Chapter 15
"Ang boring mo palang kasama."
Idinaan na lang ni Eugene sa buntonghininga ang sinabi ni Divine tungkol sa kanya. Hindi niya alam ang isasagot. Ayaw naman niyang ikatwiran ang agwat ng edad nila. Gusto na tuloy niyang tawagan si Luan para malaman kung ano ba ang ginagawa nito dahil magkaedad lang ang dalawa. Noong 25 kasi siya, busy lang siya sa trabaho—sa sobrang busy niya, nakalimutan na nga rin niyang may girlfriend pala siyang dapat inaasikaso.
Namasyal na naman sila, ang kaso, hindi kabisado ni Divine ang pinuntahan nila. Hindi pa niya dala ang kotse niya dahil naiwan sa farm ng mga Vizcarra kaya wala silang magagawa kundi maglakad.
"No'ng 25 ka, may girlfriend ka pa n'on?" usisa ni Divine.
"Yeah," simpleng sagot ni Eugene na mahihimigan ang lungkot.
"Ano'ng ginagawa n'yo kapag nagde-date kayo?"
"Um . . ." Napabuntonghininga na naman si Eugene at tumanaw sa kung saan. "Manonood ng movie? Kakain sa labas? Tapos uuwi na?"
"Oh my God . . . seryoso ba?" nandidiring tanong ni Divine, gusot na gusot ang mukha. "Baka kaya kayo nag-break, kasi boring kang kasama."
Biglang sumamâ ang tingin ni Eugene sa asawa nang marinig iyon. "We were happy together. Hindi lang talaga nag-meet ang needs namin—"
"LOL," putol sa kanya ni Divine kaya lalong sumamâ ang titig niya rito. "Kapag boring ka, boring ka na talaga. Huwag mo nang i-justify."
"We've known each other since we were kids! Never ko namang narinig sa kanyang boring ako," depensa ni Eugene.
"Baka nasanay na lang na boring ka. Come on! Holdap tayo ng 7-Eleven."
"Bakit mo ba gustong mang-holdap?" naiirita nang tanong niya rito.
"Para may thrill! Ano ba?"
"May thrill? 'Punta na lang tayong amusement park!"
"I don't like! Ayun! May 7-Eleven!" Pagturo ni Divine, bigla siyang kumaripas ng takbo papunta sa convenience store.
"Miss Lee!" naiinis nang sigaw ni Eugene at mabilis na hinabol ang asawa niyang inaatake na naman yata ng sakit nito.
Pabagsak pang binuksan ni Divine ang pinto ng convenience store at nagtangkang sumigaw. "Walang kikilos—mmm!" Hindi na niya natapos ang sinasabi nang biglang takpan ni Eugene ang bibig niya at kinaladkad siya papunta sa dulong stall na malapit sa mga refrigerator.
Nakanganga naman ang babaeng store attendant sa counter nang sundan sila ng tingin, nagtataka sa ginagawa nila.
"You know it's a crime, right?" nangangastigong tanong ni Eugene, nakapamaywang pa habang nakatingin sa asawa niyang pakurap-kurap lang habang sinesermunan. "Right?" ulit pa niya.
"I will call that experience," katwiran ni Divine, namaywang din para tapatan ang sermon ni Eugene.
"We won't call it that. And if it is, it's a literal bad one."
"Huwag kang boring."
"Kaya kong hindi maging boring, pero hindi ko kayang maging kriminal. We're not doing any crimes here, okay?"
Umikot lang ang mga mata ni Divine at naglakad-lakad na sa aisle. "You know? Sometimes, you have to do bad things para magka-thrill naman ang buhay mo. Kaya ka siguro walang girlfriend, kasi nga, boring ka talaga." Dumampot siya ng ilang chocolates at candies doon at isinuksok sa loob ng hapit na T-shirt hanggang bumukol iyon sa gitna.
"Miss Lee!" gigil nang hiyaw ni Eugene, pigil na taasan ang boses.
"Ano na naman?" galit ding tugon ni Divine, kunot na kunot ang noo.
"Bring that back!" sermon ni Eugene, turo-turo ang shelf na maraming chocolate.
"Nope! Akin na 'to. Hindi ko 'to babayaran."
