Chapter Twenty


Temptine: Wala po rito ang magiging usapan ni Prima at Kite from Chapter Nineteen, may iba rin po ritong details na hindi ko ininclude dahil iu-under ko po ang story na ito sa Goodnovel. 'Yon lang, good day!

---

TWO DAYS. 

Two days ago nang ipaalam ni Prima kay Kite na may anak ito, na may anak sila. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Kite sa natuklasan. He had always been careful when it comes to sex. Kaya nga dalawang babae palang ang nakatalik niya sa tanang buhay niya. And well, pangatlo si Prima. 

Ang akala niya ay binibiro lang siya ni Prima but then he remembered what happened ten years ago. When he thought he was a victim of something he horrible he couldn't even say. He blew a loud breath. He panicked the day after it happened, hindi niya nakita ang babae, he ran away and never looked back. 

Takot siya no'n. Takot na takot. Bukod sa takot na nadarama ay nagulo rin siya sa kung ano ba ang dapat niyang gawin. Tila ba ninakawan siya ng utak at hindi siya makapag-isip ng maayos noon. 

Pinadulas niya ang daliri sa kaniyang buhok. Kinakalma ang sarili na huwag nang muling isipinang mga nangyari noon. Ang importante, ay kung papaano niya masasabi kay Prima na hindi pa siya handa. Kaka-simula pa lang ng restaurant niya for god's sake! Wala pang kasiguraduhan na kaya nang makapagpalamon at magpalaki ng bata gamit ang income ng resto niya. 

Two days na rin pala niyang iniiwasan si Prima. Ngayon ay nagpaalam ito sa kaniya, uuwi raw ito sa bahay upang kausapin ang anak. Hindi niya mawati kung ano'ng klaseng pag-uusap nga ba ang ibubunyag nito sa anak. Tungkol ba sa kanya iyon? But he said give him a time to process everything, susuwayin kaya iyon ni Prima? Hindi naman na malayong gawin ng babae 'yon dahil kilala niya ito at napaka-tigas ng ulo. 

Ilang saglit pa siyang nagmuni-muni nang tumunog ang kaniyang cellphone. Senyales na mayroong tumatawag sa kaniya. He took out his phone and a knot formed on his forehead. Si Doeren 'yon, malamang ay kinukulit na naman siya tungkol sa pagtanggap ng offer sa kanya ng kilalang businessman na mag-franchise ng resto. 

“Yes?” pagod na ang boses na bungad niya rito. Napamasahe pa siya sa bridge ng ilong niya nang marinig na naman ang tungkok sa offer. 

“Ano, 'wag mong sabihin na busy ka dahil alam kong namomroblema ka sa love life mo.” 

“Pano mo nalaman?” takhang-takhang tanong niya.

“Chinika sa akin ni Bang-Bang na hindi raw kayo nagpapansinan ni Prima. Nag-commute din daw siya pauwi kahapon. 'Wag mong itanggi sa akin, halika na kasi! One week lang naman 'yong business trip.” 

Napaupo siya sa swivel chair. Parang nanghihina yata siya sa pamimilit sa kaniya nito.

“Pag-iisipan ko,” tangi na lamang niyang nasabi. 

“Sus, parang kada-sabi ko about sa offer 'yan palagi sinasagot mo, tapos ang ending hindi naman pala. Hindi tatagal itong offer, Kite, Mr. Tan is a very impatient man. Maraming siyang kailangang asikasuhin, kung ako sa 'yo bibigay ko na agad ang sagot.” 

“I know but fifty percent ang hati? Hindi ba't parang napaka-unfair naman no'n? Seven-thirty ay papayag pa ako.” 

“Exactly why you need to come with me this weekend at i-discuss ang dapat na pag-usapan.” 

He siged. “Fine, saan ba 'yang trip na 'yan.” 

“Kalibo.” Nahigit niya ang hininga, bumilis din ang pagtibok ng puso niya, tila ba nararamdaman niyang nakikipag-karera siya kasama ang mga kabayo. That's where Prima lives, and her daughter. His daughter. 

Pinakalma niya muna ang sarili at pinigilan ang nararamdaman na excitement nago nagsalita.

“Okay, pero sasama lang ako para ma-discuss ang dapat na ma-discuss, hindi ako umo-oo sa offer.” 

He heard Doeren squeled from the other line. Napatakip tuloy siya sa tainga. “Okay, this weekend ha!” excited pa nitong sabi bago ibinaba ang tawag. 

“GOODNESS, smile naman Boss!”

