Chapter 23
Gusto raw mag-onesie ni Divine kaya binilhan ito ni Eugene ng onesie. Dinosaur daw ang gusto nito, pero napunta sa giraffe, at nakabili na siya ng apat na design para dito na ni isa sa apat na iyon ay hindi naman dinosaur.
Binilhan niya ng isang giraffe, isang panda, isang light blue puppy, at isang penguin onesie si Divine. Binilhan din niya ng isang pink puppy at isang peach dinosaur onesie si LA. At kahit wala naman sa usapan, bumili rin siya ng onesie niya na hindi pa siya sigurado kung kakasya ba sa kanya oras na mai-deliver na.
Isang araw lang ang itinagal ni Divine sa condo unit niya. Kinabukasan, sinundo agad ito ni Miss Van para iuwi sa bahay ng papa nito. Hindi na lang din siya nag-react nang masama roon dahil hindi naman iyon ang unang beses na hindi nagtagal sa kanya ang asawa niya.
Malayo pa lang ang reunion, kinakausap na ni Eugene ang daddy niya. Nagpasabi na si Divine na sa susunod na linggo, doon daw muna ito sa kanya kaya nga nag-grocery na siya para makapag-practice munang magluto ng pagkaing katanggap-tanggap naman.
"Kailan mo ibibigay yung onesie ni LA?" tanong ni Leo habang sinasabayan sa mabagal na paglakad ang panganay niya.
"Baka sa reunion na lang din, Dada," sagot ni Eugene at huminto sa shelf na puro noodles. "Divine wants to surprise her tapos gift niya sana yung onesie."
"Pati ikaw, magsusuot?" tanong pa ni Leo.
"I think LA will like us in cute onesies," sabi ni Eugene at namili ng brand ng noodles doon sa nahintuang stall. "Na-receive ko na kahapon yung amin ni Divine, and nag-fit naman sa 'kin yung XXL nila na dinosaur."
"Anong kulay?"
"Gray and white yung akin, Dada. I'm not sure kung ano ang gustong isuot ni Divine sa reunion, but I bought four onesies naman for her kaya siya na lang ang bahalang mamili."
"Maiinggit lang Ninong Rico mo sa inyo."
"Hahaha! I think so, too," natatawang sabi ni Eugene dahil kilala pa naman niya ang Ninong Rico niya. Mabilis pa namang magningning ang mata nito sa mga cute na bagay.
Sinasamahan siya ng daddy niya sa pag-grocery. Nagtuturo na ito ng recipe habang naglilibot sila, iniisa-isa kung ano ba ang madaling lutuin na siguradong hindi magliliyab ang pan niya.
Nahinto ang dalawa sa isang shelf ng mga pampalasa at namili roon ng dapat bilhin.
"Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa ng asawa mo?" usisa ni Leo na tutok sa pagtingin sa mga boteng hawak.
"Nahihirapan na . . . ?"
"Uuwi kung kailan lang maisipan."
"But she said na may proposals daw siya kina Ninong Clark and Mimy."
"Narinig ko nga rin sa mama mo. Pero puwede naman siguro niyang gawin 'yon doon sa inyo."
"But she's communicating with the farmers daw, and walang maayos na reception or network connection doon sa province. I don't think na possible ang virtual meeting sa area kung nasaan ang project niya. Need niya talagang pumunta roon sa farm or sa field para makausap ang mga worker doon."
Napakamot na lang si Leo ng noo nang maisip din iyon. "Pero hindi naman 'yon ang tanong ko," biglang sabi nito nang maalala ang topic nila. "Ayos na ba sa 'yo na hindi mo siya laging kasama? Reklamo ka kasi nang reklamo na wala lagi ang asawa mo sa 'yo."
"She explained naman kung bakit hindi pa puwede yung lagi kaming magkasama ngayon, Dada," sagot ni Eugene at lumipat na sila ng kabilang shelf na puro naman dairy products. "Nagalit nga siya no'ng um-absent ako last meeting."
"Buti pa siya, ina-acknowledge mo ang galit. Ano naman kami ng Ninong Clark mo? Wala lang kami, gano'n. Bahala na kami sa buhay namin."
