Chapter 12
Naghanda si Eugene para libutin ang Pilipinas, mahanap lang ang asawa niyang binibigyan na siya ng trust issue kaya nagbihis pa siya't lahat kung sakali mang kailangan niyang bumiyahe nang alas-nuwebe ng umaga. Iyon nga lang, ang hindi niya napaghandaan ay ang pa-question and answer portion nitong naka-ready pa ang questionnaires sa isang papel, baligtaran.
"Meron ako ritong questionnaires about you at dapat mong masagot lahat within three minutes," nakangiting sabi ni Divine. "Kapag hindi nasagot ang isang taong, babalikan natin habang hindi pa natatapos ang timer. Are you ready, Mr. Scott?"
"Wait! Three minutes?" gulat na tanong ni Eugene at takang-taka na kung bakit may ganoong instruction para sa kanya.
"Yep! Game na!"
"Hindi pa 'ko ready!"
"Naka-set na ang timer," paliwanag ni Divine, hindi nakikinig sa reklamo niya. "May audio transcriber nang nagre-record. Game!"
"Wait—"
"What's your full name?" dere-deretsong tanong ni Divine.
"Full—Eugene Chua Scott!" nagmamadaling sagot ni Eugene.
"What's your nickname?"
"Nickname . . . Jijin? Gene?" kunot-noo niyang sagot.
"Favorite color?"
"Gold!"
"Favorite food?"
"Vegetable salad!"
"Favorite hobby?"
"Hob—accounting?"
"Favorite TV show?"
"TV—Spongebob!"
"Favorite position?"
"Chief Finance Officer!"
"Tag-ulan? Tag-araw?"
"Tag—ha?!"
"Tag-ulan? Tag-araw?" ulit ni Divine.
"Tag-araw!"
"Mommy o daddy?"
"Daddy!"
"Baby o honey?"
"Baby!"
"Sex or chocolate?"
"Why?!" gulat na tanong ni Eugene.
"Sex or chocolate?" natatawang ulit ni Divine.
"I don't like chocolate—"
"Breast or thigh?"
"What?!"
"Breast or thigh!"
"I dunno! Kung alin yung mas malaman?"
"Kung magiging puno ka, anong puno ka?"
"Uh, mango?"
"Why?"
"Because I love mango?"
"Kung makikita mo 'kong nakahubad, ano'ng gagawin mo?"
"Kukuha ng damit!"
"Kung sabay kaming tatalon ng mama mo sa bangin, sino'ng una mong sasagipin?"
"Wala!"
"Bakit wala?"
"Mamamatay lang tayong tatlo."
"What's the best time to watch TV?"
"Uh, at night?"
"What's the best time to do your work?"
"8 to 5?"
"What's the best time to have sex?"
"Before breakfast?"
"Meron kang one million pesos, ano'ng una mong gagawin?"
"Ilalagay sa savings and investment!"
"Ano'ng ibibigay mong gift sa birthday ko?"
"Jewelry!"
"Saan mo gustong mag-honeymoon?"
"Sa beach!"
May natira pang three seconds sa timer bago umingay ang phone ni Divine kasabay ng halakhak niya.
"Oh my God, hindi ko na matandaan ang lahat ng sinabi ko," nagsisising sabi ni Eugene at natulala na lang sa kawalan matapos ang "maikling" pa-fast talk ni Divine sa kanya.
"Okay! Babasahin ko ang answer mo ngayon," natatawang sabi ni Divine at tutok na sa phone.
"Why do I have to answer you that fast?" nagtataka nang tanong ni Eugene.
"Para wala ka nang time magsinungaling," nakangising sagot ni Divine at lalo pang natawa nang mabasa ang na-convert na sagot mula sa audio recording. "Wow . . . I didn't expect your answers."
"You can ask me properly naman, grabe ka," di-makapaniwalang sabi ni Eugene sa asawa. "Bakit ko kailangang magsinungaling sa favorite color ko, hmm?"
"'De, wala. Sa barangay ka na magpaliwanag."
"You should have asked me properly," dismayadong sabi ni Eugene sa asawa niyang may sarili nang mundo sa upuan nito.