Pinilit pa niyang ngumiti lalo, sinunod ang inuutos ni Bang-Bang. Pero kagaya ng kanina, himdi umabot iyon hanggang mata. 

Inayos pa ni Bang-Bang ang suot-suot nuyang black pleated tie na bumagay naman sa three-piece black and white suit niya. Ngayong araw na ang pinakahihintay niya, ang araw ng business meeting niya kasama si Mr. Tan. 

Hindi niya alam kung ano ang nagpapakaba sa kaniya, ang medting ba ni Mr. Tan o ang posibilidad na makitang muli si Prima matapos ang isang linggong hindi pagpapansinan. Pero naisip niya, kaba nga ba 'yon o excitement? 

Gusto niyang matawa, excited pa talaga siyang makita ang taong nag-sinungaling sa kanya para lang sa sarili nitong kagustuhan. Grabeng katangahan na nga yata ang meron siya. 

“Boss, hindi ka ba talaga ngingiti? May offer ka na makaka-pagpalawak ng resto mo tapos para ksng constipated ngumiti? ang gandang opportunity na nito, oh!”

He scoffed. “Magandang opportunity lang 'yan kapag hindi na fifty-fifty ang hatian.”

“Ang arte mo masyado, maganda na ngang offer 'yan lalo pa't baguhan lang ang resto mo. Basta kapag umayaw si Mr. Tan, hindi ko na kasalanan 'yon.”

Umiling-iling na lang si Kite, as if he would care if Mr. Tan might not continue his plans. Um-oo lang naman siya para itigil na ni Doeren ang pangungulit sa kanya at para na rin ma-distract siya mula sa problema niya kay Prima. 

Mabilis na natapos ang pag-aayos niya at tinungo ang sasakyan. Nasa bibig ang puso na pinaandar niya ang sasakyan paalis patungong GQ Hotel, doon naka-stay si Mr. Tan at nais daw nitong maka-usap siya. 

He was driving through the plaza, finding a great spot to park his car when something caught his eyes. Ipinaling niya ang ulo pa-kanan sa nakita. 

Hindi niya mawari kung pinagt-tripan lang siya ng mga mata niya o dahil lang sa pagkaulila kay Prima pero kitang-kita ng dalawa niyang mga mata ang masasaya nitong ngiti. Hawak-kamay ang isang batang babae at halos kahawig ng babae ang bata. Gusto niya sanang itigil ang sasakyan. Bumaba at harapin ang mag-ina. 

Ang mag-ina ko.

Pero naisip niya ang pangarap niya. Kung ano ang mawawala sa kaniya at kung ano ang makukuha niya. Natatakot siya sa posibilidad na kapag hinarap niya ang mga ito, bigla na lang mawala na parang bula ang kagustuhang maabot ang pangarap. Nangyari na 'yon noon, hindi imposibleng mangyari muli ngayon. 

Akma na siyang lilisan nang mahagip niya ang isang bagay na kailanman ay hindi niya inaakalang makakadurog ng puso niya. 

A happy complete family.

Bigla na lamang dumating si Benison, ang lalaking sinasabi ni Prima na kaibigan lang daw nito pero ngayon ay kasama ang anak nila at hawak-kamay pa ang tatlo sa paglalakad. 

He felt a lump on his throat. May bumabara sa lalamunan niya at hindi niya malunok-lunok, namuo na ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata dahil sa bwesit na bara sa kanyang lalamunan! He looked away, kumikirot ang kanyang puso sa nakikita, nakakaramdam din siya ng inggit. No, hindi 'yon inggit. It was possessiveness. 

His mind was screaming, “That's my family, not yours!” Paulit-ulit na sinisigaw iyon ng kanyang utak ngunit hindi man lang niya magalaw ang kamay upang kuhanin ang bagay na dapat sa kanya. 

But that would be selfish and unfair. 

Hindi niya gagawin 'yon kay Prima, she had been selfless ever since, well, aside from not telling him the truth. But she sacrificed things enough. Hindi nito naabot ang pangarap para lang bigyan ang anak nila ng magandang buhay.

Mabigat ang kalooban na minaneho niya palayo ang sasakyan. Habang papalayo, napa-isip siya, is she cheating on me? Hindi naman sila naghiwalay ng tuluyan at isa pa, dalawang araw lang naman ang nakakaraan noong hindi sila nagpansinan. O baka naman si Benison talaga ang nais nito at napilitan lang makipag-kasintahan sa kanya para sa anak nilang dalawa?

Umatake sa kaniya duda at pag-aalala. Was that it? Did he got played? Mariing pumikit si Kite. Dinadamdam ang pait at sakit sa iniisip na posibilidad. 