"Hahaha!" Napahalakhak na lang si Eugene at nayakap mula sa gilid ang daddy niya na naglalabas na ng hinanaing sa biglaan niyang pag-absent. "Sorry na, Dada. Minsan lang umuwi asawa ko, alam mo naman 'yan, e."
"Magsasabi kang hindi ka papasok kung kailan kompleto na kami sa conference room," pagpapatuloy ng sama ng loob ni Leo. "Buti yung Ninong Clark mo, marunong mag-review palagi ng reports, hindi mangangapa sa sasabihin sa meeting kung wala ka man."
"Hindi ko naman kasi ine-expect na uuwi siya," nakangusong palusot na Eugene dahil ramdam niyang nagtatampo nga ang daddy niya. "Hindi nga rin daw alam nina Miss Van na lumuwas siya ng Manila that day. Alam nila, after two days pa siya uuwi."
"Hindi ba siya nagpapaalam sa kanila?"
"Lumuwas lang daw siya basta kasi naisipan niya. Although, expected naman na raw nina Miss Van kasi impulsive naman yung asawa ko palagi. Hindi rin naman daw first time na umuwi nang walang pasabi si Divine."
"Pero ikaw ang unang inuwian bago sa kanila."
Biglang lapad ng ngiti ni Eugene at inipit ang dalawang bote ng mayonnaise sa magkabilang pisngi. "Ako asawa niya, e," kinikilig na sabi ni Eugene.
"Tss." Umismid lang si Leo pero napapangiti na rin dahil masaya na naman ang panganay niyang hindi na nagrereklamo sa asawa nitong laging missing in action. "Ilagay mo na 'yang mayonnaise dito sa cart. Baka mabitiwan mo pa 'yan."
Pagkatapos mag-grocery, doon muna ang uwi ni Eugene sa bahay ng daddy niya dahil magpapaturo nga siya rito kung paano magluto nang maayos. Hindi siya puwedeng laging nakaasa sa fast food o sa delivery dahil hindi rin naman masustansya kung puro sila mamantikang pagkain palagi.
At dahil naroon na naman siya, kompleto na naman ang mga Scott sa bahay ni Leo.
"Dada, whatchu cooking?" tanong ni LA habang nanonood ito sa kanila sa kusina. Kandong-kandong ito ni Luan na nagmemeryenda ng saging kahati ang anak.
"We're cooking vegetables for my baby girl," sabi ni Leo at pinisil ang pisngi ng apo niya.
"Dada, i-eat na po kami banana ni Daddy, e!" sabi ni LA saka siya sinubuan ni Luan ng saging na pinaghahatian nila.
"Eat kayo ni Daddy ng banana tapos eat din kayo ng vegetables," sabi ni Leo at pinanonood na lang ang panganay niyang maaligaga kung ano ba ang unang gagawin sa lulutuin nila.
"Kuya, mag-sauté ka muna," paalala ni Luan dahil tangay-tangay na ng kapatid niya ang malaking plato na puro hiniwang gulay. "Lagay ka muna ng oil sa pan."
"Hindi pa bukas yung stove!" sabi agad ni Eugene.
"Of course, bubuksan mo muna!" singhal pa ni Luan sabay ikot ng mata. "My god, Kuya."
"Wait! Familiar yung sauté. Paano 'yon?" tanong ni Eugene na ibinaba muna ang mga hiniwang gulay at kinuha na ang bote ng oil at spatula.
"Oil, then garlic saka onion, then mix-mix mo na," isa-isa ni Luan.
"Sabi sa online, mas okay raw una yung onion," sagot ni Eugene. "Saan ako dapat mag-rely ng info?"
"Yung garlic muna para mabango yung mantika," utos ni Leo.
"Okay?" sabi ni Eugene at kinuha na ang platitong may hiniwa nang panggisa. "How many seconds or minutes akong magso-sauté?"
"Pakiramdaman mo na lang," sabi ni Leo.
Napalingon tuloy si Eugene sa daddy niya. "I'm not dipping my fingers dito sa pan, Dada."
Napasapo agad ng noo niya si Leo habang napapangiwi naman si Luan.
