Chapter Thirteen
Nakasisilaw na liwanag ang bumungad kay Prima sa pagbukas ng kaniyang mga mata. Pinaikot niya ang tingin sa silid saka na lamang siya nakahinga nang maluwag nang maalalang nag-check in nga pala sila sa hotel dahil sa panandaliang pag-sarado ng kalsada sa gitna ng baha.
Namuo ang kulubot sa noo niya nang mapansing mas naunang magising sa kaniya si Kite at hindi ito mapakaling nagiikot sa buong silid.
"Hey? Ano'ng problema?"
Ngunit tila walang narinig ang lalaki dahil patuloy pa rin ito sa paglakad.
"Hoy!"
Wala pa rin.
"Boss sir, Kite, tatadyakan talaga kita kapag 'di mo pa rin ako naririnig!"
But in the end, tulala pa rin ang lalaki sa sariling isip. Dahil sa inis, dinampot ni Prima ang katabing unan saka inihagis sa lalaki. Sapol sa mukha.
It was enough to get his attention.
"Hey, gising ka na pala..."
"Buti naman pansin mo, baka ikaw pa ang gisingin ko gamit kamao ko kung hindi mo napansin."
"Sorry, may iniisip lang.""
Mas lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo. "Dahil sa resto na naman ba 'yan?"
Umiling ito bago kumuha ng paper coffee cup na may lid at logo ng Starbucks sa loob ng mini-fridge at ibinigay sa kaniya.
She winced as her hands touched the cup. She looked at him menacingly. "Seriously? Malamig na kape?"
Napakamot ng batok si Kite. "Sorry, kanina ko pa kasi nabili 'yan. If you want I could buy a new drink..."
"No need, I can buy it on my own," matigas na sabi niya bago ibinaba ang coffee cup sa lamesitang nasa tabi ng kama.
Habang nag-aayos ng pinaghigaan, dumaan sa isip ni Prima ang inusal ni Kite kagabi. Drugs at ang August 10, 2010... hindi naman shallow si Prima upang hindi maipag-connect ang dots sa mga nalalamang impormasyon.
Ayaw nitong pag-usapan ang nangyari noon dahil kaugnay ang drugs pagdating ang usapan na 'yon kaya naman naging controversial. Ngunit ang natatanging tanong na nanatili sa kaniya, ay kung bakit? Bakit hirap itong pag-usapan ang nangyari noon? Isa kaya itong drug dealer? O gumagamit kaya ito ng droga?
Sa iisipin, namayani kay Prima ang takot at kaba. Paano nga kung tama ang kaniyang hinala? Malamang sa malamang ay ilalayo niya ang bata mula rito, mas maganda na nga sigurong hindi nito kilala ang kanilang anak kung ganoon pala ang lalaki.
But looking at him now... mukhang wala naman itong bisyo. Hands-on pagdating sa business, mabait at mapagpasensiyahin, maunawain din ang lalaki at lulong ito sa trabaho.
Pero paano kung front niya lang 'yon para hindi mabuking ang kung ano mang ilegal na transaksyon ang ginagawa? Saad ng kabilang banda ng kaniyang isipan.
Umiling si Prima. She shouldn't doubt him. Isang linggo na niya itong nakasama at kahit kailanman ay hindi niya ito nakitaan ng kakaibang paggalaw. Siguro mali lang ang pagkaka-interpret niya. Dapat siyang magtiwala kay Kite, tama, she needs to trust him.
At ang pinaka-unang step na dapat niyang gawin ay ang tanungin ito sa kung ano'ng ibig nitong sabihin kagabi.
"Mi— Prima," tawag nito sa kaniya bago pa niya maibuka ang bibig.
Hinarap niya ang lalaki at kunot ang noong tiningnan ito.
"Yesterday... what happened?"
Napangiwi si Prima. Naalala na naman niya ang mainit na halik na kanilang pinagsaluhan kagabi. Muntikan na nga siyang masiraan ng ulo ng dahil sa pag sirit ng masarap na sensasyon sa kaniyang kaibuturan.
"Prima?"
"Oh, yeah, well, we did talk. We did lots, and lots, and lots of talking," tatango-tangong aniya na sinasabayan din ng lalaki.""Yeah, that's it! We were just talking while drinking alcohol."
His eyes then turned into slits. "Are you lying to me?"
