Chapter 10
April na pero feeling single pa rin si Eugene na nagtatanong tungkol sa asawa niyang tatawagan na lang daw siya ng sekretarya nito kapag tapos na ang thesis na ilang buwan na nitong ginagawa.
Matagal na siyang walang girlfriend. Matagal na rin siyang hindi nagkaroon ng interes magka-love life. Fifteen years din sila ng ex-girlfriend niya at halos lahat ng nakakakilala sa kanila, minsan na ring umasa na sila ang magkakatuluyan. Hindi rin naman kasi biro ang labinlimang taon at halos nakalakihan na lang nila ang isa't isa. Pero matagal na rin niyang tinanggap na wala nang saysay ang manghinayang pa sa mga taon na iyon. Mas pinili na lang niyang mamuhay nang mag-isa habang nag-aalaga ng aso.
At dahil wala na siyang aso, mas ramdam niya ang pag-iisa sa condo niya. Kaya naman wala ring nag-uusisa sa kanya kung mas dumalas ang pagbisita niya sa bunsong kapatid na busy sa bahay ng daddy nila. Madalas sa madalas kasi, laging magkasama ang kapatid niya at ang anak nito. At para naman may magawa tuwing day off, nakikipaglaro na lang siya sa bata habang nagtatrabaho naman ang daddy nito.
Pero Sabado at wash day niya. May balak siyang dumalaw ulit kina Leo para makipaglaro ulit kay LA pagkatapos niyang maglaba.
Dati, nagtatanong siya sa daddy niya kung bakit ito ang naglalaba dahil nakikita niya sa ibang bahay na madalas ay nanay o may kasambahay na gumagawa n'on. Sinabi lang sa kanya ng daddy niya na busy ang mommy niya kaya ito ang naglalaba. Pero noong tinanong naman niya ang Ninong Clark niya, sinagot lang siya nito na ayaw lang daw ng daddy niya na mapagod ang mommy niya. Noong mommy na niya ang tinanong niya, sinagot siya nito na kaya daddy niya ang naglalaba ay dahil love ng daddy niya ang mommy niya.
Minsan na niyang tiningnan ang paglalaba nilang tanda ng pagmamahal, at hindi na lang siya nagreklamo noong nalaman niyang may trust issues lang pala ang daddy niya kaya ayaw nitong kumuha ng maid at bored lang ito kaya nag-uubos ng oras sa paglilinis at paggawa ng mga gawaing-bahay.
Busy siya sa pagsasampay ng mga damit nang may mag-doorbell.
"Sandali lang po!" magalang na sigaw niya mula sa balcony.
Nagpapagpag pa lang siya ng basang kamay nang magsunod-sunod ang doorbell kaya nangunot agad ang noo niya dahil sa sunod-sunod na ingay.
Pagbukas niya ng pinto ng condo, napataas ang magkabila niyang kilay nang tuloy-tuloy na maglakad papasok si Divine. Itinaas pa niya ang brasong nakahawak sa kanto ng pinto para hindi mabangga roon ang ulo nito.
"Divine?" tawag pa niya rito nang isara niya ang pinto. Sinundan niya agad ito nang pumunta ito sa kitchen niya. Inobserbahan niya ito at nakasuot ito ng mas maayos na damit kaysa noong unang dalaw nito. Black and white sleeveless blouse na may ruffles sa bandang dibdib. Naka-tuck in iyon sa pencil-cut skirt nitong kulay puti at hanggang tuhod nito ang haba. Naka-stiletto rin ito na kulay itim at gusto na niyang magtanong kung saan ito galing at naka-formal attire.
Binuksan nito ang ref at kinuha roon ang tumbler niya ng tubig na babaunin sana niya sa biyahe papunta sa bahay ng daddy niya.
"Saan ka galing?" tanong niya rito.
Nagtaas ito ng hintuturo para sabihing sandali lang dahil umiinom pa ito. Napalobo na lang ng pisngi niya si Eugene sabay sapo sa bibig niya dahil naubos ni Divine ang laman ng tumbler niya kaya mukhang mapapasalin na naman siya ng panibago.
"Whooh!" biglang buga nito at inilapag sa kitchen counter ang tumbler saka siya tiningnan. "I heard na hinahanap mo raw ako."
Pigil ang salita ni Eugene dahil sa sinabi ni Divine.
I heard . . .
April na! Ngayon lang nito "narinig" na hinahanap niya ito samantalang December pa noong nakaraang taon sila nagkita at apat na buwan na niya itong hinahanap.
"You look mad," napapangiti pang sabi nito kahit pilit. "Galit ka?"
"I really expected na magnu-New Year tayo together," dismayadong sabi ni Eugene.
"Oh . . ." Tumango-tango pa si Divine at tumanaw sa bintana ng kitchen ni Eugene, kitang-kita roon ang langit at city view sa malayuan. "Um, I didn't celebrate any occasions mula pa last year."
