Chapter Twelve


"ARE you sure you can handle it?"

Hindi mapigilan ni Prima na paikutin ang mata dahil sa paulit-ulit na pagkarinig sa mga tanong ni Kite.

Kanina pa noong hinarangan sila ng mga enforcers at ngayon ay narito sila sa isang hotel room na may dalawang seperate na kama— para mas makatipid. 

"Walang paa 'yong resto, Boss sir, hindi 'yon aalis."

Napabuntong-hininga na lamang si Kite at pabalyang umupo sa sofa. Minasahe nito ang noo na tila pagod na pagod sa ginawa.

"I know, hindi ko lang maiwanan ang resto ng unattended." 

Mataman niya itong tiningnan. "May tiwala ka ba kay Bang-Bang?" 

"Meron..." 

"Then relax; the resto is in good hands." 

Kite didn't reply yet just devastatingly run his hand through his hair. Napabuntong-hininga si Prima at dinaluhan sa pagkakaupo ang lalaki. Ginamit niya ang kamay at ang katiting na kaalaman tungkol sa pagmamasahe upang pakalmahin si Kite. Mukha namang effective ang kaniyang ginawa dahil paunti-unti ring kumalma ang pagkakalaylay ng balikat nito. 

May munting ngiting pumaskil sa mga labi ni Prima nang mapansin ang mahinang paghikab ni Kite. Napaka-cute nitong pagmasdan, tila ba isang kuting na nasa mainit na bisig ng ina. 

"Miss Prima?" 

Napakurap-kurap siya nang marinig itong magsalita. 

"Huh?" 

"I don't want to sleep..." 

"Why not?" 

"Or rather, I cannot sleep." 

Prima tsked. "Bullshit, humihikab ka na tapos sasabihin mo'ng hindi ka makatulog? Mag-relax ka kasi, Boss sir, walang magandang dulot ang stress." 

"I know but you cannot prevent stress, Miss Prima, nandiyan palagi 'yan." 

"Kaya nga pinapatulog kita, 'di ba? Kung 'di ba naman matigas ang ulo mo, e 'di panandaliang mawawala ang stress sa 'yo." 

"Ayoko, what if Bang-Bang calls me? Magkaproblema sa resto at—" 

Naiiritang pinaikutan ito ng mata ni Prima. Mukha siya pa yata ang mas nas-stress kaysa rito. 

"So, ayaw mo talagang matulog?" Mataman ang boses niyang tanong dito. Wala sa sariling napatango-tango ito na binuntutan ng hikab. "Fine," ani Prima na tila sumusuko. Tumayo siya at tumungo sa mini fridge na nakalaan para sa kanila. Kinuha niya ang dalawang bote ng beer na nakapaloob— para yata sa pag-welcome sa kanila— at ibinagsak 'yon sa lamesa. 

Napamaang tumingin sa kaniya si Kite. "Mag-inuman tayo," may diin niyang anunsiyo. 

Hindi sumagot si Kite kaya tinaasan na lamang niya ito ng kilay saka binuksan ang bote at iniumang sa harap nito. 

"Bakit?" 

"Anong bakit? Kung mags-stress ka lang din, mag-book ka ng ibang kuwarto. Ayoko'ng matulog sa iisang kuwarto kasama ang isang stress na tao dahil pati na rin ako maii-stress. Sayang ang beauty ko." 

Napanguso si Kite— at napaka-cute na naman nitong pagmasdan— saka padabog na kinuha ang bote ng beer mula sa kaniya. Mahinang natawa si Prima sa ginawa nito. 

"Cheap ka talaga, ano?" Pansin niya bago naupo sa tabi nito at sumimsim ng alak. 

"Huh?" 

"Cheap, as in matipid, ayaw gumastos ng malaki— something like that." 

"Well, growing up, I don't have a silver spoon to shove up in my mouth and—" 

Humalakhak si Prima sa sinagot nito na nakapagtaka naman sa lalaki. 

"God, shut up! Just say na hindi kayo mapera noon, simple as that! Hindi na kailangan ng inspirational quotes or meta-whatever. Sobrang cliche na sa mga nababasa ko, paulit-ulit na lang. 'Di na lang maging straight to the point." 

"In my defense, it's one way of getting to know the character in the stories you read. Malalaman mo kung saan sila nanggagaling o bakit naging gano'n sila, right?" 

Napaisip si Prima. "True... may point ka, Boss sir, taray." 

