Chapter Twenty-Eight
Temptine: A very short uodate plus a little trigger warning, there might be a scene where its kind of considered as s3lf-h4rm.
HINDI kaagad nakagalaw si Kite nang makita ang pagsulpot ng anak na kasama si Benison. Seryosong-seryoso ang mukha ng lalaki kaya alam niyang mahalaga itong pakay sa kanila.
"Benison, ano'ng ginagawa mo rito?" Nilagpasan siya ni Prima at inuna ang pagkuha sa bata mula rito. "'Di ba nagsabi na ako? Saka na!"
"Saka na kapag kinasal kayo?" Nakatuon ang mga mata ni Benison sa daliri ni Prima kung saan matatagpuan ang singsing na kabibigay niya lang kahapon. "Alam mo ba kung ano ang pinapasok mo?" Sa kaniya naman na ito nakatingin pagkasabi.
Kunot ang noo at puno ng kaguluhan ay sumagot si Kite. "Oo naman, handa akong bumigay for deeper commitment kasama siya. Bakit mo naitanong?"
"Handa ka pa rin ba kapag nalaman mo ang panloloko niya?" Nang-uuyam ang ngisi nitong tiningnan siya.
Dumako ang tingin ni Kite jay Prima. Puno ng kaguluhan ang utak sa kinikilos ng lalaki. "Ano ba ang sinasabi ni Benison?"
Binasa ng nobya ang labi gamit ang dila bago humugot ng hininga. "Tama ka siguro, Kite, mas mahal mo yata ako."
Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Kite nang magkaroon ng ideya kung ano ang nais nitong sabihin. Pinigilan niya kumawala iyon. Palunok-lunok lang siya kahit pa masakit na ang lalamunan niya.
"Did you cheat on me with Benison?" hinuha pa ni Kite.
"No, hindi ko magagawa sa 'yo 'yon kahit kailan. Pero may kailangan lang malaman."
Bakit ganito? Kahapon lang ay kagagawa lang nila ni Prima ng isang masayang palatandaan sa kanilang pag-iibigan, pero ngayon ay nakahanda na ang mga nakatagong sekretong sirain ang relasyong kakapundasyon.
Totoo nga siguro ang mga sinasabi ng tao. There's a calm before the storm. At hindi pa niya kayang harapin iyon pero nararapat lang ngayon. Wala siyang ibang magagawa kundi ang tanggapin na maaaring matuldukan ang kanilang relasyon ngayon din.
Dala ang buong tapang, nagtanong siya, "Ano 'yon?"
"Ang totoong ama ni Peña."
"A-Ako?" Tinuro niya ang sarili.
Parang isang dahon na dahan-dahang nahuhulog mula sa puno ang kaniyang puso nang makita ang pag-iling ng babae. Natigilan siya, hindi makapagsalita o gawa.
"What do you mean?"
Sumingit si Benison. "Ako ang tunay na ama ni Peña."
Mas lalo siyang naguluhan sa rebelasyon nito ngunit nagpadagdag naman iyon sa pagkabog ng kaniyang dibdib.
"Pero hindi ko naman nalaman agad until recently. Noong pinagkamalan tayo ng mga guards doon na... mga kidnappers tapos d-dumating si Benison at sinabi sa akin ang lahat..."
Hindi na makatingin sa kaniya si Prima habang sinasaysay nito ang nalalaman.
Nanginginig ang mga labi ni Kite sa narinig. "Binibiro mo ba ako, Prima? Kaya ka ba nandito kasi gusto mo rin akong sorpresahin at magp-propose ka rin ba? Accomplice mo ba si Benison?" Binuntungan niya pa iyo ng tawa. "Kasi kung ganoon nga, you're breaking my heart."
"Magsasabi naman ako ng oo kahit sa basurahan mo lang ako tanungin kung gusto kitang pakasalan. Kaya 'di mo na kailangan ang p-prank ba ganito..." Napahikbi na siya, hindi na niya napigilan ang mapaluha.
Tumikhim si Kite para patigilin ang sariling pumalahaw ng iyak. Napatingin siya kay Prima, nakikita na rin niya ang mga luhang naglalandas sa pisngi nito, malamang ay dahil sa takot.
"'Wag ka nang umiyak, mas nasasaktan ako."
Tinakpan ni Prima ang sariling bibig nang marinig nila ang paghikbi nito. Pumasok naman sa eksena ang kaniyang mga magulang na ganoon ang senaryo. Gulat na gulat ang mga matatanda sa naabutan. Masama ba ang tingin ng ina niya kay Prima.
"Ma, pakialis muna si Peña rito, mag-uusap lang kami ni Prima." Alam niyang hindi kilala ng mga magulang niya si Peña dahil hindi niya pa ito nabanggit sa mga ito.
Ang gusto niya kasi, kasama niya si Prima magpakilala ng bata. Pero sa nangyayari ngayon, mukhang malabo pang mangyari.
Kinuha niya ang kamay ni Peña na nakapulupot sa kamay ni Benison at sinama kasama ang mga magulang niya.
"Gusto ko tayo na lang muna ang mag-usap, Prima. Saka na tayo mag-usap, Benison."
MAGKAHARAP silang nakaupo sa upuan na nasa garden. Nakayuko lang si Prima, nahihiyang magpakita ng mukha, halata sa itsura nito ang pagkaguilty.
"Kailan mo pa nalaman 'yon?" tanong niya.
"Dalawang araw pa lang."
"Wala ka bang balak sabihin sa akin 'yon noong nagp-propose ako?"
Doon na ito nag-angat ng tingin. "Sasabihin ko sana pero pinangunahan ako ng kaba. Baka kasi kapag nalaman mo, bigla mo na lang kaming iwanan..."
