Chapter 25
"KUYA EUGENE! KUYA EUGENE! SI ATE CHAMEE, INAAWAY ASAWA MO!"
Sabay-sabay pa silang napalingon sa maalikabok na kalsada dahil doon sa sumisigaw. Malayo pa lang, nakatanaw na sila kay Cheesedog na kumakaripas ng takbo papuntang manggahan kung nasaan sila nanunungkit ng mangga.
"Ate Chamee raw," parinig ni Calvin na namamapak ng nabalatan nang mangga ni Rico.
Tuloy-tuloy ang pagtakbo ni Cheesedog na huminto lang nang ibangga ang sarili sa katawan ng punong mangga kung saan nanunungkit ang mga ninong niya. Hinihingal pa siya nang ituro ang pinanggalingang kalsada.
"What happened?" kinakabahang tanong ni Eugene nang lapitan ang kinakapatid niya.
"Si Ate Chamee, pinagalitan si Ate Divine!" sigaw pa rin ni Cheesedog kahit magkaharap lang sila ng kausap.
"Pinagalitan?" gulat na tanong ni Eugene. "Bakit pagagalitan? Ano'ng ginawa ni Divine?"
"Walang ginawang si Ate Divine! Sabi lang ni Ate Chamee, ang tanda mo na raw, nagsusuot ka pa ng onesie, di naman bagay sa 'yo."
"Ugk!" Nabulunan bigla sina Patrick sa kinakain matapos marinig ang sinabi ni Cheesedog.
"Tingin ko, hindi 'yan sasabihin ni Carmiline," sabi pa ni Leo na isa ring kinakabahan sa balita ng inaanak niyang madaldal.
"I think, interpretation lang 'yan ni Carlisle," segunda ni Calvin. "Verbatim ba 'yan?"
Huminga nang pagkalalim-lalim si Cheesedog sabay paikot ng mata. "Fine! This is what really happened."
Hindi na inabala pa ni Eugene ang sariling makinig sa sinasabi ng kinakapatid. Kumaripas na lang din siya ng takbo pabalik sa main house para puntahan ang asawa.
Samantala, naiwan naman doon sina Leo na nakikinig sa kuwento ni Cheesedog. Pumostura pa ito at naghanda sa pagkukuwento ng nangyari.
"Nasa pool kami nina Ramram when Rex asked me na kunin ang sunglasses niya sa room nila. And I was like, 'Okay, Baby sis, gotcha back.' Then I walked and I walked . . ."
Napapatakip na lang ng bibig sina Rico para magtago ng tawa dahil tuwing magkukuwento si Cheesedog, laging may reenactment.
Kunwaring naglalakad si Cheesedog, pamartsa-martsa sa puwesto niya. "Then I stopped." Sabay hinto niya sa paggalaw.
"Cali, doon ka na sa part na narinig mo yung conversation," utos ni Leo.
"Wait, Ninong Leo. Progression is the key."
"Alam talaga kung kaninong anak 'to, e," sabi pa ni Calvin na isa ring nag-aabang doon sa narinig na usapan ni Cheesedog.
Nagpatuloy si Cheesedog sa kuwento niya.
"The hallway felt eerie and solitary. The cracking of the wooden floor as I stepped on it was giving me an unsolicited tension I wasn't supposed to feel. Sunrays peeking at the windowsill brought the nostalgia of the past, giving the lonely aisle a sudden flashback of good memories running from the uncertain future . . ."
"Anak, yung conversation, oo. Doon tayo sa conversation. Alam namin yung itsura ng second floor nina Ninang Mel mo," paalala ni Clark sa anak.
"Wait, Pops! I'm on it na," sabi pa ni Cheesedog, inaawat ang daddy niya, nagtaas pa siya ng palad para pigilan ito sa pagsingit sa kuwento.
"So there . . . I was in front of the wooden door when I heard two voices inside," mahinang kuwento ni Cheesedog na para bang nagkukuwento ng fairy tale sa mga audience niya. "They were talking about something I didn't understand at first. I was about to knock!" Itinaas niya ang kanang kamao. Napaatras sina Rico nang mabigla sa kilos niya. "But I stopped."
