Chapter Twenty-Five


Temptine: Sorry, medyo natagalan. Was so busy these days. Hope magustuhan niyo ang update for today!

Napili nilang mag-pamilya na kumain sa isang sikat fast food matapos ang kanilang nakakapagod ngunit napakasayang family bonding sa fun house.

“Ito oh, chickenjoy.” Binigay ni Kite kay Prima ang thigh part, inuungot kasi nitong iyon ang gusto. Ngunit mukhang hindi pa ito nakuntento dahil  nakatingin pa rin ito sa kaniyang plato.

Mabigat na napabuntong-hininga si Kite. “Fine,” mahina niyang bulong saka binalatan ang fried chicken para ibigay sa nobya.

Ganitong-ganito sila palagi ni Prima sa tuwing kumakain sa mga fast foods, wala naman siyang magawa dahil hindi niya kayang tanggihan ajg pagiging malambing ng babae kapag nanghihingi ito. Hindi nga lang ito magawa ang pagiging malambing ngayon dahil kasama nila si Peña.

“Kanina pala, Prima, habang hinihiram ko 'yong phone mo para ma-check ang e-mails ko, may nakita ako.” Paninimula ni Kite ng usapan.

Natigil ito sa pagsubo. “A-Ano 'yon?”

“Hindi mo nasabi sa akin, nag-apply ka pala sa tutorship program?”

Parang nakahinga ng maluwag si Prima nsng marinig ang sinabi niya. Hindi na pinagtuunan ng pansin ni Kite ang kilos nitong iyon at nagpatuloy na lang sa pagkain ng spicy na fried chicken na in-order niya.

Iwinagayway ni Kite sa harap ni Prima ang pulang maliit na bandilang kasama ng chicken bilang palantadaan na maanghang upang gisingin ito sa pagiging maputla.

“Okay ka lang ba, Darling?”

Napailang kurap pa ang nobya bago nakasagot. “Yeah, okay na okay lang.”

“Bakit mo nga pala tinurn down? Sinabi ko na sa ‘yo ‘di ba? You don’t have to worry about Peña, kaya ko siyang panggastusan. Ibigay mo na lang sa sarili mo itong panahon na ito para sa ‘yo.”

“Hindi naman mahalaga, saka hindi pa ako sure, eh.”

Kumunot ang noo niya. “What? Ano'ng hindi mahalaga? Dream future ng girlfriend ko 'yan, bakit naman hindi?”

Pigil ang ngiti nito na sinangga ang braso niya bago muling sumubo ng kinakain.

“Bakit hindi po sumama si Tito-Daddy Benison sa atin kanina?” puno ng kuryosidad na tanong sa kanila ni Peña.

Nagkatinginan sila ni Kite. Walang lumalabas na salita sa kanilang mga bibig, hindi pa handang magsinungaling sa anak.

“Uhm… may gagawin kasi siya.” Si Prima.

Tumango-tango na lang si Peña na puno na ang bibig ng sauce galing sa spaghetti. Hindi lubos maisip ni Kite kung bakit siya nakakaramdam ng makirot na pakiramdam sa kaniyang puso sa pagkarinig lang ng anak na hinahanap ang ibang ama nito samantalang siya'y nasa tabi lang naman nito.

'Di bale, paglaki naman nito ay maiintindihan na nito ang lahat. Hindi na niya kailangan pang masaktan ng ganito. Ang kailangan niya lang gawin ay hindi maging absent parent. Nakatatak na sa isip niya na dapat palaging nasa tabi nito lalo na kung may kailangan.

“Prima, kailangan mong kunin 'yong classes na 'yon,” bulong niya pa rito nang nasa pagkain na ang buong atensyon ng anak.

“Kite, sinabi ko na sa 'yo. Pag-iisipan ko, hindi pa rin ako sure kung kukunin ko. Kahit pa sponsor kita.”

Para namang lumaylay ang balikat niya sa narinig. Pero nirerespeto naman niya ang desisyon ni Prima. Hindi naman niya kasi pwedeng ipagpilitan ang ayaw nito, at naiintindihan niya rin kung saan ito nanggaling.

Sinampay na lang niya ang braso sa balikat ng nobya at pinatakan ng halik ang ulo nito.

“MASAYA ba kasama sila Tita-Mommy at Daddy mo sa fun house?” Nakangiting salubong ni Patricia kay Peña.

