Chapter 2
Nagpaalam na uuwi na raw sina Luan at Ikay pero bago sila payagan ni Leo na umalis, nagpasabi pa muna itong makikipag-usap kay Luan sa opisina nito sa kabilang bahay.
Pang-ilang buntonghininga na ni Leo mula pa nang malamang ikinasal na ang bunso niya sa asawa na nito ngayong si Ikay. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman.
Nakaupo si Leo sa swivel chair niya habang naroon naman si Luan sa katapat ng office table na sofa.
"Luan . . ."
"It's not Kuya's fault," mabilis na paliwanag ni Luan bago pa simulan ni Leo ang sasabihin. "Nag-decide ako, nag-decide si Ikay, nag-decide sina Ninong Clark and Ninong Rico. Ang gusto lang ni Kuya, paunahin ako before ang wedding niya sa December next year."
Buntonghininga na naman mula kay Leo at tumango. "Na-explain naman na ni Ninong Clark mo. Ang akin lang, baka kasi masama ang loob mo na wala kaming naitulong ng mommy mo sa 'yo-"
"I'm not mad at you o kay Mama," mabilis na sagot ni Luan. "Ang iniisip pa nga namin ni Ikay, baka ikaw ang magalit sa amin kasi nga, hindi ka namin in-invite."
Balak pa sanang sabihin ni Leo na nagalit talaga siya dahil doon, pero ayaw niyang pati si Luan ay magalit sa kanya habang hindi pa sila maayos ng panganay niya.
"Kanina, sa city hall, nanonood sila roon ng news, nakita namin kayo ni Mama," kuwento ni Luan. "Nakipag-merge na pala kayo sa telco. Napanood pa namin yung presscon sa lobby."
"Ah . . ." Napahimas ng palad si Leo. Imposible ngang mapuntahan niya ang kasal ni Luan kahit pa imbitado silang mag-asawa. Importante ang merger na 'yon dahil apat na taon din nilang nilakad ang proposal n'on para lang matuloy. "Ribbon cutting pala bukas ng corporate building. Looking kami ng web developer, baka interesado ka."
Natawa nang mahina si Luan saka umiling. "Nasa requirements na dapat 4-year course ang natapos. Hanggang 2nd year lang ang units ko, Daddy, alam mo naman."
Lalong tumipid ang ngiti ni Leo dahil sa sagot ng bunso.
"Next time siguro, kapag malaki-laki na si LA. Demanding din kasi sa time ang work ngayon ni Ikay, ayokong iwan ang baby namin sa kapitbahay."
Sasabihin pa lang sana ni Leo na kung papayag si Luan, sila na lang muna ang mag-aalaga sa apo niya, pero nagpahabol agad ito ng salita.
"Si Ninong Rico pala, nagpasabi na kung interested ako sa church wedding, uuwi from Japan sina Tita Mat saka Ninong Will next, next year. Um . . ." Nahihiyang natawa si Luan, himas-himas ang palad. "Doon ko sana kayo ii-invite ni Mama. Para . . . mahaba ang preparation sa wedding namin ni Ikay saka . . . hindi na sasabay kay Kuya."
"Ah . . ." Napatango-tango na lang si Leo at mabilis na pumayag. "Sige, anak, walang problema, ayos lang. Ipapa-reserve na namin ni Mama mo ang year after ni Kuya Eugene mo."
"Thank you, Daddy . . ."
Tuloy-tuloy na sana ang tuwa ni Leo kaso, humabol pa ng utos si Luan.
". . . saka mag-sorry ka kay Kuya, ha? Baka lalong magalit sa 'yo 'yon."
♥♥♥
Alam ni Leo kung gaano ka-sensitive ang mga anak niya, at hindi niya alam kung paano iha-handle ang sensitivity ni Eugene dahil madalas sa madalas, kapag nag-aaway silang dalawa, nagsusumbong lang ito kay Clark at pagbabatiin silang dalawa.
Ang problema, huli silang nag-away, may isang dekada na ang nakalilipas at nagresulta pa iyon sa pagtira ni Eugene sa ibang bahay dahil lang sa sama ng loob sa kanya.
Pinagso-sorry siya ni Clark, pero hindi na raw ito mamamagitan kaya nga mas problemado siya. Kailangan pa kasing chaperon niya si Clark tuwing manghihingi ng tawad sa anak para siguradong magbabati sila.