Sabay-sabay pang napabuga ng hininga sina Calvin. Nguya lang nang nguya ng mangga si Patrick na sobrang invested na sa pinakikinggan.
"Then I heard Ate Chamee's voice . . ."
"Ayan na, ayan na," sabi pa ni Clark at naghanap ng mauupuan niya.
"Ate Chamee said, 'Pinagsuot mo ba si Eugene ng ganyan?'" paggaya ni Cheesedog sa mahinhing boses ni Carmiline at kung paano nito iyon sinabi. "Ate Divine explained, 'Idea ko, yes. Pero—' Then Ate Chamee cut her off. I thought . . ." Naglakad-lakad siya nang pabalik-balik sa puwesto, tinutuktok ng daliri ang sentido. "Why did she have to cut off Ate Divine's explanation when she was the one asking why Kuya Eugene wore that in the first place? Was the question rhetorical? Was it an opportunity to escalate something deeper from a previously unhealed scar?"
Nagpatuloy sa paglalakad-lakad niya sa puwesto, paikot-ikot doon si Cheesedog, pahawi-hawi pa ng hangin sa harapan na para bang nililinis iyon ng palad.
"I wanted to ask them if I could get my sister's sunglasses, but I thought maybe I could wait a little more . . ." Bigla siyang huminto at itinuro ang nakaupong si Patrick na pasubo na sana ng mangga kaya napahinto ang kamay nito sa hangin. "Then Ate Chamee spoke. She said, 'Sure ako na idea mo. Kasi hindi magsusuot nang ganyan si Eugene in public.'"
Una nang nagkapalitan ng tingin sina Clark at Leo dahil sa narinig kay Cheesedog. Iyon, sigurado silang si Chamee talaga ang magsasabi.
Naglakad-lakad na naman sa puwesto niya si Cheesedog, nagpatuloy sa pagkukuwento. "I knew that something was off because Kuya Eugene could wear anything in public so long as he knew that he could put a smile on everyone's faces for doing so. Or maybe Ate Chamee saw that act as dishonorable for someone like Kuya Eugene. I don't see why she had to say it to Ate Divine. Kuya Eugene has autonomy with his decision, setting aside Ate Divine's decision to wear something cute like that." Tinuro-turo pa niya ang hangin habang nag-iisip at palakad-lakad.
"Ano'ng sinabi ni Divine?" tanong ni Leo.
"Na-caught off guard siya nang very, very light doon, Ninong Leo," sabi ni Cheesedog na palakad-lakad pa rin. "Sabi niya, 'I think kaya naman niyang magsuot nito in public?' quoting on behalf of Kuya Eugene. Then Ate Chamee retorted, 'People pleaser si Eugene. For sure, isinuot niya 'yan para hindi ka lang ma-offend.'"
Napapailing na lang sina Rico pagtingin kay Leo, sinasabing mali ang naririnig mula kay Cheesedog.
Hindi na naiwasang makaramdam ng disappointment ni Leo dahil nakaraang linggo pa nagpaalam sa kanya ang panganay na magsusuot ng onesie para may kapareha ang asawa nito. Ang alam niya, si Divine lang ang nagsabing magdadamit ng ganoon kasama si LA. Bumili lang si Eugene ng kanya para tatlo silang may cute na damit.
"But knowing Kuya Eugene, he would be the one who would scold you if that was shameful or would put you in an awkward situation," side comment na naman ni Cheesedog na hindi mapirmi sa iisang puwesto lang.
"May sinabi si Divine?" tanong ni Calvin na malamang ay mas kilala ang pamilyang Lee sa kahit sino pa sa kanilang naroon.
"Ang sabi naman ni Ate Divine, 'But we're cute naman,' and I think so too. I'm planning to steal Kuya Eugene's dino onesie, pero secret mission ko 'yan later," sabi ni Cheesedog na si Rico pa ang unang sumimangot habang walang pakialam si Clark.