May munting ngiti sa labi ang anak na tumango-tango. “Pero mas masaya kung kasama sila Tito-Daddy at Mommy!”

Napangiwi si Kite nang makita ang pagkaka-wala sa mood ni Prima. Lagot, mukhang babanat ang kasintahan.

“Wow, oo nga Patricia, sama ka naman minsan, para hindi kami mapagkamalang kidnapper.” pairap pa nitong sabi.

Bumadha ang gulat sa mukha ng kaibigan. “Ano'ng nangyari?” Napamasahe si Kite sa ilong.

“Akala nila Kidnapper kami. Nakalista kasing father si Mr. Benison doon, at ikaw, bilang mother. Kaya nang ipakilala namin na kami ang parents niya, tinawagan si Mr. Benison para alamin ang totoo. Thankfully, he's not that busy kaya naayos din naman na,” pagpaliwanag niya.

Mukha namang nakahinga ng maluwag si Patricia dahil patango-tango na lang ito. “Good to know.”

“Please, call me Benison, Kite. Napagusapan na natin 'yan before.”

Halos magdikit na ang mga kilay niya pagkakita rito. Hindi niya kasi napansin ang pagpasok nito at busy manood sa mga kwento ni Peña kay Patricia tungkol sa mga ginawa nila sa fun house.

“Before?” Rinig nilang mungkahi ni Patricia.

“Uhm, yeah, noong niligawan ni Benison si Prima.” Parang balewalang sagot ni Kite. Kita niyang natigilan si Patricia sa narinig.

“Niligawan pala ni… Ben si Prima?” Alanganing tumingin si Benison sa babae. “You know what? Iwan ko muna kayo rito, may kailangan lang akong ayusin sa ibabaw.”

“Pat! Patricia!” Sumunod na rin naman si Benison dito.

Mahinang natawa ang nobya sa nasasaksihan. Inukupahan na nito ang couch sa sala at tila pagod nang nakasandal doon.

“'Wag mong paakyatin mamay si Peña. Dahil pag-akyat niyo malamang makakalanghap kayo ng sex!” Pabulong ang pagkakasabi nito ng “sex” gawa ng katabi lang nila ang anak.

Natawa naman si Kite. Totoo nga yata ang sinasabi nito, dahil ngayon nakakarinig na sila ng maingay na pagtunog ng kamang gumagalaw sa ibabaw.

Nakiupo na lang din si Kite sa tabi ng nobya at pinatong ang ulo sa hita nito. Ang hita na hinding-hindi siya magsasawang pisilin lalo pa kung bago lang itong kain at medyo bloated pa. Hindi kasi siya nito nasasaway sa ginagawa dahil sa kabusgan.

Gano'n lang ang ginawa nila noon mga sandaling iyon. Siya, nakahawak sa binting pinaghihigaan habang marahang minamasahe't pinipisil. Si Prima, pinaglalaruan ang kaniyang buhok. Habang pareho silang nakatingin sa anak na busy sa paglalaro ng mga laruan binili nila, okay, fine, binili niya para dito.

Simpleng tagpo lang 'yon ng kanilang pamilya. Pero may kung anong bagay ang humaplos sa puso ni Kite para makaramdam ng kakaibang glow doon. Hindi lang basta glow, isang mainit na glow na unti-unti ay binabalot ang kaniyang puso.

Mula sa pakiramdam na 'yon, doon naintindihan ni Kite, dito siya nararapat. Kasama ang mag-ina hindi nag-aalala tungkol sa trabaho. Sana ganito na lang lagi araw-araw.

Ilang saglit lang, nabasag ang katahimikan nila nang biglang tumunog ang cellphone ng nobya. Pinatpat nito ang ulo kaya nilisan niya ang malalambot nitong hita saka ito tumayo upang tanggapin ang tawag.

“Uhm, yes?” Tinapunan nito ng masamang tingin si Kite. “Okay, I will note that. Yes, thank you.” Mabilis ding natapos ang tawag.

“Oh my God, Kite! Hindi ako makapaniwalang gagawin mo 'to. Sinabi ko na sa 'yo, hindi pa ako sure or ready!” Tumigil muna ito sa pagsasalita nang mapansing tumataas na ang boses.

Mukhang may ideya na siya kung ano ang tawag na natanggap nito. Now, he feels bad.

