Chapter 30


Tatlong oras pa lang na tulog si Eugene at sinikatan na ng araw ang cabin. Tumatagos ang sinag sa manipis na puting kurtina ng nakabukas na bintana. Dinig na dinig ang huni ng mga ibon sa katapat na punong mangga sa parteng iyon ng maliit na bahay.

"Jijin . . ."

Tatlong oras pa lang ang tulog ni Eugene pero gising na gising na ang diwa ni Divine na wala pang deretsong tulog. Nakapaghilamos na siya't lahat, tulog pa rin si Eugene. Sinusulyapan niya ang mukha ng asawang mahimbing na natutulog. Doon pa niya napiling humiga sa may dibdib nito samantalang ang likot-likot niya.

"Jijin, nagugutom na 'ko . . ." mahina niyang sabi habang dinudutdot ang tungki ng ilong ni Eugene. Mahimbing nga ang tulog nito, hindi man lang magising sa ginagawa niya.

"Jijin, gusto mo, ikaw na lang kainin ko?" Pabirong kinagat ni Divine ang kanto ng balikat ni Eugene saka siya humagikhik pagkatapos.

Ayaw pa ring magising ni Eugene.

Umurong pa paakyat si Divine para magpantay ang mga mukha nila. "Jijin . . . pakainin mo na akooo . . ." Paulit-ulit niyang hinalikan sa labi si Eugene. Hindi pa rin ito magising-gising. "Hmp! Bahala ka diyan. Kakain na lang ako mag-isa, hindi kita dadalhin ng food."

Mabilis na umalis si Divine sa kama at nagkalkal ng bag na dala nila. Nag-bra lang siya at panty saka isinuot ang baon nilang black and white penguin onesie niya na may kasamang penguin feet slippers na tumutunog tuwing itatapak.

Malayo ang secret garden sa main house, pero doon lang siya puwedeng makakain nang libre. Kaya mula sa secret garden, tumawid pa siya ng gate papunta sa farm. Umagang-umaga, kanan-kaliwa siya sa paglakad habang sinasabayan ang tunog ng tsinelas niya.

"Tut-tit-tut-tit! Tut-tit-tut-tit!" Kinakampay niya sa magkabilang gilid ang mga braso habang nilalakad mag-isa ang mahabang kalsada.

Napahinto lang si Divine nang may trike na saglit na huminto para tanungin siya ng driver.

"Ma'am, saan kayo—ay, Ma'am Divine!" hiyaw ng driver nang mamukhaan siya. "Saan ho sina Ramram? Hindi ninyo kasama?"

"Hindi po!" masayang sagot ni Divine.

"Saan kayo? Mag-isa lang kayo?"

"Mag-isa lang po! Kakain po ako sa main house nina Mrs. Lauchengco." Itinuro niya ang malayong bahay na tanaw naman doon sa puwesto nila. "Lalakarin ko na lang po papunta doon. Tulog pa po asawa ko, e. Ayaw niya kasing gumising."

"Ay, susme. Sakay na kayo, hatid ko na kayo doon."

"Okay lang po ba?"

"Okay lang, ma'am!" Mabilis na bumaba ang driver at kinuha sa loob ng trike ang isang sako ng mga basahan na ide-deliver dapat nito sa main kitchen ng farm. Inilipat niya iyon sa bubungan ng trike para makaupo si Divine sa loob.

"Kaya naman po ako sa likod, Manong," sabi pa ni Divine.

"Dito na kayo, ma'am. Mainitan pa kayo rito sa labas, pagalitan ho kami ni Mr. Lee. Pasok na ho kayo."

Ngumiti na lang nang malapad si Divine saka sumakay. "Salamat po, Manong!"

Kilalang-kilala na si Divine sa farm ng mga Vizcarra. Sa sobrang dalas dumaan doon ng mga Lee tuwing may gathering, malabong hindi siya makilala ng mga tauhan doon. Naisip niyang baka taga-barn o tagaroon sa kusina ang driver ng tricycle. Si Damaris ang hinanap nitong kasama niya at hindi si Melanie. Kung taga-maintenance ito o di-kaya'y caretaker sa mga bakasyunan doon sa lupain ng mga Vizcarra, siguradong si Melanie ang hahanapin nitong kasama niya.

Ilang minuto lang ang inabot bago siya nakatapak sa main house. Mabilis na lumiko pabalik ang trike dahil nalampasan na nito ang malaking kusina kung saan ito dapat pupunta.

Pumasok na siya sa main house at may nasalubong na agad siyang babaeng katiwala. May bitbit pa itong bulto-bultong kumot na mukhang kakukuha pa lang sa second floor.