Napadabog siya sa lamesa na kinagulat ni Prima. Malalaki ang mga mata itong tumingin sa kaniya.
"Putangina!" That was the first time he ever cursed out loud.
"Hindi ako mahilig magmura, Prima, pero putangina." Mariing napapikit ang kaharap. "Kailan ako nagkulang? Kailan kita hindi inintindi at ang sitawasyon mo? Bakit gano'n kababa ang tingin mo sa akin, Prima? Hindi pa ba sapat ang pagpaparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal?"
"Kite, I'm sorry, sasabihin ko rin naman sa 'yo. Hindi nga lang ngayon..."
"Kung hindi ngayon kailan pa? Kapag kasal na tayo? Kapag inako ko na ang responsibilidad na hindi ko naman gusto?!"
Natigilan si Prima sa narinig. Alright, aaminin niya, foul iyon sinabi niya. Nasaktan niya, hindi lang ito kun'di pati na rin ang anak— no, si Peña.
Pero hindi niya mapigilan ang bibig kung ano-ano na lamang ang lumalabas mula roon lalo na sa galit siya ngayon.
"Pero willing ka?" Hindi makapaniwala si Prima sa sinabi niyang tanong nito.
"Hindi porke't willing ako ay ginusto ko na. Tinanggap ko ang pagkakaroon ng anak dahil kailangan, hindi dahil sa kagustuhan. Hindi pa ako handa, eh. Sa totoo lang. Gusto ko pang maipatayo ang malaking resto na pinapangarap ko, mabigyan ng mas malaking bahay ang mga magulang ko. Gusto ko ring magkatugtog ulit, Prima, pero sa sobrang pagka-hulog ko sa 'yo, lahat ng 'yon binitawan ko para lang masalo ka at ang anak mong pinaniwalaan mong akin!"
Lunuhod sa harap niya si Prima. Nakaramdam si Kite ng mas malakas na suntok sa kaniyang dibdib habang pinapanood itong maluha habang nakayakap sa kaniyang binti.
"I love you, Kite. Takot na takot akong mawala ka! Sa buhay koa t sa buhay ni Peña. Hindi ko agad sinabi sa kaniya dahil bilang nagulang niya—"
Natigil ito sa pagsasalita nang lumabas ang malakas na tawa mula sa kaniya.
"Magulang? Ikaw? Kanino kay Peña? Nagpapatawa ka ba, Prima? Hindi ka kailanman umaktong magulang ni Peña. Kahit kailan hindi kita nakitaang gumalaw o kumilos dito na parang isang ina sa bata. Kaya 'wag na tayong maglokohan pa, Prima. Immature ka masyado para maging isang ina. Kung ikaw ang ina ni Peña, I doubt na tatagal sa mundo 'yan."
Nanginginig ang labi na tiningnan siya nito. "Why would you say that?"
"Kasi gusto kong magising ka! Sa sobra mong pagtatago sa katotohanan, nakakasakit ka na sa mga tao. Isa na ako ro'n. 'Wag mo na ring alalahin ang mga papuring sinabi ko sa 'yo, noon. Clearly, you do not deserve a second chance. You are a bad mother, and overall a bad person."
Tumayo siya para lisanin ang lugar. Ayaw na niya itong nakikitang lumiluha, pumapalayaw ng iyak. Mas lalo siyang nasasaktan na nakikita iyon.
Pero hindi ito bumitaw sa hita niya. Nakaluhod ito sa grass na nanghihingi sa kaniya ng paumanhin ng paulit-ulit.
"Please, Kite, maawa ka sa akin. Mahal na mahal kita!"
"Sorry, I can't be with someone who does not trust me. Sobra akong maintindihin sa 'yo, Prima. Sana this time, ako naman ang intindihin mo. Ayoko na, tapos na tayo. Kung hahayaan kong palampasin itong ginawa mo ngayon, baka abusuhin mo naman."
Pigil an pigil si Kite na umiyak habang tinatahak ang daan patungo sa kaniyang kuwarto. Mabilis ang naging pag-lock niya ng pintuan bago nilapat ang likod doon at umiyak ng walang tunog habang nakatakip ang mga kamay sa bibig.
May mali ba sa kaniya? Bakit palagi na lang sa tuwing magpaparaya siya ng bagay na tunay niyang minamahal na gawin, lahat ng 'yon ay napuputna rin sa wala? Una ang pagbabanda niya, ngayon, nag-settle na lang siya na maging local restaurant ang Gamimenos kahit na kahapon alng ay may tumawag na gustong magpa-expand ng kaniyang restaurant. Binitawan niya ang lahat ng 'yon para sa pamilya.
Pamilya, tss. Pamilyang hindi naman sa kaniya.
Kaya pala noong makita niya sila Prima at Benison kasama ang bata, ay maging litrato iyon ng isang masaya't totoong pamilya. Naging possessive pa siya at naisip na kaniya lang nararapat ang mga iyon ngunit saka na lang niya na-realize, wala paka siyang karapatan doon.
Marahas niyang sinabunutan ang sarili bago sapak-sapakin ang ulo. Ang bobo niya, hindi na lang sana siya nagpasama sa agos ng kagandahan ng babae.
Ang bobo niya. Wala siyang kwenta. Wala siyang karapatan sa lahat ng nakukuha niya. Kontrabida siya, pinagkait niya ang mga oras na dapat ay kasama ni Benison si Peña. Gago siya.
Bobo siya. Bobo siya. Bobo siya.
Paulit-ulit sa utak niya ay walang sawang naguulit-ulit iyon. Hindi na niya namalayan, puno ng luha ang mga mata ay nakatulog na siya sa sahig ng kuwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top