Chapter 27
Halatang nakakita ng katutuwaan niya si Melanie kaya dumayo agad siya sa kuwarto nina Shin sa main house, wala nang pakialam kung makisingit siya sa mga pusa roon ni Zhi.
"Hoy, Shin. Kaya pala tatahi-tahimik ka lang kanina," nakangising sabi ni Melanie nang dumapa sa kama, inaagawan ng puwesto ng mga Maine Coon at Siberian Cat na nakatambay rin doon.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" tanong ni Shin, tutok sa pagsusuklay sa buhok ni Zhi na bagong ligo lang.
"Bahay ko 'to, ako pa talaga tatanungin mo niyan, ha?" Bumangon na si Mel at dumampot ng isang Turkish Van sa kama para lang laruin. "Shookt talaga ako kanina na napaiyak ni Chamee si Mine. Sabi ko pa, 'How?' Hindi pa pala nakakainom ng gamot yung isa bago pumunta rito."
"Halata namang hindi pa siya nakakainom. Tingin mo ba, mapapasuot siya ni Eugene ng onesie kung nakainom siya ng gamot?"
"'Yon nga rin ang naisip ko. Bakit si Eugene ang inaalala ni Chamee na pinipilit magsuot ng pajamas, e kahit pagsuotin mo naman si Eugene ng maid uniform, ayos lang sa kanya basta cute siya." Bine-baby na ni Melanie ang pusa at panguso-nguso pa habang kinakausap iyon kung nagugutom na ba. "Ay, wait! Wala pa namang picture si Mine na naka-onesie siya, tama?"
"Malay ko," sagot lang ni Shin.
"Baka kasi pagalitan ni Jun. Alam mo namang conscious na conscious 'yon sa anak niya." Inugoy-ugoy sa pagkarga ni Melanie ang pusa hanggang sa mapailag siya nang muntik na siyang sampalin ng paw nito. "Kinakalaban mo na 'ko?" banta niya sa pusa at pinanggigilan na naman ito. "Ako nagpapakain sa 'yo, ha? Gusto mong dalhin kita do'n sa kambingan?"
"Ba't nandito ka naman, Meng?!"
Napaangat ng tingin niya si Melanie nang humiyaw sa pintuan ng kuwarto si Calvin.
"Pakialam mo ba? Bahay ko 'to," masungit na sagot ni Melanie at binalikan ang pusang inaaway niya. "Ano? Matapang ka na?"
"Nakaalis na sina Divine?" tanong ni Shin kay Calvin.
"Kahahatid lang namin paalis ng farm." Lumapit sa kanila si Calvin at naghatak ng ottoman para upuan niya. Tumapat pa siya sa binatilyong sinusuklayan ni Shin. "Ano'ng pinakain sa 'yo nina Ate Ruby?" tanong niya kay Zhi.
"Vegetables and chicken."
"How's your throat?"
"It's getting better na. Hindi na siya itchy like kanina." Hinawakan naman ni Zhi ang leeg saka tumango sa daddy niya.
Hindi nakasabay sa kanila si Zhi sa pagkain dahil inatake na naman ng allergy niya sa tapang ng halo-halong mga pabango ng mga bisita nila. Mas mabuti na rin iyon para kina Calvin dahil ayaw nilang magtanong sa kanila ang anak tungkol sa nangyayari kina Eugene. Paborito pa naman itong kuya ni Zhi.
"Papa, can I play with Ahia?" tanong ni Zhi, at sigurado silang si Eugene ang tinutukoy nito. Kanina pa naman naghihintay si Zhi na makalaro ng chess ang Kuya Eugene niya, pero hindi matuloy-tuloy dahil galit nga ito noong hapon at wala na sa main house pagdating ng gabi.
"Kayo na lang muna ni Tito Pat ang maglaro tonight. Ahia's not feeling well. Tomorrow, check natin kung okay na siya," paliwanag ni Calvin sa anak at ginulo ang buhok nito. Pagtayo niya at pagtingin kay Shin, ang sama agad ng tingin sa kanya ng asawang ilang minuto nang sinusuklayan si Zhi tapos guguluhin lang niya ang buhok.
