Chapter Thirty-Three
KINAKABAHAN na si Prima. Sa bawat paglipas ng oras nilang paghihintay, padagdag nang padagdag ang kabog ng puso niya. Hindi niya sigurado kung handa na siya. Parang gusto na lang niya ang kumurap at sa pagbukas ng mga mata ay tapos na agad ang siyam na taong paghihintay pero hindi. Kailangan niyang harapin ito na isang adult.
Isang adult na alam na hindi lang dapat pagpapakasaya ang alam na gawin sa buhay. Isang adult na naka-set ang priotity sa mahalagang bagay. Alam niya, paunti-unti na siyang nagiging gano'n. Hindi lang niya maiwasang mangulila sa dating paraan kung paano siya mabuhay. At paano kung hindi niya pala kaya?
Natatakot siya. Natatakot siyang mag-isa, iniisip na kapag nag-isa siya ay hindi niya magagawa ang kailangan niyang gawin at madismaya sa kaniya ang sariling anak.
Wala sa loob, napatingin siya sa gilid. Nakita niya si Peña. Nakangiti sa kaniya at puno ng pagmamahal ang mga mata.
At sa isang iglap, nawala ang lahat ng pangamba niya. Sa iisiping, araw-araw niyang makikita ang nga ngiti nito, nagkaroon siya ng lakas at confidence na makakaya niya. Kakayanin niyang mag-isa. Pero sana nga ay ganoon lang kadali.
Alam niya, na kahit gaano pa siya ka-confident sa pagpapalaki kay Peña ng mag-isa, magkakaroon pa rin ng oras na kakailanganin niya ng tulong ng iba. Ngunit sino naman ang tutulong sa kaniya? Si Patricia at Benison? Eh, sobra siyang galit sa mga iyon, baka masapak niya pa bago makalapit sa kanila.
"Ang pangit naman ng atmosphere sa lugar na 'to. Akala ko pa naman mapupuno ito ng saya dahil last day na?"
Agad na napatayo si Prima nang narinig ang pamilyar na boses ng kaibigan. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap na malugod din naman nitong tinanggap.
"Wendell, ang tagal na nating 'di nagkita!" hindi makapaniwala niyang saad habang nakatingin dito.
"Oo nga, eh. Na-busy ka kasi masyado pero okay lang."
Tumingin siya sa likod nito, hinahanap ang isa pang taong sigurado siyang nakasama ito.
"Ah, about that... we broke up," rebelasyon pa ng kaibigan.
"What?!" Hinila niya ito paupo sa tabi niya para makipag-chika. "Bakit? Ano'ng nangyari?"
Nagkibit-balikat ito. "Wala lang, hindi lang talaga nag-work."
Pinanliitan niya ito ng mata. "Ayaw mo talagang pag-usapan 'no?"
"Hehe. Ayaw."
Inikutan niya ito ng mata. Kasabay no'n ay ang pag-announce na ng pag-ready ng mga nasa flight kung nasaan si Kite.
Napatingin siya sa nobyo. May pilit na ngiti ito sa labi habang nakatingin sa kaniya. Pinatpat niya muna ang hita ni Wendell bago tumayo at sinama si Peña patungo sa tabi ng kinikilalang ama nito.
Nakasunod naman sa kanila si Elaine at Wendell. Mukhang kinakabahan din kagaya nila.
"So, ito na ba?" tanong niya rito na may namumuong mga luha sa gilid ng mga mata. "See you in the next nine years?"
"H-Hindi ka ba p'wedeng bumisita lang kahit isang beses sa isang taon...?"
"Kung may pera ako, susubukan ko."
Hinalikan siya nito sa pisngi. "Miss na kita agad." Bulong pa ng lalaki sa kaniyang tainga na mas nagpaiyak ss kaniya.
Puno na ng luha, niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi na makapag-bigay pa ng salita dahil hindi na niya maiwasang mapaiyak. Puro hikbi na lang ang maririnig sa kaniya.
Binitawan siya nito nang makita si Peña. Malayo ang tingin sa kanila ng bata at tila ba walang pakialam sa kanila. Binigyan niya ng mapag-assure na ngiti si Kite at hinayaan itong lumuhod para kausapin ang anak.
"Peña..." mahinang tawag ni Kite dito pero tila ba walang narinig ang bata at nanatili lang na nakatingin sa ibang direksyon. "Peña, anak."
Sinapo pa ni Kite ang mukha nito na tinulak lang ng bata palayo. Nagkatinginan sila ni Kite an puno ng pagtatakha ang mga mata.
