Chapter Twenty-Two


"Dito ka po ba matutulog?" Nagkatinginan si Prima at Kite sa naging tanong sa kaniya ng anak na si Peña. Matapos nilang kumain ng hapunan ay agad nang kumilos ang bata upang punasan ang sarili at mag-sepilyo. Tila ba routine na nito iyon. Routine na hindi man lang niya nakita noong una iyong tinuro rito. 

Kahit pa katabi ang anak ay dama ni Kite ang pangungulila. Naalala niya kasi ang mga oras noong ipinagbubuntis ni Prima ang bata, wala siya sa tabi nito, nakaburda sa kaniyang isipan ang kaawa-awang itsura ng babae habang hirap na dinadalang-tao ang anak nila. Walang kaagapay ni-isa.

Napantig ang kaniyang tainga sa lalim ng iniisip kaya naman hindi niya marinig ang pagtawag sa kaniya ni Prima dahilan upang dalhin ng mga paa ng babae ito patungo sa kaniya. Isang mahinang tapik sa braso ang nagpagising kay Kite.

"Lutang ka na naman, Kite." Si Prima.

Napakurap-kurap si Kite at napatingin kay Prima. "Sorry, ano 'yon?"

"Dito ka na lang po matulog, daddy!" masayang paghahalina ni Peña sa kaniya. Hindi niya napigilang mapangiti. Isinabit niya ang gahibla ng buhok nitong tumatabing sa sweet at magandang mukha sa tainga.

"Makakatanggi ba ako? Halina." Iginiya niya si Peña pahiga sa kama. Nakatagilid siya ng higa, gamit ang braso, itinukod niya roon ang mukha ipang ipatong. 

Napansin niyang nakatayo pa rin doon si Prima habang may masaya at kuntentong ngiti sa labi. 

"Basta kasama si Mommy mo," dugtong pa ni Kite. Nanlaki ang mga mata ng dalawa. Gulat para kay Prima, excitement para kay Peña. 

Peña giggled. "Kasama po si Mommy Patri?" 

"Hindi!" they both exclaimed. Nagkatinginang muli si Kite at Prima ngunit mas nauna itong nag-iwas ng tingin. Tumikhim siya. "Si Tita-Mommy Prima mo ang tinutukoy ko."

"Ahh," napatango-tango na lang na usal ng bata. Bigla ay ngumiti ito. "Tara, Tita-Mommy, samahan no kami matulog ni Daddy!" 

Prima hesitated pero mukhang mas nanaig dito ang kagustuhang makasama sila dahil agad itong sumampa ng kama. 

Nasa gitna nila si Peña, samantalang nasa magkabilang dulo naman sila ni Prima. Nakayapos ang kanilang mga kamay sa bata at nakapaikot naman ang mga kamay nito sa mga braso nila. Their position warmed his heart. Nakaramdam siya ng kakaivang ligaya, para bang nagliliwanag ang loob ng kaniyang puso na ilang sandali lang ay maaari nang sumabog. They look like a happy family, which for the record, is what they will be. 

 "Kanta ka, Daddy," ungot ni Peña. 

"Peña, no—" Binigyan niya ng makahulugang tingin si Prima nang subukin nitong pigilan ang bata. 

"Let me do this," mahina niyang bulong dito. Napatango na lang ang babae sa kaniya at hindi na nag-salita. 

Nakangiti si Peña na humarap sa kaniya habang hinahaplos niya ang malambot na buhok nito. Maya-maya lang ay umugong ang mahinang pagkanta ni Kite ng lullaby ang anak. 

Maya-maya lang ay papikit-pikit na si Peña. Bumaling ito kay Prima. "Kanta ka," mahinang hiling pa nito. Halata na sa tono ng boses na kaunti na lamang ay maabot na nito ang pagtulog. 

Napamata sa kaniya si Prima. Hindi alam ang dapat na gagawin. Nakangiting tumango siya at walang nagawa ito kundi sabayan siya sa pagkanta. Mahina siyang natawa. Hindi naghahalo ang mga boses nila, masasabi niyang hindi nito forte ang pagkanta pero hindi rin naman masakit pakinggan sa tainga ang boses nito, maybe a little bit but okay. 

Hindi na nagtagal ay rinig nila ang mahina nitong paghilik. She looks so peaceful sleeping, hindi talaga maipagkakaila ang pagkakahawig ni Peña sa ina nitong si Prima. Parang dugo lang iniambag niya at hindi DNA.