Iniiling niya ang ulo, he should stop doing to himself. Siya lang naman ang nasasaktan. Ang mabuti pa, unahin niyang isipin ang resto niya. Tama, dapat niyang unahin sa isip niya 'yon. Besides, 'yon naman talaga ang dahilan kung bakit tila hindi niya matanggap na mayroon siyang anak. Napabuga siya ng mabigat na hininga bago itinuloy ang pagpapaandar ng sasakyan.

NASA kalagitnaan na ng meeting si Kite kasama si Mr. Tan, so far, nagiging maayos ang pinag-uusapan nila. Pumayag ito sa gusto niya pero may mga kondisyon na kaniya rin namang pinaunlakan. Hindi rin nagtagal ang meeting dahil may kinakailangan daw na asikasuhin ang matanda, tumayo sila sa kinauupuan nila at inilahad ang mga kamay para makipag-kamayan. 

“Thank you, Mr. Tan, for this opportunity.” 

The old man cackled. “No worries, Mr. Solidum, I've tasted some of your restaurant's food, Doeren have been fulling our stomach with your restaurant's food and I can say, it was really good.” He cackles again after winking at Kite. 

Kite gave him a tight smile before nodding to be polite. They bid goodbyes and Mr. Tan left. Leaving Kite alone in the VIP Room of a five-star Restaurant. 

Maya-maya lang ay unti-unting nabuo ang isang ngiti sa kaniyang mukha nang dahan-dahang rumehistro sa kaniya ang nangyari. Nag-eexpand na ang resto niya! Soon, makikilala na rin sa buong bansa iyon, hindi na siya magwo-worry sa pera at kakulangan sa koneksyon! 

Bigla na lamang lumabas mula sa bibig ni Kite ang isang malakas na tawa, hindi niya nga lang sigurado kung masaya, basta ang alam niya, gusto lang niya ang matawa. Nanakit na ang tiyan sa kakatawa ngunit hindi pa rin siya tumigil. Ilang saglit lang ay pumatak ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. 

Akala naman niya ay makakamit na niya ang langit kapag nakuha niya ang gusto niya. Ito na ngaang pangarap niya at malapit nang matupad pero… nangungulila siya. 

Nangungulila siya sa bagay na hindi niya maturo kung ano man 'yon. Napapikit siya, lumantad sa kaniyang isipan ang imahe nina Benison at Prima kasama ang anak nila. Mas namilibis ang mga luhang dumadaloy patungo sa kaniyang pisngi, napakaganda ng anak niya, kamukhang-kamukha ni Prima. Kuhang-kuha ng bata ang maamo na mukha ni Prima, ang maliit st matangos na ilong nito, ang tila perpekto na mga labi. The child was like a carbon copy of Prima. 

Thinking of his daughter, lumitaw sa kaniya ang isipan ng isang masayang pamilya. Si Prima, ang anak nila, at siya. Siya at hindi si Benison. Siya bilang ama ng anak na talagang dapat naman sa kaniya. Ito na ba ang pinangungulilaan niya? Isang masaya at masaganang pamilya. 

Pinunasan niya ang mga luha. Kinuha ang car keys na nasa lames at nagmaneho patungo sa hindi niya alam kung saan. Natagpuan niya ang sariling nagmamaneho patungo sa address na nabasa niya resume ni Prima. Bumuga siya ng hininga at akmang papasok na ng subdivision nang harangin siya ng guard na nasa guard house. 

“Sir, ano po'ng pangalan niyo?” agad na bungad na tanong nito sa kaniya. 

“Kite, Kite S-Solidum,” tipid na sagot ni Kite. “Papunta ako sa bahay ng mga Leoson? House number 58?”

Tumingin muna ito sa log files bago muling ibinalik ang tingin sa kaniya. 

“Pasensiya na, sir, wala kasi rito ang pangalan niyo sa listahan ng mga maaaring papasukin. Tawagan niyo na lang po si Ma'am Prima at mag-pahatid po papasok.”

Naglumikot ang mata ni Kite, hindi niya alam kung saan haharap dahil alam niya, in the next minute ay makakapagsabi siya ng kasinungalingan. 

“Uhm, isa po akong delivery boy, meron akong ipapadalang package kay Ms. Prima Leoson.” Sinasabi na nga ba at may lalabas na kasinungalingan mula sa kaniyang bibig.

“Ay gano'n ba, sir? Pakipakita naman po 'yong package sa akin at pati na rin ang receipt.”