Siya naman ngayon ang nag-hawak sa balikat nito at dahan-dahang hinimas iyon na parang minamasahe.
"Peña, paalis na si Tito-Daddy Kite mo. Ano'ng sasabihin mo?"
Pinilig nito ang ulo. "Wala!"
"Peña!"
Tinapik naman ni Kite ang likod niya dahil sa may kalakasan niyang pagpalagalit kay Peña.
"Peña, may problema ba?" Malumanay ang boses na tanong ng nobyo sa anak.
Saka na lang humarap si Peña dito. Unti-unti na ring lumalabas ang mga luha sa mga mata nito, nanginginig na rin ang labi at humihikbi.
"Nag-promise po kayo na hindi na aalis pero bakit po... a-aalis pa rin kayo? Wala na naman po akong daddy."
"Oh, Peña..." 'Yon na lamang ang nasabi ni Kite bago ito yakapin nang mahigpit. "Sorry, hindi ko nai-keep ang promise ko sa 'yo. Kaya ipapaalam ko sa 'yo, hindi na ako magp-promise na hindi ko maipapatupad. Pero asahan mo, Peña, babalik ako. Babalik ako sa 'yo at sa Mommy mo."
Tumango-tango si Peña. "Babalik ka po, ha? Tapos dapat may dalang yogurt. Kapag wala, magagalit po ako, lalo na si Mommy."
Natawa si Kite sa sinabi nito. "Oo naman, basta hintayin mo ako, ha? Mahal na mahal kita, anak. At nasisiguro kong hindi ka pababayaan ng Mommy Prima mo."
Nag-angat ng tingin sa kaniya si Kite. Nginitian niya ito.
"Thank you," she mouthed. Hinila siya ni Kite upang makasali sa yakapan.
At sa mga sandaling iyon, nararamdaman niya ang kakaibang pagglow ng puso niya. Parang kakaibang init na kumakalat at bumabalot sa buo niyang puso. Parang isang cheese na natutunaw at unti-unting kino-coat ang bawat parte. 'Yon ang nararamdaman niya, at ayaw na niyang mawala 'yon.
Pero nang oras na bumitaw si Kite, mabilis na lumamig ang paligid. Nangulila, at nag-isa.
"Please, tulungan mo si Prima." Kausap na pala nito si Wendell.
"Will do, pare, makakaasa ka."
Tumango ang kasintahan. "Salamat." Dumako naman ang tingin nito kay Elaine. "Ikaw, ingatan mo si Prima at Peña kay Mama. Alam ko, hindi maganda ang relationship nila sa isa't-isa kaya please, habang wala ako, pakialagaan muna silang dalawa."
"'Wag kang mag-alala, gagawin ko 'yan. Basta ikaw mag-ingat ka ro'n ha! 'Wag puro instant noodles kagaya noong college." Nag-lean in si Elaine at bumulong sa kaniya. "Noong patapos na siya ng college, wala siyang ibang kinain kun'di lucky me, na-doktor tuloy!"
Mahina siyang natawa sa kwento nito at napangiti. Bakit nga ba siya mat-threaten kay Elaine? Sa paggalaw ng dalawa ngayon, tila ba magkapatid lang ang turingan ng bawat isa. Sadyang assumera lang talaga ang ina ni Kite at naisip agad na baka may namumuong romantikong feelings ang isa't-isa.
Natawa si Kite. "Okay, pahiya mo pa ako."
"Hindi naman, pero Kite alagaan mo rin sarili mo ro'n."
Tumango ang lalaki. "Thank you ulit, Elaine. Mami-miss kita, ha."
"Me too!" Yumakap ito kay Kite at hindi na mapigilang humagulgol.
Hindi na nagtagal ang pamamaalam nila. Tumalikod na si Kite, aalis na at matatagalan bago pa bumalik.
"Kite!" Tawag niya saka tumakbo papunta rito. Kahit puno pa ng mga luha, siniil niya ito sa isang malalim na halik.
Hindi tumigil ang pagluha nila. Ninanamnam ang bagay na hindi nila mararanasan sa mga lilipas na taon. Nang bumitaw, pinanglapat nila ang noo sa bawat isa. Nakatingin lang sa mga mata na tila ba nahuhulog doon.
"Babalik ka?"
"Babalik ako."
Nagtangua na sila bago bumitaw. Hindi pa man nakakaalis, bumulong siya rito. "I-check mo ang bulsa mo. Pero 'pag nasa plane ka na."