"HAHAHA!" Ang lakas tuloy ng tawa ni Melanie nang tingnan si Shin na sinusundan ng tingin si Calvin hanggang pagpunta nito sa bathroom. "Cookies, tingnan mo parents mo, parang mga timang." Binuhat ni Melanie ang isang black and white Ragamuffin na nananahimik sa kama. "Papasyal kami ni Cookies sa labas . . ." Pasayaw-sayaw pa si Melanie nang pumunta sa pintuan ng kuwarto.
"Mama Mel, balik mo si Cookies, ha?" paalala ni Zhi.
"Ibabalik ko," sabi pa ni Mel, nakasimangot at patango-tango.
"Ibabalik?" sermon ni Shin. "Last time, kung hindi pa hihingin ni Zhi, hindi mo ibibigay."
"Nandito naman kayo sa bahay! Diyan lang ako sa third floor, grabe naman." Tinangay na ni Melanie palabas ang paboritong pusa niya na alaga ni Zhi at dinayo ang tsismisan site doon sa mga beshie niya. Inuna na niyang dayuhin kina Clark para panooring gisahin si Will.
Pagdating doon sa kuwarto ng mga kumpare niya, halatang nasa hotseat na si Will kaya nakitambay na rin siya roon. Tumabi pa siya kay Clark na beshie forever niya pagdating sa tsismisan.
"'Yon nga kasi . . ." depensa ni Will. "Ang engagement party nila, nangyari sa Singapore. Wala kami roon ni Mat. Saka . . . tsong, 38 na si Aki. Dapat pa bang lagi niyang hihingin ang approval namin ni Mat?"
"Still, sana sinabi mo pa rin na si Chamee yung fiancée ni Aki," katwiran ni Rico.
"I know, mali ko 'yon. Pero kaya rin hindi ko sinabi kasi wala na rin naman na tayong magagawa. Engaged na sila ni Aki three years ago pa. Hiwalay na sila ni Eugene, ten years na. Saan ang karapatan ko para sabihin na, 'O, ex ka ni Eugene, hiwalayan mo na si Aki.' Kasi ang unfair naman n'on."
"Hindi pa rin kasi tama na hindi mo agad sinabi, dude," sabi ni Clark. "Kung three years ago pa pala, sana sinabi mo agad para tanggap na namin. Hindi na kami magugulat. Alam mo 'yon? Yung hindi kami on-the-spot mag-a-adjust."
Ngumiwi naman si Will sabay himas ng batok. "Akala ko kasi, maghihiwalay agad sila kaya hindi ko na sinabi."
"Oh my god." Sabay-sabay pa silang napa-face-palm sa sagot ni Will.
"Saka hindi rin naman sinasabi ni Chamee kay Aki ang tungkol kay Eugene, so wala ako sa position para pangunahan lahat," rason ni Will. "Kasi kung may permiso niyang magsalita ako diyan, e di sana, dati ko pa sinabi."
"Pero, dude—"
"O, sige, ikaw, kunwari, nakilala mo lang sa work yung crush mong babae, tapos niligawan mo," paliwanag ni Will nang ituro si Rico. "Tapos bukambibig niya lagi yung ex niya five years ago habang kayo na. Ano'ng mararamdaman mo? Di ba, nakaka-offend na ikaw ang kasama pero ibang tao ang laging topic niya?"
"Dude, ang point namin, sana sinabi man lang kahit hindi na i-elaborate kung paano naging sila," dahilan ni Rico. "Paano 'yan ngayon? Magkaaway yung dalawa. Si Divine, hindi magpapatalo 'yon."
"Hindi ko rin alam," sabi na lang ni Will sabay kibit-balikat. "Responsibility pa ba natin na turuan silang makipag-usap nang maayos sa isa't isa? They know what they're doing. They know what they're saying. Kahit anong control natin sa mga 'yan, may freedom pa rin sila to choose kung susundin tayo o hindi. Alam na nila ang tama at mali . . ."
"Alam mo, Will, palayuin mo na lang dito sina Aki at Chamee kasi hindi sasantuhin ni Mary Divine 'yan," babala agad ni Melanie.
Natawa tuloy si Clark. "Si Mary Divine na walang sinasanto. Amen."
"Gagi." Siniko tuloy ni Mel ang katabi.
Namamaywang na si Rico habang himas-himas ang baba. "Need pa rin nilang magbati kasi nakakahiya talaga kina Mat at Aki. Wala naman silang alam diyan, nadadamay sila."
