Chapter Twenty-One


Warning: A very short update


Hindi siya gumalaw. Nakatayo na lamang siya roon habang nakamasid sa dalawa. Napakagandang pagmasdan ang senaryo na sa kaniyang puso harapan, tila ba isang larawan na hindi kinakailangan ng salita upang ipaalam kung ano ang nais na iparating ng litrato dahil kitang-kita ng kaniyang mga mata ang buong-buong pagmamahalan ng dalawa para sa isa't-isa.

May parte sa puso't isip ni Kite na ihakbang ang paa palapit sa mga ito at samahan. Pero muling sumagi sa isip niya ang tanong, "Handa na nga ba siyang magpaka-ama? Handa na nga ba siyang tandaan na hindi lang sa sarili at resto iikot ang mundo niya?" bahagya tuloy na napaatras ang kaniyang mga paa. Akma namang tatalikod siya nang may mabigat na palad na dumapo sa kaniyang pisngi. Agad siyang napaharap sa babaeng may sala.

Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito habang dad sa kaniya. Taas-baba rin ang dibdib dahil sa matinding pag-hinga. Dinuro siya nito.

"Ikaw," bungad nito. "Subukan mo lang tumapak sa loob ng pamamahay namin at ilayo sa akin si Peña, magsisisi ka talaga. Tandaan mo, hindi mo siya anak!"

Halos malukot na ang kanyang mukha sa pagkakangunot ng noo niya dahil sa kaguluhan. "Miss, ano ba'ng—"

"Mommy Patri!" Napalingin sila ng sabay sa pinanggagalingan ng boses. Galing iyon sa isang magandang bata na sa batid niyang hindi nalalayo sa walong gulang ang edad. The girl was a spitting image of Prima, di bale na lamang sa tsokolate nitong mga mata. Mga matang kaparehong-kapareho ng kaniya.

Natulos sa kinatatayuan si Kite, he felt like something robbed his breath as he was staring at Prima and the child walk towards them. The smile on their faces were genuine, so genuine that it made him smile too. Nawala na lamang ang mga ngiti nito nang makita siya. May bahid ng gulat ang mukha ni Prima pagkakita sa kaniya.

"Kite, ano'ng— ano'ng ginagawa mo rito?" Si Prima.

"Sino po siya?" tanong pa ng bata.

Hindi namalayan ni Kitekung ano'ng ginagawa niya. Basta ang tangi niya lang alam ay tila nasa alapaap siya at hindi makapag-isip ng maayos, hinahayaan ang sariling pusong mag-desisyon ng narsrapat niyang gawin ng mga oras na iyon. Lumuhod siya sa harap ng bata, sinapo ang mukha at hinalikan ito sa noo saka mahigpit na niyakap.

Luha.

Pumatak ang mga luha mula sa mga mata ni Kite nang maramdaman niya sa kaniyang bisig ang anak. Napapikit siya, dinadama ang mainit na paghaplos na naramdaman sa kaniyang puso nang nagbalik ng yakap sa kaniya ng bata.

Hindi nagtagal ang sandaling 'yon nang naramdaman niyang itulak siya palayo nito. Mahina siyang natawa mang makita sa mukha ng bata ang pagtatakha. Malamang ay iniisip kung sino siya at bakit niya ito niyakap.

"Sino siya? Siya ba ang Daddy ko?" muli nitong tanong a na binigyan ng pansin si Prima sa gilid. Gulat na gulat ang babae pagkakita sa kaniya. Para bang nakakita ito ng multo at hindi makapag-salita dahil sa shock na nadarama.

"Boss ko—"

"Oo, ako ang dad mo..."

Pareho silang natigilan ni Prima at nagkatinginan nang maging magkaiba ang kanilang mga sagot. Ngunit mukhang ang kanyang sagot lamang ang pinakinggan ni ng bata dahil tumakbo ito sa kaniya at muli silang nagyakapan. But this time, it was the little girl who initiated the hug. It warmed his heart. Parang gusto niya ulit na maluha sa mga sandaling iyon.

Ang anak ko.

Bumuga siya ng hininga nang bumitaw na sila sa pagyayakapan. May masaya't masagana namang ngiting nakapaskil sa mukha ng bata habang tinititigan siya. Napaka-cute nito, kompleto ang set ng mga mgipin nito kaya hindi talaga nahihiya ang batang ipakita ang mga 'yon. Bukod pa, napaka-charming ng ngiti nito at hindi nakakasawang pagmasdan.

"Nahanap mo na ang daddy ko, Tita-Mommy!" Agad na nangunot ang noo ni Kite nang marinig kung ano'ng tawag ng bata kay Prima.

Tama ba ang narinig niya? Tinawag ito ng bata na "Tita-Mommy"? Nag-iwas sa kaniya ng tingin si Prima. Naagaw naman ang atensiyon niya nang hilahin ng anak ang kaniyang kamay at ipaghugpong sa kamay ng babang nanampal sa kaniya. Iyon ang hinuha niyang tinawag ng batang si "Mommy Patri".

Nakaramdam siya ng pagkadismaya nang ma-realize na hindi ito ang anak nila ni Prima. Hindi naman kasi tatawagin ng bata na "Tita-Mommy" lang si Prima kung ito nga talaga ang ina nito. Pero iyon lamang ang isip-isip ni Kite. Lingid sa kaniyang kaalaman ang sitwasyon ni Prima at ang anak nito.

