Chapter 11


Ngayon na lang ulit nakabisita sa condo ni Eugene si Divine kaya hindi rin siya masisisi ng sekretarya nito kung halos ayaw niyang isuko ang asawa niya para maiuwi muna ito sa bahay nila.

Sinabi na niyang wala ngang damit si Divine dahil nilabhan niya, pero hayun at may dala nang paper bag na may damit si Miss Van para dito pagbalik ng sekretarya.

"Bakit hindi siya puwedeng mag-stay tonight?" tanong ni Eugene na hawak ang kanang kamay ni Divine habang nasa pintuan sila ng condo niya.

"Iinom pa siya ng gamot, Sir Eugene," sabi ni Miss Van at hatak na rin ang kaliwang kamay ni Divine para palabasin ito ng condo.

"Di ba, mas convenient kung dadalhin mo na lang dito ang gamot niya kaysa dalhan mo siya ng damit?" paghatak ni Eugene para bawiin ang asawa niya.

"Hindi pa kasi kayo nabi-briefing about doon."

Hinatak ulit ng sekretarya ang kamay ni Divine.

"You or anyone should have informed me about that half a decade ago but no one did. Kailan n'yo 'yan gagawin?" katwiran ni Eugene.

"Sir, sumusunod lang ako sa protocol."

"Protocol, huh?"

"Babalik ako bukas," pag-awat na ni Divine sa dalawa. Tinapik-tapik na niya ang kamay ni Eugene para bitiwan siya.

"I don't trust that anymore," kontra agad ni Euene.

"Babalik ako, promise. 9 a.m.," sabi pa ni Divine. "Kapag hindi ako bumalik, puntahan mo yung bahay ni Papa, nandoon lang ako."

Kitang-kita sa reaksiyon ni Eugene na masamang-masama ang loob niya sa pag-alis ni Divine. Inabot pa nang ilang segundo bago niya ito bitiwan.

"Kapag wala ka pa pagdating ng 9 a.m., pupunta talaga ako sa inyo," warning pa ni Eugene.

"Do whatever you want, may go signal ka from me," sabi na lang ni Divine sa pagod na boses nito at nagpahatak na sa sekretarya.

Pinanood na lang ni Eugene na umalis na naman ang asawa niya. Hawak ito ni Miss Van sa balikat papunta sa elevator area. Lumabas pa siya ng unit at tumambay sa hallway para panoorin ang dalawang umalis.

Ayaw talagang paalisin ni Eugene si Divine. Kahit pagpunta pa lang sa elevator, kita niya ang pagod ng asawa niya. Matangkad si Miss Van at tingin niya ay matanda lang ito nang ilang taon sa kanya. Hanggang leeg lang nito si Divine. Kahit mukha itong masungit dahil laging nakasalamin at nakapusod ang buhok, halatang kampante rito ang asawa niya. Habang naghihintay ng elevator, yumakap pa si Divine dito mula sa likod at isinubsob ang mukha nito sa bandang balikat ng sekretarya. Deretso lang ang katawan ni Miss Van at para bang walang nakayakap dito habang naghihintay ng elevator.

May dalawang anak na ang sekretarya ni Divine at kinse anyos na lalaki ang pinakamatanda. Single mom ito at hindi na rin interesado pang mag-asawa. Tingin ni Eugene ay mas alaga pa ni Miss Van si Divine kaysa sarili nitong mga anak.

Hindi inalis ni Divine ang pagkakayakap sa sekretarya at pumasok lang ang dalawa sa bumukas na elevator na ganoon ang ayos nila.

At hayun na naman ang panibagong gabi ng pagtatanong kung kinabukasan ba, makikita ulit niya ang asawa o maghihintay pa ulit siya ng panibagong buwan—o taon—sa pagbabalik nito.

Lulugo-lugo tuloy siyang bumalik sa condo habang nakanguso gawa ng pagkadismaya.

Inggit na inggit na siya sa kapatid niyang nauna pang mag-asawa kaysa sa kanya. Alas-singko ng madaling-araw ito gumigising para asikasuhin ang asawa nitong si Ikay bago ihatid sa hotel kung saan iyon nagtatrabaho. Pagdating ng alas-sais ng gabi, susunduin na nito ang asawa sa hotel at uuwi sa bahay ng biyenan nito kung saan ito nakatira na kasama ang buo nitong pamilya.

Kung mataon mang magkakasama sila tuwing day off ni Ikay at may simpleng salo-salo ng dalawang pamilya, makikita niya ang kapatid na ipinaghihiwa pa ang asawa nito ng karne. Kung hindi naman, susubuan nito si Ikay.