Napatingin ito kay Peña na natigil din sa paglalaro para tapunan sila ng nagtatakhang tingin.

“Umakyat ka muna sa taas, Peña.” Si Prima.

“Nandoon pa 'yong dalawa,” bigay rason naman niya rito.

“Wala ng langitngit, tapos na 'yon. Umakyat ka na ro'n, Peña.”

Wala namang naging sagot ang anak ngunit dumiretso na lang paakyat kasama ang ilang laruan nito.

“I am so disappointed in you right now. Ayaw kong sabihin 'yon dahil napaka-bait mo pero sumobra na ang pagkabait mo at nakikialam ka sa sarili kong desisyon sa buhay!”

Bumuga ng hangin si Kite. Nadidismaya rin siya sa sarili. Alam niya, hindi niya dapat pinakialaman 'yon pero hindi niya napigilan ang sarili, awang-awa siya kay Prima. Gusto rin naman nito iyon pero wala itong kumpiyansa sa sariling makakapitan. Akala niya ay makakatulong ang ginawa niya pero mukhang mas lalo lang yatang lumala.

“Kite, naka-oo ka na. Ano nang gagawin ko ngayon?” Napasabunot pa ito sa buhok gawa ng prustrasyon.

“Relax…”

Akmang hahawakan niya ito sa magkabilang balikat nang umiwas ito. Masama pa rin ang tingin sa kaniya. Nakakamatay.

“Uwi ka muna, Kite.” 

Lumaylay ang balikat niya sa narinig. Ito na yata ang pinaka-una nilang away bilang magkasintahan. At siya ang nasa mali, willing naman siya ayusin ngayon agad, pero mukhang kagaya ng muling pagpasok sa eskwelahan, hindi pa ito ready.

“Okay, tawagan mo na lang ako 'pag gusto mo nang mag-usap. So—”

“Tingnan mo wala ka man lang sorry!” Natikom ang bibig nitong nang magkaroon ng realisasyon sa nais niyang sabihin. “Gano'n lang 'yon? Hindi mo sasabihin na, “Parang gan'yan lang 'yong problema gan'yan ka na agad umarte”?”

Kunot ang noong umiling siya. “Bakit ko naman gagawin 'yon?”

“Ah, wala! Basta galit ako sa 'yo, umalis ka na! Ang boring mong kaaway, 'di ka nakikisigaw!”

Naiiling-iling niyang nilisan ang lugar. Palabas na siya ng bahay nang makatanggpa siya ng tawag. Ang kaniyang ama 'yon. Siguro oras na para muli niya itong bisitahin sa Manila. Hindi nga lang kasama si Prima.

HUMINGA nang malalim si Prima pagkakitang nakaalis na ng subdivision si Kite. Sobra siyang nainis sa ginawa nito.

Nalaman na lang niya mula sa office ng online school na pinag-enroll-an niya, tinanggap niya na pala ulit ang pagpasok sa classes ng mga ito at meron na rin siyang sponsor. Saka niya na-realize na nag-e-mail muli si Kite sa mga ito at sinabing gusto niya pa ring pumasok.

Dapat magpasalamat siya rito, alam niya, kasi ginagawa nito ang lahat ng makakaya para lang maibalik sa maayos at matuwid na direksyon ng buhay niya. Pero sana naman ay kinunsolta man lang siya nito.

Bumaba naman si Patricia na nakabalot lang ng silk robe sa
katawan. “Oh, si Kite?” bungad nito.

“Pinaalis ko, bakit?”

Kumunot ang noo nito. “Ba't naman? Kakauwi lang niya, 'di ba?”

“None of your business!” Iniwan niya ito sa sala at pumunta ng kusina. Sinundan pa rin naman siya ng kaibigan.

“Nag-away ba kayo?” hinuha pa nito.

Kumukulo na ang ulo niya sa inis. Hindi na tuloy niya napigilang magsalita. “Pakialamero ang boyfriend ko. Sinabi ko na sa kaniyang hindi pa 'ko ready bumalik pero pinipilit pa rin ako! Tapos kanina, inaaway ko bigla na lang nag-sorry! Mas nainis tuloy ako! Ayon pinauwi ko.”

“Nag-sorry pero mas nainis ka?”

“Ang ganda na ng buwelo ko, inaasahan kong magdahilan siya kagaya ng dati kong mga naka-date. Nakakairita talagang makipag-date sa mature!”