"Isa!"
"Dalawa, tatlo, apat, lima—hoy!" Nagulat si Divine nang hatakin ni Eugene ang kuwelyo ng T-shirt niya at ipinasok ang malaking kamay nito mula roon.
"You're doing bad things and I'm not liking it," naiinis nang sabi ni Eugene at kinapa pa ang dibdib ng asawa niya para makuha ang isang Kinder Joy na itinago nito roon. "You're—" Natigilan lang siya nang mapahinto rin ang babaeng store attendant sa dulo ng aisle, dala ang isang cart na puro produktong ilalagay sana sa mga shelf. "She's my wife," katwiran agad ni Eugene at mula sa loob ng T-shirt ni Divine, dinukot niya ang chocolate doon na kinuha nito at ipinakita sa attendant. "Babayaran namin 'to. I have money."
"Wala siyang mon—mmm!" Hindi na naman natapos ni Divine ang sinasabi nang takpan na naman ni Eugene ang bibig niya at nakaladkad na naman siya nito palipat sa kabilang stall na puro na dispenser ng soft drinks at Slurpee.
"If you're only doing this dahil lang may sakit ka, then you're giving me a lot of reasons para hindi ka na palabasin ng bahay," sermon ni Eugene. Pinatalikod niya sa kanya ang asawa at pinaharap sa mababang freezer na puro ice cubes.
Napasinghap si Divine nang ipasok ni Eugene ang magkabila nitong kamay sa loob ng T-shirt niya mula sa laylayan.
"Kung bored ka, maging bored ka lang, but don't do something like this na mangunguha ka ng items nang hindi ka nagbabayad. This is shoplifting."
Pigil na pigil ang hininga ni Divine nang isilid ni Eugene ang ilang mga daliri sa loob ng bra niya para lang kunin pa roon ang ibang candy at chocolate na kinuha niya.
"This is only our first day together without your guards and secretary kaya mag-behave ka, please lang," pakiusap ni Eugene habang inilalapag sa ibabaw ng freezer ang mga candy na mula sa bra ni Divine. Hinatak pa niya ang kuwelyo ng T-shirt nito para silipin ang loob ng damit kung may naiwan pa bang item doon. "Wala ka nang ibang kinuha?" Dinakma pa niya ang dibdib nito at pinisil-pisil ang bra para malaman kung may naipit ba roong plastic sa foam o kung ano pa man na hindi niya agad nakuha.
"Ser, ano 'yang ginagawa n'yo?"
Sabay pa sila ni Divine na napalingon sa kanang gilid. May lumabas doong lalaking attendant sa storage room na may bitbit na case ng mga alak.
Saglit na dumiin ang kamay ni Eugene sa hulma ng umbok na hawak niya at pinanindigan na lang ang ginagawa para hindi masabing may kababalaghang nangyayari doon.
"She's my wife," sabi pa niya sa lalaki sabay pakita ng wedding ring niya sa kamay.
"Help," sabi naman ni Divine.
Mabilis na ibinaba ng lalaking attendant ang case at sumigaw. "Trish, tumawag ka ng tanod, dali!"
"No, you don't understand!" depensa ni Eugene at paatras nang paatras habang yakap na mula sa likod si Divine, hatak-hatak ito. "Mag-asawa kaming dalawa!"
"Tulooooong . . ." mahabang sabi ni Divine, bilog na bilog pa ang hulma ng bibig habang nilalaro ang pagkakabanggit doon ng salita.
"Ser, pakawalan n'yo si ma'am. Please lang, ser," sabi ng lalaki at kinuha na ang floor map na malapit sa counter para itutok bilang pamalo kay Eugene.
"Tumawag kayo ng NBI, ng Crime Division, ng AFP, ng marines, ng mga pulis—" suggestion ni Divine.
"Walang tatawag ng pulis!" galit na sigaw ni Eugene kaya lalong nagulat ang dalawang attendant na nandoon maging si Divine na napatakip ng bibig para pigilan ang paghalakhak. "You! Stay where you are!" babala niya sa babaeng may balak sanang lumabas ng store pero naunahan pa niya. Dinuro niya ito at ang sahig kung nasaan ito.