"Aside diyan, Hotdog, ano pa'ng sinabi ni Ate Divine mo?" usisa ni Clark.
"That was all for that question kasi si Ate Chamee ang maraming sinabi. She said, 'Yeah, you might be cute, pero hindi bagay sa age niyang magsuot ng ganyan. Did you ever consider his image before mo siyang utusang magsuot niyan?'"
"Pero hindi naman kasi siya inutusan ni Divine," depensa agad ni Leo para sa anak kaya naituro siya ni Cheesedog na para bang may nakuha siyang tamang sagot.
"Ate Divine said so, Ninong!" hiyaw ni Cheesedog. "But Ate Chamee cut her off! Again! And she said, 'Ilang years niyang pinaghirapang i-maintain ang image niya—para maging karespe-respeto siya sa harap ng iba—tapos pagsusuotin mo lang siya ng onesie? Why? Kasi trip mo lang? Hindi ka na toddler, miss. As his wife, dapat naisip mo man lang ang iisipin ng ibang tao kapag nakita siyang nakasuot nang gano'n. Sorry, pero nakaka-disappoint lang na ine-expect kong nagpakasal siya sa babaeng ka-level niya, pero ito lang ang maaabutan ko ngayon. Sana next time, isipin mo man lang kung sino o ano ang status ng asawa mo. Hindi ka na bata, so act your age.'"
Napasapo na lang ng noo niya si Leo sa sobrang disappointment. Napapailing na lang sina Calvin at Clark dahil alam nilang idea man ni Divine ang mag-onesie, desisyon pa rin ni Eugene kung ano ang isusuot pagpunta roon.
"After that, dumating si Kuya Aki, tinatanong ako kung ano'ng ginagawa ko sa hallway. I answered him, kukunin ko sana yung sunglasses ni Rex kaso I'm shy nga kasi na mag-interrupt ng serious conversation. So he knocked on the door, called Ate Chamee kasi luto na raw yung turon na meryenda, then they left. Pagpasok ko sa room, umiiyak na si Ate Divine. Sabi ko na lang kay Ate Divine, 'Ate Divine, cute ka pa rin with your giraffe pajamas. Don't listen to anyone na wala namang alam sa nangyayari dito sa 'tin. Love ka pa rin ni Kuya Eugene kasi ikaw naman yung wife niya,' tapos kinuha ko na yung sunglasses saka bumalik ako sa pool."
"A, so kanina pa 'to," biglang singit ni Calvin sa sinasabi ni Cheesedog.
"Yuuuh! An hour ago po, I guess? Ayaw kasi akong paalisin ni Rex sa pool, wala raw siyang kakampi sa tulakan nila."
Hindi na tuloy alam ni Clark kung saan mapapa-face-palm sa kuwento ng panganay niya.
"I think dapat sinundan natin si Kuya Eugene," dagdag ni Cheesedog sabay pamaywang. "I can smell chaos from here."
Sabay-sabay pa silang natigilan.
"Ay, putang ina!"
Pati tuloy sila, sabay-sabay nang napakaripas ng takbo pabalik sa main house.
♥♥♥
Inaasahan ni Eugene na maaabutan niyang umiiyak ang asawa niya, pero hindi naman niya alam na kanina pa pala nangyari ang balita ni Cheesedog.
Nasa pool ang mga babaeng kasama nila at sina Aki, Zhi, at Connor lang ang naiwan doon kasama ng mga ito.
Nang makarating siya sa kuwarto nina Divine, naabutan na lang niya itong nakahiga sa kamang katabi ng bintana. Naka-shorts at sando na lang din ito, yakap-yakap ang hinubad na giraffe onesie na binilog na lang para mayakap nito nang buo.
Paglapit niya, napahugot agad siya ng hininga nang makita ang lagayan doon ng gamot ni Divine, naiwang nakabukas ang isang blangkong espasyo, at sa tabi n'on ang tumbler na hindi maayos na natakpan.
May inis sa pagbuga niya ng hininga nang maupo sa tabi nito. Napahilamos siya ng mukha at pinigilan ang sariling huwag sumigaw o magbato ng kung ano roon.