Ngumisi lang si Kite bago sumimsim sa bote. "Ikaw? One week na tayong nagkakasama pero wala ka pa ring nak-kwento sa akin tungkol sa 'yo. What's your family like?" 

Napakagat ng pang-ilalim na labi si Prima. "My family... my family is... they was the one who's... very... oh, I'm so sorry." 

"Miss Prima, c'mon!" Hindi nila mapigilang matawa sa kaniyang sinagot. Nauna namang tumigil sa pagtawa si Kite. "But seriously, Miss Prima, can't you tell me a bit about yourself?" 

Prima crossed her arms in front of her chest. "Same old, same old, family ashes," she said in a joking manner but instead of laughing with her, Kite looked so shocked and sorry at the same time.  

"Oh, I'm sorry to hear that." 

"Ugh, pity, I hate that. Marami pang ibang p'wede kong sabihin sa 'yo tungkol sa akin. Like, I like to design!" Bida pa niya. 

Totoo naman, kung hindi siya natigil sa pag-aaral noong highschool ay malamang nakapag-aral na siya ng Fine Arts sa college. Ngunit buhay nga naman parang gumagamit lang ng ruler. Kahit ano'ng gawin ay wala pa ring kasiguraduhang magiging diretso ang kalalabasan.

Agad namang napangiti si Kite na mukhang may naalala. "Actually, I know about that. I remember Mirando complaining to me about you touching the foods and arranging it to "Make it perfect," you say." 

Mahinang natawa si Prima nang maalala rin ang naging reaksiyon ni Mirando ang kaniyang ginawa. Hindi nama niya ito pinakinggan at inirapan na lamang at basta na lamang sinerve sa costumer. At laking tuwa niya nang magustuhan ng costumer ang presentasiyon. 

Sandali naman silang napatahimik at napabuntong-hininga naman si Prima na malayo ang iniisip. Well, hindi naman gano'n kalayo sa topic nila. Pero naiisip niya kung paano kaya kung hindi nangyari ang nangyari noon? Maaari kayang nagampanan na niya ang pangarap at nakatingin na sa billboard ng advertisments na siya ang may gawa. 

Subalit sabi nga nila, things happen for a reason— kahit pa hindi maganda— dahil baka raw isang blessing in disguise at bilang isang batang walang ka-muwang-muwang, naniwala si Prima sa kasabihan na 'yon. But as she grows, it turned out to be just a flat-out lie for people who want to be assured after a devastating turn of events that happened to them. 

"So, why?" 

Napatingin siya kay Kite sa naging tanong nito. 

"Bakit hindi mo pinursue?" 

Mapait na ngumiti si Prima. "How can I? I got a chance one time pero sinira ko 'yon dahil iresponsable ako. Ang kapal naman ng mukha kong manghingi ng second chance." 

Matagal bago nakasagot si Kite. "I don't know what you've done before, but seeing your face now, I just know na pinagsisihan mo 'yon. And hey, everybody deserves a second chance. Besides, Bang-Bang sent me some photos of your designs, you are great, Miss Prima." 

"'Sus, ako pa ba? Of course, I'm great! I just..." Prima strangled out of her breath. "...I don't think I deserve it, you know?" Hindi na napansin ni Prima na may namumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. 

Discussing her crushed dream was a really sensitive topic for her. But she doesn't know what has come to her— the beer or seeing Kite listening to her— she suddenly opened up her feelings about it. 

"Maayos naman 'yong nangyayari sa akin noon pero hindi ko alam kung anong meron sa akin, I just self-sabotage. And that's what I'm afraid of, what if... what if I try it again and... it would be the same outcome? A failure?" Humugot siya ng malalim na hininga. "Kasi kung hindi ko nga nagawa noon, paano ko nagawa ngayon?" Napapunas siya ng luha niya. "Oh, God, I'm so confident that I'm super insecure!" 

Kinuha ni Kite ang kaniyang kamay at marahang pinag-intertwine ang kanilang mga kamay. "Naniniwala akong people don't change, Miss Prima, but I also believe that their mindset does. Kung ano man ang ginawa mo noon, pinagsisihan mo na 'yon, and I'm pretty sure that you have learned from your mistake. Madadapa ka lang kung hindi ka natutong tumayo noong una, I know you know that. And from what I've seen in you now, you're a strong, fierce, amazing, beautiful, and independent woman, Miss Prima." 

