Chapter 20
Kung may isang bagay mang sobrang ikinadismaya ni Eugene noong nag-break sila ng ex-girlfriend niya, iyon na ang katotohanang sa tagal nilang magkasama, ang kaibigan nito ay kaibigan niya rin. Kaya noong naghiwalay sila, pakiramdam niya ay nawalan na rin siya ng mga kaibigan.
Hindi naman ipinararamdam sa kanya ng mga kaibigan niya na may pinapanigan ang mga ito sa kanila ni Carmiline, pero ayaw na lang niyang magkaroon ng pagpipiliang panig ang mga kaibigan nila sa kung sino ba ang dapat kampihan noong naghiwalay sila. Kaya nga mula noon, inisip na lang niya na hindi na siya dapat magtanong o makipag-usap sa mga ito lalo na kung usapang love life.
Nangako si Divine na dadayuhin daw nila ang community kung saan ito may proyekto pero isang linggo pa lang bago ang usapan nila, tinawagan na siya ni Miss Van para sabihing hindi raw ito matutuloy sa araw na ipinangako nito dahil nauna na itong pumunta sa probinsiya. Gusto sana niyang magtampo, pero ipinaliwanag ni Miss Van na may mga kasama raw itong sponsors na nagpa-request ng ibang araw dahil hindi akma sa schedule ng mga ito ang petsang naipangako sa kanya.
Nag-send naman ang sekretarya ni Divine ng mga picture at video ng pag-tour kasama ang sponsors na sinasabi ni Miss Van. Kilala niya ang isa roon na may-ari ng food company na may mga factory sa Caloocan at Valenzuela.
Panibagong Biyernes na naman na dadayo siya sa bahay ng daddy niya dahil busy ang asawa niya sa projects nito sa malayong lugar. Gusto man niya itong dayuhin sa kung nasaan ito, sinabihan na lang siya ni Miss Van na maghintay na lang hanggang makauwi ito.
Wala na naman tuloy siyang ibang magawa kundi makibahay sa pamilya niya.
"Na-miss mo si Tito Jijin, Baby LA?" tanong ni Eugene sa pamangkin na busy sa tea party nito sa opisina ni Luan. Nag-indian sit na lang siya sa tabi nito dahil puno na ang mga upuan sa maliit nitong table. Ayaw niya namang agawan ng upuan ang mga baby doll at teddy bear nito.
"Tito Jijin, dwink ikaw tea!" aya ni LA nang abutan ang tito niya ng maliit na toy cup na walang laman.
"Okay po, I will drink tea na. You made this, baby?" tanong niya at kunwaring ininom ang laman ng toy tea cup.
"Opo!" masayang sagot ni LA.
"Ano'ng ginawa kanina ni LA sa morning?"
"Eat kami ni Daddy!" masayang sagot ni LA.
"Ano'ng breakfast n'yo ni Daddy?"
"Egg!"
"Egg and?"
"Bread!"
"Bread and?"
"Milk!"
"Ano pa'ng kinain ni LA for breakfast?"
"Banana!"
"Wow, you eat bananas? What else?"
"Vitamin C!"
"Oh! Haha! You eat vitamin C?"
"Opo!"
"Ang very good naman ng Baby LA namin, umiinom ng vitamins."
"Kuya," biglang tawag ni Luan kaya napalingon agad siya rito. "Nag-chat pala si Tita Mat. Ngayong end of May daw sila uuwi ni Ninong Will."
"Really?" gulat na tanong ni Eugene. "Nabanggit mo na yung about sa church wedding mo?"
"I told her about that. Sabi niya, dito na lang daw pag-uwi niya pag-usapan. But she's available naman daw to organize my wedding."
"May plano ka na kung saan? Si Ikay, may gusto ba siyang location?" tanong niya agad kay Luan.
"We're planning sana sa beach. Gusto niya ng beach wedding."
"Oh! That's great!"
"I was thinking na baka puwede kang mag-file ng longer leave."
"No problem—"
"No, I mean beyond my wedding date, kasi nababanggit ni Daddy na hindi pa raw kayo nakakapag-honeymoon ng wife mo," biglang paliwanag ni Luan na nakapagpahinto kay Eugene sa pag-iisip tungkol sa plano nitong kasal. "Maybe, puwedeng gawing reason muna ang wedding ko para makapag-file ka ng mas mahabang leave? Namimili na rin kasi kami nina Mama ng exclusive island. Para sana mas mahaba ang vacation time mo."