"As long as hindi siya super brown, Kuya, halo-halo mo lang saka mo ilagay yung ground pork," sermon ni Luan. "Daddy! Ba't ako nagtuturo kay Kuya, nanonood lang naman kami rito ni LA?"
"Nanonood ka lang pala, ang dami mo pang side comments," sermon din ni Leo sa bunso niya at inilipat ang tingin sa panganay niyang problemado sa ginagawa. "Igisa mo yung bawang tapos sibuyas, huwag mong sunugin."
Unang beses nilang mag-aama na tumambay sa kusina para lang magluto. Dati, ayaw ni Luan sa kusina maliban kung kakain lang. Pero noong naging asawa nito si Ikay, karamihan ng technique nito bilang chef, alam na rin niya at marami na siyang natutuhan. Ngayon, si Eugene naman ang mag-aaral magluto kahit dati, ang alam lang nitong lutuin noong doon pa ito nakatira sa daddy nila ay puro pancake lang.
Kaya nang matapos sa nilulutong ginisang gulay, kahit paano ay proud sa sarili si Eugene dahil hindi lang prito ang kaya niyang lutuin.
"Para sa first-timer, okay na 'to," sabi ni Leo habang ninanamnam ang luto ng panganay niya. "Kulang sa alat, pero mas okay kaysa sumobra. Kayang remedyuhan ng patis."
"Dada, masarap gulay!" sabi ni LA na sinubuan din ni Luan.
"Masarap luto ni Tito Jijin?" nakangiting tanong ni Eugene sa pamangkin.
"Opo!"
"Sabi sa 'yo, Kuya, dagdagan mong oyster sauce, e," reklamo ni Luan na kain pa rin naman nang kain.
"I'll do better next time," sabi na lang ni Eugene. "Magkikita naman tayo nina Ninong Rico sa reunion, magpapaturo na lang ako ng ibang recipe."
Excited na sila sa pag-uwi ni Will at ni Mathilda. Maliban sa makakasama na ulit nila ang dalawa, ito pa ang mag-aasikaso ng kasal nina Luan at Ikay.
Nagbibilang na lang ng araw si Eugene at nakatanggap na rin siya ng memo tungkol sa mga subject niya sa parating na academic year. Pumunta agad siya sa admin office ng LNU para magpasa ng syllabus sa lahat ng course na hahawakan niya sa paparating na semester.
"Good morning, Sir Eugene!" bati ni Ma'am Flora, staff sa admin office na mag-a-assist sa kanya.
"Good morning din, ma'am!"
"Grabe, ang bilis ng summer."
"Kaya na po, e. Pasukan na naman. Marami na po bang nag-enroll?" nakangiting tanong ni Eugene sa ginang.
"Mas marami ngayong academic year. Ang dami rin kasing graduates nitong last year lang. Alam mo naman ang demand ngayon." Inabot agad ni Ma'am Flora ang mga folder na dala ni Eugene. "Same pa rin ang subjects mo, sir?"
"Yes po, ma'am. Third year pa rin."
"Ang chika ni Ma'am Eva, baka raw paghawakin ka ng second year this year kapag wala pa ring nahanap na prof para sa Partnership and Corporation sa Accounting," tsismis nito habang iniisa-isa ang laman ng folder.
Natawa tuloy si Eugene. "Mag-hire na lang sila ng CPA, ma'am. Hindi muna ako magdadagdag ng workload. May school din kasi ngayong year ang wife ko."
"Ay, true ba?" gulat na tugon ni Ma'am Flora. "Prof?"
"Student."
"Student pa lang yung wife mo, sir?" gulat na tanong ng ginang.
Tinawanan na lang 'yon ni Eugene. "Pangatlong degree na po niya, ma'am. Pero na-receive na niya yung master niya last month. MAEd."
"Ay, iba siya! Ang bongga naman ng asawa mo, sir. Napakasipag mag-aral. Ako, umay na umay na sa school kahit nandito ang work ko, hahaha!" Hinawi pa nito ang harapan ni Eugene. "Charot lang, sir. Pero okay na ito! Dadalhin ko na lang sa registrar after kong ipa-check sa dean."
"Sige po, I'll go ahead na, ma'am. Hihingin ko na lang po yung initial list ng enrollees sa subjects ko next week."
"Sure, sir!"
