Chapter 3
Hindi biglaan ang kasal ni Eugene Scott. Isa iyon sa pinaka-pinaghandaang event ng taon at ilang news outlet na rin ang kumuha ng press ID para makapag-cover ng balita tungkol sa gaganaping kasal. Limang taon ang preparation. Limang taon na rin ang nakalipas noong unang beses makita ni Eugene si Divine sa kai shao nila.
October nang i-book ang pre-nup wedding photoshoot nila para sa assets, at sa limang taon na 'yon, doon lang nagkita ulit sina Eugene at Divine.
"Good morning. Good morning," paulit-ulit na bati ni Divine sa lahat ng nakakasalubong. Napansin agad ni Eugene ang pitong tao na nakasunod dito. Apat na bodyguard, dalawang maid, at isang secretary.
Naninibago si Eugene. Malamang ay dahil noong una niya itong nakita ay matamlay pa ang mga mata nito at masyado pang bata dahil kaedad lang halos ng bunsong kapatid niya.
Pansin niya agad ang aura ni Divine. Deretso ang tindig, lapat ang balikat, nakataas ang mukha, mahigpit ang pagkakatali ng buhok na halos hanggang tuktok ng anit ang panali, at nakasuot pa ng simpleng fit na white tee, naka-tuck in iyon sa denim jeans nitong may leather belt na nakasuot. Stiletto pa ang sapatos at hindi takot tumapak sa lupa kung nasaan sila dapat mag-sho-shoot.
"Good morning, Mr. Scott," bati nito sa kanya paglapit. Inalis pa ang suot nitong shades para lang matingnan siya nang deretso sa mga mata.
"Good morning, Miss Lee," bati rin ni Eugene. Sinundan agad niya ang tingin nito na hinagod siya ng titig mula ulo hanggang paa.
Nakasuot lang din siya ng white pero V-neck shirt at khaki pants. Converse na ang pang-ibaba para madali siyang makakagalaw nang hindi nako-conscious sa sapatos.
"You look good today," papuri ni Divine sa seryosong tono.
"And so are you," balik ni Eugene.
"I was expecting a better location than this one," sabi ni Divine at tumabi sa kanya, nakitanaw sa pagdarausan ng photoshoot nila para sa wedding photos.
"But this is a nicer place than the city," katwiran ni Eugene.
Maganda sa lugar, overlooking ng Pacific Ocean, malawak ang damuhan sa cliff, at nakahanda na ang mga drone para sa aerial shots.
Pero mukhang hindi kontento roon si Divine.
"Wala pa raw ang hair and makeup team," balita ni Eugene. "Sana hindi ka mainip."
"Do I have the right to complain kung naka-bangka lang sila at maglalakad paakyat dito while naka-helicopter tayo?" sagot ni Divine at tiningala si Eugene. "If you're okay with that situation at nagagandahan ka sa setting na 'to, then there's something wrong with you." Mabilis na tumalikod ang babae at nagtawag agad. "Julie, ano'ng time ang lunch?"
Ibinalik ni Eugene ang pagtanaw sa malawak na dagat sa harapan niya. Sa isang iglap, nawala ang lahat ng ganda nito dahil sa sinabi ni Divine.
Doon sa bangin ang napiling location at suggestion iyon ng tatay ni Divine. Nakita nila noon ang kuha sa kasal ni Clark, at isa iyon sa pinakapaborito nilang portfolio, pero closed na ang location kung saan ikinasal sina Clark at Sabrina kaya naghanap na lang sila ng ibang kapareho ng setup.
Pero hindi iyon naging pabor para sa ibang nag- aasikaso ng kasal. May call time nga, pero kailangan pang maghintay ng biyahe ng bangka ang mga nasa studio at HMUA, maging ang mga designer para makapunta sa lokasyon sa isla. Pagdating sa isla, lalakarin pa nila ang paakyat sa bangin na kahit may daan naman ay mahirap pa rin dahil pitong kilometro din ang layo paakyat. Samantalang hindi problema kina Eugene at Divine ang pagpunta dahil naka-helicopter naman sila na pagmamay- ari ng kumpare ng ama ni Divine.
Nag-text ang team na hahawak sa kanila. Five minutes na lang daw, nasa port na ang mga ito.
Port. Wala pa sa paanan ng bundok na aakyatan para makarating sa bangin kung nasaan sina Eugene. At sasakay pa ng habal-habal bago makarating doon sa ibaba ng aakyatan.