Sunod-sunod na malalalim na paghinga ang ginawa niya para pakalmahin ang sarili bago nilingon ang asawa niyang mahimbing na natutulog.
"Mine . . ." malambing na pagtawag niya nang silipin ang mukha nito. "Mine, nandito na 'ko. Are you ok—" Natigilan siya nang paghawi niya ng buhok nitong nakaharang sa pisngi, gumapang ang luha mula sa mata nito kahit hindi naman siya nito inimik.
Kakapakalma lang niya sa sarili pero hayun at napalitan pa nang doble ang nararamdaman niyang galit nang makita itong umiiyak habang tulog.
"Mine, sleep ka lang dito, ha? May kakausapin lang ako," malambing na paalam niya rito bago niya ito hinalikan sa pisngi.
♥ You can read Cheesedog's story on Wattpad: Cheesedog was Here ♥
Hindi na tuloy alam ni Leo kung ipagpapasalamat ba niyang nagpalit muna ng sando at shorts ang panganay niya bago sila manungkit at umakyat ng mangga. Pinag-aawayan na pala ang onesie na suot nito, wala pa silang kamalay-malay.
Si Cheesedog lang ang nakaalam na kakain ng turon sina Aki at Carmiline kaya sigurado na silang hindi alam ni Eugene kung saan pupuntahan ang ex nito para makompronta.
"Wala rito!" sigaw ni Calvin mula sa second floor.
"Rico, hanapin mo si Chamee," utos ni Clark para naman makatikim din ng maagang sermon ang bisita nila.
Pagdating sa welcome area ng main house, naghiwa-hiwalay na agad sila. Dumeretso si Cheesedog sa pool para itsismis sa mga naroon ang nangyayari. Magkasama naman sina Patrick, Clark, at Leo para hanapin si Eugene na alam nilang hahanapin ang ex-girlfriend nito.
Pero hindi naman sila nagkamali dahil lumilibot na si Eugene sa malaking bahay para nga ilabas ang galit niya kay Carmiline.
Ang lakas na ng tibok ng puso ni Leo, kinakabahan na siya sa gagawin ng anak niya. Kahit gusto niyang isiping iintindihin ni Eugene ang pag-aaway nina Carmiline at Divine, hindi pa rin siya mapalagay lalo't alam niyang hindi naman palaaway na bata ang manugang. At base sa kuwento ni Cheesedog—narinig man iyon o hindi ng panganay niya—alam niyang wala iyon sa lugar at mali dahil wala pa ang reunion, planado na ang pagsusuot ng onesie ng anak niya at asawa nito.
Nagpapasalamat pa nga siyang wala si Eugene noong nagkuwento nang detalyado ang inaanak niya kay Clark. Lalong manggagalaiti sa galit si Eugene kung magkataon.
Papunta sana sila sa kitchen na tumutumbok ang kabilang dulo papunta sa pool. Pero doon pa lang sa intersection ng pasilyo, dumaan doon si Eugene na pool area pa ang tungo.
"Eugene!" sigaw ni Clark nang ituro ang dulo ng pasilyong dinaraanan nila.
Kumaripas agad ng takbo sina Leo para habulin ang anak niya. Alam na niyang galit nga ito, dahil kung hindi, hindi nito iiwan ang asawa nito sa kuwarto nang mag-isa lang lalo't masama ang loob n'on.
"Eugene!" Mabilis na dinamba ni Leo ang anak niyang kalalabas lang ng pool area. Halos kaladkarin niya ito pabalik sa loob ng bahay para lang ilayo sa mga babaeng kasama nila na nasa pool.
Hindi na matukoy ni Leo kung rumurupok na ba ang mga buto niya o malakas lang talaga ang anak niyang kasinlaki lang din niya. Kahit anong pagkaladkad niya rito, naririnig na nga niya ang pag-stretch ng tela ng sando nito kahahatak niya, ayaw pa rin nitong magpaawat sa paglakad.
"Kumalma ka nga!" saway na agad ni Leo sa anak nang yugyugin ang balikat nito.