Nagtaas naman ng magkabilang kamay ang babaeng attendant para sabihing hindi siya lalaban.
Paatras nang paatras si Eugene, yakap ng kaliwang braso ang bandang balikat patawid sa ibabaw ng dibdib ni Divine.
"Walang masasaktan kung walang kikilos sa inyo nang masama, okay?" paalala niya sa dalawang attendant na nandoon. "Aalis kami ng asawa ko without harming anyone. At walang tatawag ng pulis."
"Yeah, we're all good . . ." patango-tango pang sabi ni Divine, nakasukbit na ang magkabilang kamay sa braso ni Eugene na nakayakap sa kanya mula sa likod. "Bye, guys. Thanks for participating!"
Likod na ang ginamit ni Eugene para itulak pabukas ang pinto ng convenience store, at paglabas, ang talim agad ng tingin niya kay Divine na ang lapad ng ngisi sa kanya.
"You're giving me a problem!" pigil na sigaw ni Eugene sa asawa niyang tuwang-tuwa pa nga. Halos maglabasan na ang litid niya sa leeg at sentido, pulang-pula na rin ang mukha sa magkahalong kahihiyan at inis. "I won't tolerate any crimes, okay?"
"Pero ayaw mong magpatawag ng pulis."
"Bakit tatawag ng pulis?!"
"Because you're a bad guy, Mr. Scott."
Pinandilatan agad ni Eugene ang asawa para kuwestiyunin ang sinabi nito.
"Walang masasaktan kung walang kikilos sa inyo nang masama!" paggaya pa ni Divine sa boses ni Eugene kahit pa boses babae pa rin iyon pero pinalalim lang. "Hahaha! You really sound like a bad guy, Mr. Scott. You're doing great!"
"We're going home," pagsuko na lang ni Eugene dahil sasaglit pa lang sila sa panibagong pamamasyal, mukhang mauubos na agad ang dugo niya sa asawa.
Hindi na tuloy siya nagtataka kung bakit tatlo-tatlo ang guwardiya nito. Kung siya si Julio Lee, baka ginagawa pa niya iyong lima.
At para lang hindi na makatakas pa si Divine, akbay-akbay na niya ito at hawak ang kanang kamay nitong nakakrus sa dibdib patawid sa kaliwang balikat. Dahil kung hindi, malamang at sigurado siyang may gagawin na naman itong ikatataas ng presyon niya.
Bumalik sila sa farm ng mga Vizcarra na ang lapad ng ngisi nito. Pinasakay niya ito sa shotgun seat at magpasalamat na lang ang asawa niya na isa lang ang strap ng seatbelt ng kotse niya kada upuan. Dahil kung siya lang ang masusunod, gagawin na niya iyong tatlo o apat para hindi na ito makagalaw pa.
"You planned to steal, you set me up, and you made a scene," singhal ni Eugene habang nagmamaneho. "Puwede kang kasuhan ng shoplifting, petty theft, and alarm and scandal, you know that?"
"Puwede kitang kasuhan ng sexual harrassment—"
"Bakit ako ang kakasuhan mo?!" galit na sigaw ni Eugene at halos mapaurong sa pinto ng kotse si Divine gawa ng gulat.
"Galit ka na niyan?" tanong pa ni Divine. "Uwi na 'ko sa 'min. Balik mo na 'ko sa papa ko."
Kagat-kagat ni Eugene ang labi gawa ng panggigigil habang kuyom ng mga kamao ang manibela para doon ilabas ang pagkainis niya. Nanginginig pa ang mga kamay niyang nanggigigil sa pagkakahawak sa steering wheel.
Sa isang iglap, parang gusto na lang ulit niya itong makita sa susunod na anim na taon.
"Ayoko nang maulit 'to," babala niya kay Divine.
"E, what if mag—"
"Sshh!"
"What if—"
"Sshh!"
"What—"
"Sshh!" Tinapunan agad niya ng masamang tingin si Divine para magbanta. "Ayoko nang maulit, and that's final."
Ngumuso na lang si Divine at tumingin sa labas ng bintana, pero mahahalata sa reaksiyon nito na wala itong balak pakinggan ang gusto ni Eugene.