"Ano ba kasi talaga?" naiinis na tanong ni Mel. "May closure ba talaga sina Eugene at Chamee? Bakit ang bi-bitter pa rin?"
"Palibhasa jowa ka ng bayan dati, e. Gusto mo move on agad-agad," masungit pang sabi ni Clark nang lingunin si Melanie na nagrereklamo. "No wonder, nagkahawaan na lang kayo ni Calvin ng genes."
"E, totoo naman kasi," pairap pang sabi ni Mel sabay ikot ng mata. "Saka may point naman si Divine. Bakit siya iko-confront ni Chamee kung magsuot man sila ni Eugene ng onesie in public? Inggit siya? Mag-onesie rin siya! Balatan ko yung kalabaw namin diyan, ipausot ko sa kanya yung balat!"
"Ay, pota, ang mahal ng costume! Fresh from the farm!" side comment ni Clark at nakipag-apir pa kay Mel. "'Apakalakas talaga ng Inay Melanie na 'yan."
"Ano ka ba? Ako lang 'to, Clark! Bilib ka na naman sa 'kin!"
"Ang ganda mo talaga, Mel! Nanggigigil ako sa 'yo!"
Nagsasampalan na sa gilid sina Melanie at Clark habang nag-iisip naman ng remedyo sina Leo at Rico tungkol sa problema nila ngayon.
Alam din nila ang mali ni Carmiline at hindi nila kayang depensahan iyon kahit anong sabihin nila. Unang-una, aminado itong hindi naman ito inaway o kinompronta ni Divine para pagsalitaan ang asawa ni Eugene ng kung ano-ano. At isa pa, sobrang babaw para sa kanila ang inirereklamo nito. Onesie ang isinuot ni Eugene sa labas ng bahay, na kung tutuusin, wala namang problema dahil naipaalam na nito isang linggo bago ang reunion. Hindi rin nila makita ang mali ng pagsusuot ni Eugene ng onesie sa labas ng bahay dahil hindi naman ito nakahubad nang umalis. Kung tutuusin, balot na balot pa nga ito mula ulo hanggang paa kahit maalinsangan ang panahon.
Alam nilang wala sa lugar si Carmiline dahil sa ginawa nito pero ayaw nilang magkaroon ng awkwardness dahil inosente si Aki sa nangyayari, at ayaw nila itong madamay sa kung ano mang problema ang meron sina Eugene.
At dahil tapos na sa Tsismisan Site A si Melanie, dumayo naman siya sa Tsismisan Site B kasama ang mga mars niya.
"O, ano na ba ang news, mga marecakes kong magaganda?" bungad niya habang sampay-sampay na sa balikat ang unahang paws ni Cookies. "BB Ky, how's your Kuya Jijin?"
Napabuntonghininga na lang si Kyline habang hinahagod ng palad ang tela ng kama para abalahin ang sarili.
"Mars," tawag ni Melanie kay Jaesie at inginuso si Kyline na nagsasariling emote sa kama nito.
"Mel, mabigat 'to for Kyline, ha? Kasi alam mo namang bata pa lang sina Eugene, kasama na niya si Chamee," sabi ni Jaesie.
"Pero, mars, mali rin naman si Chamee," sagot ni Melanie. "Bilib nga ako kay Mine, wala pang binabanggit na kung ano sa conversation tungkol sa kanya. Ang info lang na narinig ko sa kanya, choice siya ng family. What more kung naglatag ng credentials 'yan?"
"Baka humble lang talaga," sabi ni Jaesie.
"Ay, mars! Kung ako 'yan, anong humble-humble? Sasabihan mo 'kong hindi ko ka-level ang asawa ko? Ay, hindi talaga! Excuse me?" Naghawi pa ng buhok niya si Melanie sabay irap. "Prinsesa ako sa 'min tapos sasabihan mo 'kong disappointed ka? Whyket? Sino ka ba? Dugong bughaw ka ba?"
"Mel . . ." saway ni Kyline. "Hindi lang talaga niya kilala si Divine."
"That's the point, Ky!" singhal ni Melanie. "Hindi mo kilala yung tao tapos ija-judge mo? Hindi naman siya hinuhusgahan ni Divine, di ba? Wala nga raw sinabi sa kanya yung baby girl ni Julio, so bakit ang dami niyang dada?"
