat, your name rings a bell."

"If Madame Tessa told you that, more likely she was right."

"Ayoko nang pag-usapan 'to. Tapos naman na. Ikakasal na sila ni Kuya Aki."

"Bakit parang bitter ka?"

"Hindi ako bitter," depensa agad ni Eugene. "Ayoko lang maka-offend."

"Maka-offend? Bakit ka makaka-offend?"

"Past na 'yon, Mine. Gusto ko na lang i-respect ang boundaries naming dalawa. Respeto ko na lang din sa 'yo kasi asawa kita."

Saglit na nagtagal ang pagtitig ni Divine kay Eugene. Naasiwa tuloy ito sa ginagawa niya.

"Mine . . ." saway na naman nito.

"You're not respecting me or her boundaries. And I don't want to see you avoiding the view of her, yet every time you look at her, you find yourself wanting to speak but resisting the urge." Bahagyang umiling si Divine. "Makulit lang ako, pero hindi ako selosa. Mas lalong ayoko ng kada titingin ka sa kanya, gusto mo siyang sumbatan."

"Kahit ano pa'ng sabihin ko, wala na rin namang magbabago."

"Wala ka namang dapat baguhin. Gusto ko ng sagot para alam mo rin ang reason kung bakit ka puro tanong sa mga mata mo. Kasi hindi respeto for me na hindi ka umiimik just to settle everything, dahil hindi kita nakilalang ganyan. You always speak your mind, regardless kung sino pa ang kausap mo. Bakit hindi mo kayang i-confront yung ex mo? Natatakot ka bang masaktan mo siya?"

"Mine, hindi na 'ko comfortable sa topic."

Mahahalata sa titig ni Divine na marami pa siyang gustong sabihin pero tumango na lang siya at tumayo na.

"Divine."

"I won't force you if hindi ka comfortable, Eugene. Let's end the conversation right here. I won't be mad."

Napabuntonghininga na lang si Eugene at naihilamos ang mga palad niya sa mukha. "You're not mad? Then where are you going?"

"Bathroom," sagot ni Divine. "Hindi ako magse-settle sa awkward silence diyan kasama mo. We need space kahit ilang minutes lang."

Ang lalim na naman ng pagbuga ng hininga ni Eugene. Sa loob-loob niya, hiniling na agad niyang sana, iba na lang ang pinag-usapan nila kahit nakakahiya pa para sa kanya.

Sinabi na ni Divine na hindi raw ito galit, pero duda siya roon.

Noong sinabi rin sa kanya iyon ni Carmiline, pinalagpas lang niya. Alam naman kasi niyang hindi ito magtatanim ng galit sa kanya sa maliliit na bagay lang na hindi nila pinagkakasunduan.

Pero natutuhan niya ang lahat sa masakit na paraan at ayaw na lang niyang pabayaan ang lahat dahil maliit na bagay lang naman ang pinagtatalunan.

Samantala, nakaramdam naman ng kaunting pagkadismaya si Divine sa ginawang pagtatapos ni Eugene sa usapan nila. Ayaw na lang din niya itong pilitin kung ayaw nitong magsalita. Nasabi naman na niya kung saan ba siya dapat magsimula at ayaw niyang ibagsak ang lahat ng tanong dito sa iisang gabi lang.

Pero hindi naman siya galit sa asawa niya. Hindi rin niya makita ang dahilan kung bakit ba dapat magalit samantalang siya naman ang nagsimula ng usapan.

Uunti-untiin na lang muna niya ang lahat para sa asawa niya dahil gusto niyang palayain ito sa bigat na dala nitong ayaw pa rin nitong pakawalan.

Katatapos lang niyang maligo at lumabas na ng shower area na nakasara ang shower curtain. Nakakadalawang hakbang pa lang siya nang mapansin agad si Eugene na nakasandal ang mga balikat sa hamba ng pinto, nakakrus ang mga braso, at mukhang hinihintay siya.

"Again, I have a disability, but I'm not handicapped," paalala ni Divine na kusot-kusot ng tuwalya ang mahabang buhok.

"Wala naman akong sinasabi. Binabantayan lang kita gaya ng sabi mo dati," sabi ni Eugene na sinusundan siya ng tingin.

"You can resolve other people's problems, but not your own. That was sad. But don't worry, hindi naman ako galit sa 'yo because of your shortcomings." Tuloy-tuloy sa paglakad si Divine, wala nang pakialam kung wala ba siyang suot na kahit ano. "If you can understand and tolerate my deficiencies, ano'ng karapatan kong maging unfair sa 'yo, di ba?"

Seryoso lang na nakatitig sa kanya si Eugene habang patuloy siya sa pagsasalita. Bumaba ang paningin nito at huminto sa dibdib niya. Dahan-dahan nitong isinara ang pinto ng banyo.

Napahinto si Divine sa tapat ng powder area ng banyo at napatitig na lang sa asawa niyang papalapit sa kanya.

"Hindi lang ako comfortable sa topic . . . ngayon," mahinang paliwanag ni Eugene at ipinadausdos ang magkabilang palad sa baywang ni Divine. Ramdam niya ang lamig ng katawan nitong bagong ligo lang.

Napasinghap si Divine nang buhatin siya ni Eugene at iniupo sa awang ng powder area katalikod ng malaking salamin na kadikit ng pader.

Mas lumapit pa sa kanya si Eugene, saglit na dumampi ang labi nito sa gilid ng labi niya at mas lumambing pa ang boses. "That's something we'll discuss later . . ." Bahagya itong nakayuko, tinitingnan ang ginagawa nito sa hita niya. Marahan nitong iniikot ang mga daliri sa balat niya at nagsisimula nang magtindigan ang mga balahibo niya sa katawan.

Matunog ang naging paglunok ni Divine habang nakatingin lang din sa ginagawa ni Eugene. Marahan nitong papasadahan ng palad ang palabas na parte ng hita niya at biglang ililipat ang kamay sa loob, malapit sa pagitan ng hita niyang nagsisimula nang pumintig at maghanap.

"Puwede ka namang magalit sa 'kin . . ." pabulong nang sabi ni Eugene, sinasabi ang mga iyon sa tapat mismo ng mga labi ni Divine. "Pero ayokong magtagal 'yang galit mo . . ."

Halos magtama na ang maiinit na hininga nilang dalawa nang magkasalubong ang mga mata.

"Hindi ako masamang tao . . ." sabi ni Eugene at dahan-dahang bumaba ang tingin sa mga labi ni Divine. ". . . pero kaya kong maging masamang tao para sa 'yo."


♥ You can read the love scene part exclusively on Telegram.
You can get access for 150 pesos. Send your request to t.me/lenareacts ♥


Namumungay na ang mata ni Divine nang silipin ang kanang gilid niya. Dinampian siya ni Eugene ng halik sa sentido at sa pisngi saka bumulong.

"I love you, Mine . . ."

Pagod din siyang napangiti at dinampian din ito ng halik sa pisngi. "I love you, too."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top