"Kung bored ka, maging bored ka lang, pero huwag kang gagawa ng masasamang bagay kasi masama nga 'yon," ulit na sermon ni Eugene sa asawa. "You have money, I have money, may pambili tayo ng pagkain, huwag kang magnanakaw. Nasa Ten Commandments 'yan. Even God says so. At alam mo ba kung—"
"Aahh!" malakas na tili ni Divine at halos masubsob siya sa dashboard sa lakas ng pagkakapreno ni Eugene nang makitang nag-red light ang stoplight na hindi nito agad napansin.
Parehong naghahabol ng lakas ng pagtibok ang puso nilang dalawa nang maramdaman din ang malakas na pagbangga ng kung anong bagay sa likuran ng sasakyan ni Eugene.
"What's that?!" natatakot na hiyaw ni Divine. Mabilis pa silang dalawang lumingon sa likuran ng sasakyan at may dikit na dikit na pulang kotse roon.
Mabilis na nag-alis ng seatbelt si Eugene para i-check ang sasakyan niya. "Stay here. Ako ang titingin." Pero naghahanda pa lang siya sa paglabas nang sugurin na siya ng driver ng pulang sasakyan.
"Hoy, gago! Bulag ka ba?"
Nagsalubong agad ang kilay ni Eugene sa nagmumura sa labas ng sasakyan niya. Kinakalampag pa nito ang bintana niya.
"Bumaba ka diyan, putang ina ka!"
"Oh! Excuse me?" gulat pang sabi ni Eugene, hindi makapaniwalang minumura siya ng lalaking ni hindi nga niya alam ang pangalan.
"Mr. Scott, 'wag ka nang bumaba!" natatakot nang paalala ni Divine.
Dahan-dahan namang nagbukas ang bintana sa driver side para makausap ni Eugene ang galit na lalaki sa labas. Tingin niya kay kaedad lang din niya ito o mas matanda lang ito nang ilang taon sa kanya. Naka-T-shirt lang ito at shorts, hindi naman mukhang nagmamadali sa trabaho o kung ano pa man.
"Excuse me, sir, red light," kalmado pang paliwanag ni Eugene nang ituro ang harapan nila.
"Wala akong pakialam, putang ina mo! Sinira mo yung kotse ko!"
"Wala akong sinisira," maagap na katwiran niya. "Binangga mo rin ang kotse ko, at huwag mo 'kong mumurahin." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para sana lumabas at tingnan ang damage sa likuran.
"Mr. Scott!" tili ni Divine na abot-abot na ang kaba sa nangyayari nang lumabas ang asawa sa kotse.
"Binangga mo ang kotse ko kaya magbabayad ka ng damage," paliwanag ni Eugene sa lalaking kaalitan nang lakarin niya ang kalsada para lapitan ang likuran ng sasakyan niya.
"Ikaw 'tong hindi marunong magmaneho! Ako pa'ng pagbabayarin mo? Bobo ka ba, ha!" sigaw nitong nakasunod lang sa kanya.
Pinagtitinginan na sila ng ibang motorista roon na naghihintay na ring magbago ang ilaw sa stoplight. Wala pa naman silang nakikitang traffic enforcer doon kaya may ibang tuloy lang sa pag-andar ng sasakyan kahit hindi pa go signal.
"Ikaw ang bumangga sa kotse ko at naka-red pa ang stoplight," ulit ni Eugene nang makita ang laki ng pinsalang natamo ng likuran ng sasakyan niya. "Don't put your blame on me kung ikaw ang mabilis magpatakbo ng kotse mo."
"Huwag mo 'kong kakatwiranan nang ganyan, bobo ka!" Mabilis itong humugot ng baril na nakatago sa gilid ng shorts. "Ayusin mo'ng buhay mo, hindi mo kilala kung sino'ng binabangga mo!" Mabilis nitong ikinasa ang baril at itinutok sa ulo ni Eugene. Nagsinghapan ang ilang mga kasabayan nila sa kalsada nang maglabas ito ng armas. Umurong pa ang ilang nagmomotor para makaiwas kung magkaputukan nga.
