Epilogue

Napahilamos ng mukha si Kite, made-delay ang flight niya pauwi ng Pilipinas dahil sa paparating na masamang panahon. Malakas kasi ang ulan at hangin, mahihirapang magpalipad. Balak niya sanang surpresahin si Prima pero mukhang malayo ng mangyari ‘yon dahil sa sitwasyon.

Binuksan niya ang cellphone at tiningnan ang albums. Napangiti siya habang tinitingnan ang bawat larawan na pinapadala sa kaniya ni Prima. Hindi naman mawawala ang sexy pictures nito pero karamihan ay tungkol sa naging unti-unting pagbangon ng babae.

Pinakatitigan niya ang bawat larawan nito. Ang pagtatapos nito ng kursong BA in Graphic Designing, ang unang trabaho nito sa isang advertisement agency bilang isang graphic designer, at ang mga hakbang nito sa buhay. Akala niya, masasaksihan niya ang mga ‘yon ng personal at makakasama niya ito sa mga araw na ‘yon pero may ibang plano ang tadhana.

Umabot ng sampung taon at kalahati ang pananatili niya sa California dahil sa hindi matapos-tapos na proyekto niya. Kung hindi man tinatanggihan ng mga investors, matagal naman ang nagiging proseso para matapos iyon.

Hindi siya makauwi-uwi dahil sa kakulangan ng pera kaya hanggang pagtawag lang at video call ang naibibigay niya rito pati na rin sa anak.

Oo, anak. Hindi man niya dugo ang nananalaytay kay Peña ay tinuring niya na itong parang kaniya. Napamahal na siya sa bata, aaminin niya ‘yon. Bibo pa rin si Peña at nahiligang maging bukas sa bagay na mga pinaniniwalaan.

Nangungulila na siya sa dalawa. Hindi na siya mapakali sa kakaisip na mayakap ang mga ito. Pati na rin ang mga magulang niya. Balita niya ay hindi pa rin gaano nagbo-bonding ang ina at si Prima pero sinusubukan ng dalawa para sak niya at natutuwa naman siya roon.

Nasa kalagitnaan siya nang pagtitingin sa mga litrato nang may maupo sa tabi niya.

“Bwesit mga ganito ‘no?” Tila ba matagal na silang magkakilalang paninimula nito.

Ngumiti rito si Kite upang maipakita ang paggalang. “Oo nga, eh,” tipid niya lang na tugon.

“Hi, I’m Victoria!” Binigyan siya nito nang matamis na ngiti sa labi bago inilahad ang kamay. Wala naman sa isip na kinamayan niya ito. “Ikaw, sino ka?”

“Kite Solidum.”

“Talaga? ‘Yong may-ari ng Solidum’s Restaurant sa may Sunset boulevard? Kaka-open lang no’n ‘di ba?”

Tinanguan niya ang babae.

“Ang sarap ng adobo niyo ro’n, grabe! Doon na ako tumatambay ‘pag nagc-crave ako ng Pinoy foods.” Hindi naiwasan ni Kite ang mapangiti, totoo ba ito? May nakakakilala na sa kaniya pati na rin ang restaurant niya?

Unang beses na nangyari ito sa tagal nang pananatili niya. Parang gusto niyang magtalon-talon sa tuwa! Sobrang likot ng puso niya, parang lumalabas na mula sa ribcage niya. Tila ba gustong kumawala.

“Sige na, Mr. Solidum. Thank you talaga sa paggawa no’n dito sa California!” Nagpaalam na ito saka iniwan siya.

Hindi mawala-wala ang ngiti ni Kite habang pinapanood ang papaalis na bulto ng babae. Magkaka-heart attack yata siya sa sobrang katuwaan!

MABUTI na lang ay hindi natuloy ang paparating na bagyo at maayos siyang nakauwi pabalik ng Pilipinas. Nanginginig na ang buo niyang katawan habang sakay ng kaniyang kotse at nagmamaneho patungo sa tahanan ni Prima.

Tumikhim siya at inayos ang itsura habang nakatigil sa stop sign. “Hi, Darling.” Pumorma pa siya sa rearview mirror para makita ang sariling kalokohan. Mukha man siyang may butas sa ilalim ng mata sa sobrang puyat, masisiguro niyang matutuwa pa rin si Prima sa kaniyang surpresa.

Papalapit na siya nang papalapit sa lugar kung nasaan ang subdivision nito. Bumuga siya nang malalim na hangin bago nakangiting kinumusta ang guwardiyang nagbabantay.

“Hello po,” magalang niyang bati. Hindi naitago ang gulat sa kaniyang mukha nang makita kung sino ang guwardiya. Iyon ang guwardiyang kaniyang nakausap noong nagdadalawang isip siya tungkol kay Peña. “Boss Ricar, kumusta ka na pala?”