"Kite, p'wede ba tayong mag-usap?" Kuha ni Prima sa kaniyang atensiyon. Nilihis niya ang tingin mula sa iniisip na anak patungo rito. Tumayo siya at nagpatianod nang hilahin ng babae kaniyang kamay.

"Sorry," mahinang bulong nito. "Sorry talaga sa nagawa ko sa 'yo, hindi ka dapat pumunta rito at sinabi 'yon."

"Bakit? Para masolo mo ang bata ng sa 'yo lang?" Hindi na naisip ni Kite ang sinabi, nadala siya sa bugso ng damdamin lalo pa't nakikinita niya ang naging reaksiyon ni Prima dahil sa sinabi niya kanina. Para bang ayaw nitong ipaalam sa bata na siya ang ama nito.

Nangunot ang noo nito. "Hindi, Kite! Dahil alam kong napipilitan ka lang na sabihin 'yon dahil sa pressure..."

"Pa'no mo naman nasasabing nape-pressure lang ako?"

"Ikaw mismo ang nagsabi na may pangarap ka pa! Na gusto mo pang maramdan ang pagka-binata mo at unahin muna ang sarili mo."

It's true, what she said. Sinabi niya mga lahat ng mga bagay na 'yon and God, ramdam niya ang pagsisisi. Dahil ngayon, nakita niya ang mga ngiti ng kaniyang mag-ina may bumulong sa kaniyang damdaman na kagustuhang samahan at sabayan ang mga ito sa kung ano mang nagpapasaya sa dalawa.

"Nasaan ang anak natin, Prima?" kapagkuwa'y tanong niya.

"Kayayakap mo lang siya kanina, duh."

Nangunot ang noo ni Kite. "Tita-Mommy ang tawag niya sa 'yo..."

Nag-iwas ng tingin si Prima. "I know, 'di mo naman kailangan ipamukha sa 'kin."

Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. "Hindi ko maintindihan, bakit 'yon ang tawag niya sa 'yo?"

"Mamaya na natin pag-usapan, hinihintay na nila tayo ro'n," ani pa nito bago nilisan ang kinatatayuan at puntahan ang anak. Napamulsa si Kite na naiwan, iniisip ang dahilan kung bakit ayaw nitong pag-usapan ang pag-tawag dito ng anak.

Hindi man niya alam ang dahilan, isa lang ang nasa isip niya, masakit para sa babae ang marinig ang klase ng pagtawag dito ng anak.

"WALA KA PONG DALANG PASALUBONG?"

Naagaw ng kanilang atensiyon nang magsalita si Peña habang nasa gitna ng pagkain. Mahina namang natawa si Kite pagkakita sa magkasalubong na kilay ng anak habang masamang nakatingin sa kaniya.

Paano nga ba naman siya magkakaroon ng pasalubong dito kung siya mismo ay hindi sinigurado ang naging desisyon? But looking at them now, siguradong-sigurado na nga siya. Kaya ba naman niyang tanggihan gayong nakikita niya ang masasayang ngiti ng mga ito na nakapaskil sa labi? They look so happy that his heart glows with the genuine happiness he's seeing.

"Peña. pagod si Daddy mo, mamaya mo na lang hingin ang pasalubong mo." Si Patricia iyon nagsalita. Pinakilala ito ni Prima sa kaniya na "kaibigan" nito pero ramdam niya ang pagka-sarkastiko sa boses nito noong nag-uusap sila.

Napahawak tuloy si Kite sa pisngi nang maalala ang ginawang pananampal sa kaniya ng babae. Hindi pa rin siya nito kinakausap tungkol doon o kahit manghingi man ng paumanhin, pero ang klase ng pagtingin nito sa kaniya ay nagsusumigaw na, "Ayaw ko sa 'yo, umalis ka sa bahay ko, demonyo ka!" Pero hindi na lang niya pinansin iyon at nagpatuloy na lang sa pagkain kahit na kakakain niya lamang. Nakakahiya namang tumanggi at wala naman siyang ibang gagawin, baka nga't magtitigan lang silang apat sa salas.

"Eh bakit ikaw, Tita-Mommy? Kahit naman inaantok ka na tapos tinatanong kita kung may pasalubong ka, lagi naman meron? Bakit si Daddy wala?"

Tumikhim si Kite. "Mamaya, a-anak, bibigyan kita ng pasalubong."

Nanlalaki ang tsokolateng mata ni Peña sa narinig. Hindi pa nagtatagal ay may namuong mga luha sa gilid ng mata. "Anak..." Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "May Daddy na po ako," mahinang usal nito na parang ngayon lang rumehistro ang lahat. Binalot ng braso ni Peña ang kaniyang leeg para sa yakap na kaniya namang ibinalik. Ang mahinang pagsasalita nito ay napalitan ng mga hikbi habang unti-unting tumutulo ang mga luha.

"Sa'n po kayo nanggaling? Bakit po nawala kayo ng matagal?" tanong pa nito habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kaniya. Hindi siya sumagot dahil ang totoo, hindi niya alam ang isasagot. Bagkus, kaniyang hinaplos ang ulo nito habang pinapakinggan ang mga hinanain. "Mawawala po ba kayo ulit tapos nito?" Doon natigilan si Kite, parang may matulis na punyal na pinasak sa kaniyang dibdib nang marinig ang sinabi nito.

"Hindi na, anak, hindi na ako mawawala, promise." 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top