"PAANO AKO KAKALMA?!" galit na sigaw ni Eugene, naglalabasan na ang litid niya sa leeg at noo, pinandidilatan na ang sarili niyang ama.
Sabay-sabay na nagsinghapan sina Melanie na nasa pool. Akala pa naman nila, naglalaro lang din sina Clark ng habulan, pero hayun at may nagagalit na pala.
Napalingon din sa kanila si Cheesedog na distracted ng kinakaing banana con yelo ng mommy niya at saka lang niya naalala na may tsismis nga pala siya kaya siya naroon sa pool area.
"Umiiyak yung asawa ko, Dada! Sabihin mo sa 'king mababaw lang ako! Sabihin mo sa 'king hindi ka rin magagalit kung sa mama ko 'yon gagawin ng ibang tao! Sabihin mo sa 'king wala lang sa 'yo na umiiyak ang asawa mo saka lang ako kakalma!"
Hindi makasagot si Leo kaya kinabig na lang niya ang anak niya para yakapin. Ramdam niya ang bigat ng paghinga nito, at kung maaari lang niyang kunin kahit kalahati ng sama ng loob ng anak niya, kukunin niya, mabawasan lang ang bigat na dala nito. Mabigat ang pagdampa niya sa likod ni Eugene para pakalmahin. Lumapit na rin doon si Clark para hagurin ang likod ng inaanak.
"Pat, kuha kang tubig," mabilis na utos ni Clark, itinuro ang mga mesa roon kung may tubig bang naligaw sa mga soft drink na iniinom ng mga naroon kanina pa.
"Dada, what happened?" tanong ni Kyline na kinakabahan na ring nagbalot ng tuwalya paglapit sa kanila. "Eugene, baby, what happened?" Hindi niya maalo ang anak dahil basa pa siya ng tubig matapos umahon sa pool.
Wala silang alam na naroon sa pool area kung ano ba ang nangyayari. Hindi makaimik sina Melanie na bigla ring kinabahan dahil galit si Eugene. Ang alam kasi nila, nasa manggahan ang mga ito at nagha-harvest ng mangga dahil may bagoong nga raw na niluto sa kitchen.
Ang sama na naman ng tingin ni Damaris nang magpasalit-salit ng tingin sa mga naroon, inoobserbahan ang lahat ng nakakakita sa galit na kuya niya. Wala pa mang nagkukuwento, pupusta na siyang kasalanan na naman iyon ng ex-girlfriend ng kuya nila.
Galit si Eugene.
Kung may magagalit man sa kanilang lahat, ayaw nilang si Eugene iyon. Dahil kung iniisip nilang wala itong namana kay Leo, doon sila nagkakamali. Parehong-pareho kung magalit ang dalawa, na walang pakialam si Eugene kung gaano kalaki ang magiging pinsala ng magagawa niya basta magawa niya ang kung ano ang laman ng utak niya habang galit pa.
Pinalilibutan na nina Leo, Clark, at Patrick si Eugene na kahit tahimik na at nakaupo sa sun lounger ay hindi pa rin mawala-wala ang talim ng tingin.
Pinapaypayan ni Clark si Eugene gamit ang hinabing abaniko. Hagod-hagod naman ni Kyline ang likod ng anak niya para pakalmahin pa ito. Kahit wala silang sinasabi, alam nila sa mga sarili nila na hindi nila puwedeng tantanan si Eugene hangga't hindi nawawala ang talim ng tingin nito.
Maaaring tahimik nga ito, pero tahimik lang ito dahil marami silang pumipigil. Hindi sila magri-risk lalo pa't hindi rin naman senyales ng kalmadong sitwasyon ang pananahimik nito.
Alas-singko pasado na at naiwan si Damaris sa kuwarto ng mga bisita nila para magbantay kay Divine. Walang nag-utos sa kanya, pero sigurado siyang si Carmiline ang bantay-sarado ngayon mula kay Eugene.
May dinner sila maya-maya lang paglubog ng araw kaya umaasa na siyang mas tahimik ang mesa nila kaysa nitong tanghalian.
