Fourth Reason

Kwon Soonyoung is taller than him

Sa kanilang labintatlo, si Jihoon ang pinakamaliit. Kaya ay naiinis siya dahil palagi na lang siyang inaasar ng mga kaibigan niya dahil sa height niya.

Ayaw niya sa mga taong mas matangkad sa kanya. Dahil nakakainis sila para sa kanya.

In short, ayaw niya sa mga kasama niyaㅡincluding Soonyoung.

"Aish!"

Nasa library ngayon si Jihoon kasama si Soonyoung. Para na kasing buntot ni Jihoon si Soonyoung dahil sunod siya ng sunod sa kanya.

"Aish! Bakit hindi ko maabot?" Tinatalon na ni Jihoon 'yung shelf. Dahil nasa pinakataas na parte ng shelf ang librong hinahanap niya. Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya ito maabot.

"Need help, Jihoonie?" Nakangising tanong ni Soonyoung sa mas bata.

Bumuntong hininga na lamang si Jihoon at tumango. Dahil wala siyang choice, kailangan niyang makuha ang librong 'yon.

Naabot naman ni Soonyoung ang libro na kailangan ni Jihoon, nang isang tingkayaran lang.

"Oh." Binigay ni Soonyoung kay Jihoon ang libro.

Nakapoker face itong tinanggap ni Jihoon, "Salamat."

"Walang anuman, Jihoonie."

"Bakit ba kasi ang liit ko? I hate you all."

"I love you, too Jihoonie." Nirolyo lang ni Jihoon ang kanyang mga mata at tinawanan lang siya ni Soonyoung.
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top