Chapter Twenty-Nine
Diretso sa kusina si Prima matapos ang kanilang usapan at hiwalayan. Hindi pa man siya nakakaapak sa kusina, naririnig niya na ang boses ng ina ni Kite na tila nanggigil.
“Sinasabi ko na nga ba, wala akong tiwala sa babaeng 'yan. Mas maganda pa sana kung si Elaine ang girlfriend ng anak natin, hindi pa iiyak ng ganyan 'yan.” Susog pa ina ng dating nobyo.
Katabi ng asawa na marahang pinapasadahan ang likod. “Hayaan na lang natin ang anak nating magdesisyon. Malaki na siya, alam na niya ang ginagawa niya.”
“Naku, kung alam niya, e 'di sana ay hindi siya naiiyak ng ganito ngayon?”
Problemadong-problemado ang mag-asawa. Hindi naman hinayaan ni Prima ang sarili na magpadala sa galit. Hangga't maaari, ayaw na niyang dagdagan pa ang pag-aaway nila ni Kite. Napagdesisyunan naman niyang lisanin na lang ang lugar.
Ngunit natigil nang marinig ang pagtawag ng kaniyang pangalan mula sa kusina. Lumingon siya, nakita ang dalawang matandang nakatingin sa kaniya.
“P'wede ka ba makausap?” polite na tanong ng ama ni Kite.
Matagal bago nakapagbigay si Prima ng sagot. Napilitang tumango at pumasok na ng kusina.
Kaharap niya ang mag-asawa, feeling niya tuloy ay nasa hot seat siya. At isa sa dalawa si Tito at si Boy. Ano ba ang maisasagot niya? Sex or chocolate. Sex with chocolate na lang siguro ang pipiliin niya.
“Ilang taon mo na kilala si Kite?” Ama ng dating kasintahan iyon.
“Taon ho?” Mahina siyang natawa. “Isang buwan pa lang po kami nagkakakilala.”
Napatanga ang dalawa at hindi agad nakasagot. “Eh, saan naman kayo nagkakilala?”
“Work po, nagta-trabaho ako as waitress sa restaurant ni Kite. He was very hands on, workaholic. Mabait din siya sa mga staffs niya, kaya siguro nahulog din ako sa kaniya eventually. Miminsan lang kasi ang mga taong magaganda ang pakikitungo sa akin.” Mapait siyang ngumiti. “Maintindihin din po siya, iniintindi niya ako palagi. Kasalanan ko talaga ang lahat kung bakit kami nag-hiwalay.”
“Hiwalay na kayo?!” Sabay na gulantang na ulit ng mag-asawa sa sinabi niya.
Tumango siya. “Opo. Kanina lang.”
“Pero kaya namin tinatanong ito dahil sa singsing na nakasuot sa daliri mo! Kung isang buwan pa lang kayo nagkakakilala, ilang weeks na kayo?” Ang ina naman ni Kite iyon na si Luceria.
“Three weeks na po.” Hindi makatinging sagot niya.
Pigil na pigil ang ngiti ni Luceria habang nagsasalita. Siniko naman ito ng asawa na si Roldan. Napasimangot tuloy ang ginang.
“Saka ka na gumanyan kapag wala na tayo sa harap ng girlfriend ng anak mo.”
“Ex-girlfriend,” pagc-correct ng babae.
Hindi naman nagpatalo si Prima at nakisagot na rin. “Ex-fiance.”
“Ex pa rin.”
“Naging fiancé pa rin.” Sinundan niya pa 'yon nang nang-uuyam na ngisi.
Mabilis na natigil sila nang pumasok sa kusina si Benison dala-dala si Peña na mukhang maiiyak na. Hindi niya alam pero nararamdaman niya ang pagkakasira ng kaniyang puso habang pinapanood ang bawat luha sa mga mata nito.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagpaalam na tumayo upang kuhanin ang bata.
“Bakit kayo naghiwalay ng anak ko?” Ayaw pa rin pala siyang pakawalan ng ama ni Kite.
“Ano ka ba, 'di na natin kailangan malaman. At least hiwalay na!” singit ng ina.
Ngumiti siya sa mga ito. “Mas maganda ho siguro kung sa anak niyo po mismo manggagaling kung bakit.”