"Nasaan po sina Papa Leo?" tanong niya sa babae. Sa laki ng buhat nito, saka lang siya nito nakita nang magtapat sila sa gilid.

"Ay, Miss Divine! Doon po sila sa garden. Saglit lang po, ha? Tawagin ko lang si Auring para maihatid kayo sa garden."

"Salamat po!" masayang sagot ni Divine at paglagpas sa kanya ng babae, sumisigaw na ito para magtawag ng maghahatid sa kanya kung nasaan ang mga kapamilya ng asawa niya.

"Magandang umaga po, Miss Divine!" masayang bati sa kanya ng babaeng ilang taon lang ang tanda sa asawa niya. "Nasaan ho si Sir Eugene?"

"Tulog pa po." Iginiya siya nito sa kabilang pasilyo palabas sa kabilang hardin ng main house.

"Tulog pa? Ay, sino ho ang kasama n'yo rito pagpunta?"

"Yung manong po na nagta-tricycle."

"Nagta-tricycle?" Napaisip naman ang babae. "Ang dami nilang nagta-tricycle dito. Ano hong itsura?"

"May dala po siyang isang sako ng basahan," sagot ni Divine.

"Ah . . . si Badong," pagtukoy nito sa naghatid sa kanya roon. "Hinatid ka ba muna bago pumuntang kitchen?"

"Siguro po. Hindi pa po niya ibinaba yung sako niya, e."

Lumabas ang dalawa sa dulo ng pasilyo at naabutan doon ang ilang kasama nila na nag-aalmusal na.

"Aahhh!" Tili agad ni LA ang nangibabaw pagkakita sa kanya nito. "Dada, pingwing!" Tinakbo siya nito palapit habang turo-turo siya. Hinabol pa ito ni Leo, pero huli na nang maabutan.

"AAAAY!" sabay-sabay pa silang sumigaw dahil nadapa na si LA nang matalisod sa awang ng magaspang na tiles.

"Ayan na, nadapa na," sabi pa ni Leo at mabilis na nilapitan ang apo. Pero si LA na ang nagtayo ng sarili niya at nagpagpag ng kamay. "Masakit?" tanong pa niya nang tingnan ang magkabilang kamay ni LA. "Saan masakit, anak?"

"Dada, idadapa ako!" galit pang sabi nito, nakasimangot imbes na umiiyak.

"Opo, hindi na po ulit tayo madadapa," pakunsuwelo ni Leo at pinagpagan ang tuhod ng apo niyang ipinagpapasalamat niyang naka-jogging pants.

Si Divine na ang lumapit sa kanila at tiningnan ang lagay ni LA. "Ayos ka lang, baby?"

"Idadapa ako, Pingwing!" sumbong nito sa kanya at kagat ang labing tinadyakan ang magaspang na tiles na tinatapakan nila. "Idadapa mo ako!" reklamo ni LA sa sahig.

Natawa tuloy si Divine sa reklamo ng anak ni Luan.

"Dada!" biglang hiyaw ni LA, turo-turo ang suot na penguin slippers ni Divine nang masilayan sa pagrereklamo nito sa sahig.

Sleeping slippers lang naman ang suot ni Divine kaya mabilis hubarin. Paghubad niya, itinapat niya agad iyon sa paa ni LA.

"You wanna wear it, baby?" sabi ni Divine at siya na ang naglagay n'on sa paa ni LA pagka-alis niya ng sandals ng bata.

"Dadaaa!" tuwang-tuwa na tili ni LA nang tingalain ang lolo niya. "Isusuot ako na feet ni Pingwing!" Pagtingin niya sa Tita Divine niya, niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi bago itinapak-tapak sa sahig ang cute slippers niya.

Naglibot-libot agad si LA suot ang penguin feet na tumutunog habang sunud-sunuran naman sa kanya ang Dada Leo niya.

Paglingon niya sa mesa, naroon ang ibang mga kasama nila kahapon pa at nakatingin lang sa kanya. Hindi naiwasan ng mata niya ang madaanan si Carmiline na patay-malisya lang na kumakain sa mahabang mesa.

"Magtsinelas ka't pagagalitan ka ng asawa mo kapag nakita ka n'on," sita sa kanya ni Jaesie na tinuturo ng kinakain nitong tinapay ang paa niya.

"Wala na po akong slippers," sabi ni Divine at nakapaang lumapit sa kanila. "Okay lang po, sanay akong nakapaa. Doon sa bundok, 'pag nagsapatos ka sa putikan, hindi mo na makikita ulit yung sapatos mo."