At dahil naiinggit nga siya, kukunin na lang niya si LA para ito naman ang subuan. Pero tatanggi pa ang bata kasi biglang sisigaw ng "Dada!" para ang daddy niya ang mag-asikaso rito. Kahit kandong na niya ang pamangkin, lilipat pa ito sa lolo para iyon ang mag-asikaso na rito. Mama na lang niya ang sinusubuan niya dahil wala na siyang ibang choice.

Mas lumalala pa ang inggit niya dahil noong may girlfriend pa siya, bihira lang din niya iyong maasikaso dahil tutok siya sa trabaho. Isa pa naman iyon sa mga iniisip niyang dahilan kung bakit sila naghiwalay—hindi niya ito natutukan bilang girlfriend.

Gustuhin man niyang bumawi na ngayon sa asawa niya, paano naman siya makakabawi kung tinangay na naman ito ng sekretarya nito paalis sa condo niya?

Iniisip na lang tuloy niya na baka kaya siya nabubuhay ay para mainggit na lang talaga sa love life ng pamilya niya. Sobrang sweet ng daddy niya sa mama niya. Sobrang caring ng kapatid niya sa asawa nito. Di-hamak pa ngang mas mabait siya sa mga ito. Sweet and caring din naman siya, pero may question mark pa roon kasi missing in action lagi ang dapat aalagaan niya.

Nag-promise si Divine na alas-nuwebe ng umaga, naroon na raw ulit ito sa condo niya. Hiningi niya ang number nito pero ni minsan ay hindi ito sumagot sa tawag o text niya. Nagpaliwanag naman ito na ayaw nito ng iniistorbo kapag kailangan nitong mag-focus.

Naintindihan naman niya iyon dahil ganoon din ang bunsong kapatid niya. Inis na inis din si Luan kapag inaabala ito sa review kaya iintindihin na lang niya ang asawa hanggang sa abot ng pasensiya niya.

♥♥♥

Nangako si Divine na babalik sa condo ni Eugene pagdating ng alas-nuwebe ng umaga. Inasahan iyon ni Eugene. Nagbihis pa siya ng panlakad, kung sakali lang na mapadpad na naman sa kung saang lupalop ng Pilipinas si Divine, para lang masundo ito dahil ayaw na niyang maghintay kung kailan siya nito tatawagan.

Naghihintay siya sa sala ng condo, binibilang ang galaw ng kamay ng orasan na malapit nang mag-alas-nuwebe. Pero quarter to 8 pa lang nang may manggigil na naman sa doorbell niya.

Mabilis ang pagtayo ni Eugene at pagtakbo sa pintuan para lang buksan iyon. Malapad agad na ngiti ang ibinungad niya sa taong may balak sumira ng doorbell niya.

"Hi!" masayang bati niya rito.

"Hi, Mr. Scott!" masaya ring bati nito, kuyom ng mga palad ang strap ng backpack na suot.

Itinaas agad ni Eugene ang kamay sa kanto ng pinto para patawirin doon si Divine sa ilalim. Palukso-lukso naman itong pumasok sa condo niya kaya alam na niyang hindi pa ito nakakainom ng gamot.

"Have you already had your breakfast?" tanong agad niya sa asawa na dumeretso sa sala.

"Yep!"

"Uminom ka na ng gamot?"

"Vitamins, yes!" Naupo si Divine sa sofa at kinandong ang bag na dala.

"You're early," puna ni Eugene, pero nagantihan agad siya nito.

"May lakad ka?" tanong ni Divine sabay turo sa damit ni Eugene.

"Um . . ." Napatingin din siya sa suot. "Wala naman. Na-miss ko lang suotin 'to. Gift 'to sa 'kin ng mommy ko, e," palusot niya.

"That's cute!" masayang sabi ni Divine at nginitian siya.

Napansin agad niya ang suot nito. Hapit na T-shirt lang na light blue at may print na unicorn sa dibdib. Pinaresan iyon ng white shorts na hanggang tuhod ang haba at sobrang luwang. Ang sandals nito ay iyong mukhang pambahay na kulay puti rin.

"May bag ka nang dala," pansin ni Eugene nang maupo sa single-seat sofa sa gilid ng inuupuan ni Divine.

"Yeah. Vanessa prepared this for me. Three days daw muna ako rito sa 'yo." Ilang beses tinapik ni Divine ang bag sa kandungan niya. "I got my clothes here, my medicines, my notepads, and toiletries."