"Baka bitter lang," sabi ni Jaesie. "Ewan ko, ha? O assuming lang ako. Kasi . . . Divine and Eugene really look good together. Saka ang saya ni Eugene kanina pagdating."
"E, di maging masaya na lang din dapat siya sa ex niya," sabi agad ni Melanie. "O baka ayaw niyang makitang masaya si Eugene kaya party pooper siya? Kasi wala namang sinabing masama sa kanya yung inaanak ko tapos binabarda niya yung asawa."
"Malay kasi natin, Mel, di ba?" katwiran ni Jaesie.
"Okay, ganito, Jae. Bakit noong ikinasal kami ni Patrick, hindi ka nagalit sa 'kin?" tanong ni Melanie.
"Masaya naman kasi ako para sa inyong dalawa kasi masaya na rin kami ni Rico . . ."
"Mismo! So, may karapatan ka bang bardahin ako dahil lang pinagsuot ko ng onesie si Patrick?"
"Mel, tayo pa nga yung nag-makeup sa kanila no'ng photoshoot namin ni Rico, so kahit pagsuotin natin ng kahit ano si Patrick, okay lang."
"O, see?" Naglahad pa ng palad si Melanie para ipakita ang punto niya. "Hindi tayo bitter kaya happy tayo for each other! Gano'n kasi dapat kung may proper closure. Kaya hindi talaga reasonable na mang-aaway siya ng asawa ng ex niya dahil lang sa cute pajamas. Mabuti sana kung brief lang ang suot ni Eugene pagpunta rito, e."
Biglang natawa si Jaesie. "Feeling ko, mas hindi ka mao-offend kung brief lang talaga ang suot ni Eugene pagpunta rito, hahaha!"
"Ay, mars, 'wag mong huhusgahan ang preference ko! Palibhasa yung anak mo, mukha nang mambabalibag ng katawan, e."
"Hahaha! Try niyang ibalibag si Ramram sa kama; siya ibabalibag ni Ramram sa balcony," natatawang sabi ni Jaesie.
♥♥♥
Hindi alam ni Eugene kung paano ba sisimulan ang paliwanag niya. Kaya nang maupo sila ni Divine sa dinette ng cabin kung saan sila pansamantalang tutuloy sa gabing iyon, pinili na agad niya kung saan siya mas komportableng magkuwento.
"Mine . . ." Kinuha ni Eugene ang parehong kamay ng asawa at hinimas ang ibabaw n'on gamit ang hinlalaki. ". . . may aaminin lang ako sa 'yo."
"Sure ako na wala kang anak sa kanya," mabilis na sabi ni Divine.
"Yeah, wala."
"Crush ka ba niya no'ng high school or college kayo?"
"Um . . . I think so?"
Napatango naman si Divine. "Ah . . . kaya pala overacting."
"Siya yung . . . ex ko nang fifteen years."
Walang isinagot si Divine. Tumitig sila sa mata ng isa't isa, naghihintay ng sasabihin.
Mas lalong lumalim ang paghinga ni Eugene nang matahimik ang asawa niya. Wala pa namang ibang pahiwatig ang mga tingin nito.
"Um . . . sorry kung hindi ko agad sinabi sa 'yo," malungkot na sabi ni Eugene.
"Siya yung ex mo?" ulit ni Divine sa tono na parang sinisigurado lang ang narinig kung tama ba.
Tumango si Eugene. "Yes."
"Kaya pala boring ka."
"Mine . . ." nadismayang reaksiyon ni Eugene sabay urong paatras. "Hindi 'yon ang point."
"No, 'yon ang point," depensa ni Divine. "Nabuwisit siya sa 'kin kasi nagsuot ka raw ng onesie. Tapos inutusan pa raw kita. And sinisira ng onesie ang image mo. Kung hindi siya boring, then killjoy siya. Kung hindi man siya killjoy, don't tell me, naiinggit siyang nagsusuot ka ngayon ng onesie? Come on . . ."