Tumalikod na siya sa mag-asawa. Dala-dala ang mga gamit at anak, hindi na siya lumingon pa.
Kanina pa siya naiinis sa ginang at mga hirit nito pero pinipigilan niya lang out of respect. Wala na sila ni Kite pero hindi pa rin naman niya makakalimutan ang mga bagay na natutunan noong panahong kasama niya ito. Kahit gaano pa raw niya kinaiinisan ang isang bagay o tao, at lalo ba kung hindi naman nakakasama iyon, kinakailangan niyang tiisin iyon bilang respeto na rin.
“Uuwi ka?” tanong ni Benison. Wala sa sariling tumango siya. “Pwede ba tayong mag-usap?”
Pagkarinig sa sinabi nitong iyon, bumalik sa kaniyang alaala ang nangyari noon sa Fun House.
“So, ano'ng kailangan nating pag-usapan na hindi dapat marinig ni Kite?” Napaatras siya. “'Wag mong sabihin na gusto mo ako ulit ligawan?” Pakunwari pa siyang napasinghap.
Pero hindi ito natawa sa sinabi niya. Seryosong-seryoso pa rin ang kausap, hindi natitinag ang matigas na bulto.
“Bakit nga?” Naka-krus ang dalawang braso sa harap ng dibdib ni Prina na nakataas ang kilay.
“Tungkol sana kay Peña. I think it's time for you to learn the truth.”
Nangunot ang noo ni Prima sa narinig. “Truth? Ano ba 'yang pinagsasabi mo?”
“Pareho kami ng mata ni Peña. Ang kulay, pati na rin ang hugis, Prima.”
Nanginginig ang mga kamay na napahawak siya sa posteng nasa gilid. Kahit kailan ay hindi niya naisip iyon. Nakakakita siya ng similarities kayla Benison at Peña pero hindi niya pinag-isipan iyon dahil naiisip niyang common na rin ang ganoong features. Ngunit kung iisipin niyang mabuti, hindi lang basta mata ang pagkakapareho ng dalawa. Ang ilong ay magkahawig din.
Umiling si Prima. Hindi, hindi maaari! Hindi niya matanggap na nakapag-sinungaling siya kay Kite. Hindi siya sinungaling! Mali, mali lang talaga ang inaakala ni Benison. Baka ayaw lang ni Patricia na magkaanak ang dalawa kaya nagde-delusyon ang lalaki na anak nito ang anak nila ni Kite.
Pero kung ito nga talaga… nanginginig ang mga labing binalingan niya si Benison.
Namumuo na ang luha sa kaniyang mata. “Kung ikaw nga bakit hindi mo sinabi?”
“Natakot ako. Baka kasi kapag nalaman nilang may nangyari sa akin, ipakulong ako ng tatay mo o hindi kaya ipakasal ako sa ‘yo. Hindi pa ako handa.”
Pangutyang suminghal si Prima. “Hindi ka pa handa?” Takip ng kamay ang bibig, lumalabas na ang mga luha na hindi na niya napigilan sa mga mata. “Putangina.” Humugot siya ng malalim na hininga. “Ako rin, hindi rin ako handa. I was sixteen! Young, teen, pregnant! Naisip mo ba ‘yon? Noong umalis ka, naisip mo ba ako?”
Bumaba ang tingin nito. “Sobra akong natakot, Prima. I'm sorry.”
“Napakagago mo! Napakagago mo!” Sunod-sunod ang binitawan niyang hampas sa dibdib nito na sinasalo naman lahat ng lalaki.
Naghalo-halo lahat ng prustrasyon, galit, at lungkot sa katawan niya. Ni wala na siyang pakialam kung tumulo na nang tumulo ang mga luha niya at mabasa ang damit niya pagbalik. Ang alam lang niya ay hindi niya makayanang makita ang mukha ni Benison nang hindi nakakaramdam ng poot.
“Prima, kaya ko pinaalam sa 'yo ito dahil gusto ko nang ipaalam sa parents ko. At hindi mangyayari 'yon kung paulit-ulit mong sinasabi sa bata na si Kite ang ama niya.”
“Kasi siya naman talaga. Benison, I don't think you deserve to be called a father after what you did. Si Kite ang ama ni Peña at mananatiling gano'n 'yon.”