"Oh Kite..." Hindi niya iyon mapigilang iusal habang pinakikinggan ang paglalarawan nito sa kaniya. Iba ang bilis ng tibok ng puso ni Prima sa mga naririnig niya mula kay Kite, it's making her heart glow— a good glow. A glow that made her place a genuine smile on her face— not sarcastic, not forced but a real one. A smile so genuine it was contagious making Kite smile at her too. 

"Thank you..." She breathed. "But please enough with the long number of compliments, okay na sana, eh!" 

Kite threw his head back out of laughter. "God knows how many positive adjectives I want to add earlier!" 

Napatigil si Prima sa pagtawa at napatingin sa mga mata ni Kite. And it reminds her how they kept on giving each other glances ever since they met. But this one... this one's different. Walang pagnanasa, walang pag-iinit. Tanging tiningnan ng dalawang taong nagkakaintindihan. 

Hindi naman alam ni Prima kung alak ba 'yon o ang puso niyang hindi tumitigil sa pagtibok ay dumako siya patungo kay Kite at dinampi ang kaniyang labi kay Kite. Mariin siyang napapikit at naramdaman niya ang luhang dumaloy mula sa kaniyang mata patungo sa kaniyang pisnge. 

Napakabilis ng pangyayari na hindi na namalayan ni Prima na siya ay napabalik sa kaniyang kinauupuan. Saka na lamang rumehistro sa kaniyang utak ang nangyari. Itinulak siya pabalik ng lalaki. 

May pagtatakhang tiningnan niya ito. Matipid lamang itong tumango na tila ba nanghihingi ng pasensiya bago sumimsim sa bote ng alak. 

"I don't want to rush things between us, Miss Prima, let's continue being friends for now. We can take the next step if we think we are ready to. Because I don't want us to be just casual. I want us to work," anito na hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa. 

PINUNO ng malakas na pagtawa ni Prima ang silid sa mga naging k'wento sa kaniya ni Kite. Hindi natapos ang kanilang k'wentuhan't inuman sa kabila ng nakakahiyang pangyayari kanina.

"But you know, sa kabila ng mga kabaliwan niya... my dad, he's a great man. Siya ang nagpatuloy na tapusin ko raw ang kurso ko even though we don't have enough money for that. But then, he worked hard for me— for us. Hindi niya ako sinukuan kahit na medyo baliko ako noon. He's the only one who believed in me." 

Hearing that, napangiti si Prima. "At least everything worked out, right?" 

Ngumiti rin ito sa kaniya. "It did." 

"What about your mom?" 

"Siya, out of people, ang hindi ko inaasahan na aayaw sa pagiging guitarist ko sa banda. She had always supported me when it comes to my decision not until sinabi ko sa kanila na kasali ako sa isang banda." 

"Wow... nalaman mo ba kung bakit?" 

Umiling ito. "After I graduated from college, we never talked about it again. Mas maganda naman siguro 'yon, hindi ko naman kailangan malaman." 

"But you want to know." 

"Huh?" 

"Aminin mo man o hindi, you're still curious why." 

Ngumiwi naman si Kite. "Yes, I admit." 

Mahina namang natawa si Prima. "Nasaan pala sila ngayon nags-stay?" 

"Nasa Maynila sila ngayon, sa bahay na pinagawa ko." 

Namilog ang mga mata ni Prima at napaawang ang labi niya. "Really?" Hindi niya maiwasang mamangha sa narinig. 

"Yeah, matagal ko'ng pinagipunan 'yon, simula pa noong sumali ako sa mga contest hanggang sa mag-banda ako... ang income ko sa banda ay hinahati ko para sa tuition ko at bahay, and it paid off." 

Ang mga ngiti sa mukha ni Prima ay unti-unting nawala sa patuloy na pakikinig sa kuwento ni Kite. Hindi niya mapigilan at makaramdam ng pait dahil sa mga na-achieve nito sa batang edad. Samantalang siya ay... wala lang. Isang batang-ina na wala man lang naabot sa buhay dahil sa katangahan. 

"Miss Prima...?" 

Hindi na namalayan ni Prima na nas-space out na pala siya kung hindi siya tinawag ni Kite. 

"Uh, so, kailan mo sila bibisitahin?" 

"What?"

"Your parents?" 

Napangiwi ito. "I don't think I can, tight schedule." 

"You need to make a way for them. Siguro nami-miss mo na sila, right?" 

"Okay, fine, kung 'yan ang gusto mo. Pero sa isang kondisyon." 

Pinatong niya ang kaniyang ulo sa kaniyang kamay. "Ano 'yon?"

"You need to meet them." 