Lumapit si Divine sa kapatid ni Eugene at pumuwesto sa likod ng upuan nito.

"Si Kuya?" tanong agad ni Luan pagtingala sa kanya.

"Nandun, tulog," pagturo niya sa kaliwang gilid.

Sabay-sabay tuloy na nagtaasan ang mga ulo ng mga abalang kumain doon sa mesa.

"Tulog?!" malakas na tanong ni Clark at tumayo na agad kahit hindi pa tapos ang kinakain. "Sino'ng kasama mong pumunta rito?"

"Ako lang po."

"Hoy, Leopold! Tawagan mo nga yung anak mo! Mag-isang pumunta 'to rito, baka maghanap na naman 'yon ng asawa niya!" sermon ni Clark nang lapitan si Divine. "Ay, naku ka talaga, Marya Divina. Doon ka muna sa loob, wala kang tsinelas!" Umamba pa ng palo si Clark na dinepensahan agad ni Divine ng braso habang tumatawa. "Baka ma-report pa kami rito sa ama mo, sabihin pa, pinababayaan ka! Doon, dali!"

"Kakain po ako, Mr. Mendoza!" reklamo ni Divine.

"Anong Mr. Mendoza ka diyan? Pasok doon sa loob!" Itinuro agad ni Clark ang loob ng bahay. "Dadalhan ka namin ng pagkain doon! Ay! Ang tigas ng ulo ng batang 'to."

"Nagugutom po akoooo!"

"Aaaay!" Binuhat na siya ni Clark at isinampay sa balikat nito. Hindi naman siya pumalag at naglaylay lang ng mga braso habang buhat nito pabalik sa loob ng bahay.

"Mr. Mendozaaaa . . . nagugutom akoooo . . ."

"Oo nga, kakain nga tayo sa loob. Tsk! Nakainom ka na ba ng gamot?"

"Mamayang gabi poooo."

Umikot lang ang mga mata ni Clark sa kanya at inilapag siya sa makinis na sahig ng bahay.

"Dadalhan ka namin diyan ng pagkain," sabi ni Clark. "Huwag ka muna rito sa labas. Kapag nagpaltos 'yang paa mo, lagot kami sa papa mo at kay Eugene."

Ngumuso lang si Divine at nag-puppy eyes kay Clark.

"Magpapakuha ako ng tsinelas." Dinuro na naman siya ni Clark. "Huwag kang aalis diyan. Kukunin ko yung tsinelas ni Sabrina, kasya sa 'yo 'yon." Pagtalikod ni Clark biglang ngumisi si Divine sabay karipas ng takbo papasok sa loob ng bahay. "Sabby, pahiram nga ng sandals mo. 'Bigay lang natin dito kay Div—" Paglingon ni Clark, hayun at wala na ang hihiraman niya ng tsinelas sa asawa. "Haay." Pinawi na lang niya ang hangin. "Bahala na nga kayo, malalaki na kayo."

Nakapaa lang na tumakbo si Divine, hindi alam kung saan ba talaga pupunta, pero saglit siyang huminto nang makasalubong ang nakasagutan niya kagabing fiancé ni Carmiline. Nakangisi tuloy siyang nagpalukso-lukso saka lumapit dito. Ipinasok pa niya ang mga kamay sa bulsa ng onesie na nasa bandang baywang niya at saka ito sinabayang maglakad.

"Hi!"

"Kuso—" Nagulat naman si Aki sa biglaan niyang pagsulpot sa tabi nito. Sapo pa nito ang dibdib nang tingnan siya pababa. "Who are—" Hindi na nito natapos ang sinasabi nang ngitian niya ito nang matamis.

"How was your night, Aki?" tanong niya nang sabayan ito sa paglakad.

"Hmm." Nagkibit-balikat na lang ito nang makilala siya. "Not really nice," sagot nito at dumeretso na sa paglakad. "Pero na-explain naman na nina Tito Rico ang reason, and they said na may sakit ka."

"Yep! Anyway, I just want to say sorry kasi feeling ko, I went beyond my limit last night. If na-offend ka or yung fiancée mo . . ." Idinaan na lang sa ngisi ang sagot ni Divine. "There are things na meant to offend talaga para sa iba at hindi ko na mababawi ang mga nasabi ko last night. But really, I felt sorry for that."

"Um-hmm." Tumango-tango lang si Aki habang naglalakad. "I think hindi ka rin aware na may relationship sila before more than classmates na last night ko lang nalaman."