Mahinang natawa si Patricia. “Hindi naman 'yon ang dahilan kung bakir mo siya pinaalis at inaway.”

“What do you mean?”

“Takot ka na baka bigla mo na lang masabi sa kaniya ang totoo at iwan ka.”

Siya naman ngayon ang napangunot ang noo. “Alam mo?”

Binasa nito ang labi. “Ahm, yeah, s-sinabi sa akin ni Ben.”

“Siguro nga gano'n 'yon. Masaya pa kami, eh. Ayoko munang bawiin. Napamahal na yata ako sa kaniya.”

Pareho silang natigilan at nagkatinginan.

“Narinig mo 'yon?” tanong niya.

Tumango si Patricia. “Oo. Oh my gosh…”

Napangiti naman si Prima sa realisasyon. Mahal na nga niya si Kite.

KINABUKASAN, sumakay ng eroplano si Kite pauwi sa Manila. Ganoon pa rin naman ang bahay, pinanatiling maayos ng kaniyang mga magulang, walang gaanong basura, at napupuno ng mga halaman ng kanyang ina.

“Kite! Sobra ka naming na-miss, anak!” Sinalubong siya ng yakap ng mga magulang.

May ngiti sa labi niya itong mahigpit na niyakap. Kagaya ng mga ito, na-miss niya rin ang mga ito.

“Okay naman kayo rito?” pagkukumusta niya.

“Maayos kami rito, ibaba mo muna 'yang gamit mo.”

Tinungo ng ama niya ang kusina at kumuha ng maiinom. Samantalang siya at ang ina naman ay naupo sa isa sa mga upuan ng sala set na binili niya noong nakaraang taon lang.

“Marami akong pasalubong meron akong Aratiles diyan, at saka food na rin from resto.”

“Mamaya na 'yan, kwentuhan mo muna ako kung kumusta na doon! Ang resto maayos naman ba?”

Nakangiti siyang tumango. “Maayos naman, actually nakatanggap ako ng offer na gawan ng isang branch ang resto ko sa loob ng mall.”

“Wow! Eh, girlfriend anak, meron na ba?”

Doon siya natahimik. Girlfriend? Wala sa sariling napangiti siya nang una niyang nakita si Prima. Si Prima at ang galit nitong mukha bago siya umalis. Kahit galit ito ay cute pa rin. When did he got so lucky?

“Ay, naku, malamang wala. Eh, si Bang-Bang?” pagpapatuloy lang ng matanda.

“Ah, namalimutan kong sabihin pero nag-resign siya.”

Bumadha ang pag-aalala sa mukha ng ina. “Nag-away ba kayo? Inaway mo ba siya, ha?”

“Hindi, kusa siyang nag-resign. Sabi niya handa na raw siya mag-isip para sa sarili niya.”

“Wow, good for her.”

Mula naman sa kusina ay may dala ng tray ang kaniyang ama. Apple juice yata ito 'yon sa apat na baso.

“Inom ka muna, anak, for sure nakakapagod ang biyahe.” Ang kaniyang amang si Poncio iyon. “Naalala mo pa ba, 'nak, si Elaine? 'Yong nag-asikasu sa 'yo rito noong umuwi ka ng nakaraan.”

Ah, si Elaine. Mabait 'yon, nasa tabi niya palagi narito siya sa Manila. Tingin niya nga ay sinusubukan siyanf akitin pero hindi naman siya dapst mag-assume. Isa pa, may nobyo ito noon.

“Single siya ngayon, naghahanap ng asawa. Gusto na raw ng anak! Punta tayo center mamaya, pa-check ka kung p'wede.” Siniko pa siya ng ama n tatawa-tawa.

Nakitawa na lang siya. “Hindi p'wede, isa pa, magkaibigan lang kami ni Elaine.”

“Kaibigan lang ba ang tingin sa 'yo? Eh, iba ang tinginan noong last an pumunta ka rito. Saka mukhang type na type ka. Lagi maming tinatanong kung kailan ka raw uuwi.” Ang kaniyang inang si Ronna.

Hindi pa siya nakakasagot nang bumukas ang pintuan ng kanilang bahay. Iniluwa no'n ang babaeng may dahilan ng pagsikido ng kaniyang puso.

“Prima, ano'ng ginagawa mo rito?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top