Mabilis na nangasim ang mukha niya sa narinig. "You know I hate meeting people!" 

Natawa naman si Kite sa kaniyang naging reaksiyon. "That's why it's a condition." 

Humugot muna ng malalim na hininga si Prima bago sinagot. "Fine." 

"Hah! I knew you couldn't resist me," said Kite before flashing her a flirty smile. Confusion was visible on Prima's face. That was not Kite, she thought. She took a glance from his fourth bottle of beer and wasn't surprised when she saw it was half-way finished. 

She smirked, thinking that drunk Kite is flirty. There are many things she could find out about him at this state. She bit her bottom lip and looked at him playfully.

"So... Drunk Kite, how was your life before?" 

"Parties and schools... nothing much at all but if you would ask how's my life now, I got a lot to answer," he replied with a wink. 

Prima scoffed. He is totally drunk! 

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at lumapit dito habang tinutungga ang bote ng beer. "And what about your band? Kumusta naman kaya ang buhay mo roon?" 

"Why do you want to know?" 

"Why don't YOU want me to know?" Ngumisi siya rito at pinagapang ang kamay sa hita nito. 

Kite groaned. "August 10, 2010, may naka-sex ka na ba, Boss sir?" Dagdag pa niyang tanong dito habang pinapanood itong mamalibis ang hininga sa kaniyang ginagawang pagpapadaan ng kamay sa sensitibo nitong parte na katawan. 

"Miss Prima..." he breathed. "Call me Kite, I'm tired of hearing you calling me that." 

"Okay, Kite, call me Prima." 

"Hey, Prima, I like your lips," bati nito bago lumapit sa kaniya at siniil siya ng halik. 

Impit na napaungol si Prima nang maramdaman ang marahang pagmasahe ng mga labi nito ng kaniya. Itinaas niya ang katawan upang kububawan ang lalaki sa kandungan nito. Lumabas ang mahinang halinghing mula sa kaniya nang maramdaman niya ang bagay na tumutusok sa kaniyang kailalim-laliman. 

Hindi niya napigilang pagkiskisin ang kanilang mga kaselan na kahit ay may mga nakaharang na panloob ay ramdam niya ang init na binubuo niyon sa kaniyang puson. 

Lasap na lasap ni Prima ang sarap. Nagsisinungaling siya kung sasabihing hindi siya nage-enjoy pero sa totoo lang ay siyang-siya siya sa ginagawang paggalaw sa ibabaw ng lalaki. Samantalang si Kite naman ay pinagsasawaan ang kaniyang labi habang nilalaro ang kaniyang hinaharap. 

Mariing napapikit si Prima nang ma-realize ang ginagawa. He's drunk! And probably didn't what he's doing! Hindi niya maaaring gawin ito lalo pa't ito na mismo ang nagsabing gusto lamang nitong makipagkaibigan sa kaniya. Hindi niya, or rather, ayaw niyang masira ang tiwala nito sa kaniya, masisira ang kaniyang plano at uuwi rin siyang talunan. 

But you could act like you were drunk too, right? Her inner demonyita suggested. 

But Prima didn't let her inner demon take over her. She pushed Kite hard making him lie on the couch. Umalis siya sa pagkakaupo mula rito at tumayo upang ayusin ang sarili. Napangiwi siya nang makaramdam ng pagkabasa sa kaniyang pagkababae. 

Kinuha niya si Kite at dinala sa kama nito. "Lay there, Kite," she said, emphasizing the Kite. Seems like she's enjoying calling him by his name. 

Tiningnan ni Prima ang buong lugar at napa-aray nang makita kung gaano 'yon kagulo. Medyo may tama na rin siya at tinatamad na siyang ayusin 'yon ngunit kailangan. So, she did what she needed to do and lifted herself up and cleaned the whole place— except Kite. He can manage. 

Agad niya iyong tinapos at walang bihis-bihis na humiga sa kama. Akma namang pipikit na ang kaniyang mga mata nang marinig ang mahinang pagbulong ni Kite. Nangunot ang noo niya habang pinakikinggan ang sinasabi nito. 

"It was drugs, Prima..." 

"What?" Mahina niyang tanong.

"Ayokong pagusapan ang... drugs." 

Hindi niya masiyadong marinig ang sinasabi nito kaya lumapit siya lalo rito upang pakinggan ang sinasabi. 

"August 10, 2010..." mahinang ungol nito bago lumalim ang hininga. 

Malalaki ang mga mata ni Prima sa naging realisasyon. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top