Kung noon ay ayos lang kay Eugene na tumanggap ng ibang subject dahil marami naman siyang oras, kailangan na niyang tumanggi ngayon sa ibang offer dahil paniguradong ihahatid at susunduin niya ang asawa sa school kung saan man ito papasok. Tatlong subject na lang ang kinuha niya at isang year na lang ang hahawakan. May pang-MWF doon, may pang-TTH, at isang pang-Saturday. At dahil nga sa kanya na raw titira si Divine pagdating ng pasukan, dapat niyang asikasuhin din ito kahit may sarili siyang pasok maliban pa sa opisina.
♥♥♥
Araw ng reunion nila.
Alas-dos daw ang usapan, sabi ni Leo. Doon daw ang meeting place sa farm ng Ninang Mel niya para hindi na gagastos para sa mahal na pagkain. Mas komportable na tuloy si Eugene na magsuot ng dino onesie kasama ang asawa niya dahil tanggap din kahit ng mga tauhan doon ang kawirduhan nila. Inaasahan na nga rin ni Eugene na kung matutuwa si LA sa trip nila ni Divine, paniguradong maiinggit din ang Ninong Rico niya at aasarin naman siya ng Ninong Clark niya.
Wala namang problema si Leo sa suot nila dahil nasabi naman niyang may baon silang damit ni Divine sa formal dinner. Gusto lang talaga nilang isorpresa si LA.
"Ang lambot talaga nito," natutuwang sabi ni Divine habang idinadampi sa pisngi ang tela ng onesie niya. Naka-sando siyang puti at denim shorts na puwede na ring ipamporma kung hubarin man ang onesie niya.
"Kapag nainitan ka, tell me right away para makakapagbihis tayo sa main house," paalala ni Eugene nang i-zipper na ang dino onesie niya.
"Naka-shorts ka lang?" puna ni Divine sa asawa niya nang isuot na rin niya ang giraffe onesie. "Wala kang T-shirt or tank top?"
"Mainit sa labas. Okay na 'ko sa shorts," sabi ni Eugene at ikinampay-kampay ang mga braso niya habang nagpapa-cute kay Divine. "I really look cute in these pajamas."
"Hahaha! You are, Mr. Scott." Pagsuot ni Divine ng giraffe onesie niya, ngumiti agad siya kay Eugene habang nasa ilalim ng baba ang mga palad niyang nakalahad. "I'm the cutest giraffe on Earth right now." Saka siya nag-beautiful eyes.
"Hahaha! You're the smallest giraffe on Earth right now."
"Hmp!" Sumimangot lang si Divine sa pang-asar ni Eugene sa kanya habang nakanguso. "Saan na yung onesie ni Baby LA?"
"Nasa bag na."
"Dala mo both?"
"Yep!"
"Yung iba nating clothes?" hanap ni Divine sa mga bag nila.
"Naka-ready na sa car kanina pa."
"Water?"
"Meron na po," magiliw na sagot ni Eugene.
"Snacks?"
"Eat na lang tayo sa main house nina Ninang Mel."
"Phones?"
"Phones, holder, camera, laptop, tablet, nasa car na," isa-isa ni Eugene.
"Okay! Let's go na!" masayang sabi ni Divine at tinulungan na siya ni Eugene na isuot ang brown bear niyang backpack na wallet lang ang laman.
Magkahawak-kamay pa silang naglakad sa hallway papuntang elevator area, ugoy-ugoy ni Eugene ang mga kamay nila habang kumakanta naman si Divine ng Balloon Ride Song.
"From my big balloon, big balloon . . . bigger than the sun and moon . . ."
Hindi mapatid ang ngiti ni Eugene habang excited na dadayo sila nang nakasuot sila ng onesie ng asawa niya. Hindi niya itatangging minsan niyang pinangarap magsuot ng cute na animal costume noon kasama ang girlfriend niya, pero ayaw nito dahil nakakahiya nga raw at hindi na sila mga bata para maglaro pa. At kung mag-costume man sila, mas gusto pa nitong magsuot sila ng mature characters gaya ng sa mga superhero o mga villain. Huling um-attend siya ng Halloween party kasama ang ex niya, Superman at Wonderwoman ang costume nila. Ayos lang naman sa kanya iyon dahil naka-costume pa rin sila, pero iba ang pakiramdam na nakasuot siya ngayon ng cute na damit.