"Yeah! Same! We're innocent!" Mabilis na tumango si Divine at sinabayang lumiko sa kanang pasilyo si Aki. "But Jijin said they broke up ten years ago. Hindi naman sa ayokong i-credit, but ten years without connection is ten years lost. So . . . di ba? Why do we have to stay in the past kung matagal naman na 'yong wala, right?"

"Point taken."

"Anyway, hindi naman ako galit sa fiancée mo or what. I'm serious. May mood shift lang talaga ako na nadaanan niya without a warning. And! Nag-take ako ng medicine yesterday kaya even to nothing ang mood ko last night. If I offended you both, I'm sorry for hurting your feelings, but I'd already said what I'd said; the damage has been done. We move forward and we should learn from it."

"That's nice. I'll accept that."

"Don't worry, hindi ko kayo ifo-force na i-forgive ako agad-agad na legit leniency. Forgiveness takes time and healing, and I just wanna say sorry for inflicting pain kahit first meeting pa lang natin. That's a gangster move, but yeah? I don't want to judge you, guys, just because of miscommunication and misinterpretation. Endless process of misunderstanding lang ang mangyayari kung gusto nating lagi na lang tayong tama kaysa tanggapin na hindi rin naman tayo perfect para hindi magkamali. You know? By the way, I'm Mary Divine Lee . . ." pakilala ni Divine. ". . . Scott. Mary Divine Lee-Scott. They call you Aki kaya nakiki-Aki na rin ako. Allowed ba 'kong malaman ang name mo?"

Tinawanan lang siya nang mahina ni Aki at lumiko na naman silang dalawa sa hallway na kusina na ang tumbok.

"I'm Hideaki. Yamada Hideaki."

"Wow. Purong Japanese pala name mo. Akala ko, Spanish. Ilan lang ang friends kong Japanese. Karamihan sa kanila, mga Fil-Chi or Pinoy lang. Sa North, I met some tribes na native talaga roon since pre-Spanish Era pa. Sa animation kayo ni Carmiline, right?"

"Yes." Tumango naman si Aki.

"Nakikinig ako ng explanation ninyo kahapon. Really, I find you awesome. Set aside that bad impression, I was totally captivated by the idea of animation. First time ko lang kasing maka-encounter ng expert sa field, so . . . aaahhh! Fangirl alert!"

Nakita na lang ni Aki ang sarili na natatawa sa kadaldalan ni Divine—sobrang layo sa mood nito kagabi na halos dikdikin sila ni Carmiline sa mesa, sa harap pa ng mga kasama nila.

"Ano-ano ang scope ng animation ang hina-handle ninyo? Illustration? Video? SFX or something?"

"End-to-end. We have our own illustrators and animators. Sa executive and HR kami ni Carmi."

"Oooh, pero marunong kayong magdrowing?"

"Yeah! We do some animated short films sometimes."

"Kayong dalawa lang?"

"Yes. Sa illustration, sa 3-D modeling, editing, and posting. Kami lang. Parang past time, separate sa business."

"Oh, that's cool! Where can I watch your work? May channel kayo or bibilhin ang ticket or may subscription?"

"We have our own website, pero available din ang films namin sa ibang streaming sites. And yes, may subscription. We're offering one-week trial, then monthly and annual subs. Available naman dito sa PH ang site namin, and marami rin kaming audience dito."

"Nice! Ilan ang puwede kong i-expect na mapanood sa website n'yo?"

"For now, we have 55 animated short films and 15 full-length movies. May available ding manga and comic reading tab doon sa website, pero may separate links for that na bubuksan para ma-access. Some of those are free and ongoing."

"Wow . . ." bilib na bilib na sabi ni Divine habang nakatingala lang kay Aki. "Hihingin ko mamaya yung link, titingnan ko yung website n'yo. Wala akong dalang phone ngayon, e."

Natawa lang nang mahina si Aki. "Sure! Just find us. Mamaya naman ang meeting about Luke's wedding, so I'm sure that we'll see each other again later." Itinuro niya ang pintuan ng kusina. "Kukuha lang ako ng meal para kay Mat. May unexpected meeting kasi siya sa client ngayon. Hindi pa siya kumakain."

"Oh! Okay lang! Same kami. Kukuha rin ako ng food. Hingan mo rin ako, nagugutom na 'ko, e."

Natawa na naman sa kanya si Aki. "Okay, I'll ask for your meal. Just wait here, medyo magulo kasi sa loob ng kitchen."

"Thank you, Aki!"


♥♥♥


Bagong gising na bagong gising pa lang si Eugene, stressed na agad siya.