"Oh . . ." Saglit na hindi makasagot si Eugene, nabigla rin sa sinabi ng kapatid niya. Hindi niya rin kasi inaasahan dahil wala pa namang nagbabanggit sa kanya tungkol sa plano nitong church wedding—o beach wedding na. "Hindi ba 'yon unfair sa 'yo na kailangan mo pa akong i-consider pati sa wedding mo?"
"Don't worry, Kuya. Okay lang naman," nakangiting sabi ni Luan. "Hindi pa kasi kayo nakakapag-honeymoon ni Divine. Kami ni Ikay, every day naman kaming nagha-honeymoon."
"Shut up, Luke Anakin."
"Hahahaha!" Ang lakas tuloy ng tawa ni Luan na paikot-ikot sa swivel chair niya.
"LA, si Daddy Shoti, inaaway si Tito Jijin," sumbong ni Eugene sa pamangkin niya. "I'm sad na."
"Don't be sad, Tito Jijin," sabi na lang ni LA at hinagod-hagod ang buhok niya ng maliit nitong kamay. "Chichi will take care of you para happy na ikaw." Saka nito kinuha ang laruang monkey na may costume ng doktor para ilapag sa kandungan niya.
"Hi, Chichi! How are you?" bati niya sa laruan.
Ngiting-ngiti naman sa kanya si LA na lagi namang masaya tuwing nakakalat ang mga laruan sa opisina ng daddy nito.
Pagdating ng daddy niya mula sa paghatid nito kay Kyline sa planta sa Laguna, alam na ni Eugene na hindi na siya gustong kalaro ni LA. Paborito pa rin talaga nitong kasama ang lolo nito, kaya nang hindi na siya nito pinapansin, dumayo na lang siya sa kapitbahay para bisitahin ang Ninong Clark niyang nasaktuhan pa niyang naroon.
"Saan sina Carlisle?" tanong niya pagtapak sa sala ng mga Mendoza.
"Saan pa ba? Gumagala na naman sa kung saan sa Pilipinas," sagot ni Clark.
"Sila lang dalawa ni Mayumi?" tanong ni Eugene nang maupo sa mahabang sofa roon.
"Kasama si Coco saka si Ramram," balita ni Clark. "Ang paalam, diyan lang daw sila sa Rizal, bibili ng kakanin. Pero yung nasa locator ko, nasa Vigan silang apat."
Bigla tuloy natawa nang mahina si Eugene sa narinig niya.
Isa iyon sa mga bagay na normal na para sa mga Mendoza. Mahilig gumala ang mga anak ni Clark. Kahit walang plano, basta maisipan ng mga itong umalis, aalis ang mga ito para lang maglakwatsa.
Malapit nang mag-21 sina Connor at Cheesedog. Katatapos lang ng 18th birthday ni Rex. Magtu-22 naman na rin si Damaris. Kung tutuusin, hindi na problema ang paggala ng mga ito kompara noong mga menor-de-edad pa ang mga kinakapatid niya.
"Oo nga pala, nagkita kami ng asawa mo no'ng isang araw," balita ni Clark kaya biglang angat ng ulo ni Eugene para sundan ng tingin ang ninong niya.
"Where?"
"Sa Benguet," sagot ni Clark. Paglapit nito, nag-abot agad ito ng kape kay Eugene bilang inumin bago ito naupo sa katapat na upuan.
"Business meeting?" curious na tanong ni Eugene.
"Hindi naman. Nakasabayan lang namin kasi galing kami ng Ninong Rico mo sa farm. One week na lang, Flores de Mayo na. Nagsisimula nang mag-harvest ng mga bulaklak doon."
"May mga kasama siya?"
"Natural!"
"Marami siyang kasama?"
"Pfft! Hahaha!" Hindi na naiwasang matawa ni Clark sa itsura ng inaanak niya. Lukot na lukot ang mukha, parang ayaw ng naririnig pero nanghihingi pa rin ng kuwento sa kanya. "Yung asawa mo, busy talaga 'yon. Nakapagkuwentuhan kami pero saglit lang din."
"Ninong, pasama nga ako doon sa community na hawak niya. Dadalawin ko lang."
"Eugene . . ." nagpapaunawa nang saway ni Clark. "Kung dalawin mo man siya sa north, dapat may schedule ka. Kasi, yung work niya roon, hindi 'yon office work. Buong araw siyang gumagala mula isang baryo palipat sa isa."
"Yeah, I know, nasabi na niya last time. Ang akin lang, baka puwede ko siyang samahan."
"Paano mong sasamahan, e may opisina ka rito sa Manila?"
"Baka puwede akong mag-leave kahit one day lang? Or sa day off ko, bisitahin ko siya?"