Anim na araw pa ang inabot bago bumalik si Eugene sa kanila kaya hindi niya alam kung ano ba ang dapat sabihin. Hindi rin naman kasi niya inaasahan ang pagkita rito dahil wala namang espesyal na araw para dumalaw ito.
"Daddy Shoti, busy po ikaw?" parang batang tanong ni Leo kay Luan. Abala ang bunso niya sa working area nito, tinatapos ang landscape scenery na commission dito ng isang indie gaming company na may paparating na event.
"Daddy Shoti, busy po ikaw?" ulit naman ni LA na karga ni Leo. "Papasyal po kami ni Dada sa labas!"
"Papasyal kayo ni Dada sa labas?" ulit ni Luan na tutok sa pen display.
"Opo!"
"Sige, pasyal kayo ni Dada sa labas. 'Wag magkukulit, ha?"
"Sasama si Dukki!"
"Kasama si Dukki? Papasyal mo si Duk-aray!" Napahiyaw agad si Luan nang sabunutan siya ni LA para lang pumaling siya paharap dito. Hinalikan naman siya nito sa pisngi habang nakaalalay ng buhat si Leo rito.
"Ba-bye ka na kay Daddy," malambing na utos ni Leo saka inayos ng karga si LA.
"Ba-bye, Daddy! Bibili ikaw donut si Dada!"
Ngumiti na lang si Luan sa anak kahit hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Sapo-sapo pa niya ang ulong nasabunutan nang di-oras.
Lumabas na ang dalawa sa working area ni Luan sa opisina nila sa West. Magmula nang magtrabaho si Ikay sa isang hotel sa Manila bilang commis chef, doon na nagtrabaho si Luan sa opisina nina Leo. Rerentahan dapat ni Luan ang working area dati ng Ninong Clark niya pero ibinigay na lang iyon sa kanya nito bilang regalo na rin sa kasal-kahit pa natanggap niya iyon noong engaged pa lang sila ni Ikay.
Magtatatlong taon na ang anak nina Luan at Ikay. At gaya ng biruan ng mga kamag-anak nila, ang hirap itanggi na hindi Chua ang bata dahil mukha pa lang, kuhang-kuha na kay Kyline. Kung hindi nga lang nila inaamin na apo ito, madalas itong mapagkamalang bunsong anak nina Leo at Kyline tuwing kasama nilang dalawa ang bata sa pamamasyal.
"Dada, si Dukki, malakas na siya mag-aw-aw!" sumbong ni LA.
"Malakas na mag-aw-aw si Dukki?" ulit ni Leo.
"Opo! Gagabi, nag-aw-aw siya malakas na malakas! Ta's nag-wake up si Daddy."
"Ano'ng ginawa ni Daddy kay Dukki?" Pinanood naman ni Leo na ikonekta ni LA ang chain ng leash sa collar ng malaking golden retriever na naroon sa may gate ng bahay nina Leo.
"Uusap sila ni Lolo. Ta's-" Itinuro lang ni LA ang kalsada sa malayo. "I-sleep na kami ni Mommy."
Saglit na nalito si Leo sa sinasabi ni LA. Ang pagkakaintindi pa naman niya, baka pinagagalitan si Luan sa bahay ng biyenan nito dahil sa alagang aso ni Eugene. Pero maliban doon, ang naisip ni Leo, baka naulit na naman ang nangyari noon kaya napunta si Dukki kina Ikay.
Minsan nang nalooban ang bahay ng balae niya at nanakaw ang gintong singsing ni Ikay roon at ilang appliances kasama na ang isa sa mga high heels ni Ikay na regalo ni Luan. Ayaw namang lumipat ng mag-asawang Ercia kaya ang isa sa mga naisip na remedyo ni Eugene ay doon na lang muna si Dukki, lalo pa't mabilis itong makaamoy kung may masamang tao sa paligid.
Masyadong malaki si Dukki bilang alaga kung kaya't nasasakyan pa ni LA kapag namamasyal. Nakaupo lang ang bata sa likod ng aso, nakaalalay ng hawak si Leo sa damit ng apo, at maglalakad-lakad na sila sa subdivision, lalo sa parteng mapuno at maaliwalas.