"Aw . . . nickname mo, Jijin?" nakangiting tanong ni Divine.
Nakasimangot na ngumuso si Eugene. "Um-hmm."
"Ang cute naman! Puwede kitang tawaging Jijin?"
"You can call me whatever you like."
Lalong lumapad ang ngisi ni Divine. "Jijin . . . hehe."
Parang gusto nang pagsisihan ni Eugene na nagbihis pa siya ng panlakad, hindi naman pala iyon ang dapat niyang paghandaan.
"Favorite color mo, gold. Why gold?" curious na tanong ni Divine.
"Elegant lang. Bagay sa black. And staple sa side ni Mimy ang gold and red."
"Mimy is?"
"I call my mom Mimy."
"Aww . . . that's cute," kinikilig na sabi ni Divine, namula pa nang bahagya ang maputing pisngi. Binalikan niya ang phone at nagbasa pa ng kasunod. "Favorite food mo, vegetable salad. Ayaw mo ng meat?"
"Hindi ako masyado sa meat, pero kumakain naman ako. Mas prefer ko lang ang salad kasi mabilis kainin saka good for digestion. Not really favorite, but best option."
"Hmm, that sounds healthy . . . and boring."
"It is." Tumango naman si Eugene.
"Next, favorite hobby, accounting?"
Natawa na lang si Eugene sa sagot niya nang ma-realize ang tanong. "Not really favorite hobby. 'Yan kasi ang madalas na ginagawa ko, auditing and all that."
"Ang boring naman. Favorite TV show, Spongebob? For real?" gulat na tanong ni Divine.
"Favorite ng pamangkin ko. 'Yan lagi niyang pinanonood."
"Kaya naging favorite mo na rin."
"Somehow. I barely watch TV shows kasi busy ako sa work. If not, busy ako sa pagbisita sa relatives."
"Ang dami mo namang ginagawa," parinig ni Divine. "Favorite position, Chief Finance Officer, hahahaha!"
Nilunok na lang ni Eugene ang kahihiyan gawa ng lutong ng tawa ng asawa niya, Tuwang-tuwa ito sa sagot niya, pero hindi naman niya kasi inaasahan ang mga tanong nito kaya malay ba niya sa mga isasagot?
"Bakit CFO?" tanong nito at bakas sa tono ang pang-aasar.
Napakamot na lang ng batok si Eugene. "Position, right?"
Biglang napatakip ng bibig si Divine para sa mahinang tawa pero bigla rin namang humagalpak makalipas lang ang ilang segundo.
Tikom na lang ang bibig ni Eugene habang tumatawa ang asawa niya. Alam niyang walang mali sa sagot niya. "Your question is wrong," katwiran niya rito.
"Question ko pa yung wrong?!" natatawang tanong ni Divine.
"You should have asked me a specific question. Position saan ba? Position sa company? That's my favorite. What's the matter with that?" depensa agad ni Eugene sa sagot niyang pinagtatawanan ni Divine.
Napapatango-tango na lang si Divine. "CFO . . . okay? Favorite position . . . Chief Finance Officer. So, sanay kang nasa top."
"Kind of," seryoso nang sagot ni Eugene.
"Sanay kang humawak ng tao?" seryoso ring tanong ni Divine.
"Yeah."
"Saan kang part humahawak?"
"Most of the time, in touch ako sa mga nag-o-audit and gumagawa ng weekly reports bago pa sila dumaan sa . . ." Napahinto si Eugene sa sinasabi nang mapansing pinagtatawanan pa rin siya ni Divine, takip-takip lang nito ang bibig. "What's funny?"
"Wala. Happy lang ako," sabi ni Divine sabay halakhak nang mas malakas.
"Let's stop this na nga," saway ni Eugene.
"Hahaha! Joke lang! May secretary ka rin?" pagbabago ng usapan ni Divine.
"Yes. His name is Jordan Cielo."
"Oh . . . yung guy na nagbigay ng schedule mo para sa appointment last year."
"Yes."
"Hmm, okay?" Pinipigil na lang ni Divine ang pagtawa nang basahin na naman ang nasa phone niya. "Tag-ulan o tag-araw, and you chose tag-araw. Why?"