"That's not the point. Sana tinawagan mo man lang ako after ng kasal natin." Sinundan ni Eugene ng tingin si Divine nang maglakad na naman ito palapit sa kanya.
"That can't be," mabilis na sagot nito. "I was working on my thesis. Literally, after ng wedding natin, nasa biyahe na agad ako para ituloy ang ginagawa ko."
"Where have you been?" tanong agad ni Eugene nang lampasan lang siya ni Divine. "Bakit hindi ka makausap? I called Miss Van so many times para itanong kung puwede ka bang tawagan."
"Hindi mo 'ko mari-reach out kay Vanessa kasi nasa Manila siya while nasa Abra ako," paliwanag ni Divine na dahilan ng paghinto ni Eugene sa pagsunod sa asawa. "I told you; she'd told you; everyone knew na tinatapos ko ang thesis ko, and I couldn't finish that kung madi-distract ako. Aware ka naman siguro sa haba ng attention span ko."
Sinusundan ng tingin ni Eugene si Divine at napansin niyang wala ang kulit ito at sobrang seryoso na naman.
"The Dardennes offered to open their connections para sa study," pagpapatuloy ni Divine. "Five provinces ang need kong libutin to check everything in micro-level. Hindi ka puwedeng manghula ng variables sa bahay lang, especially ang topic ko ay naka-focus sa diagnosis ng causes ng chronic poverty sa rural area ng North Luzon. Nag-dissertation ka rin, right? You should know."
Nakita na lang ni Eugene ang sariling nakanganga habang nakikinig sa mga sinasabi ni Divine. Ibang explanation ang inaasahan niya—yung hindi tunog technical dahil nagre-research nga talaga ito.
"Anyway, kanina lang after lunch natapos ang graduation namin, at last. Puwede na 'kong magpahinga."
Mabilis na humabol si Eugene kay Divine dahil nagtuloy-tuloy ang lakad nito papunta sa dulo ng condo niya. Ni wala itong paalam na pumasok sa kuwarto niyang hindi naman naka-lock.
"Wait ka lang diyan!" sabi ni Eugene at mabilis na binalikan ang sinasampay niya para tapusin iyon. Litong- lito na tuloy siya kung saang direksiyon ba pupunta dahil gusto pa sana niyang makausap si Divine, pero sayang ang sikat ng araw sa balcony at nakababad pa ang mga nilabhan niya sa tubig.
Para siyang nagpapasok ng ibang tao sa loob ng condo niya dahil hayun na naman si Divine sa kawirduhan nito.
Pero sa isang banda, sa sandaling mga minuto na 'yon, para bang naglaho ang lahat ng inis niya sa hindi nito pagkausap sa kanya sa nakaraang halos apat na buwan na.
At higit sa lahat, naintindihan kahit paano ang sinasabi ng Lola Diyosa niya kung bakit si Divine ang napili nito bilang mapapangasawa niya.
Tinapos niya ang pagsasampay ng mga damit at binalikan ang kuwarto niya kung nasaan si Divine.
"Div—" Napaatras na naman siya at hindi na naman alam kung saan pupunta dahil nakadapa na roon sa kama niya si Divine, yakap ang unan na pinagpapatungan ng ulo nito, at walang ibang suot kundi white lace thong na lang.
Nagtaas ng hintuturo niya si Eugene para manermon pero para bang nakabara ang lahat ng sermon niya sa lalamunan at hirap na hirap siyang ilabas, mas lalo na ang lunukin.
Sa huli ay napabuntonghininga siya at sumuko na lang. Hinanap niya ang damit nito sa sahig, pero wala siyang nakita. Pagpasok niya sa kuwarto, namataan agad niya ang mga damit nito na maayos na nakasampay sa sandalan ng ladderback chair na nasa dresser. Panibagong buntonghininga na naman habang nakapamaywang siya.
Mukhang may iba pa siyang lalabhan sa araw na iyon maliban sa mga damit niya.
Nilapitan niya ang kama at tiningnan ang "bisita" niyang hindi naman dapat bisita pero nagmumukha nang bisita dahil dadalawang beses pa lang niyang nakikita sa condo niya at pang-anim na beses din sa personal sa loob ng anim na taon.
Mataas pa ang araw. Wala pang alas-tres ng hapon at sobrang liwanag pa sa kuwarto niya dahil sa nakabukas na floor-to-ceiling sliding door patungong balcony. Hindi niya alam kung ipagpapasalamat ba niyang wala silang katapat na building kaya malaya si Divine na makakapaghubad nang hindi man lang nako-conscious.
Napapahimas na lang ng batok niya si Eugene na biglang nag-init at nagtitindigan ang mga balahibo. Pilit iniiwasan ng mata niya ang babaeng nakahiga sa kama niya na wala na ngang halos suot.
"Divine, magkumot ka nga."
"Mainit," sagot nito sa magaspang na boses.