Isang oras mahigit na siyang nagbabantay roon. Idinaan na lang niya sa pagbabasa ang pagpapalipas ng oras kaya hindi rin siya pinupuna tuwing papasok sa kuwarto sina Ikay para kumuha ng gamit. Malapit nang mag-alas-sais ng gabi nang magising si Divine. Napahinto tuloy siya sa pagbabasa.
Inoobserbahan lang niya ito kung iiyak pa rin ba o magagalit gaya ng asawa nito, pero walang buhay ang mga mata nito nang dumako ang paningin sa kanya.
"It's almost six," sabi ni Damaris nang ituro ang nakabukas na bintana kung saan tanaw ang kulay kahel at asul nang langit.
Tumango lang si Divine at sinuyod ng tingin ang sahig, hinahanap ang tsinelas niya.
"May dinner na maya-maya. Sasabay ka ba o padadalhan ka na lang namin dito ng pagkain?" tanong ni Damaris na prente pa ring nakasandal ang likod sa headboard ng kabilang kama.
"Sasabay ako," walang emosyong tugon ni Divine.
"Ang cold mo. Galit ka ba?" curious na tanong ni Damaris.
"Uminom ako ng gamot bago matulog. Almost three hours pa lang akong nagpapahinga. Eight hours ang epekto ng gamot." Tumayo na si Divine at kinuha ang giraffe onesie niyang naiwan sa kama.
"Normal lang bang nagigising ka nang mas maaga kapag nakakainom ka ng gamot?" usisa ni Damaris.
"Stabilizer lang ang ininom ko, hindi sleeping pills." Maayos na itinupi ni Divine ang onesie niya at saka lumapit sa duffel bag niyang inayos pa ni Eugene. Pagbukas niya, naroon na rin pala sa loob ang bear bag niyang suot pag-alis nila.
Inilagay niya sa clear string bag ang onesie at kumuha ng towel at bihisan.
"Inaway ka raw ni Carmiline kanina," biglang sabi ni Damaris at umaasang magugulat si Divine sa kuwento niya. Pero sinundan lang niya ito ng tingin nang hindi man lang ito nagpakita ng kahit anong reaksiyon. Tuloy-tuloy lang itong naglakad papuntang bathroom ng kuwarto. "Hindi ka ba nagagalit sa kanya?" pahabol na tanong ni Damaris.
"I see no reason para magalit," sagot lang ni Divine bago isara ang pinto ng banyo pagpasok doon.
Mabilis na dinampot ni Damaris ang phone para i-check ang GC nila kasama ang magpinsang Dardenne. Ibinalita na agad niyang nagising na si Divine kaya mag-abang na sila sa ibaba.
Kilala niya si Divine dahil madalas itong mapadpad doon sa farm nila. Madalas din niyang masaktuhan ito kapag ipinapasyal. Minsan na rin niya itong nai-tour sa barn kung nasaan ang alaga niyang si Gaia. Dalawang taon lang naman ang tanda nito sa kanya kaya hindi niya kailangang mag-adjust nang sobra pagdating sa pakikitungo rito.
Alam niyang mentally unstable ito at parating guwardiyado na hindi bababa sa tatlong bantay. Nagulat pa nga siya nang payagan itong walang nurse noong tumira ito kay Eugene. Hindi na siya sigurado kung ganoon ba kalaki ang tiwala nila sa kuya niya na maaalagaan ito; o hinayaan na lang nila dahil mag-asawa na ang dalawa at hindi magandang tingnan na may isa pang nakatira sa bahay na para lang dapat sa mag-asawa.
Nagbihis si Divine ng square-neck dress na hanggang tuhod ang haba. Masikip iyon sa bandang dibdib at maluwang na paglagpas sa baywang. Kulay krema pa naman ang tela kaya lalo siyang pumuti sa suot.