Naroon pa lang sila papunta kina Clark kung saan ang simula ng hilera ng mga puno sa sidewalk nang tumili agad si LA.
"Tito Jijin!"
Eksaktong pagbaba ni Eugene sa white crossover niya nang salubungin siya nina LA at Dukki. Tili nang tili ang bata at nakaabang sa hangin ang mga braso, nagpapakarga, habang ikot naman nang ikot sa gilid si Dukki, kinakawag ang buntot.
"Hello, baby. Miss mo si Tito?" Kinarga agad ni Eugene si LA at saka ito hinalikan sa tuktok ng ulo. "Behave ba ang baby ko?"
"Opo!"
"Very good! Dapat behave lagi si Baby LA para happy lagi sina Daddy." Kinamot-kamot naman ni Eugene ang tuktok ng ulo ni Dukki para lambingin din ang alaga. Kumahol pa ito sa kanya nang dalawang beses saka nagpaikot-ikot sa paanan niya.
"Bakit dito ka pumarada?" usisa ni Leo sa panganay. Naisip pa naman niya na magandang timing din iyon para makipagbati dahil naroon si Clark sa bahay ngayon.
"May itatanong daw si Ninong Clark about sa department ko."
"Bad news ba 'yan?"
"Nope." Sabay na naglakad ang mag-ama papasok ng bahay ni Clark kasama sina LA at Dukki. "Nag-file ng maternity leave si Ma'am Wella, may ire-recommend yata si Ninong Clark na ad hoc. Need ng approval ko."
"Ah . . ." Napatango na lang si Leo. Nabalitaan din niya 'yon, at nauna na siyang padalhan ng letter at bigyan ng memo ng HR bago pa makarating kay Clark.
Sa garden pa lang, itinali na nila ang leash ni Dukki sa pole na sampayan nina Clark. Pero pagdating sa loob, halatang bawal nga ang aso dahil hindi pa sila nagtatagal sa sala, nakakailang hatsing na si Sabrina sa kusina.
"Dada, sisipon si Mommy Sabby," bulong ni LA sa lolo niya.
"Opo," tanging sagot ni Leo dahil hindi alam kung paano ipaliliwanag na kasalanan ni Dukki ang allergic reaction ni Sabrina.
Nanonood lang sina Leo kina Eugene at Clark. Nag-uusap ang dalawa hawak ang kung ano-anong report na mula kay Clark. Ang ilan doon, kailangan nilang pirmahang dalawa. At dahil nauna na niyang pirmahan ang karamihan doon, si Eugene na lang ang kailangan.
Kandong-kandong ni Leo ang apo at kitang-kita ang laki ng diperensya ng sukat nilang dalawa. Ni hindi man lang umabot sa baba niya ang tuktok ng ulo ni LA. At ang kamay nitong pumapalo sa palad niyang nakalahad ay hindi man lang kumasya sa kalahati ng laki ng palad niya.
"Dada, bibili tayo donut sa highway?" tanong na naman ni LA, naiinip na.
"Opo, bibili tayo donut sa highway."
"Yehey! Dada, usto ko yung pink na donut!"
"Gusto mo yung pink na donut?" tanong ulit ni Leo sa malambing na boses. "Sige, bibili si Dada ng pink na donut, ha? Ilan gusto ni LA na pink na donut?"
"Three!" hiyaw ng bata, taas-taas ang mga daliring una ay dalawa pero nalilito pa kung ano ba ang isa pang daliri na dapat itaas para maging tatlo.
"Ito, three." Si Leo na ang nagbaba ng ibang daliri ni LA para tatlo ang matirang nakaderetso.
Bigla tuloy natawa si Clark. "Yung daddy mo, ganyan din makipag-usap sa 'yo dati, e," kuwento niya kay Eugene. "'Pakabait! Akala mo, hindi minumura si Mommy Linds tuwing tanghalian."
Masamang tingin lang ang ibinato ni Leo kay Clark dahil pigil na namang magmura gawa ng kasama si LA.
"Kay Luan lang talaga gumaspang ang ugali, e," dugtong ni Clark. "Palibhasa, graduate na sa 'yo. Binahala na yung bunso."
"At least, they do have something in common ni Dada," nakangiting sabi ni Eugene at nagpatuloy sa pagpirma.