Binawi ni Divine ang kamay sabay tulak ng hintuturo sa noo ni Eugene. "Iniisip ko pa kung anong klaseng girlfriend ang meron ka for fifteen years tapos ihaharap mo 'ko sa killjoy lang?" Nandidiring umiling si Divine. "Kung disappointed siya sa 'kin, mas disappointed ako sa expectation ko sa kanya. Don't tell me, for fifteen years, kinokontrol niya kung ano lang ang gagawin mo based sa opinion niya about how society looks at you?" Tumayo na siya at nagsimula na namang maghubad ng damit.
"Mine . . . may onesie pa sa bag," paalala ni Eugene.
"Ayoko nang mag-onesie. Baka sabihin pa ng ex mo, nakakahiya tayo."
Idinaan na lang ni Eugene sa buntonghininga ang sarcasm ng asawa niya. At sigurado na siyang bumababa na ang epekto ng gamot dito dahil lumampas na sa anim na oras mula noong uminom ito ng gamot.
"Magba-bra't panty na lang ako bukas para mangisay siya diyan sa inggit," sabi ni Divine habang isa-isang inaalis ang mga damit niyang suot. "Napainom tuloy ako ng gamot nang wala sa oras. Paano pa 'ko iinom ng gamot nito ngayong gabi?"
Tumayo na si Eugene para sundan ang pinaghubaran ng asawa niya. Paglapag nito ng dress sa kama, dinampot niya agad iyon at isinampay sa braso.
"Tapos ex mo pala, hindi mo man lang sinabi agad pagdating natin," dugtong ni Divine. "Balak mo bang itago sa 'kin 'yan?"
"Hindi naman sa gano'n . . ." depensa ni Eugene at dinampot ang bra ni Divine na kalalapag lang nito sa kama. "Ayaw ko lang ng awkwardness."
"Ayaw mo ng awkwardness kasi gulo ang gusto mo. E, di push! Nasa eight rays of the sun ng Philippine flag ang Laguna kaya makikipaglaban tayo sa mga Hapon!"
"Mine," saway na naman ni Eugene.
Ibinagsak agad ni Divine ang sarili sa malambot na kama nang panty na naman ang matira sa suot niya. "Kapag hindi ako nakatulog ngayon, kasalanan talaga 'yan ng ex mo."
Napabuntonghininga na naman si Eugene at naisip agad kung ano na ang mangyayari bukas dahil paniguradong magkikita-kita na naman sila.
Inaako ni Eugene ang mali niya nang hindi agad sabihin kay Divine na ex-girlfriend niya si Carmiline. Pero hindi rin kasi niya balak sabihin muna ang tungkol doon dahil ayaw niyang sirain ang impression nito sa ex niya nang ikuwento nina Aki ang tungkol sa animation studio at sa trabaho ng dalawa. Ayaw niyang sirain ang tuwa ni Divine dahil lang tingin niya, hindi ito dapat matuwa sa pangarap ng ex niya noong sila pa.
Hindi lang talaga niya inasahang si Carmiline mismo ang sisira sa iniingatan niyang impression kaya lalo siyang nadidismaya.
Alas-diyes na, at hindi nga talaga makatulog si Divine dahil ganoong oras, dapat mahimbing na ang tulog nito. Tumambay tuloy ang dalawa ang gilid ng bintana ng cabin kung saan nasisinagan ng liwanag ng buwan.
Ayaw na ngang magdamit ni Divine kaya ginawa na lang pantapis ang puting unan habang nasa sahig nakaupo. Naglalaro sila ni Eugene ng Damath sa tablet pampalipas oras.
"Kung galit ka kay Carmiline, tell me para makakapag-adjust tayo bukas," paalala ni Eugene bago isunod ang move niya ng number 9.
"Bakit tayo ang mag-a-adjust?" tanong ni Divine na sasagutin sana ni Eugene pero hindi pa pala tapos ang sinasabi ng asawa. "Di ba, dapat both sides ang mag-a-adjust? Kasi nagsisimula ang imbalance kung laging naka-depend sa isa lang ang adjustments."
Nawala tuloy ang sasabihin ni Eugene kaya hindi na nakapagsalita.
"Ako, personally, wala akong galit sa ex mo kasi hindi naman siya ang ex ko at hindi rin ako ang ex niya. So, malay ko ba kung sino siya o kung anong klaseng tao ba siya para kagalitan ko," paliwanag ni Divine. "Kung ang basis ko ay ang insulto niya sa 'kin about sa onesie mo, I really think na gumawa na lang talaga siya ng sarili niyang interpretation doon. And I think, normal lang naman siguro na tingin niya, hindi mo 'yon gagawin kasi, tingin niya rin, hindi mo 'yon magagawa."