Ngumiti ang may katandaan ng guwardiya. “Naku, ikaw pala, Katipuno. Ang tagal din kitang ‘di nakita rito. Okay naman ako, ikaw? Saan ka pala nagpunta?”

Natawa siya. Buti naman at kilala pa siya nito. “Ito kagagaling ko lang ng ibang bansa para sa restaurant ko. Susurpresahin ko nga sana ngayon si Prima kung p’wede pa rin ba akong papasukin?”

“Aba, oo naman. Oh, siya, fill-up-an mo muna ito bago ka tumuloy.” Lumabas siya sas sasakyan at ginawa ang nais nito. “Sige na, lagi na lang malumbay si Ms. Prima ngayon alam ko na ang dahilan!”

Nakisabay siya rito sa pagtawa. “Una na po ako.” Kumaway pa siya rito saka umalis na.

Ito na. Nasa harap na siya ng bahay ng babaeng pinakamamahal niya. Handa na nga ba siya? Na makita, mahaplos, mahawakan, at maramdaman ang pamilyar ng init nito? Napakabilis ng pagkabog ng dibdib niya na para bang hinahabol ng isang baliw. Malamang ang baliw na ‘yon ay ang utak niya na walang ibang inisip ay si Prima.

Pinili niya ‘to. Panindigan niya. Kikitain niya si Prima kahit gaano pa hindi kahanda ang mukha niya.

Binasa niya muna ang labi bago kumatok sa pinto. Nang magbukas iyon ay nanlumo siya. Parang gusto niyang pagsisihan ang lahat ng ginawa. Ang pag-alis, ang pagbalik, ang pagkatok. Ito yata ang kapalit ng lahat ng sinakripisyo niya.

Isang lalaking hinuha niya ay nasa mga bente pa lang ang edad. Mas bata sa kaniya, mas gwapo, at nasisiguro niyang mas fresh. Malayong-malayo sa kaniyang matandang, mabahong puyat. Ganitong-ganito ang pinangangamba niya noong oras na tinalikuran niya si Prima at umalis. Ang mapalitan siya.

“Sino ka?” Hindi siya sumagot. Nalulunod siya sa sariling isip. “Sabi ko sino ka, sagutin mo ako, pre o baka tatawag ako ng pulis?”

Bumilog ang kamao niya, nangangati ang kamay ni Kite sa mga oras na ‘yon. Bigla ay umigkas ang kamao niya para ipatikim dito ang sarap ng kamao niya.

“Baka ikaw pa tawagan ko ng pulis, eh!” gigil niyang saad.

“Benji ano ba ‘yan?” Natigilan si Prima na nakasuot lang ng nightdress sa loob suot na silk robe. “Oh my, Benji, ano’ng nangyari?” Mabilis nitong dinaluhan ang lalaki saka galit na galit na nag-angat ng tingin sa kaniya.

Ang kaninang kunot na kunot na noo nito ay napalitan ng pamumutla at gulat. Tila ba hindi ito makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Parang nakakita ng multo. Sino nga ba naman ang hindi magugulat? Labing-isang taong hindi nakita ni Prima ang lalaking nasa harapan niya ngayon at hindi basta-bastang nananapak ang lalaking nakilala niya noon.

“Kite…” mahina nitong bulong. “Ano’ng ginagawa mo rito? Ang akala ko nasa C-California ka pa.”

Nagtagis ang bagang niya. “Surprise sana pero baka ‘wag na.” Akmang tatalikod siya nang marinig ang boses ng anak.

“Benji, babe, oh my! Okay ka lang?” Babe? Nagdikit ang mga kilay niya sa narinig. “Hala! Tito-Dad?” Hindi makapaniwalang sigaw ni Peña.

“Hayaan mo muna siya, Peña. Unahin muna natin si Benji, dumudugo ang ilong. Napalakas yata ang suntok niya sa boyfriend mo.”

Mali! Gustong sampalin ni Kite ang sarili nang marinig ang sinabi ng nobya. Bakit niya ba pinagisipan nang masama ang babaeng mahal niya? Lumuwag na ba ang turnilyo sa utak niya at ganoon na lang kababaw ang naging tingin niya kay Prima? Bumuga siya ng hangin, kailangan niyang humingi rito ng paumanhin.

“I AM so glad I get to see you in person now! Tito-Dad mas gwapo ka pala sa personal. No wonder, ikaw lagi ang bukambibig ni mom kapag nagluluto.”

Mahigpit ang yakapan nilang mag-ama habang patuloy pa rin sa pagkukumustahan.

Mahina siyang natawa rito. Ganitong-ganito si Prima. Hindi nahihiyang magsalita.

“You have a boyfriend?” takhang tanong pa ni Kite.

Ngumiti ito. “Tito-Dad, meet Benji.”

Ang nanghihinang lalaki na may nakadikit na yelo sa pisngi ay nakipagkamayan sa kaniya. “Nice to meet you, Sir. Sorry, sinabi kong tatawag ako ng pulis sa inyo.”