"Tulog na siya, matulog ka na rin, aalis na 'ko." Pinigil niya ang babae sa tangkang gagawin. Napatingin ito sa kamay nilang magkahugpong. "Kay kailangan ka? May extra na toothbrush diyan sa guest room." 

"Hindi, I mean, hindi ka ba p'wedeng dito na lang matulog?"  

Nangunot ang noo ng babae. "Okay na ba tayo?"

Nabitawan niya ang kamay nito. Galit ba ito sa kaniya? Mukha nga, hindi naman siguro siya nito tatanungin ng ganoon kung hindi ito galit sa kaniya.

"Bakit hindi tayo okay?"

Prima scoffed. Yikes, mukhang galit nga. "I lied to you, Kite, remember?" Napatanga siya, iyon ba ang iniisip nito na dahilan kung bakit hindi siya nakipag-usap dito ng dalawang araw na sunod-sunod? Reasonable naman na isipin nito na iyon ang dahilan pero malawak ang pag-intindi ni Kite. Kaya nga hinayaan niya itong magpaliwanag kahit pa ramdam niyang tila tinatambol ang puso niya sa rebelasyon nito. 

"Hindi ako galit sa 'yo, lalo pa't alam ko ang dahilan kung bakit mo ginawa 'yon."

"All this time hindi ka galit?" Halos mapanganga ito sa kaniyang sinabi. Napapitik ng buhok sa pagka-inis. "God, nag-alala pa ako kung paano kita susuyuin or whatever tapos 'di ka naman pala galit?" 

He used his finger to signal her for silence. Medyo lumalakas na kasi ang boses nito at maaaring magising ang bata sa kaingayan. 

"Sa labas tayo mag-usap, magigising si Prima sa ganito," suwestiyon niya. 

"Sigurado ka bang sa labas lang, ayaw mo sa kuwarto tayo?" Ngingisi-ngisi nitong tanong. 

Mataman niyang tiningnan ang babae. Naiisip na kung ano sng umiikot sa utak nito. Man, it has been two days since they last did it. For sure, she misses his scent and body close to her like how he longed for her heat too. 

"We're going to talk..." 

"Oh?" painosenteng ungot nito habang nakangisi pa ring nakstingin sa kaniya. "Ang sabi ko rin naman mag-uusap lang, eh. Unless..."

Bumuga siya ng hininga, mukhang ipipilit talaga ng babae ang gusto. Heto naman siya at hindi maka-hindi rito. "Fine, lead the way." Prima then giggled like a highschool girl and led the way to her bedroom. 

Halos bumagsak sa lapag ang panga niya nang matunghayan kung gaano kalaki at kalapad ang kuwarto nito. May sarili iyong walk-in closet at bathroom. Mas malaki pa yata itong kuearto ng babae kumpara sa apartment niya. Hindi man lang nabanggit ni Prima sa kaniya na may ganito ito kalaking bahay, para ng mansyon! 

"Kite," naagaw ng mahinang pagtawag ni Prima ang kaniyang isip kaya nabaling siya rito. "Hindi mo man lang ba iku-kuwestiyon kung anak mo si Peña, like magpa-DNA or something?"

Mahina siyang natawa. "Gustuhin ko man, wala akong pera para diyan, Prima. Besides, hindi ko naman kailangang mag-duda. Sinabi ko na sa 'yo, I trust you." Sa pagkabigkas niya ng mga huling salita ay agad itong nag-iwas ng tingin. Sadyang hindi sumangsang-ayon sa nais niyang iparating. 

He sighed. He wonders how cruel the world is to this woman. Gulat na gulat ito nang magpakita siya ng kabutihan, well siya rin naman ay nagulat sa sarili noong agad na gumalaw upang tulungan ito noon. Hindi siya nagdalawang-isip na puntahan ito noong nangangailangan pati na rin biglaang pag-offer niya rito ng matitirhan matapos marinig na walang bubong itong masisilungan. Oo nga't nangangailangan din naman talaga siya ng taong makakasama sa pagbayad pero kadalasan naman ay pinag-iisipan niya ang mga bagay bago magdesisyon. 

He trusts this woman so much that he could even trust her with his heart. 

Gamit ang kamay, hinawakan niya ang mukha nito at hinarap sa kaniya. Pinatakan niya ng halik sa labi ang babae. "You are trustworthy," may ngiti sa labing aniya. 

Hindi nagtagal ay namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata nito, nagbabadya ng iyak. Pinunasan niya iyon at muli itong hinalikan. "Pinapaiyak mo naman ako, Kite, eh." Pabiro pa nitong pinalo ang braso niya. 