Tatalikuran na sana niya ito nang hilahin nito ang braso niya. “Subukan mong hindi sabihin kay Kite ang totoo, ako mismo ang magpapakain sa kaniya ng DNA test namin ni Peña. May korte rin tayo, Prima. Marami akong koneksyon, kaya kung ayaw mo pang mawala sa 'yo si Peña, mas maigi pang sabihin mo na lang kay Kite ang totoo pati na rin sa bata.”
Kinabahan siya. Nakakatakot ang pagbabanta ni Benison. Rinig niya ang senseridad sa boses nito. Namumutla niyang nilisan ang lugar, hindi maalis-alis sa utak ang pangyayari.
BUMUGA ng hangin si Prima. Hindi na niya alam ang dapat isipin. Nakauwi na sila, dala-dala ni Benison si Peña sa kuwarto nito. Si Patricia naman ay may trabaho pa bilang sales lady ng isang mall.
Galit pa rin siya kay Benison, oo. Pero tama rin ito, may karapatan ito sa bata kapag batas ang pinaguusapan. Alam niyang mali na hindi niya sinabi kay Kite ang totoo, kaya lang natakot siya. At mas nasindak siya nang malamang gusto nitong suportahan ang pagiging graphic designer niya.
Siguro nga, kahit umaayaw siya na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang sarili, tahimik niya pa ring hinihiling na magawa iyon. Kaya na-doble siguro ang pagkatakot niya na mawala ito nang malamang mags-sponsor sa kaniya ang lalaki para lang makapag-aral siya sa kursong iyon.
Ang sakit. Parang kahapon lang ay puno ng ligaya, pero dahil sa mga sekretong walang tapang niyang maipakita, lahat ng 'yon ay nawala. Pati rin ang kaniyang anak ay pinagkaitan niya ng saya.
Ang daming sigurong pumapasok sa utak niya. Kung siguro ay sinabi niya agad ay katabi niya ngayon si Kite at nakikipag-usap dito kung papaano ang kanilang set up. Siguro nga kung hindi siya naduwag sabihin iyon, baka naghahanda na silang dalawa sa franchise ng resto nito. Ang dami, hindi niya masabi lahat. At durog na durog na ang puso niya sa pag-iisip no'n isa-isa.
Nasa kalgitnaan ng pag-e-emote si Prima nang tumunog ang notification ng phone niya.
“Pack your things and leave.”
Mapait na napangiti si Prima nang mabasa ang message na iyon mula kay Kite. Marahil, ayaw na siya nitong makita pa. Mukhang kailangan niya na ring mag-quit sa pagiging waitress sa restaurant nito. Masakit, pero kailangan niyang tanggapin.
Hindi sa lahat ng oras kaya siya nitong intindihin. Tama nga naman ito, magiging tanga ito kung puro pagtanggap lang sa lahat ng kamalian niya ang gagawin. Kaya bukas kailangan niya nang mag-move on. 'Wag muna ngayon, tinatamad pa siya.
To pass time, naisipan ni Prima na i-check ang cellphone. Iniisip niyang maaalis sa isip niya si Kite kapag nagpawindang siya sa rabbit hole ng internet. Subalit, kung hindi ba naman minamalas, nakatanggap siya ng notification para kay Kite mula sa email nito na nakalimutang tanggalin ang account.
Nangunot ang noo niya sa nabasa. Ayon sa mensahe, interesado raw ang tao na iyon na gumawa ng branch ng restaurant ng dating nobyo sa California. Hindi makapaniwala si Prima sa nabasa. Hindi naman sa dahil wala siyang tiwala kay Kite na magagawa niya iyon ngunit, nakakagulat lang isipin iyon dahil bago pa lamang ang restaurant ng lalaki.
Wala pang naging pag-sagot si Kite. Umabot na nga ng ilang araw, halos mamuti na ang mga mata niya pero hindi pa rin ito nakasagot.
Alam niyang hindi siya dapat nakikitsismis sa mga bagay na si Kite lang ang dapat na nakakaalam pero hindi na mapigilan ni Prima ang sarili na alamin kung ano nga ang naging desisyon nito.
