Chapter Twenty-Six


HINDI siya makapaniwala. Totoo bang narito si Prima? Nakapasok na ito't lahat-lahat ay nakaawang pa rin sa gulat ang labi ni Kite.

Kilala niya si Prima. Kapag galit ito, galit talaga ito. Kahit pa nagugutom ang kasintahan, iindahin nito ang pagkasakit ng tiyan huwag lang makita ang taong kinaiinasan nito. Pero ano'ng ginagawa nito ngayon dito? Hindi na ba ito galit?

Pinaupo ng mga magulang niya si Prima sa couch ng sala.

“Girlfriend ka pala ng anak ko, hindi ka man lang dinala?” Ang kaniyang ina iyon. Mahilig talaga itong kulitin ang mga bisita. Kahit personal na mga tanong ay itatanong nito para kang may mapag-usapan.

“Ah, opo.” May ngiti sa labi si Prima bago siya sinulyapan. “Kite p'wede ba tayo mag-usap?”

Malakas ang kabog ng dibdib niya sa narinig. Sabi na, galit ito. Oras na ba para ihanda ang kabaong niya? Patay! Mukhang sobrang galit yata ito at sinundan pa talaga siya para lang sumbatan.

Napalunok si Kite bago tumayo at sinundan si Prima. “Nasaan ang kuwart mo?” tanong nito.

Ayaw niya sanang sabihin kung nasaan iyon para hindi muna sila makapag-usap pero hindi rin naman niya gustong makadagdag pa sa galit nito kaya wala siyang nagawa kun'di ang ituro iyon.

Pagkasara na pagkasara ni Prima nf pintuan ay isang hampas sa braso ang inabot niya. Napaigik tuloy siya nang maramdaman na naghulma ang palad nito sa morenong balat.

“Nakakainis ka!” kantiyaw pa nito. Ito na, kailangan na niyang ihanda ang sarili sa magiging sermon at hinain nito! “Sabi mo kapag bibisita ka sa parents mo, dapat kasama ako. Tapos ngayon, ikaw lang nag-isa ang pumunta rito!”

Napaamang si Kite nang sunod-sunod pa siya nitong hampasin sa braso. Hindi naman malakas iyon, halata niyang pigil ang pwersa sa bawat hampas. Peke siguro ang pagkainis ni Prima. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at nagtatakhang tiningnan ang ekspresyon.

“Hindi ka galit sa akin?” si Kite.

Kumunot ang noo nito. “Sa hindi pagsabi na pupunta ka rito? Hindi. Nagtatampo, oo.”

“No, I mean, kahapon lang, galit ka sa akin dahil sa ginawa kong pangingialam sa desisyon mo sa buhay. Sorry talaga, Prima. Hindi ko inisip ang kalagayan mo noong tinanggap ko 'yon.”

Nag-angat siya ng tingin dito dahil sa pagpalo nito sa kaniyang dibdib. May ngiti na naman ito sa labi. Hindi siya sigurado kung kakabahan o magiginhawa dahil sa ngiti na yon.

“Ang galing mo kasi, Kite, eh. You know exactly what buttons should be pushed. Ang rupok ko tuloy!” Humagikgik pa si Prima.

Si Kita naman ay parang tanga lang na hindi maintindihan ang nobya. But either way, masaya siya dahil hindi na ito galit.

Ang kaninang humahampas na kamay sa kaniya ay tila naging isang ahas na kung nakalingkis sa kaniyang leeg. Bumaba iyon ng dahan-dahan sa kaniyang dibdib. Kagat ang pang-ibabang labi, nilapit ni Prima ang mukha sa kaniya para sa isang mainit at mapanakop na halik.

Hindi naman agad makagalaw si Kite sa sobrang pagkabigla. Kanina kasi ay parang galit ito, tapos sa isang iglap lang ay okay naman ito at ngayon… in heat na ito. Kakaiba, hindi niya inaasahang napakadali pala para sa kaniyang pagbago,
baguhin ang reaksyon ng nobya sa saglit lang na panahon.

Nakaramdam si Kite ng kakaibang kasiyahan sa puso. Para kasing ramdam na ramdam niya ang importansya niya sa buhay ni Prima kung nagagawa niyang baguhin ang nararamdaman nito sa mabilis na sandali lang.

“Na-miss kita. Akala ko hindi mo 'ko susundin noong sinabi kong umuwi ka. Tapos tumalikod lang ako saglit, pagkaharap ko, wala ka na.” Matulis ang nguso nitong sabi.