"Then cry, lagi akong nandito sa tabi mo sa t'wing maiiyak ka."

"Oh, Kite..." Pinunasan pa nito ang luha. "Mamaya na nga lang tayo mag-iyakan. Pag-usapan muna natin si Peña." Suminghot si Prima at tumango naman siya. "Malapit na ang birthday niya, this June 22 will be her tenth birthday."

"Really..." ang tanging naiusal ni Kite. Para siyang nawawalan ng hininga sa mga sinabi ni Prima sa kaniya. Naawa siya sa anak, she spent her ten years of life without his presence, without her dad. 

Hinawakan siya sa pisngi ng babae. "Gusto kong maging special ang birthday niya lalo na nandito ka."

"Of course, magiging special 'yon, ako ang bahala sa lahat ng 'yon. Gastusin, guests, whatever! Basta para kay Peña gagawin ko ang lahat makabawi ako sa kaniya." 

"Ang swerte niya sa 'yo..."

"No, swerte siya dahil sa 'yo. She got a really caring, loving, and sexy mom." mahina na lamang ang pagbulong niya rito, pinapahalata ang pang-aakit.

She rolled her eyes. Sumampa ito upang umupo sa kandungan niya. And by god, if this isn't stirring him up!

"Hindi ako ang nagpalaki kay Peña," bigla nitong bulalas na napakunot ang kaniyang noo. "Kailangan kong umalis at maghanap ng trabaho sa Manila habang iniwan ko rito si Peña sa tabi ni Patricia para alagaan. Hindi ako bumalik dito sa Kalibo hanggang mag seven siya at hindi na niya ako nakilalang ina."

"Hindi ba kayo nagkaka-usap sa telepeno? Or kahit bumisita ka man lang kahit isang beses?" 

Maluha-luhang umiling si Prima. "I'm a bad mom, Kite, hindi ko siya tinatawagan dahil nahihiya akong i-judge ng mga naging kaibigan ko sa Manila. Bisita o tawag, hiningi sa akin ni Patricia 'yon but never did once I obliged. Now, I suffer the consequences." She shrugged. "Siguro, ganito na talaga ito dapat. Maging tita-titahan na lang sa sarili kong anak dahil hindi ko naman kayang magpaka-ina." 

Sinapo niya ang mukha nito. "Hey, you're not a bad mom, it just so happen na hindi ka pa ready na magka-anak kaya gan'yan ang mga nagiging kilos mo. But all in all, nakikita kong sinusubukan mong magpaka-ina sa bata. Sabihin mo nga sa akin, bakit maayos naman ang pakikitungo niyong dalawa ni Peña sa isa't-isa ngayon?" 

"Dahil nag-sorry ako sa nagawa ko noon." He gave Prima the "thst's your answer" look with her hands folded across her chest. "Pero kasi, Kite, maoamang sa malamang ay hindi magtatagal ang pagiging ganito namin, give it a day or two, balik na naman sa dating hindi pagpapansinan."

"Kaya hindi kayo nagkaka-ayos eh, masiyado kang future sa "what ifs". Enjoy the moment, Prima, hayaan mong gawin kung ano ang gusto ng puso mo. Cherish the moment with our daughter, make it feel special."

Our daughter. 

Hindi niya mapigilang mapangiti sa sinabi. Ang sarap pakinggan niyong pakinggan sa tainga. Hindi inakala ni Kite na ganito ang magiging epekto sa kaniya. 

"Thank you, Kite." Humilig ito sa kaniyang braso habang nakakandung pa rin sa kaniya. Their position might stirred him up but the glow of happiness and passion in his heart surpassed the arousal he's feeling. Mas gugustuhin niya ang ganito kaysa sa mga kung alin mang iba. 

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa kanila bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya si Prima. "Since, hindi naman tayo nag-break, p'wede pa naman tayong mag-sex 'di ba?" 

Mahina siyang natawa. "Ngayon na? Pero kakatulog lang ni Peña." 

She tsked. "Oo nga, baka magising pa," nakasimangot pang sabi nito. "Pero ramdam kwan mo, handa ng lumaban..." Bigla ay gumiling ito sa kaniyang ibabaw. Pinapadama ang nag-iinit nitong katawan sa kaniya

Hinawakan niya ito ng mahigpit sa beywang upang patigilin. Bakas sa mukha nito ang kaguluhan dahil sa ginawa. 

"I would want to do it with you, but I'm tired and exhausted." 