Umalis ang asawa niya habang tulog siya. Tadtad siya ng missed calls sa iba't ibang application mula kay Leo, kay Clark, kay Rico, hanggang kay Kyline, at puno na ang inbox niya ng tanong kung nasaan na ba siya, kung tulog pa ba siya, kung anong oras siya babangon, at kung hindi pa siya dadayuhin nina Cheesedog at Connor, hindi pa siya magigising. At ilang malalalim na paghinga rin ang nagawa niya dahil selfie na ni Divine ang wallpaper niya habang naka-silent ang phone niyang kaya pala walang kaingay-ingay buong umaga. Kahit ang mga naka-set niyang alarm, naka-off na rin!

"Ano'ng ginagawa ni Divine sa main house?" tanong niya sa magpinsang nasa backseat ng minamaneho niyang kotse.

"Nanonood sila nina Ninong Clark ng films na gawa nina Ate Chamee," balita ni Cheesedog.

Napabuntonghininga na lang si Eugene at nagsisi agad na iniwan niyang nasa nightstand ang phone niya.

Alas-onse y medya na siya nakarating sa main house at manananghalian na lang ang mga kasama nila sa reunion na iyon habang aburido pa rin siya.

Pagkakita niya sa asawa niyang naka-onesie lang at kandong-kandong si LA na suot ang penguin slippers, napabuntonghininga na naman siya.

Kalat-kalat na naman silang lahat. Nasa veranda sina Divine habang mini-meeting na nga raw ang buong pamilya niya nina Mathilda para sa wedding ni Luan. Hinayaan na lang niya si Divine dahil binabantayan naman ni Clark at dumeretso siya sa ballroom area na nilatagan ng mesa para doon sila makapag-usap-usap.

Malawak ang loob ng malaking kuwarto at hile-hilera ang bintanang matataas at sakop ang buong pader sa nilagyan ng receptacle.

Napahugot ng hininga si Eugene nang makita roon sina Aki at Carmiline kasama ang buong pamilya niya.

"Sorry, I'm late," labag pa sa loob na sabi ni Eugene at inilapat ang kanang palad sa dibdib at bahagyang yumuko para i-excuse ang sarili sa gitna ng usapan ng mga naroon. Naghanap na lang siya ng mauupuan at doon pumuwesto sa end chair katabi ng end table na dikit sa dingding.

Pag-upo niya, nakinig na lang siya ng pag-uusap pero inulit ni Leo ang lahat para makasunod siya.

"Gene, si Tita Mat mo ang mag-o-organize ng wedding," panimula ni Leo na tinanguan niya. "Ang videographer, photographer, and editor, mula pre-nup hanggang reception, sina Aki and Chamee."

Lumalim ang paghinga ni Eugene nang marinig ang tungkol doon. Mukhang hindi lang pala basta bisita lang ang dalawa sa kasal ng kapatid niya.

Idinaan na lang niya sa pagtango ang sagot at hindi na lang nagsalita. Tiningnan niya si Luan na nakatingin lang sa kanya, para bang nag-aabang ng pagkontra niya sa mga kukuning tao para sa kasal nito, pero nadismaya lang nang wala siyang sabihing pagtutol.

"Sina Ninang Mel mo ang sa cake and reception," dugtong ni Leo, "pinag-iisipan pa kung itutuloy sa beach o dito na lang sa farm nina Ninang Mel mo ang wedding. Sobrang gastos daw kasi kung sa isla pa, sabi ng Tito Ian mo."

"Kayo ang bahala, Dada. Best man lang naman ako ni Luan. Hindi naman ako ang ikakasal," sabi na lang niya.

"Tulog ka pa ba? Makakausap ka na ba namin? Ano'ng oras kayo natulog ni Divine?" sunod-sunod na tanong ni Leo.

Nasisilip ng dulo ng mata niya ang pagtingin sa kanya nina Carmiline at Aki.

"Alas-tres pasado na yata, Dada. Or four? I'm not sure sa time. Manic kagabi si Divine, naghanap ng malalarong kambing," palusot niya.

"Diyos ko, Lord," pabuntong-hiningang sabi ni Leo sabay masahe sa sentido. "Tingin ko, manic pa rin 'yon hanggang ngayong umaga. Nakainom na ba 'yon ng gamot?"

"Love, sabi ni Clark, mamayang gabi na raw," paalala ni Kyline. "Bantayan na lang."

"Haay, naku, talaga kayong mga bata kayo," stressed nang sabi ni Leo at napailing na lang. "Mat, paki-summarize na lang nitong lahat, ha? Para may hard copy kami."

"Sure thing, my dear," sagot ni Mat at nilingon na lang din si Eugene na napapabuntonghininga na naman sa upuan nito sa gilid.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top