Bumalik na si Prima sa tabi ng anak at kumaway. Pinanood nila kung paano nito nilisan ang lugar at hindi na tumalikod pa.
Napalahaw ng iyak si Prma hanggang sa makaramdam siya ng dalawang bulto sa kaniyang likod. Nahihikbing nanlaki ang mata niya nang makita ang dalawang taong hindi niya inaasahang makikita.
"Late ba kami? Sorry, nag-baguio lang..." Si Benison.
"As a friend! Nags-start kami ulit after noong... you know?" Binuntutan naman iyon ni Patricia.
Hindi na nagsalita si Prima at yumakap na lang sa dalawa kasama ang anak. Walang namutawing salita sa bawat isa. Hinayaan lang siya ng dalawang kaibigan na umiyak sa mga bisig nito hanggang sa mag-sawa siya.
"Iuwi ko na kayo..." Singit naman ni Elaine at tumango si Prima. Hinila ang anak at nilisan ang lugar.
Kagaya ni Kite, hindi na tumalikod pa.
MALAPAD ang ngiti na nakapaskil sa mukha ni Kite habang tintahak ang daan pabalik kung nasaan sina Prima.
Tuwang-tuwa siya nang mapagalaman
na nagkaroon ng panibagong delay sa flight niya. Ibig lang noong sabihin ay magkakaroon pa siya ng extra na oras para makasama ang dalawang taong mahalaga para sa kaniya.
Pero agad ding nawala ang mga ngiting iyon nang makitang wala na ang dalawa sa pinag-iwanan niya. Subalit ibang dalawang taong hindi niya inaasahan na ang naroon.
Gulat, ay lumapit siya sa mga ito.
"Patricia, Benison," seryoso niyang sambit.
"Kite, akala namin ay nakaalis ka na?" Puno ng pagtatakhang tanong ni Patricia.
Nagbaba siya ng tingin. "Na-delay ulit... nasaan pala sila Prima?"
"Nakauwi na. Kite, kung may time ka pa naman, p'wede ba tayong magkausap kahit saglit lang?"
Labag sa kalooban dahil alam niya kung gaanong kagalit si Prima sa mga ito, umupo pa rin siya sa tabi.
"Ano ba ang gusto niyo?" tanong pa niya.
"I want to say sorry." Natigilan siya sa narinig. "Sa sobrang tagal naming tinago ito, nadamay ka pa. Sorry dahil hindi namin agad sinabi kay Prima, sana naiwasan ang sakit na naramdaman mo noong nalaman mong hindi ikaw ang totoong ama ni Peña."
Nagtaas siya ng tingin sa dalawa.
"Sorry din, sinampal kita."
"Okay ako. Hindi niyo kailangan mag-sorry sa akin pero kay Prima... siya ang biktima ng lahat ng ito. Galit ako sa inyo dahil galit siya at nasaktan niyo siya. Sana maintindihan niyo 'yon."
Tumango si Patricia. "Humingi kami ng tawad kay Prima pero sariwa pa ang sugat. 'Wag ka mag-alala, Kite. Sasamahan namin si Prima habang wala ka. Hihintayin namin hanggang sa mapatawad niya kami bago kami makialam sa inyo. But for now, tutulungan namin siya mula sa malayo. Right, friend?"
Siniko pa ng babae ang lalaki. "Yes, friend."
Nagkatawanan pa sila bago muling nagsalita si Benison. "Mabuti kang tao, Kite, kaya hindi na ako magtataka kung mabuti ka ring ama. Sigurado ako, pagbalik mo, open arms ka pa ring tatanggapi ni Peña. Hindi rin ako mangangambang hayaan kang maging step-father ng anak ko. Salamat, Kite. Sa pagtanggap kay Peña."
"Ayaw kong aminin pero naluluha ako." Mahina pa siyang natawa sa sinabi bago pinahid ang luha. "Pero, uh, thank you. Hindi ko pa man kayo mapapatawad but this has been a good talk with you. And thank you ulit, aasahan ko ang mga sinabi niyo. Pakibantayan at alagaan ang dalawa para sa akin."
"Goodbye, Kite."
"Bye."
"All passengers of Flight 37326 please proceed to the boarding area."
Ngumiti siya sa dalawa bago muling kumaway at walang lingon-likod na tumalikod.
"Babalik ako, Prima. Babalikan kita sa mas lalong madaling panahon. Pangako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top