Wala pang tatatlong segundo nang matutukan si Eugene ng baril, naagaw na niya iyon sa kamay ng lalaki. Mabilis niyang hinigit ang kuwelyo nito at pabalibag itong idiniin sa gilid ng sarili nitong sasakyan. Nagulat na lang ito nang masubsob ang mukha sa bubungan ng kotse at huli na nang makita ang sariling tinututukan na ng sariling baril sa tagiliran.
"Ikaw ang umayos dahil hindi mo kilala kung sino'ng binabangga mo," kalmadong sabi ni Eugene at mariing kinuyom ang likurang kuwelyo ng T-shirt ng lalaki. Halos sakalin na niya ito gamit ang sarili nitong damit kahahatak ng tela palikod habang kinakalso ang buong braso niya sa likod nito para hindi ito makagalaw.
Halos mapatalon sa gulat ang lalaki nang lalo pang idiin ni Eugene ang baril sa tagiliran niya. "B-Boss, may pamilya ako, boss. Kasado na 'yan, e," kinakabahan nang sabi nito, nagtataas na ng magkabilang kamay para sumuko.
"Wala akong pakialam kung may pamilya ka," kalmado pa ring sabi ni Eugene at palingon-lingon sa paligid para makita kung gaano karami ang nakakakita sa ginagawa niya. "Ang lakas naman ng loob mong tutukan ako ng baril, ikaw na'ng nakagawa ng atraso. Sira-ulo ka ba?"
"Eugene?" malakas na pagtawag ni Divine nang sumilip na ito mula sa nakabukas na pinto sa driver side ng sasakyan niya.
"I'm good! Don't worry. Balik ka na sa loob," nakangiting utos ni Eugene sa asawa.
"Sure ka?"
"Yes, darling. Sige na. Close the door na."
"Okay." Sumunod agad si Divine at isinara nga ang pinto ng sasakyan.
Ang talim ng tingin ni Eugene sa lalaking sakal-sakal niya ng damit nito. "Pati asawa ko, nag-aalala ngayon dahil sa kagagawan mo. Gusto mong mag-alala rin sa 'yo ang pamilya mo, hmm?"
"B-Boss, p-pag-usapan na lang natin 'to, boss."
"Madadaan pala 'to sa pag-uusap, tinutukan mo pa 'ko ng baril. Bakit? Nandito ba tapang mo? Ako pa'ng tatawagin mong bobo, ikaw 'tong hindi gumagamit ng utak."
"Sorry na, boss."
"May lisensiya ba 'tong baril mo?"
"M-Meron, boss."
"Good." Nilingon ulit ni Eugene ang sasakyan niya at sinilip doon si Divine na nakalingon sa upuan nito at pinanonood siya. Nagsimula na ring umandar ang mga kasabayan nilang motorista dahil nag-go signal na ulit ang stoplight, nilalampasan na lang sila. "Bibigyan kita ng isang minuto para makaalis dito. Kapag nakita pa kita within a minute, hindi lang baril mo ang kukunin ko sa 'yo, naiintindihan mo?"
"O-Oo, boss."
"Sakay." Pabalya niya itong itinulak at binitiwan ang T-shirt na kuyom niya. Pinanood pa niya ang sasakyan nitong umatras at humiwalay sa kotse niyang binangga nito. Pagtingin niya sa plaka nito, For Registration pa ang nakalagay. Ang sama ng tingin niya rito nang panoorin itong umalis at mauna na sa kanila nang lumiko ito sa kabilang lane.
Hinugot agad ni Eugene ang puting panyo niya sa bulsa at ibinalot sa baril na hawak bago bumalik sa sasakyan.
Bakas na bakas naman ang pag-aalala sa mukha ni Divine nang makasakay na ulit siya. Nakasunod ang mga mata nito sa dala niyang inilapag niya sa gilid ng driver's seat.
"What's that?" usisa nito.
"Parts ng tail light na natanggal," pagsisinungaling niya. "Uwi na tayo."
"Okay lang ba yung kotse mo? Tinakasan ka na n'ong nakabangga sa 'yo."
"It's okay. Hayaan na natin siya," katwiran na lang ni Eugene. "Mamaya ko na ipare-repair yung damage. Magpapatawag na lang ako ng mechanic para i-pickup 'tong kotse sa condo pag-uwi natin."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top