Napakamot tuloy ng ulo si Clark, nakukulitan na sa kausap niya. "Eto, Gene, explain ko na rin ang situation ninyo kung nahihirapan ka sa setup," mahinahon nang paliwanag nito. "Kung nag-aalala ka sa asawa mo dahil may sakit siya o anuman, kaya niya ang sakit niya, okay? Kasi hindi niya magagawa ang ginagawa niya ngayon kung hindi niya kaya ang sarili niya."
"Alam ko naman, Ninong Clark. Hindi ko naman siya pinipigilan, e . . ." Ngumuso lang si Eugene at dismayadong yumuko. "Sana, doon na lang siya sa 'kin tumira."
Nagbuntonghininga lang si Clark sa dinadamdam ng inaanak. "Hindi kasi natin puwedeng kunin na lang siya basta sa kanila."
"Aalagaan ko naman siyang mabuti . . ." malungkot na sabi ni Eugene.
"Alam naming aalagaan mo siyang mabuti. Pero kung umuwi man siya sa papa niya bago sa 'yo, malamang kasi nag-aalala rin ang papa niya para sa kanya. At malay natin, baka iniisip lang din ni Julio na para hindi ka masyadong mapagod sa pag-aalaga, doon muna ang asawa mo sa kanya."
"Hindi naman ako napagod last time, Ninong Clark," depensa ni Eugene.
"Pero nakuwento niya na pinarusahan mo raw siya. Baka kaya ayaw nang bumalik—"
"Hey!" biglang hiyaw ni Eugene na ikinaurong sa upuan ni Clark. "Pinagsuot ko lang siya ng mittens!"
"A, so pinarusahan mo nga."
"Gusto nga kasi niyang mangholdap, like what I'd told you the last time, di ba?"
"Oo nga, na-explain ko na rin ang take ko diyan. Pero hindi mo pa rin siya dapat pinarusahan."
"Nag-enjoy naman siya sa punishment niya, e!"
"O, bakit mo 'ko sinisigawan? Tama ba 'yan, ha, Eugene?"
"Hnng! Ninong Clark . . . baka puwedeng dumaan kahit five minutes lang . . ."
Nakangiwi na lang tuloy si Clark habang sinusukat ng tingin ang inaanak niyang nabubuwisit na nga talaga dahil nagta-trantrum na.
Bihirang mabuwisit si Eugene, iyon ang alam nilang lahat, dahil sobrang maunawain ito at tumanda na lang itong iniintindi ang lahat ng bagay. Pero alam na nilang hindi na nito naiintindihan ang sitwasyon bilang mister ni Divine kaya ilang beses nang nagsumbong sa kanila tungkol sa asawa nito.
Nagsusumbong lang naman ito kapag kailangan na talaga nito ng tulong. Ang problema nga lang, hindi rin nila alam kung paano sosolusyunan ang problema nito dahil iba rin ang opinyon ni Divine tungkol sa pagiging misis ni Eugene.
Ilang buwan nang kasal ang dalawa at kulang-kulang dalawang buwan na lang, kalahating taon na rin mula nang maging mag-asawa ang mga ito. Pero sa mahigit apat na buwan na iyon, aapat na beses pa lang nagkita ang dalawa. At ikinakatwiran ni Eugene na ang daming paraan para magkita naman sila dahil nasa iisang bansa lang naman sila. At isa pa, gaano lang kalayo ang biyahe pero hindi pa rin sila puwedeng magkita.
Tanggap pa sana niya kung seafarer ang asawa niya, pero nandoon lang naman daw ito sa North Luzon. Kahit lakarin lang niya, makakarating siya sa pupuntahan niya.
Sa dami ng paraang naiisip niya, ni isa roon, hindi niya puwedeng gawin dahil nga bawal daw ma-distract ng asawa niya sa ginagawa nito. Ayaw rin naman niyang ma-distract ito sa trabaho dahil kasalanan na talaga niya iyon.
Mabuti pa ang mga kinakapatid niya, napapadpad sa Vigan para gumala dahil bakasyon, samantalang siya, kahit gustuhing dumayo sa Ilocos o kahit sa Baguio man lang, hindi niya magawa dahil ang dami niyang iniisip tungkol sa schedule niya.
"Ninong Clark . . ."
"Ano na naman?"
"Uuwi raw sina Tita Mat sa end of May para asikasuhin ang kasal ni Luan. Beach wedding daw, e."
"Sabi nga ni Leo sa GC."
"Puwede ko kayang sabihin kay Uncle Jun na one month or more than that muna sa 'kin si Divine? Babakasyon lang kami."
"Si Jun, sure na papayag diyan. Pero yung asawa mo, tanungin mo muna kung okay siya. Malayo 'yon. Paano kung mamahay 'yang asawa mo? Alangan namang mula sa isla, uuwi kayo nang wala sa oras para mapanatag 'yan."
