Chapter 16
Masama na ang timpla ni Eugene pag-uwi sa condo nila. Pinauna na niya si Divine sa unit niya habang nagpaiwan naman siya sa basement parking. Napapabuntonghininga na lang siya habang inuusisa ang damage ng crossover niya.
Basag ang tail lights, yupi pa ang bandang ilalim. May dent din ang tambutso niyang natamaan ng hood ng nakabanggaan. Ipinagpapasalamat na lang niya at hindi humaharurot ang nakasunod na kotseng bumangga dahil paniguradong bubukas ang airbag niya nang di-oras kung ganoon nga kalakas ang pagbangga.
Ilang saglit pa, may dumating na lalaking naka-itim na jacket at asul na polo uniform at lumapit sa kanya. Mas bata lang ito nang ilang taon sa kanya at pansin ang aliwalas ng mukha nito.
"Good afternoon, Sir Gene," bati nito.
"Good afternoon. Paki-trace nga ng lisensiya nito," bungad ni Eugene nang unahan na ng pakay niya ang lalaki.
Pagbaba ng tingin ng lalaki sa baril na nakabalot sa panyo, humugot agad ito ng ziplock bag sa belt bag na nakasabit sa cargo pants nito. "Pinate-trace na namin, sir, yung sasakyan sa surveillance department."
"Pakitawagan agad ang office ko kapag may update kayo sa kanya."
"Noted, sir." Ibinukas nito sa harapan ni Eugene ang ziplock bag at isinara din agad nang mai-surrender ang baril.
"Pakidala na rin nitong kotse ko sa shop ng mga Lauchengco."
"Okay po, sir." Pagtanggap nito ng susi, mabilis na tumungo si Eugene sa elevator para puntahan naman ang asawa niyang nauna na sa unit niya.
Alas-kuwatro y medya pa lang ng hapon pero ang stress ni Eugene, pang-isang linggo na. Napapakamot na lang siya ng ulo sabay bubuntonghininga dahil hindi na yata talaga siya mauubusan ng mga taong magbibigay sa kanya ng sakit ng ulo araw-araw.
Pag-akyat sa unit, ang sama agad ng tingin niya kay Divine na hayun na naman at walang matinong suot. Maliban pa roon, suot na nito ang isa sa mga long-sleeves niyang maroon na hanggang gitna ng hita lang nito ang haba at naka-panty na naman habang palakad-lakad sa sala niya.
"Okay, Miss Lee," bungad ni Eugene na dere-deretso lang sa kusina niya. "You gave me your house rules, I'll give you mine." Nagbukas siya ng ref at kumuha roon ng pitsel ng tubig.
"First, ayoko ng makalat sa bahay. I can bear one or two empty packs of chips or a piece of paper, pero ayokong mukhang basurahan ang unit ko. May trash bins ako every corner of the room, puwede mong tapunan 'yan."
Padabog na nagbukas ng cupboard si Eugene para kumuha roon ng baso.
"Second, ayoko ng maingay. Maingay ang katabing unit every Saturday and Sunday night, and I'm already done with their noise, huwag ka nang dumagdag pa. If you want a noisy and annoying place, go somewhere else, hindi kita pipigilan, kasi ayokong maingay ang lugar ko."
Pagkasalin niya ng tubig sa baso, tatlong lagukan lang niya ang laman n'on at ibinagsak agad ang baso sa dining table na pinaglapagan niya ng pitsel.
"Third, kung inaatake ka ng sakit mo, tell me right away that you're not feeling well, or you feel like doing something reckless para alam ko ang gagawing adjustments." Lumingon agad siya sa itaas ng ref para kunin doon ang dalawang hand mittens niyang panluto at dalawang strip lock. "Ayokong bigla-bigla ka lang nagde-declare na gusto mong mangholdap just for fun. If you think that's fun, then we have a different definition of what funny should be like." Tuloy-tuloy na lumapit si Eugene kay Divine na nanlalaki ang mga mata dahil sa pagtataka sa nangyayari. "Hindi funny na gagawa ka ng krimen, na magkaka-record ka sa police station, na magkakaroon ka ng hit sa NBI, or whatnot."