Hawak ang kuwelyo ng kaniyang t-shirt ay muli nitong pinaglapat ang kanilang labi. Kung kanina ay hindi siya makaresponde sa mainit na halik na ibinigay ng nobya, ngayon naman ay buong puso niyang tinutugon. Kung may makakakita man sa kanila ngayon, aakalain siguro ay halos isang taon dilang nagkalayo.

Ramdam na ramdam niya ang longing, passion, at desire sa halik lang nila. Hindi iyon kagaya ng mga naging halikan nila dati. Kakaiba ang ngayon, ibang-iba sa pakiramdam. Ayaw niya sanang isipin iyon pero parang… may pagmamahal? Tama na nga ba umasa siya ngayon o ilusyon niya lang iyon? Pero kahit na nag-iilusyon lang siya, nanamanamin niya kung gaano kasarap ang pag-angkin nila sa labi ng isa't-isa.

Narinig niya ang mahina nitong pag-ungol nang tugunin niya sa mas mainit na paraan ang halik nito. Naglumikot na rin ang kanilang mga kamay. Mula sa leeg ay dumapo ang kaniyang palad sa dibdib nitong bilog na bilog at hindi maipagkakailang malaki.

Noong una niya nga itong makita, ay nabighani talaga siya sa gandang taglay ng babae at wala sa loob na tinanggap ito sa trabaho. Kamuntikan pa nga siyang bumigay noong isinasamp-sampa na nito ang suso sa lamesa. Pero malakas din sng self-control niya kaya nakayanan niyang pigilan ang libog.

Pero ngayon? Mukhang hindi na niya yata kilala si self-control. Heto nga't nagmamadali na siyang hubarin ang mga damit nito at underwear habang hindi pinuputol ang halik.

Diniinan niya ang pagkakalapit dito. Pinaparamdam sa nobya ang pangangailangan. Nakagat nito ang pang-ilalim na labi nang mapagtanto ang nais niyang ipaalam dito. Dumaan naman ang malambot nitong kamay sa itaas lang ng naghuhuminding na pagkalalaki.

Shit! Sikip na sikip na siya sa pantalon. Hindi na niya yata kayang pigilan pa iyon! Tinanggal niya sa pagkakabutones ang pantalon at binaba ng kaunti. Naiwan ang kaniyang boxers at brief doon. Ang akala niya ay huhubarin na rin agad ni Prima pero may pagkapilyo nga talata ang kasintahan, ngingiti lang itong lumuhod sa kanyang harapan habang dahan-dahang pinapadaan ang kamay sa ibabaw ng tela ng boxer niya.

Akma namang ipupulupot na nito ang mga daliri sa kaniyang ari nang isang malakas na katok ang nagpatigil sa kanila ay nagpabalik ng kanilang mga inhibisyon sa katawan. Napasimangot si Trudy nang marinig ang kaniyang ama sa kabilang bahagi.

“Kite, pakainin mo na ang bisita!”

Pakakainin na nga niya sana, eh.

Nakangusong napaupo si Prima sa kyama niya. Dismayado ito dahil natigil ang kanilang mainit na sandali. Tiningnan pa s'ya nito ng masama dahil sa mahina niyang pagtawa.

Mahina pa siyang pinali nito sa braso bago tumayo. “Kung wala talaga tayo ngayon sa bahay ng mga magulang mo, hindi ko pakakawalan 'yang titi mo!”

Lumakas pa lalo ang pagtawa niya pagkarinig sa sinabi nito. Kuha ang kamay nito ay hinila patungo sa pintuan. Inayos nuya muna ang sarili.

“Mauna ka muna doon, kailangan kong magpakalma nito. Baka makita nila mama, pagalitan pa ako.” pagpapaalam niya.

“Bakit mo pa kailangang magpakalma kung kaya ko namang maipalabas 'yan ngayon na…” Kagat ang pang-ibabang labi nitong dinakot muli ang kanyang pagkalalaki.

“Prima…” he groaned.

Buong lakas ang kaniyang ginamit ú lang hulihin ang kamay nito at tanggalin mula sa pagkakalapat sa pantalon. Mabilis niyang nilisan iyon at pumasok sa palikuran.

Hinalamos niya ang tubig sa mukha at bumuga ng hangin. Napaangat siya ng tingin sa salamin. Unti-unti na rin iyong nawawala. Mariin siyang napapikit.

Ang dami niyang inisip. Ang mga pagkain na niluto niya noon, 'yong franchise ng kaniyang resto, na malapit lang ang kaniyang mga magulang, at nasa labas lang si Prima.