"Masayang maglakad-lakad kapag hindi maulan."
Nagusot ang magkabilang dulo ng labi ni Divine saka tumango. "Reasonable. Mommy o daddy? You answered daddy. Daddy's boy ka ba?"
Napakibit-balikat agad si Eugene. "I really thought it's about being a parent. Malamang daddy ako."
"Hahahaha! Grabe! Ano ba'ng pagkakaintindi mo sa mga question ko?" natatawa na namang tanong ni Divine at nagbasa na naman. "Baby o honey? You said baby. Mas gusto mo bang call sign ang baby?"
"Hindi ko narinig nang mabuti ang question. I heard, it's baby o anim. Nag-baby na lang ako."
"Anim?!" nalitong tanong ni Divine. "What?!"
"I don't know!" depensa ni Eugene. You're speaking so fast!"
"Ang weird mo," sabi pa ni Divine, kunot na kunot ang noo.
"Oh, wow, coming from you."
"Weirdo." Binalikan ni Divine ang binabasa at iyon na naman ang halakhak niya.
"If it's embarrassing to say, don't say it na," paalala ni Eugene. "Kung alin man sa mga sagot ko ang nakakahiyang basahin, please. Spare me the embarrassment."
"Hahaha! Sex or chocolate?" natatawang sabi ni Divine na mangisay-ngisay na sa pagtawa sa sofa. "You're so defensive!" Bumangon siya agad at binasa ang sagot sa phone. "You don't like chocolate. Why?"
"Mabilis akong maumay sa chocolate," katwiran ni Eugene.
"So, sex."
"The options are not even parallel to each other," esplika ni Eugene sa sagot niya. "Nasa magkaiba silang category para pagpilian. I'll accept the question kung vanilla or chocolate ang options; or cuddle or sex."
"Fine, vanilla or chocolate?" pagpatol ni Divine sa sinasabi ni Eugene.
"Vanilla," confident na sagot ng lalaki.
"Cuddle or sex?"
"I chose not to answer that one."
"Why? Bawal KJ."
"Hmm." Namaywang agad si Eugene kahit pa nakaupo lang. "I'll chose both."
Dahan-dahang bumakas ang malisyosang ngisi sa labi at tingin ni Divine. "Gusto mo talaga both?"
"You deserve both naman."
Pigil na pigil ang ngiti ni Divine habang kikibit-kibit sa upuan niya. "Sige, sabi mo, e." Pagbasa niya ulit sa phone, hayun na naman ang tawa niya. "Breast or thigh? Kung alin yung mas malaman? WHY?"
"Mas masarap kainin yung mas malaman!" buong tapang pang sagot ni Eugene, desidido talaga sa sinabi niya. "I mean, chicken!"
"HAHAHAHA! NOOOO!" malakas na sabi ni Divine, ang lakas ng halakhak habang sinisipa-sipa na ang armrest ng sofa.
"IT'S CHICKEN!" matigas na katwiran ni Eugene, halos maglabasan pa sa leeg ang mga litid para lang idikdik ang sagot kay Divine na pulang-pula na ang mukha katatawa.
"I won't buy that chicken thing, Mr. Eugene Scott, hahaha!"
"Your questions are irrelevant, Miss Lee—I mean, Mrs. Scott, whatever. My answer will never define me. Kahit pa answer ko 'yon."
"You're being defensive, Mr. Scott. And your actions speak louder than your answers."
"I assert my rights to avoid being shamed because I'm innocent."
"Fine! Kung hindi 'to chicken, ano'ng pipiliin mo?"
Idinaan na lang ni Eugene sa pagtaas ng magkabilang kamay at balikat ang sagot dahil walang balak magsalita.
"I need answers," pilit ni Divine.
"Whatever na allow akong hawakan."
"What if allowed both?"
"E, di both. I-exhaust natin ang resources kung available naman to grab lahat, so long as it's consensual."
Biglang naningkit ang mga mata ni Divine habang hinuhusgahan ng tingin si Eugene. "Ayaw mo ng mambibigla ka? Yung biglang grab na lang out of the blue?"
"I don't like surprises. Mas okay ako sa planned and approved decisions both parties."