Pagbaba nga nila sa parking lot, nakasalubong agad nila ang guard ng condominium at binati sila.
"Ang cute n'yo naman, ser. May lakad kayo ni ma'am?" nakangiting tanong nito sa kanila.
"Yes po, Kuya," masayang sagot ni Eugene.
"Ingat kayo ni ma'am!"
"Salamat po!" pasalamat ni Divine na palukso-lukso pa habang hawak siya ni Eugene.
Excited ang dalawang magpakita sa mga kapamilya ni Eugene dahil alam ng lalaki na matutuwa ang mga ninong at ninang niya sa kanya. Makukulit pa naman ang mga ninong niya, mas lalo na ang mga kinakapatid niya. Alam na niyang kapag nakita siya ni Cheesedog o ni Connor, manghihiram agad ang mga ito ng suot niya kahit pa suot niya iyon.
"Jijin, tingnan mo yung snout ko," sabi ni Divine habang kapa-kapa ang nguso ng giraffe sa hoodie niya.
Nakangiti namang sumulyap si Eugene sa asawa. "Yung ears niyan, ang fluffy. Touch mo."
"Cute sana yung panda kaso walang ilong." Kinapa naman ni Divine ang tainga ng hoodie niya. "Ang soft niya, hu-hu."
"Si LA, may mga onesie siya na binili si Dada sa mall, pero walang animal design. Wala raw siyang makita sa physical shop."
"Ayaw niyang umorder online?"
"Hindi raw siya sure sa quality."
"Pero nakita niya yung na-order mo for her?" tanong ni Divine.
"Yes, ipinakita ko sa kanya. Nagtago pa nga kami sa office kasi baka makita agad ni LA."
"Hahaha! Ang cute n'ong dino! Same ba kayo ng design?"
"Yes, same ng akin! I think kasya kami sa onesie ko, haha! Bakit kasi hindi ka nag-dino?"
"May tail kasi! Nadi-distract ako sa buntot," nakasimangot na sabi ni Divine. "Alam mo yung dog na hinahabol yung tail niya?"
"Hahaha! Okay, I totally get it na."
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Eugene. Lagi naman siyang masaya, pero iba ang saya niya ngayon na may kasama siya pero hindi niya kailangang umakto na kargo niya ito. Nag-promise din naman si Divine sa kanya na kapag may naramdaman itong mali, magsasabi agad ito sa kanya, at panghahawakan na niya iyon.
Habang nasa biyahe, ramdam niyang hindi niya kailangang mag-adjust sa kasama, o umaktong mature, o kumilos na parang pupulisin siya anumang oras. Masaya lang siya dahil masaya rin ang asawa niya. Masaya silang dalawa, at iyon lang ang naiintindihan niya.
Paghinto nga nila sa toll way, nginitian pa sila ng mga bantay roon dahil sa suot nila. Iba ang pakiramdam ni Eugene sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya, bumalik siya sa mga panahong pareho pa silang nagpapa-cute ng Ninong Clark niya sa Lola Diyosa at Lola Mommy niya para lang makapambudol ng pera at laruan.
Hindi unang beses na makakapunta ni Divine sa farm ng mga Vizcarra. Maraming beses na siyang napupunta roon kapag naiimbitahan ang pamilya nila sa mga event sa dome na nasa loob ng lupain nina Melanie. Pero unang beses niyang tatapak doon na wala ang papa at mama niya at asawa lang niya ang kasama.
Dumeretso sina Eugene at Divine sa rose garden gaya ng usapan. Nag-text na ang daddy ni Eugene na nandoon na raw ang mga ito, pero tinatanong siya kung itinuloy niya ang pagsusuot ng onesie. Noong sinabi niyang nakasuot na sila ni Divine ng ganoon, "Sige. Ingat kayo," lang ang natanggap niyang reply rito.
Pagka-park nila sa labas ng garden, hile-hilera na roon ang pamilyar na mga sasakyan. Naririnig na rin nila ang malakas na speaker sa garden, at base sa choice ng mga kanta, sigurado na si Eugene na si Connor ang may hawak ng sound system.