“No, I should be the one saying sorry. Sinapak kita at hindi maganda 'yon. I'm sorry, akala ko kasi-”

“Ano'ng inakala mo, Kite?” taas ang kilay habang nakahalukipkip pang susog ni Prima.

Lumapit siya rito. At susubukan sanang yakapin para sa pag-alo nang umiwas ito.

Nakaramdam siya ng kirot sa naging reaksyon ng nobya. Pero deserve naman niya, eh. Pinaghinalaan niya ito nang hindi man lang binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag.

“Prima, Darling…” Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito pero unti-unti lang na kumawala sa mga mata nito ang mga luha.

Pinagbabayo nito gamit ang kamao ang kaniyang dibdib habang walang tigil sa pagtangis.

“My…” usal ni Peña.

Pero walang tigil pa rin si Prima. “Walang hiya ka! Sa tingin mo ba biro lang ang sampung taon. Hayop ka! Animal ka!”

“I'm sorry, I'm sorry…”

“Ang daming pangyayari sa buhay ko na gusto ko nandoon ka pero hindi ko magawa. Kahit pagbisita man lang sa akin, wala! Mahal mo ba talaga ako ha?!”

Hinayaan niya lang itong maglabas ng nararamdaman. Alam niyang maya-maya lang din ay tatahan ito saka siya makikipag-usap ng maayos dito.

MALAYO ang tingin ni Prina habang naka-upo silang dalawa sa hardin ng bahay.

“Alam kong kasalanan ko kung bakit ka umalis, hindi ako nagsisisi na ginawa ko 'yon,” wika nito.

Kukunin niya sana ang kamay nito nang umiwas si Prima. Bumuga na lamang siya ng hininga. “Sorry, alam ko na ang sinabi ko ay nine years lang pero umabot ng sampu. Hindi ako nagdadahilan lang Prima pero narereject kasi ang mga naging proposals ko for the last eight years.”

Natigilan ito. Humarap ito sa kaniya at kumapit sa braso niya. “Oh, Kite…”

Hinawakan naman niya ang kamay na nakakapit. “Prima, sorry. Maniwala ka sa akin, babawi ako. Mahal na mahal kita.”

“K-Kite.” Nanginginig na ang labi nitong sambit. “I'm sorry din naging ganon ang reaksyon ko. Siguro masyado lang akong na-overwhelm at nainis dahil sinapak mo di Benji sa pag-aakalang may iba ako.” Sinamaan pa siya nito ng tingin.

Napangiwi naman si Kite samantalang inihili ng babae ang ulo sa kaniyang balikat.

“Mahal na mahal din kita, Kite. Kaya siguro enough na ang ten years?”

“Huh?” Puno ng pagtatakha ang mukha ni Kite. Gulong-gulo siya sa ginagawa ngayon ng babae. Nakaluhod ito at may sinusupil na ngiti sa labi. Hawak-hawak din nito ang kamay niya saka pinapatakan ng malilit na halik.

“Katipuno Tenio Solidum…”

“Prima, totoo ba 'to?” Hindi makapaniwala niyang saad.

Napakagat ng ilalim na labi ang nobya nang maramdaman nito ang paparating na paghikbi. “Pakakasalan mo ba ako o pakakasalan?”

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ni Kite. “Wow. Ang sabi ko susurpresahin kita pero ako naman ang ginulat mo.”

“Oo na ba 'yan?” Nanginginig na ang boses ni Prima. Pinaghalong kaba at kasiyahan ang nakakubli roon.

Tumango-tango siya. Kahit walang singsing itong dala, masayang-masaya pa rin siya. Ito na nga yata talaga ang pinakamasaya na araw sa buhay niya.

Pakiramdak niya ay pinanganak lang siya para maranasan ang lahat ng nararanasan ngayon!

Hahalikan na sana niya ito nang pigilan siya. “Kite, kaya mo bang i-promise sa akin na you will lessen ang pagiging workaholic mo? It's not healthy at baka hindi mo kami mabigyan ng oras na pamilya mo.”

Napangiti siya. Masaya siyang napag-uusapan na nila agad ngayon ang isuu niya na ito. Tumango-tango sya rito. “Yes, I'll try, Darling. No more secrets okay?”

“Yes, no more secrets.”

“And no more attempting to get the truth by tempting me?”

Natawa si Prima bago inilapat ang labi sa kaniya. “I love you, Kite. Hindi ako gagawa ng kahit ano mang makakasira sa 'yo o sa relasyon natin.”

God, mahal na mahal niya ang babaeng ito! Hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa kahit kailan. Kahit pa hindi nito sundin ang mga pangako, aangkinin at aangkinin niya pa rin ito. Wala na siyang ibang mahihiling pa maliban sa makasama ito sa mas matagal pang panahon.

The end.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top