"Aware ka ba sa agreement nina Uncle Jun saka Divine about sa setup namin, Ninong Clark?" may lungkot na tanong ni Eugene.
"Ang agreement lang na alam ko, hangga't hindi pa enrolled ngayong third year ang asawa mo sa business program niya, doon muna siya kay Julio," sabi ni Clark. "Nagpapatayo kasi ang asawa mo ng satellites doon sa mga chapter ng projects niya. Mahirap kasi ang signal doon sa mga area na pinupuntahan niya. Hindi ka basta-basta makakatawag o makakapag-text doon, unless luluwas ka pa sa city para sa signal. Bababa ka pa ng kapatagan para lang makapag-text."
Parang biglang lumiwanag ang lightbulb sa ulo ni Eugene dahil sa sinasabi ng ninong niya.
"Ang dahilan ng asawa mo, naintindihan ko naman kung ayaw ka niyang isama roon. Kasi ang paliwanag niya sa amin ng Ninong Rico mo, kapag hinanap ka rito sa Manila at hindi ka makasagot sa call o hindi ka matawagan kapag may meeting, marami kang mami-miss out, at hindi niya iri-risk 'yon dahil work mo 'yon."
Wala raw signal sa lokasyon kung nasaan si Divine. Bigla niyang naalala ang bawat pagtawag niya rito na hindi nito basta nasasagot dahil out of coverage nga raw.
"Kailan kaya siya luluwas ng Manila?" nakangusong tanong ni Eugene.
"Tawagan mo na lang yung sekretarya niya, baka mabigyan ka ng schedule."
Araw-araw na niyang tinatawagan, kung alam lang ng ninong niya. Pero kung alam man ni Miss Van ang sagot, siguradong hindi pa rin sila puwedeng magkita ng asawa niya.
Patapos na ang Abril at hindi na umaasa si Eugene na makikita ang asawa niya sa natitirang araw bago mag-Mayo. Naiisip na tuloy niya na ganoon ba ang pakiramdam ng ex-girlfriend niya noong siya naman ang sobrang busy sa trabaho? Na miminsan na lang siya umuwi, at kung umuwi man, umuuwi na lang talaga siya para matulog at aalis na lang kinabukasan nang hindi na nakakapagpaalam.
Gustong-gusto niyang bawiin ang lahat ng pagkukulang niya noon at alagaan na lang si Divine, pero siya naman ngayon ang binabawian ng pagkakataon dahil kinakarma na yata siya sa pagkakamali niya sa ex niya.
Gumising siyang mag-isa, nag-ayos ng sarili, nagdilig ng halaman sa balcony. Posturang-postura na nga siya at handa nang pumasok sa trabaho. Bitbit na lang niya ang gray coat na isusuot na lang papasok sa opisina, pero pagbukas na pagbukas niya ng pinto, palakad pa lang siya sa hallway nang makita ang asawa niyang naka-jogging pants, naka-checkered shirt na may white sando sa ilalim, at may dalang malaking backpack.
"Mine!" tawag niya rito dahil tutok ito sa phone habang naglalakad.
Pag-angat nito ng tingin, nginitian agad siya nito. "Hi, Jijin!"
"You're early!" sabi pa niya at sinalubong ito sa pasilyo.
"May pasok ka?" tanong nito at itinago sa gilid na bulsa ng bag ang phone.
"Ha?" Mabilis na tiningnan ni Eugene ang sarili na nakahanda nang pumasok sa opisina. "No, it's okay! Tara sa bahay."
"Baka may pasok ka, pumasok ka muna!" sabi pa ni Divine at naghahatakan na sila ng braso kung saan ba dapat pumunta.
"Wala na 'kong pasok!" natatawa pang sabi ni Eugene.
"Anong wala ka nang pasok? Pumasok ka! May pasok ka, naka-formal ka pa, o!"
"No! Sinukat ko lang 'to kung bagay sa 'kin."
"Tse!" Hinatak agad ni Divine ang braso ni Eugene para dalhin ito sa elevator. "Pasok ka muna sa work! Uwi muna 'ko sa 'min."
"Hindi na 'ko papasok sa work. Day off."
"Eh? Sinungaling! Tuesday, day off?"
"Doon muna tayo sa bahay. Bukas na 'ko papasok!"
"Aahh!" Nag-echo agad ang tili ni Divine sa buong pasilyo nang isampay siya ni Eugene sa balikat nito. "Eugene! Pumasok ka muna sa work!"
"Bukas na!" natatawa pang sabi niya saka itinakbo agad si Divine papunta sa unit niya.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top