Inayos pa ni Divine ang pagkaka-indian sit at isinubsob sa dibdib ang unan niya habang inilalabas paharap ang mga braso at kamay.
"I-assume na nating ganito ang situation," pagpapatuloy ni Divine. "Mag-a-adjust tayo sa kanya kasi tayo ang bigger person. So, I'll consider na nasanay siyang nag-a-adjust ka sa kanya noong kayo pa. Kaya kung tingin niya, hindi mo magagawa ang pagsusuot ng onesie, hindi mo talaga 'yon magagawa kasi mino-mold mo ang mind niya sa idea ng limitation mo. Tama ba 'ko or mali ako ng pag-analyze?"
"Mine, huwag mo namang bigyan ng analysis 'yan. Almost eleven na ng gabi, ano ka ba?" nagdadamdam na sabi ni Eugenem tinatakasan ang katotohanan sa sinabi ng asawa niya.
"Hindi nga kasi. Kaya nga natin ina-analyze para din hindi na tayo yung laging mag-a-adjust," kontra ni Divine. "Of all people, dapat ikaw ang nakakaintindi nito. Kasi dapat niyang maintindihan ang consequences ng actions niya. Like me? Binigyan mo 'ko ng punishment kasi tingin mo, may ginagawa akong masama."
"Move on na tayo diyan, Mine," sabi ni Eugene at nag-move na ng tira niya.
"What if wala naman talaga akong planong nakawin ang items doon, and I was just playing with you?" hamon ni Divine sa asawa. "Kung nakaalis ako ng convenience store na dala ko 'yon without paying for it, that's stealing. But! If itinago ko lang sa bra ko habang nasa loob pa ng store . . ."
"I was just preventing the worst-case scenario, Mine."
"You didn't prevent the worst-case scenario, Jijin. You made the worst-case scenario for assuming things na hindi ko naman intention. Dapat kasi, pinapatapos mo muna ang activity before you judge."
"But that's—"
"But! That's a case-to-case basis! I know!" putol ni Divine sa sasabihin ni Eugene. "Maybe I overestimated your capability to interpret jokes; lesson learned. I accepted the punishment for that. That's on me."
"You enjoyed the punishment for that."
"I said, I accepted. I didn't say na hindi ako nag-enjoy. Enjoyment is just the result of accepting that punishment wholeheartedly, and I trusted you to punish me without actually punishing me. Thankful nga ako na hindi mo ako tolerated sa paggawa ng krimen. So, sure ako na kapag may ginawa akong hindi maganda while wala ako sa control because of my disorder, alam kong mapipigilan mo ako. That's the lesson I learned from it."
Hindi na muna nagsalita si Eugene. Hinayaan na lang niyang magsalita si Divine kasi ayaw niya itong kontrahin sa sinasabi nito. Gusto na lang niyang makinig habang naglalaro sila.
"You know? Hindi naman ako mag-e-enjoy sa parusa mo kung may refusal doon to accept na mali ako sa ginawa ko. Na feeling ko, lagi akong tama," pagpapatuloy ni Divine. "Tinanggap ko na mali ako; you have the right to be mad for any reason na hindi okay for you; I took accountability; I explained the possible reason why that happened and why that would possibly happen in the future; binigyan na kita ng ways to prevent that from happening again, and we're good! Okay na tayo. Hindi natin kailangang i-keep ang sama ng loob sa isa't isa aside from keeping tracks ng error natin—na may resolution naman na tayo."
"Yes, I know," sabi na lang ni Eugene dahil napag-usapan na nga nila iyon ni Divine at may idea na siya sa gagawin kung maulit man ang trip nitong panghoholdap.
"Kasi, alam mo, Jijin, iba ang effect sa tao ng maliliit na pagkakamali na naiipon na lang kasi walang solution na ginagawa o hinahayaan na lang kasi maliit lang naman."
Sumulyap si Eugene kay Divine na isinusulat ang score nila sa baon nilang notebook para sana turuang magsulat si LA.