Magkahawak pa ng kamay sina Eugene at Divine nang pumasok sa garden. Bitbit ni Eugene ang paper bag kung nasaan ang gift nilang onesie para kay LA.
Pagtapak nila sa loob ng rose garden, bumungad agad sa kanila ang mahabang mesa na maraming nakapatong na mga baso, bote, mga pagkain, at kung ano-ano pa. Ang dami nang tao roon na may kanya-kanya nang ginagawa at ang unang-una pang nakapansin sa kanila ay si Clark.
"Pfft! WAHAHAHA!" Nangibabaw agad ang tawa ni Clark sa lakas ng tugtog kaya napatingin ang lahat sa kanya.
"Tito Jijin!" malakas na tili ni LA na isinasayaw ng Daddy Patrick niya habang karga.
"Nooo!" sigaw rin ni Rico na di-makapaniwala sa nakikita niya. Lumapit pa siya kina Eugene para tingnan ang mag-asawa. "Where did you buy that!" pagduro ni Rico sa suot ng inaanak.
"Hahaha! I'll send the link later, Ninong. I think kasya rin sa 'yo 'tong suot ko." Nag-muscle posing pa si Eugene para ipagmalaki ang outfit niya.
"Tito Jijin!" Tinakbo agad siya ni LA na tuwang-tuwa sa itsura niya. "Aaahh!"
"Ang cute ni Tito, 'no?" masayang sabi ni Eugene at kinarga agad si LA na kinikilig sa itsura niya. Niyakap pa siya nito at hinawakan ang lahat ng cute na parte ng hoodie niya. "Si Tito Jijin, may gift sa 'yo na ganito. You like this, baby?"
"Opo!"
"Sige, bihis tayo."
Papunta na sana si Eugene sa may mesa para doon bihisan si LA nang mapahinto. Sa isang iglap, nawala ang lahat ng tuwa niya nang makita ang pamilyar na mukhang nakaupo sa isa sa mga upuang naroon.
Sa lakas ng speaker, parang tumahimik bigla ang mundo at nangibabaw lang ang kanta sa buong hardin.
Well, I found a woman, stronger than anyone I know... She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home.
Kahit ang mga ninong at ninang niya ay napahinto sa ginagawa para lang magmasid sa magiging reaksiyon nilang dalawa ng babaeng nasa upuan.
"Hi, Eugene," simpleng bati nito.
"Hi . . ." matipid na bati ni Eugene na dinugtungan na lang niya para hindi masabing walang galang. ". . . Carmiline. Invited ka ba ni Dada?"
"Eugene!"
Nalipat naman ang tingin ni Eugene sa masayang bumati sa kanya. Ngumiti naman siya rito habang papalapit ito sa kanila.
"Hi, Kuya Aki! Long time, no see!" bati niya sa lumapit na lalaki sa kanila.
"You look cute!" sabi pa ni Aki na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Aw, you really look cute, haha!"
"Yeah." Nanatili ang ngiti ni Eugene sa labi pero nawala sa mata nang magtaka kung bakit ito huminto sa likuran ng upuan ng ex-girlfriend niya.
"By the way, this is Carmiline!" pakilala ni Aki sa babaeng kilalang-kilala niya. "She's my fiancée!" Tinapik naman nito ang balikat ng babaeng nakaupo. "Dear, he's Eugene. Siya yung eldest ni Tito Leo."
"Ah . . ." Napaisang tango na lang si Eugene sa narinig at matipid na ngitian ang ex niyang matagal na niyang hindi nakikita. "Magkakilala kami, Kuya."
"Really?" masaya pang tanong ni Aki.
"Classmate kami n'ong high school," sabi ni Eugene.
"Oh! Small world!" Tinapik ni Aki ang balikat ni Carmiline. "Kaya pala sabi ni Tito Will, kilala ka niya. I get it now."
Ngumiti na lang si Eugene kay Aki. "Bihisan ko lang yung pamangkin ko, Kuya. Nice meeting you again."
Hindi na naghintay pa ng sagot si Eugene. Naghanap na lang agad siya ng lugar na hindi siya maiilang para bihisan si LA.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top