Wala sanang pakialam si Damaris kung ano man ang suotin ni Divine sa dinner nila dahil dadalo nga lang siyang naka-itim na sando at denim jeans, pero nagpapasalamat siyang pormal at sopistikada na ang ayos ni Divine kung bababa man sila. Hindi iyon ang una o pangalawa o kahit pansampung beses man na makikita itong pormal at naghanda ng isusuot. Kung tutuusin, simpleng damit nga lang ang suot nito. Kung kasama nito ang mga Lee, sigurado siyang may mga alahas pa itong suot at guwardiyado ng lima-limang bodyguard, hindi pa kasama ang mga nanny at secretary nito sa bilang.
Naiirita na natatawa tuloy siya sa kuwento ni Cheesedog sa kanila. Hindi raw kalebel ni Divine ang Kuya Eugene niya. Para pa naman sa kanya, edad at mental stability lang ang inilamang ni Eugene, pero sa halos karamihan ng bagay, sigurado siyang si Eugene ang maghahabol para lang maabot ang kung anong meron si Divine—bagay na kahit paano'y papanigan na rin niya dahil hindi naman din talaga magkalebel ang dalawa.
"Si Mr. Scott?" tanong ni Divine habang sinusuklay ang buhok niyang hindi naman magulo.
"Si Ninong Leo? Nasa ibaba," sagot ni Damaris dahil isang Mr. Scott lang ang kilala niya.
"I mean Eugene," pagklaro ni Divine.
"Ah . . . yung asawa mo. Nasa ibaba rin. Baka nasa pool area. Gusto mong tawagin ko?"
"Huwag na. Bababa na lang ako." Hinubad na niya ang suot na black leather necklace kung nasaan ang wedding ring niya saka isinuot ang singsing n'on.
"Okay ka na ba?"
"I am."
"Parang ang seryoso mo naman. Gawa ba 'yan ng gamot?"
"Let's say na even ang mood ko, kaya wala akong ibang nararamdaman ngayon. Just be thankful na may epekto pa rin ang gamot. I won't make a big deal out of anything right now, unless mahalaga 'yon."
Nag-ayos si Divine ng sarili, at inaasahan ni Damaris na mag-aayos ito para ipamukha kay Carmiline na hindi sila magka-lebel, pero halatang nag-aayos ito para lang sa isang formal dinner, balewala kung sino man ang makakasama sa iisang mesa. Wala itong makeup pero naglagay ng cherry lip balm sa labing natuyo gawa ng pag-iyak. Nagsuklay lang ito ng buhok na hindi naman magulo at iyon na ang ayos nito. Hinubad nito ang itim na gawa-gawang kuwintas dahil hindi bagay sa dress na suot. Ngayon na lang ulit nito naisuot sa kamay ang wedding ring. May ibinaon silang doll shoes niya para sa dinner kaya iyon na ang isinuot niya.
"Need mo ba ng secretary or something?" tanong ni Damaris nang makitang handa nang bumaba si Divine. "Puwede akong mag-proxy."
"You partly own this house. Pagagalitan ako ni Mrs. Lauchengco kung gagawin kitang sekretarya." Dumeretso na si Divine sa pintuan at hinabol agad siya ni Damaris.
"Sana chill na si Ahia. Mukhang effective yung gamot mo. Painumin din kaya natin siya?" biro ni Damaris at siya na ang nagbukas ng pinto para kay Divine.
"Ahia . . . si Eugene o yung kapatid niya?"
"Pfft! Hahaha! Pareho ba nilang kailangan?" natatawang sabi ni Damaris na namumulsa sa jeans niya. "Hindi ko naman kinukuya si Luan. Si Kuya Eugene ang tinutukoy ko."
"May nangyari ba para painumin mo siya ng gamot na hindi niya dapat inumin?"
Sabay na bumaba ang dalawa sa hagdanan at hindi pa rin nagbabago ang emosyon ni Divine pero hindi na kinakabahan si Damaris. Mas lumalamang pa nga ang excitement niya habang papunta sila sa dining area na inilatag sa labas ng malaking bahay.
"Pinaiyak ka kasi ni Carmiline kaya nagalit si Ahia," nakangising kuwento ni Damaris.
"Dahil lang doon, magagalit siya?" sagot ni Divine.