"O?" Nagulat na lang si Divine nang suotan siya ng mittens ni Eugene. Takang-taka naman siya sa ginagawa nito.
"If you like bad boys, I can't be what you want a guy to be, and I'm sorry if I couldn't meet your expectations." Mabilis na sinuotan ni Eugene ng strip lock ang bandang dulo ng mittens para isara iyong mabuti. "But I'll tell you right away . . ."
Napahugot agad ng hininga si Divine at pinigil iyon nang yumuko si Eugene para magtapat ang mukha nilang dalawa. "I am not a bad guy . . ." Napalunok na lang siya habang nakatitig sa mga mata ng asawa niyang seryoso sa ginagawa at sinasabi nito. ". . . but I am very good at punishing bad girls, and this is my first warning to you."
Pagtingin ni Divine sa magkabilang kamay, saka lang niya na-realize na hindi niya magagamit ang mga daliri niyang limitado lang ang galaw sa loob ng mittens.
"Mr. Scott!" tili agad niya nang itaas ang mga kamay para ipakita iyon kay Eugene. "What the hell does this mean?"
"That means you're not allowed to touch anything, and that's your punishment for attempting to steal food from that store."
"That was just a joke! 'Wag ka ngang KJ!"
"That was a bad joke, and I had no plan to participate in any dangerous activities such as that," mahigpit na paliwanag ni Eugene at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa kuwarto niya.
"Kaya ang boring mo, e."
"I don't care kung boring ako. You're compromising our security, at inaabala mo pa ang mga attendant doon sa convenience store." Pagpasok sa kuwarto niya, hinanap agad niya ang mga damit ni Divine sa sahig, pero wala naman doon sa kahit saan sa kuwarto. Sumilip siya sa bathroom sa kabilang pasilyo at nakita sa hamper ang mga pinaghubaran nito.
"Babayaran ko naman 'yon, e! May wallet naman akong dala!"
"Babayaran mo nga, muntik naman silang tumawag ng tanod because you asked for help!" naiinis na sermon ni Eugene nang mabungaran si Divine na ipinakikita pa rin ang mittens sa kanya para alisin niya iyon. "24 hours 'yan sa kamay mo, and you deserved that. Kung nag-behave ka lang, hindi tayo aabot sa ganito."
"Naglalaro lang naman ako, e!"
"Then ako, hindi."
"Isusumbong kita sa papa ko!"
"Go ahead! I'm giving you the freedom to do so." Dumeretso ng kuwarto si Eugene para tingnan ang walk-in closet niya kung ginulo ba ni Divine.
"Alisin mo na 'to! Paano ako kakain?"
"Susubuan kita," mabilis na sagot ni Eugene at sinilip ang mga cabinet niya kung nakabusalsal ba o maayos pa rin.
"Hindi ako makakaligo mamaya—"
"Paliliguan kita."
"Mababasâ 'tong gloves!"
"May plastic bags ako diyan sa kitchen."
"You're being unreasonable! Hindi ka ba puwedeng mag-enjoy man lang kahit minsan?"
"Kung gusto ko mang mag-enjoy, malamang na wala sa list ko ang mangholdap ng 7-Eleven." Mabilis na hinubad ni Eugene ang suot na polo shirt at dumampot ng pambahay na shorts sa drawer.
Hindi agad nakapagbalik ng salita si Divine dahil unang beses pa lang niyang makikita si Eugene na walang kahit anong suot na pang-itaas. Namilog agad ang bibig niya nang mapansin ang minimalist tattoo nito na sakto sa haba ng spine mula ibaba ng batok hanggang ibaba ng gulugod.
"Tatawagan ko ang daddy mo, I will inform him of what happened, and I will tell him kung ano'ng gagawin ko sa 'yo," dugtong ni Eugene sa sermon niya sa asawa saka siya naghubad ng shorts. "Three days ka lang dito sa akin, at ayokong sa three days na 'yon, uubusin pa natin sa pag-settle sa barangay o sa police station o sa kahit saan maliban dito sa bahay ko."