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Kite. Tila tinatambol na parang isang drum ang kaniyang puso habang tinutungo ang pinaroroonan ng kaniyang kotse. 

Mabuti na lang pala ay nasa sasakyan niya pa ang binili na nagay na 'yon para kay Prima. Para tuloy siyang nawalan ng tinik sa lalamunan nang makita iyong narooon. May ngiti kinuha niya ang package pati na rin ang resibo. Napamura siya sa isip nang pangalan niya ang nakalagay bilang receiver. Now, kailangan niyang makahanap ng lusot para hindi nito mabasa ng maayos ang resibo. 

Naginginig ang kamay niyahabang binibigay ang package sa guwardiya. Ipinalibot niya ang paningin sa guard house st nakita sa table nito ang isang litrato ng masayang pamilya. Muntik na siyang masuka nang maisip ang "masayang pamilya", ang una kasi niyang naiisip ay sina Prima at Benison kasama ang anak nila. Masagana, 'yon, 'yon na lang ang gagamitin niya. 

Turo-turo ang litrato ng masaganang pamilya, nagsalita si Kite. “Pamilya mo, boss?”

Lumingon ang guwardiya nadapat ay titingin pa lang sa resibo. Bumadha ang ngiti sa mukha nito pagkakita. “Ah, oo, ang gaganda nila ano?” tanong pa nito. 

Totoo nga, sa litraro, makikita ang dalawang mag-asawa na magkaakbay at ang kanilang dalawang anak na babae ay naka-upo sa sahig. Sa tingin ni Kite ay mga anim na taong gulang ang isa at umaabot naman sa sampung taong gulang ang isa pa. 

Hindi na siya nagsalita at tumango na lang. Bigla naman ay binaba ng guwardiya ang resibo at pinulot ang litrato at tinitigan. 

“Alam mo ba, dati meron akong opportunity na nakuha, trabaho siya sa ibang bansa. Magandang suweldo, maayos na employer, siguro pangarap lahat ng mga OFW 'yong opportunity na 'yon,” kuwento nito saka unti-unting nawala ang ngiti. “Kaya nga lang, walong taon ang kontrata. Buntis pa ang asawa ko noon, ayaw ko namang iwan siya sa oras na kailangan niya ako. And it paid, napapakakain ko ng maayos ang pamilya ko, nasa tabi ko pa sila at nakikita ko pang lumaki ang anak ko.”

Tumabingi ang ulo ni Kite sa kuwento ng lalaki. “Worth it ba?” maya-maya'y tanong niya. 

Bumalik ang ngiti sa mukha ng guwardiya. “Oo naman!” 

“Wow,” tanging naiusal ni Kite nang makita ang sinserong ngiti nito. “Paano kung… paano kung may opportunity ulit na binigay sa 'yo, kukunib mo ba?” 

Nagkibit-balikat ito. “Depende.

“Depende?” Nanliliit ang matang tanong niya. 

“Kung hindi ko naman kailangang iwan ang pamilya ko kagaya ng dating opportunity na nakuha ko, malamang ay kukunin ko 'yon. Pero kung kailangan pa talagang lumayo sa kanila, hindi ko kukunin.”

Saglit na natahimik si Kite. Iniisip ang mga posibilidad na maaaring mangyari kung kaniyang pipiliin ngang mag-stay sa tabi nila Prima. 

“But you did that before and where has that got you? Here, chasing another dream,” bulong pa ng kaniyang isipan.

Magsasalita pa sana siya nang munaha siya ng guwardiya. “Oh, siya, ito na ang resibo, pasok ka na ro'n.”

Wala sa isip na tumango-tango siya at kinuha ang package at resibo paasok ng sasakyan. Nasa isip pa rin ang naging usapan kanina. 

May point nga naman ito, kung hindi naman kinakailngangin na lumisan paalis mula sa pamilya niya, hindi naman siguro masama na subukan? Pero paano na lang kaya kung mawalan siya ng oras sa mga ito dahil sa pagiging okupado niya sa trabaho? Paano kung mapagod kakahintay sina Prima kakahintay sa kaniya dahil sa trabaho niya? Paano kung hindi niya… napakaraming paanong nabubuo sa kaniyang isip. Hindi na niya alam kung ano ba dapat ang gawin. 

Pero sa kaniyang pagbaba, tila ba nakita na niya ang dahilan kung bakit dapat niyang piliin ang pamilya niya. Pumaskil ang ngiti sa kaniyang mukha nang matanaw mula sa bintana ang dalawang taong hindi niya kailanmang naisip na magiging dahilan ng kaniyang paghinga. 

Si Prima kasama ang kanilang anak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top