Shit! Pumasok na naman sa isip niya si Prima. Muli siyang huminga nang malalim. Maya-maya lang din ay nag-success naman siya at lumabas na.

“Not now, please!” Rinig niyang salita nito habang nakadikit ang cellphone sa tainga. “Hindi pa ako handa. Maawa ka naman! Sandali—” Natigil ito sa sasabihin at napatingin sa cellphone. Mukhang binabaan ito.

Nagtatakha man ay nilapitan na ni Kite si Prima. Niyakap niya ito mula sa likod at hinalikan ang gilid ng ulo.

“May problema ba?” tanong niya.

Nanigas ito sa kinatatayuan. Para bang isang ice sa antartica na kay hirap buwalin.

Bumitaw ito sa yakap niya. “Wala 'yon, tara na. Kanina pa tayo hinihintay.”

Hindi na nito hinintay pa ang sasabihin niya at dumiretso na lang pababa. Puno ng pagtataka si Kite sa kawalan ng mood ni Prima ngayon. Madalas ay paiba-iba ito ng moo at hindi niya maintindihan. Ano kaya ang nangyayari dito ngayon?

Kung ano man 'yon, handa siyang maghintay hanggang sa kayanin na nitong sabihin sa kaniya ang problemang kinakaharap.

Pababa na siya patungong hapag-kainan nang makitang naka-upo ang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita.

“Elaine?” Magkadikit ang mga kilay na sambit niya sa patanong na tinig.

Napatingin siya sa dako ni Prima. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkayamot at pagkairita habang sinulyapan ang babaeng nakaupo sa harapan.

NASA gitna sila ng pagkain at nag-uusap tungkol sa isa't-isa. Katabi niya si Prima, kaharap nila si Elaine at nasa dalawang dulo ng kainan ang kaniyang mga magulang.

“So, Kite, ang tagal na nating hindi nagkita? Ang dami nang nagbago, mas lalo kang gumwapo ha! At hindi na pala si Bang-Bang ang secretary mo ngayon?” Sinulyapan pa nito si Prima.

Mahina siyang natawa sa sinabi nito at nakatanggap naman siya ng isang malakas na bayo ng kamao sa kaniyang hita. Walang ingay na napadaing siya. Hindi pinahalata na nasaktan.

“Truth is, girlfriend ng anak namin si Prima.” Ang amang si Tonyo ang sumagot.

“Ah,” ang tanging nasabi na lang ni Elaine pagkarinig.

Sandali na natahimik ang lahat ngunit mabilis din iyong binasag ng ina. Bahagya itong tumayo at naglagay ng pagkain sa plato ni Elaine.

“Kain ka pa!” Tuloy-tuloy lang iyo sa paglagay ng pagkain sa babae habang pangiti-ngiti lang si Elaine sa kanila.

Dati pa man ay botong-boto na kay Elaine ang mga magulang niya. Ito kasi ang tumayong kasama anak ng mga ito noong wala siya sa tabi ng dalawa. Kada tawag niya sa ina ay palagi nitong nasisingit ang kalagayan ni Elaine at ang sitwasyon nito sa mga panahon na iyon.

Aaminin niya noon ay nagandahan siya kay Elaine. Siguro nga noon ay sinubukan niya ring magpakita ng interes kay Elaine pero nakitaan niya naman ito na puro ang intensyon nitong pagtulong sa kaniyang mga magulang at ayaw niyang sirain iyon sa pamamagitan lang na pakikipagrelasyon dito.

“Hi, Prima, Elaine nga pala! Hindi tayo nakapag-usap kanina kasi tinulungan ko agad si tita sa niluluto niya.”

“Ay oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa 'yo, na-promote si Elaine sa trabaho. Siya na ngayon ang executive assistant ng may-ari ng Bernaleoson furnitures. Kaya nga inimbitahan ko siya rito para makapag-celebrate din tayo.”

Tiningnan niya si Prima. Pilit itong ngumiti. Alam niya kung gaano ito ka-sensitive sa tuwing pag-uusapan ang success ng iba. Nai-insecure ito pero hindi nito maaaring sabihin iyon dahil ang mangyayari no'n ay ito ang magiging insensitive.

Mula sa ilalim ng lamesa ay hinawakan niya ang kamay nito. Pabiro naman siyang inirapan ng nobya na mahina niyang ikinatawa. Hindi naman naiwasan ni Kite na mapitingin kay Elaine. May ngiti ito sa labi, hindi lang basta ngiti ngunit isang masaya't kontentong ngiti. Binawian niya rin ito ng ngiti.