"Don't talk business while I'm asking about touching boobies and ass here. Come on, eat chocolate sometimes."
Tinawanan lang iyon ni Eugene bago nagpatuloy si Divine sa binabasa.
"Kung magiging puno ka, anong puno ka? You said mango because you love mango. I was expecting a more sturdy answer like narra or mahogany because of its symbols, like that."
"I'm okay with mango. Don't be disappointed with my decisions, hindi ako nakapag-review sa sudden Q & A mo."
"Hmm. Hindi kita puwedeng maging estudyante, hahakot ka ng uno," sabi pa ni Divine. "Kung makikita mo 'kong nakahubad, ano'ng gagawin mo? Kukuha ng damit." Nangasim agad ang mukha ni Divine nang tingnan si Eugene. "Ang solid naman ng common sense mo, 'hirap tibagin."
"Reasonable naman na kukunan kita ng damit. I see nothing wrong with that."
"Pa'no 'to? Gusto ko laging nakahubad sa bahay," tanong ni Divine.
"Like yesterday?"
Tumango naman si Divine. "Um-hmm."
"Bibilhan na lang kita ng maraming bathrobe."
"Ayaw mo 'kong makitang nakahubad?"
Napakibit na lang ng balikat si Eugene. "Ayoko lang na makita ka ng mga dumadalaw sa 'kin na nakahubad ka."
"May mga dumadalaw ba?" malisyosang tanong ni Divine, taas-taas ang kaliwang kilay.
"Marami. Students, staff sa HOA, delivery men . . . marami."
"Hmm. Okay," nagdududang sagot ni Divine at nagbasa na lang ulit sa phone. "Kung sabay kaming tatalon ng mama mo sa bangin, sino'ng una mong sasagipin? Sabi mo, wala kasi mamamatay lang tayong tatlo."
"That's rational. I can't just jump because you two jumped din. And besides, cliff na 'yon. Dapat alam na ninyong dalawa ang outcome kung tumalon kayo sa cliff nang walang safety harness. Let's just say that you are both bearing the effects of your rash and unplanned decisions if I cannot save you both."
Nakasimangot lang habang nakaawang ang bibig ni Divine habang naririnig ang paliwanag ni Eugene sa sagot nitong wala.
"Grabe . . ." di-makapaniwalang sabi ni Divine. "So you're telling me na deserve naming mag-suffer kasi choice naman namin 'yon?"
"The suffering is just a result of your impulsive actions. Kaya nga before doing it, dapat nagko-consult ka muna sa ibang tao before diving into that situation para may idea ka rin kung beneficial ba ang gagawin mo sa 'yo or it's just a waste of time."
Saglit pang na-loading doon si Divine, papikit-pikit sa seryosong sinabi ni Eugene.
"Feeling ko, hindi tayo bagay," sabi pa ni Divine at nakipagtitigan kay Eugene na biglang tumipid ang ngiti.
Hindi nakaimik doon si Eugene. Pansin din kasi niyang sobrang opposite nila ni Divine.
"Joke lang!" biglang sabi nito na nagpawala ng namumuo nang lungkot niya. "Hahaha! Ang seryoso mo, grabe. Going back! What's the best time to watch TV? Sabi mo, at night. Ako rin, gusto ko rin at night."
Idinaan na lang ni Eugene sa matipid ang ngiti ang kahit paano'y pagkakapareho nila ni Divine—kahit pa bihira lang din siyang manood sa gabi. Pero at least, gabi rin.
"What's the best time to do your work?" pagpapatuloy ni Divine. "8 to 5. Wow, employee of the month ka siguro lagi."
Tatahi-tahimik pa si Eugene dahil dinadamdam pa ang sinabi ng asawa niya na hindi raw sila bagay pero nabigla siya sa sumunod nitong sinabi,
"What's the best time to have sex? Before breakfast? OMG." Ipinantakip na ni Divine ang papel na kodigo niya ng tanong para sa pinipigil niyang tawa.
"Okay! Let me explain. I thought that was exercise!"
Bumalik na naman ang malisyosang tingin sa kanya ni Divine. "Exercise din naman 'to!"