"Imagine na magagalit ka sa pagsusuot ng onesie ng ex mo?" dugtong ni Divine. "Tapos ang defense niya, she knew you too well? Feeling ko talaga, puro ka adjust sa kanya, e. Wala ba siyang idea na walang-hiya ka talaga in reality?"
"Hoy, grabe naman, Mine. Iba ang confident sa walang-hiya."
Natawa tuloy si Divine sa reaksiyon ni Eugene. "Kaya ka nga confident kasi wala kang hiya."
"Ang demeaning kasi pakinggan ng walang-hiya," nakangusong sabi ni Eugene.
"Same lang din 'yon," pagsuko ni Divine. "Kaya nga, di ba, sabi ko, lagi tayong mag-usap tungkol sa random na mga bagay na tingin natin hindi naman kailangang pag-usapan kasi irrelevant sa career or sa personal life natin?" sabi pa niya na napapangiti na lang kasi mananalo na siya sa scores.
"Yeah, like . . . kung nag-evolve tayo galing sa unggoy, bakit may unggoy pa rin?"
Sabay tuloy silang natawa nang sabihin 'yon ni Eugene.
"See? It might sound stupid, but it would make you laugh," nakangiting paliwanag ni Divine. "Hindi natin kailangang maging seryoso lagi sa buhay."
"But really, napaisip din ako diyan. Mga three days after ng joke," nakangiting sabi ni Eugene at nag-move na ng chip niya. "Maybe some living things are not meant to evolve or change kahit ilang era na ang dumaan. Puwede silang magbago ng size or ng bone structure, pero pagdating sa evolution, may limitation pa rin depende sa genetics nila. Kaya puwedeng nagbago tayo; pero sila, hindi, kahit pa sobrang daming taon na ang lumipas."
"That's a good point," sabi ni Divine. "Bakit hindi mo 'yan isinagot sa 'kin last time?"
"Ano ba yung sinabi ko last time?"
"Sabi mo lang, galing kasi sa genus ng hominoids ang monkey tapos homo sapiens naman ang human, pero hindi ka pa sure kaya magre-research ka muna, hahaha!"
"Nakalimutan ko na kasi 'yan. Wala naman kasing biology sa FinMan."
"Hahaha! At nasisi pa nga ang program." Napailing na lang si Divine. "Joke lang naman kasi yung question, ang seryoso mo talaga. Na-mind condition ka ng ex mo, 'no?" buyo ni Divine nang pindutin ang tungki ng ilong ni Eugene. "Kaya siguro boring ka."
"Grabe naman . . ." nakangusong sabi ni Eugene, ayaw umamin sa sinabi ni Divine.
"Sabi niya sa 'kin, act your age daw, hahaha!" Ang lutong ng tawa ni Divine samantalang iniyakan niya iyon nitong hapon lang. "Kung magiging boring lang din naman ako gaya niya kasi conscious siya sa sasabihin ng iba, no, thank you na lang. Ang bitter-bitter mo tapos gusto mo 'kong gumaya sa 'yo? Come on."
Isipin man ni Eugene na dapat mainsulto siya para kay Carmiline dahil ang daming reaction dito ni Divine ay hindi niya magawa. Natatawa na lang siya sa sinasabi ng asawa niya—na sinasabi rin naman nito sa kanya minsan dahil boring nga raw siya.
"Buti fifteen years lang kayo, 'no?" sabi ni Divine. "Ang draining siguro kung puro ka adjust sa kanya sa fifteen years na 'yon. Puwede nang candidate ang ex mo sa pageant. Si Miss Communication and Miss Interpretation."
"Ang bad mo," natatawang saway ni Eugene sa asawa niya.
"Bad talaga ako, duh?" mataray na sabi ni Divine sabay pilantik ng daliri. "Mag-move ka na ng chip. Winner na 'ko kanina pa, pinagbibigyan na lang kita."
"Hahahaha! Ang taas ng confidence mo ngayon, ha?" natatawang sabi ni Eugene at tumira na ng move niya.
"Kasalanan 'yan ng ex mo. Hindi tuloy ako makakatulog ngayon, manic na naman ako," nakabusangot na sabi ni Divine. "Kapag naisipan kong itakas yung mga kambing dito nina Mrs. Lauchengco, sisihin mo ex mo, ha? Siya may gawa nito sa 'kin."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top