Ngunit agad ding nawala iyon nang maramdaman ang kamay ni Prima sa ilalim. Gumapang iyon mula sa tuhod niya hanggang sa kaniyang mga hita. Napaupo tuloy siya nang tuwid nang maramdaman na iyon sa kaniyang pagkalalaki na natatakpan ng tela ng kaniyang pantalon.

Pigil na pigil ang ungol na dinikit niya ang katawan kay Prima. “Prima, nasa harap tayo ng parents ko.”

“Apparently, nasa harap din tayo ng babaeng may gusto sa 'yo.”— Pinatakan siya nito ng halik sa gilid ng tainga, bago bulungan—“Gusto ko lang ipakita kung paanong akin ka lang.”

Napausog tuloy si Kite padikit sa lamesa para lang hindi makita ang kababalaghan na kanilang ginagawa. Nagwawagi naman ang puso niya sa narinig dito. God, minamarkahan ba siya ni Prima ngayon? Parang gusto na lang niya magpamarka rito araw-araw!

Hinaplos-haplos pa nito ang pagkalalaki niya habang ang isang kamay ay patuloy na lang sa pagkain, parang walang nangyayari. Pero si Kite ay nanginginig na ang kamay kaya pag-inom na lang ng juice ang nagawa.

Taas-baba ang ritmo ng kamay nito, bahagya pang pinipiga. Namilog tuloy ang kaniyang kamao habang pinapakiramdaman ang masarap na sensayon. Nag-angat siya ng tingin dito, kita niya sa ngisi nito kung gaano itong nasisiyahan sa ginagawa.

Parang wala lang itong nag-lean in sa kaniya. “Malapit ka na ba?” bulong pa nito.

“Kite!” Naitigil si Prima sa ginagawa nang marinig ang malakas na boses ng kaniyang ama. Bumuga naman siya ng hangin at huminga nang malalim.

“Maghugas ka na ng pinggan. Tapos na ang lahat kumain.” Binitawan siya ni Prima at nagpaalam sa banyo.

Tumingin naman sa kaniya ang ama. “Hindi ka pa ba tatayo?” Napalunok si Kite. Hindi niya kayang tumayo. Makikita ng mga ito ang nakabukol niyang pagkalalaki mula sa pantalon.

“M-Mamaya na po,” aniya at kumuha ng bagong set ng kanin para kunwaring kainin. 

Shit! Masakit na ang puson niya.

KALAGITNAAN nang paghuhugas si Kite nang maramdaman niya ang kamay ni Prima na lumilingkis sa kaniya.

“Wala bang malapit na hotel dito?”

Nagtayuan lahat ng balahibo niya pagkarinig sa mga salitang lumabas sa labi nito. Ang kaninang nananahimik na alaga ay muling nagwala. Galit pa rin yata si Prima at nais lang siyang i-torture?

“Prima…” May pagbabantang sabi niya rito.

“Kite, I'm horny. Like, super horny. Tingin ko dadatnan ako bukas. Kaya pakasawa muna tayo now, please?” Nagpa-cute ito sa kaniya. Naiiling na bumuntong-hininga siya. Dito siya mahina, eh! Tsk. Mali yata ang sinasabi ng babae, siya ang marupok dito!

Hindi naman naka-hindi si Kite. Eventually, nagbihis siya, sa pagbaba niya ay naabutan niya si Elaine na hinuhugasan ang naiwang mga plato. Nakangiti itong humarap sa kaniya.

“Sige na, ako na ang bahala rito.” Presenta ng babae.

“Sure ka ba?” paninigurado naman ni Kite.

Natatawang tumango ito. “Yes, baka mag-selos pa mamaya ang girlfriend mo 'pag nakita tayo.”

“Napansin mo pala.”

Elaine scoffed. “Tingin mo hindi ko mapapansin? Halos mamatay na nga ako sa talas ng tingin niya.” Huminga ito nang malalim. “Sayang, Kite. Before ako pumunta rito, nasa isip ko sana na tanungin ka kung i-try natin, p'wede kaya? Kaya lang when I got here, nakita ko may kasamang babae. Hindi ko inisip na secretary mo lang siya, I'm pretty sure she's someone special. Hindi ka naman kasi basta-basta nagdadala ng babae rito. Pero siyempre nag-hope pa rin ako. I still failed though.

“Hayaan mo, ako ang bahala kay Tita. Mukhang ako pa rin ang bet hanggang ngayon, eh.” Nagkatawanan sila sa sinabi nito. “Sige na, punta ka na ro'n. Ingat, at magsuot ka ng condom kapag 'di ka pa handa.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top