"Whoever proposed this idea, I will tell her or him directly on his face na ang tanga niya," sabi ni Divine na prenteng nakaupo sa folding chair, nakalilim sa itinayong tent doon ng mga bodyguard niya. "We're wasting our time, we're wasting everyone's time, hindi worth it ang effort pagpunta rito—everything isn't worth the preparation."
Ipinagbukas agad si Eugene ng folding chair ng isa sa mga bodyguard at naupo siya sa tabi ni Divine na kunot na kunot ang noo at nagmamarakulyo roon sa tent.
"Gusto lang nina Uncle Jun ng magandang setting para sa photoshoot," depensa ni Eugene.
"Fuck that reason," kontra agad ni Divine. "Maraming accessible na lugar na maganda rin naman at hindi mahihirapan ang mga team na puntahan. But still, pinili pa rin nila itong napakahirap dayuhing bangin na 'to. For what? Para sa view? Para sa lakas ng hangin? Para ipakitang may kakayahan tayo para mang-alipin ng mga tao sa lipunan na nasa mas mabababang uri?"
Saglit na nanlaki ang mga mata ni Eugene at nabigla sa huling sinabi ni Divine.
"I don't see the point na maghe-helicopter tayo habang magbabangka ang mag-aayos ng mga mukha natin," di-matapos-tapos na reklamo ni Divine. "Kasi, look— ako, okay ako sa bangka. Kung doon tayo maaabutan ng photoshoot, mas gusto ko pa 'yon. Kung maaabutan tayo sa trekking, no problem! The essence of this whole bullshit is to capture the journey of us being together and the love and the trust and the 'I will die for you, bitch' promises. But look!" Inilahad ni Divine ang palad sa harap. "It's just a fucking cliff! Where is the fucking trust and love in this place?!"
Nakatitig lang si Eugene kay Divine habang nakikinig sa reklamo nito tungkol sa location nila. Hindi alam kung papanig ba rito o kokontrahin ito.
"Kaya kong maglakad nang naka-gown sa putikan, dude! Kaya ba 'yon ni Mama?" tanong ni Divine sa isa niyang maid. Hindi ito sumagot, pero sumagot si Divine. "Of course, hindi 'yon kaya ni Mama! Maarte siya, e! But I can!" Itinuro na naman niya ang ibaba. "Ang ganda ng dagat sa ibaba! Di ba, dapat mas bagay ang setting doon? Bakit . . . pinahihirapan natin . . . ang mga sarili natin, guys? Why? For what reason?"
Isang oras ang inabot ng reklamo ni Divine at bilib na talaga si Eugene sa tatag ng lalamunan nito dahil hindi man lang namamaos. At nagulat na lang silang lahat nang mag-anunsiyo ito.
"Tara sa 'baba!" sigaw ni Divine. "Doon na sa beach ang location! It's already lunch, wala pa rin sila!"
"Miss Divine—"
"Kung walang sasama sa 'kin! Maiwan kayong lahat dito, bababa ako."
Unang-una agad na napansin ni Eugene, reklamador si Divine. Ang daming reklamo, at hindi lang basta reklamo. Hindi ito nagrereklamo para sa sarili. Nagrereklamo ito para sa pinagdaraanan ng iba. At hindi niya alam kung dapat ba siyang mapabilib o mainis dahil iyon din ang dahilan ng ingay nito.
"Maputik!" sigaw ni Divine tungkol sa daanan nila. "See? I appreciate the artistic whatever and passion ng mga photographer para dumaan sa ganitong lugar, but—siguro, kahit bayaran mo 'ko ng fifty thousand, itu- turn down ko ang job offer. Unless, mahal na mahal ko ang trabaho ko at willing to endure the struggle ako to capture every moment. Say cheese!"
Nagulat at napangiti na lang bigla si Eugene nang bigla siyang tutukan ni Divine ng camera nang tabihan siya nito.
"Sina Papa kasi, wala silang alam sa struggle ng iba," balik sa dinadaldal niya si Divine. "Nakaupo lang sila sa office, maghihintay matapos ang work ng subordinates nila, pirma-pirma nang kaunti, then that's it! Kaya wala silang consideration sa pagdaraanan ng ibang tao kasi ang point nila, those people chose that kind of struggle at binabayaran ang mga taong 'yon to experience that struggle every day!"