Paglabas nila kung saan nakahanda ang mahabang mesa, para bang huminto ang mundo para lang lingunin si Divine kasama ni Damaris na lumabas mula sa malaking pinto ng bahay.
Lumibot agad ang tingin ni Damaris kung nasaan si Eugene at si Carmiline, pero wala ang dalawa roon. Wala rin sina Aki at Cheesedog, pati sina Rico at Leo.
"Where's Mr. Scott?" tanong agad ni Divine paglapit sa mesang natahimik na lang bigla.
"Tawagin n'yo na yung mag-ama, naghahanap na ang asawa," parinig ni Melanie na pasimpleng dumadampot ng shanghai sa mesa. "Baka magdamay-damay na sila sa magwawala niyan."
"Psst!" saway ni Jaesie sa kanya.
"Hmp! Kung bakit naman kasi 'tong William na 'to, walang sinasabi," parinig na naman ni Melanie kay Will na napabuga sa gilid ng iniinom nitong juice.
"Nandiyan na sina Ninong Leo!" malakas na sigaw ni Connor na inaabangan ang pinsan niyang sumundo sa mag-ama.
Pare-pareho pa silang nagkunwaring may ginagawa. Nagsipagligpitan ng kung ano-ano sa mesa o di kaya ay tumatanaw na lang sa langit at sa madilim na farm para lang masabing may sarili silang mundo at walang nakikita.
Malayo pa lang sina Eugene, sumusulyap na silang lahat dito para malaman kung masama pa rin ba ang timpla nito. Matalim pa rin ang tingin nito habang papalapit sa kanila kaya sigurado na silang hindi pa ito okay.
"Aw!" biglang hiyaw ni Patrick nang hatakin siya ni Damaris paalis sa gilid ni Divine.
"Dito ka, Papa!" mahina pang utos ni Damaris habang kinakaladkad ang ama niya.
Napahinto sa paglakad si Eugene nang makita si Divine pag-alis ni Patrick na nakahambalang doon.
Una agad nilang napansin ang pagbaba ng balikat nito at malalim nitong paghinga kahit malayo-layo pa ang pagitan ng mag-asawa. Nawala ang talim ng tingin nito at biglang nagpalobo ng pisngi para lang pigilang mapangiti. Nagsuklay pa ito ng buhok gamit ang mga daliri habang palapit sa kanila.
Nalipat naman ang tingin nila kay Divine na seryoso lang at mukhang handa nang manermon ng asawa.
Pagtabi nilang dalawa, ibang-iba na ang aura ni Eugene mula kanina. Mas gumaan na ang aura nito at mas lumambot na ang reaksiyon sa mukha.
"Ano yung sinasabi ng anak ni Mrs. Lauchengco na galit ka raw?" tanong ni Divine.
"Hindi ako galit," sabi pa ni Eugene.
"Asows!" biglang hiyaw ni Melanie na mauubos na ang isang platito ng lumpia kadadampot doon sa mesa.
"Sshh!" sita na naman sa kanya ni Jaesie na pinaikutan lang ni Melanie ng mata.
"Daddy!" tawag ni Connor nang makita si Rico.
Mas lalo pang tumaas ang tensiyon sa paligid nang nakasunod dito si Carmiline kasama si Aki.
"Gusto mo bang sa ibang lugar tayo kumain? Doon sa kabilang garden, puwede naman," alok ni Eugene dahil nawawalan na agad siya ng gana pagkakita pa lang sa ex niya.
"Dito na. Ito naman ang ipinunta natin dito," sagot ni Divine. "Wala tayo sa posisyon para magpa-VIP rito kina Mrs. Lauchengco."
Nilingon pa ni Divine si Carmiline na papalapit sa mesa. Pareho pa silang deretso lang ang tingin sa isa't isa, walang mababasang emosyon o mensaheng ipinararating.
"Hay, naku! Ginagawa n'yong sparring area 'tong lupain ko," parinig na naman ni Melanie. "Walang mag-aaway, ha! Ang mag-aaway, sasaksakin ko."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top