Hindi na alam ni Leo kung masama pa rin ba ang loob ni Eugene sa kanya dahil nakakausap naman niya ito nang maayos.
Isang oras lang ang inabot ng meeting nina Eugene at Clark at naging audience lang talaga sina Leo roon. Nagpaalam si Clark na aalis muna para bumili sa botika ng gamot sa allergy ni Sabrina samantalang magkakasama naman ang mga Scott para bumili ng donut para kay LA.
Nakasakay pa rin ang bata sa likod ni Dukki na maingat ang paglakad. Nakaalalay si Leo sa damit ng apo habang hawak ni Eugene ang leash ng alagang aso.
Habang naglalakad sa sidewalk, saka lang nakahanap ng tiyempo si Leo para kausapin ang panganay.
"Next, next year daw ang uwi ni Mat saka ng Ninong Will mo," balita ni Leo. "Sila raw ang plano ni Rico na mag-organize ng kasal ni Luan."
"Yeah," matipid na sagot ni Eugene.
"Alam mo na rin?"
"That was the plan kaya nga nag-agree kami sa civil wedding ni Luan," sagot ni Eugene na deretso ang tingin sa kalsada. "I knew the struggle na papasok ako sa school tapos illegitimate child ako. Even sa application ng passport ko, need pang mag-present ni Mimy ng Affidavit of Acknowledgment para lang masabing anak mo 'ko. And not because I've been through it and I survived, dapat pati si LA, ma-experience din 'yon. I can't imagine Luan na hihingan pa ng travel clearance from DSWD para lang maipasyal si LA sa Disneyland or anywhere abroad samantalang anak niya naman 'yan at siya ang nag-aalaga araw-araw."
Hindi na naman nakasagot si Leo. Napalingon na lang siya sa kung saan para makaiwas sa usapan.
"I've been with you all my life, Dada," pagpapatuloy ni Eugene. "I knew your struggle, and as much as possible, I don't want you to undergo the same problems over and over again kasi hindi na kami mga bata ni Luan. At mas lalong hindi ka na rin bata para magdesisyon nang hindi nag-iisip."
Muntik nang matisod si Leo sa daan dahil sa gulat, hindi inaasahan ang idinugtong ni Eugene sa sermon nito.
"I totally understood why you were mad at us the last time we told you about Luan's civil wedding. Karapatan mo 'yon bilang daddy namin ni Luan," pagpapatuloy ni Eugene. "At kung hindi mo kami pinakinggan sa explanation namin, don't worry, hindi ako galit gaya ng sinasabi ni Ninong Clark. I knew you too well. Hindi ka naman talaga nakikinig sa kahit sino kapag galit ka. Daddy kita, of course, kilala kita."
Napatango-tango naman si Leo sa paliwanag ni Eugene.
"Pero mag-apologize ka pa rin for offending me and blaming me sa decision naman talaga ni Ninong Rico pero ako ang sumalo ng galit mo," dagdag ni Eugene na nakapagpahinto sa pagtango ni Leo. "Not because I understand you, ibig sabihin, iba-bypass mo na lang ang hindi mo pakikinig sa explanation namin nina Ninong Rico. Kailangan mong maging accountable sa mali mo, Dada. You know that I've never tolerated your actions kapag napapasobra ka na sa ginagawa mo. Mimy might let it pass, but I won't."
Napangiwi agad si Leo sa gilid. Hindi talaga siya makakaligtas sa panganay niya. Kailangan pa rin niyang mag-sorry.
"Sorry na," nahihiya pang sabi ni Leo at hindi makalingon nang maayos kay Eugene. "Masama lang ang loob ko kasi naaasikaso ko ang kasal mo, tapos sa kapatid mo, wala man lang akong nagawang kahit na ano."
"Kaya nga ine-explain namin na after ng wedding ko ang church wedding ni Luan," sermon na naman ni Eugene. "But I don't want him to wait for another year para sa kasal nila ni Ikay kaya ko pinauna. And besides, ayaw rin ni Luan na ma-involve muna kayo ni Mimy sa wedding nila ngayon kasi tutok pa sa company natin ang media. Private person sina Tito Ian. Hindi naman nila deserve puntahan na lang sa bahay para lang interview-hin out of the blue dahil lang kay Luan. Kailangan din nating i-consider ang mga nasa paligid natin before doing any actions. And I know you well enough, Dada. Wala kang pakialam sa paligid mo."