Nakakalahati na nila ang daan paibaba ng bundok pero hindi pa rin nauubusan ng sinasabi si Divine.
"Kaya kong mag-photoshoot sa gitna ng Buendia, or kahit doon na lang sa tapat ng Araneta. Matatanggap ko pa kung nasa Batanes tayo, e. But no! Imbes na ma- in love ka sa mapapangasawa mo, baka pag-alis n'yo sa ganitong lugar, magkalimutan na lang kayong dalawa."
Magdadalawang oras nang nagsasalita si Divine, at nakasalubong na lang nila ang team na hahawak sa kanila paakyat ng bundok. Pero gaya ng desisyon ni Divine, doon na lang daw sila sa may dagat magpo-photoshoot dahil ayaw na ring umakyat ulit ni Eugene gawa ng napapagod na siyang bumalik pa.
Naabutan na sila ng lunch, at kumain na lang muna sila bago magsimula. Pero hindi na rin alam ni Eugene kung ano ba ang nangyayari dahil pagkatapos ng lunch, sobrang tahimik na ni Divine at hirap nang makausap. Kailangan pang makailang ulit sa tanong bago ito mamansin. At kung mamamansin man, walang sasabihin at tatango o iiling lang.
"Okay lang ba si Divine, Miss Van?" usisa ni Eugene nang lumapit sa sekretarya ni Divine. Hindi ito sumabay sa kanila pababa ng bundok at nag-helicopter na lang pero ito pa rin ang nilapitan niya.
"Um . . . she's okay," asiwang sagot nito. "Baka napagod lang pagbaba n'yo ng bundok."
"Para kasing hindi naman siya ganyan kanina," nag- aalalang tanong ni Eugene. "I mean . . . parang hindi naman siya ganyan kapagod kahit noong nakababa kami."
"Um . . ." Ilang beses inikot-ikot ng sekretarya ang palad sa harapan para ilabas sa bibig ang paliwanag, pero ilang segundo na, wala pa rin ang sagot na inaabangan ni Eugene.
"May sakit ba siya or some—"
"WALA SIYANG SAKIT," napalakas na putol ni Miss Van kay Eugene kaya sabay pa nilang napanlakihan ng mata ang isa't isa gawa ng gulat.
"Uh . . . I mean . . ." Napapikit-pikit pa si Eugene bago madugtungan ang sinasabi. "I mean . . . baka may lagnat or something."
"Ah . . ." mahabang sagot ng sekretarya at marahang tumango. "Wala. Wala siyang lagnat. She's perfectly fine. She's healthy, she's fit, she's okay, wala—wala siyang kahit anong issues."
"Okay." Napalunok si Eugene at napatango-tango. "Okay."
Wala raw sakit si Divine pero ang tamlay nito nang magsimula na ang photoshoot. Tulala pa ito sa dagat at kapag tuturuan ng instructions, titingin pa sa kanilang lahat para itanong kung ano ang ginagawa nila.
Isang oras lang ang inabot ng photoshoot dahil pinatapos na agad ng sekretarya. Uulitin daw sa susunod at naintindihan naman ni Eugene dahil gahol na sa oras at mukhang pagod na rin si Divine.
May van nang nakaabang malapit sa lokasyon nila sa may beach at bawal raw sumabay si Eugene, bibigyan na lang daw siya ng sariling service.
Nalilito na siya sa nangyayari nang huling masulyapan si Divine ay umiiyak na ito at kusot-kusot ang mga mata.
Akay-akay ito ng isa sa mga bodyguard nito paalis doon sa tabing-dagat at hindi man lang nagpaalam sa kanya.
Gustuhin man sana niyang mag-usisa, pero walang may balak magsalita tungkol kay Divine sa lahat ng kasama nitong tinanungan niya.
At kung wala itong maisasagot sa kanya ay uunawain niya iyon dahil ayaw niya ring mamilit kung bawal talaga niyang malaman ang sagot.
Mangungumusta na lang siya siya rito kapag sigurado na siyang maayos na ang lagay ni Divine.
♥♥♥
Next Wattpad update, kapag naka-CHAPTER 30 na si Eugene sa advanced updates sa Telegram
Join lang po kayo sa t.me/TambayanNiLena sa Telegram kung nais ng spoilers. Pero kung ayaw n'yong ma-spoil, don't join para hindi kayo magreklamo na puro ako spoiler doon, hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top