Napangiti si Prima at saka pinatakan ng halik ang tungki ng ilong niya. "As you wish, Darling, as you wish." Umalis ito sa pagkakandung sa kaniya at humiga na sila.

And they laid there in a spooning position with a warmth smile written on their faces.

UMAGA noon nang magising si Kite at madatnan si Prima na nasa kusina na nagluluto. Instinctively, pumwesto siya sa likuran nito at ipinaikot ang braso sa beywang nito. Mahina siyang natawa nang mapa-arko patagilid ang katawan ng nobya nang ilapat niya ang ilong malapit sa leeg nito. 

Humarap ito sa kaniya na may masayang ngiti sa labi. Tatawa-tawa dahil sa nkakakiliting sensayong pinaramdam niya rito. 

"Hi," bati nito sa kaniya. "Ang aga mo namang nagising." 

He gave her a deadpan look. "Malapit nang mag-alas-dose." 

Nagkibit-balikat si Prima  "Call center agent ako, Kite, so maaga sa akin ang paggising ng alas-dose." 

"Hey, nakakatulog ka pa ba ng sakto?"

"Ang tulog ay gawa-gawa lang ng mga illuminati," biro pa ng babae ngunit hindi siya tumawa. Prima groaned. "Bakit ba napaka-seryoso mo, siyempre depende kung nakakauwi ako ng maaga. May times na hindi na ako nakakatulog, meron din namang nakakatulog ng maayos." 

"That's unhealthy." 

"Unhealthy nga, kailangan naman." 

Napaisip si Kite. "Hey, how about you quit that job and start learning again. O kung hindi naman, try to apply for designer's tutorship. Relive your dream and try to reach it again. Besides, nandito na ako, kaya kong tustusan si Peña para hindi ka na mamroblema."

"Kite, kailangan mo nga ng kahati sa pagbayad ng apartment mo 'di ba? At kung ano mang kinikita mo sa resto baka hindi 'yon magkasya para sa pampamilya o pagpapalaki ng bata."

"No, I got an offer, Prima. Merong may gustong mag-franchise ng restaurant ko at months lang naman ang pagpo-process no'n."

"What? Bakit hindi ko alam 'yan?"

"Hindi mo alam dahil hindi tayo nakapag-usap noon."

"Ah kaya pala." Tatango-tango nitong saad.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito at sinubsob ang mukha sa hollow ng leeg at balikat nito. "What do you think, darling?"

"I don't know..." sagot nito na nagpalaylay ng balikat niya. "Natatakot pa rin ako mag-try, Kite, ayoko makagawa na naman ng bagong pagkakamali at recklessness."

Bumuga siya ng hangin. "I understand but please promise me that you will consider it."

Prima rolled her eyes. "Okay."

"Ano pala niluluto mo?" 

"Paborito ko, pininyahang manok!"

Bumadha ang pagngiti sa mukha ni Kite nang mapansing nagiimprove na sa pagluluto ang kaniyang nobya. Mukhang hindi na nga nito kinailangan ng alalay niya upang makapagluto.

"Buti wala nang buhau na ingredients," pang-aasar pa niya na ikinatawa nilang dalawa. 

"Tinorture ko muna kasi bago hiwain." pakikisakay ni Prima sa kaniyang biro.

Naitigil ang kanilang pagtawa nang pumasok ng kusina si Peña na tila may nanghahabol dito. Patawa-tawa pa ito ngunit agad na napangunot nang makita ang posisyon nila.

"Tita-Mommy, Daddy? Bakit po osyo nagkaganyan? 'Di ba po dapat si Mommy at Daddy ang naglalabing-labing?" 

Agad na kumalas sa kaniya si Prima pagkasabi ng bata. Napatitig siya rito. Dumaan ang emosyong alam na alam niya sa mata nito saka ito nag-iwas ng tingin upang bumalik sa pagluluto. 

"Peña, hindi ka pa nakakapagpalit!" Tila ba tadhana ay biglang bumuntot si Patricia kay Peña. 

"Mommy!" Tumungo ang bata kay Patricia at hinila ito palapit sa kaniya saka pinaghugpong ang kanilang mga kamay.  "Kayo po Mommy at Daddy ang dapat na naglalabing-labing!"

Napatingin siya sa dako ni Prima. Hindi ito humaharap sa kanila, nanatiling naka-focus ang atensyon sa niluluto. Pero alam niya, mula sa nakatalikod nitong bulto ay punong-puno ng pait at sakit ang puso nito. 

If only she had the courage...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top