Naitakip agad ni Divine ang magkabilang mittens sa bibig niya para itago ang gulat sa nakikita. Hindi pa siya nakakakita sa personal ng lalaking naka-boxer shorts lang kaya hindi na niya naiwasang pamulahan ng mukha habang pinanonood si Eugene na magbihis. Gumigilid pa siya para lang silipin ang bakat sa shorts nito.
"If you will insist na gawin ang mga gusto mong gawin, I will take that into consideration, but don't expect me to allow everything lalo kung delikado at makakaabala tayo ng ibang tao," pagpapatuloy ni Eugene.
Sapo-sapo na ni Divine sa pisngi ang mga mitten habang nagpapalobo ng pisngi nang matapos nang magpalit ng shorts si Eugene at iniwan ang sariling walang pantaas. Ang pinaghubaran nito ay tangay na palabas ng kuwarto kaya sumunod agad siya rito.
Sanay siyang nakikita si Eugene na nakapostura at malinis ang buhok o ayos. Lagi pa naman itong nakangiti at mabait sa lahat kaya iba pala talaga ang aura nito kapag wala ang lahat ng una niyang nakita rito.
Ang gulo ng buhok nito gawa ng pag-alis nito ng polo. Ang lapad ng balikat nito at deretso pa kung maglakad. Kahit likod lang nito ang nakikita niya, masasabi pa rin niyang sobrang hot pala nito kapag nabubuwisit. Iyon lang, para siyang baby na may suot na gloves kaya nabubuwisit na rin siya gaya nito.
"Jijin . . ." nakanguso niyang pagtawag dito nang ilagay nito ang mga damit sa hamper na nasa balcony. Nag-puppy eyes pa siya habang nagpapaawa rito.
Ang talim tuloy ng tingin nito nang lingunin siya kaya napahinto siya sa pagpapaawa dahil nangingibabaw ang tawa niya sa pagkainis nito.
"Sorry na . . ." sabi na lang niya sa lalaki.
"I'm not accepting any apologies without remorse. Bukas ko aalisin 'yang mittens mo."
"Uncomfortable na 'ko," malungkot na sabi ni Divine.
"You should be," katwiran agad ni Eugene. "Embrace that feeling until tomorrow hanggang ma-realize mo na uncomfortable din sa 'kin ang ginawa mo kanina."
Nakasunod lang ang tingin ni Divine kay Eugene nang pumasok na ulit ito sa loob at bumalik sa kitchen.
"Magbe-behave na 'ko, promise," sabi pa ni Divine nang pumunta rin sa kusina para sundan si Eugene.
"I'll take that promise, but still, bukas ko pa rin aalisin 'yang mittens. Your promise is different than your punishment. If you suffer right now, it's because you chose to do something wrong and are subject to discipline."
"I'm asking for a bad boy, not a bad man! Tanggalin mo na 'tong gloves!"
"Just be thankful na gloves lang 'yan at nakakalakad ka pa sa unit ko," sabi ni Eugene at hinugasan ulit ang basong pinag-inuman niya kanina at ibinalik sa ref ang naiwang pitsel sa mesa. "Kung itutuloy mo ang reckless actions mo, lalagyan na kita ng leash kapag lalabas ulit tayo."
"You're a psychopath."
"Uh-huh? Give me your best insults because I'm not removing those gloves."
"Ibalik mo na 'ko sa papa ko!"
"Ayoko. Ibabalik kita after three days, 'yan ang usapan."
"Tatawag ako ng pulis, sasabihin kong kini-kidnap mo 'ko!"
"Do that so we'll know kung sino ang mas papanigan sa ating dalawa."
Ibinalik agad ni Eugene ang baso sa cupboard at ipinatong ang magkabilang kamay sa kanto ng dining table at seryosong tiningnan ang asawa niyang naiinis na rin sa kanya.
"Gusto mo ng laro, di ba? Gusto mo 'kong mag-enjoy? Then, maglalaro tayo at mag-e-enjoy ako. Bukas ko na aalisin 'yang mittens mo."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top