Hindi na mabilang ni Leo kung pang-ilang insulto at sermon na 'yon ni Eugene sa kanya sa ilang minuto na 'yon kahit donut house lang naman ang pupuntahan nila.
Naiisip tuloy niya, sa lahat ng magulang, siya lang ang nasesermunan ng anak. At ang mabigat, tama ang anak niya.
Pagdating sa donut house, nagturo agad si LA ng gusto nitong bilhin.
"Tito Jijin, si Mommy, like niya ganito na donut!" sabi ni LA, turo-turo ang square na donut na may choco drizzle at sprinkled nuts.
"Okay po, we'll buy Mommy that donut," sabi ni Eugene at yumuko pa sa tabi ni LA para abangan ang susunod nitong ituturo. "Si Daddy Shoti, ano favorite niyang donut?"
"Ito po na madami!" Itinuro ni LA ang munchkins.
"Alright, buy tayo ng maraming small donuts for Daddy Shoti."
Kapag kasama nina Leo si Eugene tuwing mamamasyal, madalas sa madalas, ito ang gumagastos para sa kanila. Ang gagawin na lang ni Leo ay manood habang bantay kay Dukki o di kaya'y maging tagahawak ng mga bitbitin. At sa pagkakataong iyon, pinanonood na lang niya si LA na magpatalon-talon sa loob ng donut house sa tapat ng glass display habang turo-turo sa tito nito ang mga donut na paborito ng buong pamilya nila. Siya naman ay hawak ang leash ni Dukki at nakaupo sa isang mesa roon habang naghihintay.
"Dada! Marami na kami donut ni Tito Jijin!" tuwang-tuwang balita ni LA, patalon-talon pa palapit sa kanya. Hawak naman ni Eugene ang mga box ng pinamiling donut na si LA pa mismo ang pumili.
Unang apo ni Leo si LA at lumalaking mabait ang bata gaya ng inaasahan nilang lahat na hindi nila nakita sa daddy nito. Sa susunod na taon na ang kasal ni Eugene at paniguradong hihingan na rin ito ng anak sa mapapangasawa nito pagkatapos ng kasal.
"May tinatapos pang thesis si Divine, nagkita na ba ulit kayo?" tanong ni Leo sa panganay.
"Nasa province pa siya. Next year pa ang schedule ng meeting namin for the wedding," sagot ni Eugene. "Si Uncle Jun ang kausap ko lagi about sa kasal-or business, palusot lang ang kasal."
Natawa nang mahina si Leo. "Si Carmiline, nakausap mo na?"
Napangiwi agad si Eugene nang lingunin si Leo. "For what reason?"
"Baka gusto niyang um-attend."
"I'll take that as your sarcasm, Dada," sabi ni Eugene at ibinalik ang tingin sa daan. "And don't take my response as me being bitter about it. Let's respect her peace, and kung may boyfriend man siya ngayon or asawa, let's respect the guy. My wedding is none of her business anymore."
"Kahit bilang kaibigan mo man lang?"
"If yung ex-boyfriend ni Mimy ang nag-invite sa kanya sa wedding, papayag kang um-attend siya?"
Mas lalong ngumiwi si Leo sa naisip. "Mga ex ng mama mo, mga mukhang animal na hindi naman dapat nabuhay pero binuhay pa rin out of pity! Kahit mga ninong mo, hindi papayag um-attend ang mama mo diyan, e!"
"Then don't force me to give Chamee an invitation to my wedding," paalala ni Eugene. "And watch your mouth, Dada. You're talking badly about other people; LA's still with us."
"Ay, p-" Napatakip agad ng bibig niya si Leo nang maalalang may kasama nga pala silang bata.
Hindi talaga matatapos ang araw na iyon nang walang natatanggap na sermon si Leo mula sa panganay niya.
♥♥♥
Next Wattpad update, kapag naka-chapter 25 na si Eugene sa advanced updates sa Telegram
Join lang po kayo sa t.me/TambayanNiLena sa Telegram kung nais ng spoilers. Pero kung ayaw n'yong ma-spoil, don't join para hindi kayo magreklamo na puro ako spoiler doon, hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top