Nakapikit nang nagbuntonghininga si Eugene at siya na ang kumuha ng duvet na nakaladlad sa tabi lang ni Divine para ibalot dito.
"Mainit ngaaa . . ." naiirita nang sabi ni Divine kaya dinaganan agad siya ni Eugene mula sa likod bago pa niya iyon maialis sa katawan niya.
"Isasara ko yung pinto, lalakasan ko ang AC," sagot agad ni Eugene nang silipin ang mukha ni Divine na nakalubog ang kalahating parte sa unan. Ang talim ng tingin nito kay Eugene dahil doon.
"My meds are still effective, Mr. Scott. Saka mo na ako kulitin kapag hindi ako nakainom ng gamot," sermon ni Divine.
Nakadagan pa rin si Eugene kay Divine nang itukod niya ang siko sa kama para ipatong sa palad ang kanang pisngi. "So, kapag nakainom ka ng gamot, normal ka?"
Biglang umikot ang mata ni Divine at ipinikit na lang saka isinubsob ang mukha sa unan pero sumagot pa rin.
"If normal for you ang stable mood ko, yeah. I'm not happy, I'm not sad, I'm normal, and I'm fucking tired."
"Mga gaano katagal ang effect niyan?" usisa ni Eugene.
"Sa akin, six hours."
"Inaantok ka ba?"
"Nope. I'm just spiritually tired kaya gusto kong humiga."
"Sarcasm ba 'yan or that's that?"
Ipinaling agad ni Divine ang mukha niya sa kanan para lang kuwestiyunin ang ginagawa ni Eugene sa kanya. "Hindi ako inaantok pero napapagod ako, and your weight is on me."
"Mabigat ba 'ko?" curious na tanong ni Eugene.
"You're twice as huge compared to my body, hindi ka mabigat. Kaya ka pang tiisin ng internal organs ko, sige lang, tagalan mo pa diyan sa puwesto mo."
Natawa na lang tuloy si Eugene sa sarcasm ni Divine at umalis na rin siya sa pagkakadagan dito saka siya pumuwesto sa tabi nito para lang makausap ang asawa niyang apat na buwan din niyang hindi nakita.
Hindi raw ito inaantok pero pagod. Humiga patagilid si Eugene at ginawang pang-unan ang magkabila niyang palad na nangangamoy fabric conditioner pa.
"How's your graduation?" tanong niya kay Divine na nakapikit.
"It went well," sagot ng babae na halatang pagod nga dahil sa gaspang ng boses.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Nasamahan sana kita."
"No need. Sumaglit lang ako sa ceremony para sa photo op nang nakatoga."
"After ng ceremony, saan ka pa pumunta?"
Natawa nang mahina si Divine at bahagyang itinago ang mukha sa unan para lang doon tumawa. "Pinaiwan ko si Vanessa sa ceremony, hindi ko na pinatapos after tawagin ng name ko. Dumeretso na 'ko rito kasi hinahanap mo nga ako."
"Ako pa lang pinupuntahan mo?" nakangiting tanong ni Eugene.
"Wala naman akong ibang pupuntahan maliban sa 'yo."
Pinigil ni Eugene ang ngiti pero tinanguan lang ang sinabi ni Divine. "Sana pinatapos mo man lang," sabi niya at inayos na naman ang kumot para mabalutan ang balikat ni Divine na walang katakip-takip.
"Okay na 'ko do'n." Mabilis ding inalis ni Divine ang kumot sa balikat niya kaya naladlad na naman ang balat niya hanggang bandang dibdib. "Mainit nga sabi."
"Wala kang damit," sermon ni Eugene na inayos na naman ang kumot.
"Kaya ako walang damit, kasi mainit." Inalis na naman ni Divine ang kumot.
"You're naked." Inayos na naman ni Eugene ang kumot hanggang leeg na ng asawa.
"Ang arte." Sa sobrang inis, padabog nang inangat ni Divine ang duvet para ibalot din kay Eugene.
"Hey! Mainit!" sigaw ni Eugene. Nakatanggap tuloy siya ng masamang tingin kay Divine nang tingnan siya nito mula sa nakabalot ditong kumot.
"Hahaha! Fine, fine, isasara ko na yung balcony," pagsuko ni Eugene at umalis na rin sa kama. Isinara niya ang sliding door doon at nilakasan pa ang air con. "Hindi mo na naman dala ang mga gamit mo."
"Na kay Vanessa," sabi ni Divine at kumuha na ng isa pang unan para yakapin.
"Dito ka ba matutulog tonight?" tanong agad ni Eugene at umaasa siyang oo ang sagot doon.
"Siguro," sabi na lang ni Divine.
"All right."
Mukhang hindi na matutuloy ang pagdalaw ni Eugene sa daddy niya sa araw na iyon. Umuwi na ang asawa niya kaya may sarili na siyang aasikasuhin sa sarili niyang bahay.
At unang beses mula noong nakaraang dekada, makakapaglaba na naman siya ng damit na hindi naman sa kanya.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top