"Three days lang?" dismayado pang tanong ni Eugene.

"I can't stay for too long kasi inaayos pa ang documents ko. They're considering na huwag ko munang gamitin ang Scott until graduation ko ng business ad."

"That's fine with me," sagot ni Eugene. "For sure, mas marami kang lalakaring papers and ID kung gagamitin mo ang surname ko."

"Yeah, sobra." Mabilis na tumango si Divine. "Sure na wala kang lakad?"

"Wala!" Mabilis na umiling si Eugene. "Alam ng papa mo na dito ka muna sa 'kin?"

"He asked me pala na baka puwedeng dito ako until next year. Pero baka kasi mabigla ka kapag dinala ko lahat ng gamit ko rito, so one task at a time muna. But who knows? Baka bukas, nasa pintuan mo na lahat ng laman ng kuwarto ko." Tumayo na si Divine at nilingon ang direksiyon ng pasilyo papunta sa kuwarto ni Eugene.

"Lagay ko lang mga gamit ko sa kuwarto, ha?"

"Yeah, sure!" masayang tugon ni Eugene at dumeretso na agad sa kusina para paghandaan ng inumin si Divine.

Kanina pang alas-sais nakahanda sa ref ang pineapple juice at cake na ibibigay na lang dito pagdating.

Three days daw ito sa condo niya kaya kailangan na niyang i-budget ang oras niya dahil wala itong trabaho pero siya ay meron. Paniguradong masasagasaan nito ang office work niya habang nasa condo ito.

Hindi naman niya unang beses na may makakasamang babae sa bahay, pero hindi niya puwedeng gawin ang nakasanayan niya noon dahil sobrang layo ng ex-girlfriend niya kay Divine. Bigla tuloy siyang napaisip nang maalala si Carmiline. Kahit paano, marunong itong magpaalam kung balak nitong umalis. Si Divine, bigla-bigla na lang nawawala at mahirap pang kontakin kapag kailangan niyang kausapin. At dapat niyang iwasan ang biglaang pag-alis nito.

Pagbalik ni Divine sa sala, napansin agad nito ang mga inihanda niya.

"Nice! Prepared!" puna nito.

"After three days, uuwi ka na ulit sa papa mo?" tanong ni Eugene pag-upo nilang dalawa.

"Probably. Nandoon ang mga gamit ko, e."

"Kailan ka babalik dito?" usisa ni Eugene at umaasa na siya ng mas magandang sagot ngayon.

"Soon. Or any time na ready to transport ang mga gamit ko rito." Kinuha ni Divine ang inumin at inalok si Eugene pero tinanggihan ng lalaki.

"No, that's for you. Kanina pa 'ko inom nang inom."

"Okay." Tumango lang si Divine at tumahimik ang paligid habang umiinom siya.

Ilang minuto ring katahimikan ang nangibabaw. Nakasalikop ang mga palad ni Eugene at nakapatong sa mga tuhod, para bang aplikanteng naghihintay tawagin ng mag-i-interview sa kanya. Si Divine naman ay pinaglalaruan pa ang paghigop sa straw ng pineapple juice.

Nagtagal pa nang ilang minuto ang sari-sariling mundo nilang dalawa kahit magkalapit lang naman ng upuan bago nagsalita si Eugene.

"Um, Divine . . ."

"Hmm?"

"Um . . . bale—"

"Oh! I remember something!" biglang putol sa kanya ni Divine at may hinugot ito sa bulsa. Nakatuping papel iyon, dalawang pilas. "I always take notes kasi mabilis mawala sa utak ko kapag wala akong reminder."

"Oh . . . good," sabi na lang ni Eugene at idinaan sa pagtango ang pagtugon sa asawa. "What's that?"

"Some things to consider before I live here with you," sabi ni Divine at kagat-kagat na ang straw ng juice saka binasa ang unang pilas ng papel na nakabuklat na. "Want me to read it now or later na lang?"

"Now na lang. Wala naman tayong pinag-uusapang iba."

"Okay! I'll start." Tinitigan ni Divine ang papel at binasa ang nakasulat doon. "House rules."

"House ru—" Napakunot ang noo ni Eugene at hindi natapos ang sinasabi nang mapaisip.

Bakit may house rules si Divine samantalang bahay niya naman ang titirhan nito?

"I wake up early. Hindi naman sobrang early, but yung reasonable early."

"Mga 5 in the morning?" hula ni Eugene.