NASA bibig ang ang puso ni Prima habang hinihintay ang pagbubukas ni Kite ng pintuan sa apartment nito. Umabot ng dalawang linggo bago niya nakayanang tumayo sa higaan at gumawa ng ibang mga bagay maliban sa pag-iyak at paninisi sa sarili.
Hindi niya alam ang mga sasabihin sa lalaki. Hindi pa siya handa sa closure nila, pero kailangan pa ring mangyari iyon. Lalo pa't alam na niyang hindi na sila muling magkakaugnay pa ng lalaki. Not after everything she's done to him.
Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pintuan. Nilabas no'n si Kite, natigilan si Prima nang makitang nakasuot ito ng reading glasses, may mga tumubo na ring stubble sa baba nito. Nasa isip ni Prima na hindi noon ang tamang oras para makaramdam no'n.
Ngunit, ramdam niya ang pagtibok ng pagnanasa sa kaniyang ari pagkakita lamang dito. Nakakagulat kasi mukha itong good boy an may tinatagong wild side! Mga gano'n ang type ni Prima pero malabo ang kaniyang paghahanap sa mga ganoong klase. Kaya lang, mukhang si Kite ang nababagay na deskripsiyon no'n lalo na sa ayos nito ngayon.
“Ano'ng ginagawa mo rito?” Kunot ang noo nitong tanong sa kaniya.
Pilit na ngumiti si Prima. “'Yong mga gamit kong naiwan, kukuhanin ko sana. Gusto ko na ring i-turn over ang resignation ko.”
Tumango si Kite bago niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan at siya'y pinapasok. Natigil si Prima nang makitang nakahanda na sa isang sulok ang mga gamit niya. Naka-pack na ang lahat ng iyon sa maletang dinala niya at maayos na nakalagay ang iba sa tote bag.
“Wala naman akong masyadong ginagawa, tinapos ko na 'yan. Hindi mo na kailangan pang mag-ayos. Dalhin mo na ang lahat and you're free to go.”
Nginitian niya ito. “Gusto mo ba akong umalis?”
Walang kurap, sumagot ito, “Yes.”
“Ah, 'kala ko magkakaroon tayo ng movie romantic moment. Sayang.” Tatalikod na sana siya nang maalala ang pakay. “So, um-oo ka ba?”
Nagdikit ang mga kilay ng kausap. Halatang hindi naiintindihan ang tanong niya.
“'Yong branch sa California.”
“Paano mo nalaman?”
“Nakalimutan mong mag-sign out sa email app ko. Sorry dahil nakibasa ako ng messages mo.”
Sinilid ni Kite ang kamay sa bulsa ng pantalon. “Hindi ko pa alam.”
“Kung ako, susunggaban ko na 'yan! Once in a lifetime opportunity 'yan.”
“Thank you but no, hindi ako tumatanggap ng advice sa mga manloloko.”
Napako ang mga paa ni Prima sa sinabi nito. Para tuloy siyang yelo na nanigas. Hindi makagalaw at makapal ang pagkakabalot.
“Kite, kapag ba naayos ko ang sarili ko, tapos naging mas hands on ako sa mga responsibilidad ko at medyo naging mabait ako, babalik ka pa ba sa akin?”
Hindi niya matingnan si Kite. Sa paa lang nakatuon ang mga mata niya, hindi iyon iniiwan.
“Hindi ka na ba manloloko no'n?” tanong pa nito.
“Nagloko ako, hindi mo mababago 'yon. But if you tell me to change, I will. Walang dalawang-isip akong magbabago para sa 'yo ”
“Save it. Magbago ka dahil gusto mo, hindi dahil sa kasiyahan ko. Napakababaw naman ng tingin mo sa akin kung ganoon kadali makikipagbalikan ako sa 'yo na parang walang nangyari. Kung makikipagbalikan man ako sa 'yo, siguro kapag buo nang muli ang tiwala ko. Hindi kagaya ngayon na durog na durog pa.”
Unshed tears pooled at the corner of their eyes. Nakatingin lang sila sa isa't-isa habang pinipigilan ang mga sarili na lapitan ang bawat isa at siilin ng mainit na halik at mapusok na yakap.
“Tandaa mo 'to, Kite. Magbabago ako. Aayusin ko ang sarili ko hanggang sa makuha ko na ang tiwala mo. Kaya kong maghintay, maging bagay lang tayo.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top