Napasapo na lang ng noo niya si Eugene dahil sa nararamdamang kahihiyan sa isinagot.
"Sige, bukas, before breakfast, exercise tayo." Kumindat pa si Divine na sobrang diin ang pikit sa kaliwang mata at nakanganga pa.
Napa-face-palm na lang si Eugene sa sinabi ni Divine sa kanya.
"Next! Meron kang one million pesos, ano'ng una mong gagawin? Ilalagay sa savings and investment. Sobrang practical mo, 'no?" pansin ni Divine. "Boring and practical based on your answers. Halatang pinalaki kang maayos ng parents mo. Hindi ka rin exposed sa bad influences."
"Because bad means bad," depensa ni Eugene.
"Yeah, but still, mas type ko pa rin ang mga bad boy, hehe. Ano'ng ibibigay mong gift sa birthday ko? Jewelry ang answer mo." Nagusot ang mukha ni Divine doon. "Honestly, I don't like jewelry a lot. Hindi ko nga rin suot sa kamay ang wedding band ko." Itinaas ni Divine ang kaliwang kamay niya. "Pero nandito siya." Hinatak niya mula sa loob ng T-shirt ang gawa-gawang leather necklace kung nasaan ang wedding ring niya. "Mabilis kasi akong mawalan ng mga ganito kaliliit na alahas, kaya hindi ko talaga gusto ang jewelry."
"You like plushies or cute stuffed animals?" asiwang tanong ni Eugene.
"Yes, mas prefer ko, para may nayayakap ako kapag down ang feeling ko."
"Hmm, I see." Tumango na lang si Eugene at sa lahat ng narinig niya, iyon agad ang umuna sa listahan niya ng dapat ibigay kay Divine sa susunod.
"Last question: Saan mo gustong mag-honeymoon? Sa beach. Wow, very common. Why sa beach?"
"'Yan agad ang una kong naisip because of the ambience and peace. I'm more into peaceful moments with you."
"Sa bagay. Ako, gusto kong mag-honeymoon sa lugar na may rich history and magandang mag-food trip. Or somewhere na maraming fiesta and handaan."
"Somewhere na maingay," dagdag ni Eugene.
"Yeah," pagsang-ayon naman ni Divine at natahimik na naman silang dalawa nang maisip kung gaano karaming detalye sa sagot ni Eugene ang hindi nagtugma sa gusto nilang dalawa.
Himas-himas ni Eugene at palad at hindi na alam kung saan titingin basta hindi sa mga mata ni Divine. Kahit bahay naman niya iyon, siya pa ang naglibot ng tingin na para bang unang beses niya roon sa sala niya.
"Pahabol na questions," pagbasag ni Divine sa katahimikan nila.
Kagat na ni Eugene ang labi dahil sa kaba nang salubungin ang tingin ni Divine. "Hmm?"
"What if ganito ang case natin na opposite tayo ng gusto. Given that you are older than I am, would you rather change me to suit your preferences?"
Napahugot ng hininga roon si Eugene at patango-tango nang maintindihan ang punto ng tanong. "Guide you to do or to act accordingly based sa situation, might be. But will I change you based on my preferences? Never."
"Why?"
"If I want to change you, sana nagpakasal na lang ako sa iba na meron na ng preferences ko para hindi na mahirap ang adjustments," siguradong sagot ni Eugene. "If you want to change, for reasons we couldn't tell, it's on you. Pero kung mas happy ka for who and what you are, mas okay ako. After all, I had five years to choose who to marry and had several options of families from which to pick my bride, and now we're here. Kung mag-suffer man ako sa decisions ko because of our differences, it's on me, and I deserve it because I chose it in the first place."
"So, naka-ready ka na sa suffering?" makahulugang tanong ni Divine.
"I won't call it suffering. I'll take them as problems that require solutions, and I'm obligated to give solutions to those problems. Suffering might be part of finding solutions since problems are meant to be hard. If it's not hard, then it's not a problem."
Dahan-dahang lumapad ang ngiti ni Divine sa lahat ng sinabi ni Eugene sa kanya.
"You're good," nakangiting sabi ni Divine. "I like you."
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top