"Yeah, around that time," pagsang-ayon ni Divine. "I don't cook. Reasons? Muntik ko nang masunog ang kitchen namin dati after kong maiwan ang stove na nakabukas. I'm not allowed to touch or hold any knives, and I'm far from being a good cook. So don't expect me to prepare food for you kahit microwable pa 'yan."

Mabilis na tumango si Eugene para sabihing naiintindihan niya.

"I barely wash dishes," pagbasa ni Divine at saka dinipensahan iyon. "I know how, pero mabilis akong ma-distract ng bubbles. But if you want me to help you, I can help you wash dishes, basta makokontrol mo ang pattern ng activity ko."

Tumango agad si Eugene doon. "Sure, no problem with that."

"I don't do cleaning sa house. I experienced doing that, but hindi ako yung expert talaga sa cleaning."

"Don't worry, may hired cleaning service dito sa condo ko."

"Oh, much better!" Binalikan ni Divine ang binabasa. "And then . . . virgin pa 'ko."

"Oh, oka—huh?" Mabilis na napa-steady ng ulo si Eugene sa gagawin sanang pagtango ulit. Salubong ang kilay niya nang magtaka kung paano sila napunta roon samantalang inaasahan pa naman niyang tungkol sa condo niya at house rules ang usapan nila.

"Pero horny ako most of the time. Pero ayoko munang magka-baby. Pero open ako sa idea ng sex. Pero ayokong mabubuntis ako agad. Baka kasi hanapan mo 'ko ng baby, hindi pa 'ko ready. I mean, hindi naman sa ayoko ng baby, pero baka kasi kapag umiyak siya, baka sabay lang kaming umiyak, tapos ma-annoy ka sa 'ming dalawa, tapos i-evict mo yung isa sa amin or kami both kasi super ingay namin, you know?"

Napangiwi tuloy si Eugene sa narinig. "But . . . you're my wife, and . . . that's our baby?" katwiran niya. "Bakit ko kayo i-e-evict sa bahay natin?"

"Because . . . we're noisy?" di-siguradong sagot ni Divine, nanliliit pa ang mga mata, sinusukat kung tama ba siya ng sagot.

"Uh-huh?" sarcastic na tugon ni Eugene habang tumatango. "I don't throw babies just because they're noisy. Just to be clear about that part. No one's evicting anyone in my house, especially babies."

"Oooh . . . that's very . . . human." Patango-tango pa si Divine, parang bilib na bilib sa sagot ni Eugene sa kanya.

Saglit na pinandilatan ni Eugene ang asawa niyang parang plano talagang magtapon ng baby kapag narinig itong pumalahaw ng iyak.

"I love babies," mabilis na sabi ni Eugene at tumango pa para papaniwalain si Divine. "I have a niece. Her name's Lou Anne. Magti-three na siya sa June 15. Sobrang cute niya. She's one of my favorite people in the world. Kapag umiiyak siya, hina-hug ko lang siya, and I love taking care of her. Always."

"Wow . . ." mahinang sagot ni Divine na para bang napaka-magical ng sinabi ni Eugene. "I . . . I have an Egyptian Mau, it's a gray cat with cute prints. Yeah. His name is Taio. Sobrang cute din niya. He's my favorite cat in the world."

"Oh . . ." Tumango na naman si Eugene. "I'm a dog person."

"Ah . . . I—I like dogs, too. Pero sa picture lang. Ayoko ng barks nila kasi nati-trigger ang anxiety ko."

"Aw, that's sad. But okay lang. I have a dog before pero nasa brother ko na ngayon."

"Oooh . . . si Taio, nasa bahay lang. Ayaw umalis kasi maarte. Saka tamad 'yon. Saka masungit. Ayaw n'on ng hinahawakan na lang siya basta. Kapag hinawakan mo siya, bigla siyang mangangalmot or maghi-hiss siya sa 'yo kapag hindi kayo close. Saka super demanding din. Sobrang ingay niyang mag-meow kapag naghahanap ng attention or food. Pero sweet naman 'yon, selective nga lang."

"Ah . . ." Marahang tumango si Eugene. "I really thought for a second that you were talking about my brother."

"Hahaha! Same bang temperamental?" natatawang tanong ni Divine.

"Yeah. Sobrang temperamental. Medyo bad boy."

"Mahilig ako sa mga bad boy," nakangiting sabi ni Divine na nagpawala ng ngiti ni Eugene.

"Oh. Really? Why?" tanong agad niya.

"Wala lang. Parang mas sweet kasi kung sa akin lang siya sweet tapos masama ugali niya sa iba."

Nagusot ang mukha roon ni Eugene kasi kulang na lang, sabihin ni Divine na mas gusto nito ang kapatid niya kaysa sa kanya. Ganoon kasi mismo ang ugali ni Luan. Napakasungit sa lahat pero ubod ng lambing kay Ikay.

"Mas okay kung sweet yung guy all the time," katwiran ni Eugene.

"Ang weird kaya n'on kung sweet siya sa lahat. Parang sweet siya sa 'yo kasi ganoon na siya in the first place. Compared sa bad boy na sa 'yo lang sweet," depensa ni Divine sa type niya.

"But I draw boundaries naman," paliwanag ni Eugene sa panig niya. "Siguro, hindi counted doon ang pagiging polite. Puwede kang maging polite pero hindi mo need maging sweet. Something like that."

"Hmm. I'll think about it," sabi na lang ni Divine at binalikan ang listahan niyang binabasa. "Um, where was I? Hmm. Ayun, moody ako, and I frequently disconnect to everyone, kahit sa parents ko or kina Vanessa. So if you happen to see me in the corner and don't want your presence near me, please understand my mood na lang. Hindi ko rin kasi 'yon nako-control. Some times, I just want to be alone."

"Okay, I'll take note of that."

"And . . . then . . . dapat may nagpapaligo sa 'kin or nagbabantay sa pagligo ko."

Saglit na nandilat doon si Eugene gawa ng gulat. "As in . . . bath time?"

Tumango naman si Divine. "Yeah! Hindi ko rin kasi nape-predict ang mood ko, so hindi ko alam kung ano'ng puwedeng mangyari during my bath time. I once drowned myself in the bathtub because I felt like drowning myself, at ayoko nang maulit 'yon kasi hindi ko naman talaga 'yon ginusto. Parang—"

"Nangibabaw ang id over superego?" curious na tanong ni Eugene.

"Yeah, parang ganyan."

"So . . . sasabayan kitang maligo?" naaasiwang tanong ni Eugene.

"Puwedeng hindi naman sabayan. Hindi naman ako sinasabayan ng yaya ko. Parang she's checking lang kung may gagawin akong weird or unusual things na puwedeng pumatay sa 'kin in an instant."

"Oh. Okay. Noted."

"Um, then . . ." Binalikan ni Divine ang binabasa. "Malikot akong matulog."

"Yeah, already know about that one."

"Sorry na agad."

"It's okay. I'll hug you na lang para hindi ka maglikot."

Tinapunan ng malisyosang tingin ni Divine si Eugene dahil doon. "Be thankful, asawa mo na 'ko. I won't question your intention na kung sakaling yakapin mo 'ko bigla habang natutulog."

"You can't question my intention kasi ang hirap mo ring gisingin kapag tulog ka," katwiran ni Eugene.

"Hmm, that makes sense. Considered. And lastly . . ." Itinupi agad ni Divine ang papel saka inilipat ang tingin kay Eugene. "I have different moods, but ganito ako most of the time. Kapag sobrang serious ko na, it means nag-take ako ng antipsychotic meds ko. Pinapababa n'on ang pagiging hyper ko, then slowly, kumakalma ako, and usually, bigla na lang akong aantukin pero hindi nakakatulog. Parang gusto ko lang mahiga kasi feeling ko, pagod ako."

"Gaya kahapon," sabi ni Eugene nang maalala ang asawa pagdating nito sa condo niya.

"Yeah, gaya kahapon. Hindi siya biglaang effect, hindi rin ako nagkakaroon ng amnesia because of that, so aware ako sa nangyari, but I have no proper control over it, that's why regulated ang pag-inom ko ng gamot. May checkup ako once a week, every Saturday, 6 p.m."

"Yesterday!" hiyaw agad ni Eugene.

"Yeah, yesterday."

"You didn't tell me."

"Hindi pa naaayos ni Vanessa ang schedule ko, but maybe, I'll tell you kapag okay na 'yan. Ayun lang!"

Napasapo agad ng noo si Eugene. "Shocks, I forgot to take notes."

"It's okay. You can ask me some time later. Mahaba pa naman ang araw, may part two ang ating getting to know each other day today!" masayang balita ni Divine.

"Oh! Part two?" gulat na tanong ni Eugene at mukhang hindi siya makakampante sa part two dahil bigla na lang ngumisi nang hindi katiwa-tiwala si Divine sa kanya.

"Sana ready ka, Mr. Scott. Kasi ako . . . ready na 'ko."

Iyon lang ang problema, hindi siya ready sa plano nito.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top