"What? Bakit naman ako magsisinungaling sa 'yo?" At bakit din nito iniisip na siya'y nagsisinungaling? Natatandaan na kaya nito ang sinabi nito tungkol sa droga bago ito mag-pass out? Hindi mapakali si Prima sa iisiping baka totoo nga ang konklusyon niya kanina at ngayon na ang katapusan niya.
"Prima? Prima...?"
Napakurap-kurap si Prima. "A-Ano 'yon?"
"Okay ka lang? Parang wala ka sa hulog? Do you still need to rest?"
Binasa niya ang labi. "No, anyway, bakit mo naman iisipin na nagsisinungaling ako sa 'yo?"
"Oh..." Namula ang leeg nito patungo sa mukha hanggang sa tainga— nahalata niya 'yon dahil sa nasisinagan ito ng araw mula sa bintana— nagbaba ito ng tingin na tila bang nahihiyang magsalita.
"May sasabihin ka ba o ano? Kasi gusto ko ng bumaba," mataray niyang sabi nang tumagal ang pag-iinarte ni Kite. Naiinip na siya, but aside from that, kumakabog ng malakas at mabilis ang kaniyang puso sa pagkaka-intense ng paghihintay niya itong magsalita.
"Uhm, yeah, nakakahiya lang aminin but earlier when I got up..."
"So...?"
"Uh, medyo masakit ang katawan ko pagkagising."
"Kasi...?"
Kite blew an exasperated sigh before continuing. "I woke up with blue balls."
"You woke up with blue balls because...?"
"Exactly, that's why I'm asking you kung ano'ng nangyari kagabi?"
Nakagat ni Prima ang pang-ilalim na labi. Nag-iisip kung ano ang tamang isagot sa lalaki. Tila namang may nag-ilaw na bumbilya sa gilid ng kaniyang ulo nang may maisip.
"Why do you think I should tell you?"
May bahid ng gulat na napatingin sa kaniya si Kite ng dahil sa kaniyang inakto.
"I mean, kung hindi mo natatandaan, maybe there's a reason why you shouldn't remember it, right?" nangingisi niya pang dugtong.
"Miss Prima..." tila nawawalan na ng pasensiya nitong usal sa kaniyang pangalan.
She giggled. "If you want to know, you need something to offer."
Nangunot ang noo nito. "Ano?"
"August 10, 2010."
"Fine. I don't have to know what happened last night."
"I just wonder, bakit napaka-uptight mo pag pinaguusapan ang date na 'yon?"
"Dahil hindi naman importante," rason pa nito.
"Kung hindi naman pala importante bakit ayaw mong pag-usapan?"
Matalim siya nitong tiningnan. "I don't have AIDs, Miss Prima."
She scoffed. "Hindi naman kita pinagbibintangan..."
"Then why do you keep asking me? Umagang-umaga, Miss Prima," anito sa madiin at galit na tono.
Tinaas ni Prima ang mga kamay na tila sumusko. "Fine, start your day without remembering what happened last night."
And as usual, hindi nagpatalo si Kite. Sinamaan siya nito ng tingin. "Talaga lang," usal pa nito bago lumabas ng hotel room. Iniwan siyang nakabusangot at hindi maipinta ang mukha
Although, naiintindihan naman ni Prima kung bakit ganoon ang naging reaksyon nito, hindi niya pa rin maiwasang mabanas sa inasal nito kanina. Sinungitan na lamang siya at inalisan!
DAHIL sa inis ay nakalimutan na ni Prima ang dapat na gagawin kaya't nagkabuhol-buhol na ang kaniyang mga gawain. Lumipas ang ilang oras at minuto, nalimutan na niyang hindi pa siya nakakakain. Kasalukuyan naman siyang naliligo at nagbihis ng damit na sinuot mula pa kahapon. Hindi naman kasi inaasahan ni Prima na mas-stranded sila sa lugar at aabutin sila ng overnight.
Nang matapos ang pagbibihis, nadatnan niya roon si Kite na may dalang dalawang Chinese take out. Padabog nitong nilapag sa lamesa ang mga dala.
Hindi niya ito pinansin at nagsuklay na lamang ng buhok gamit ang kamay.
Nasa kalagitnaan siya ng ginagawa namg tumikhim ang lalaki nang may kalakasan. Tinapunan niyo ito ng tingin, kita niya kung paano iduro ng lalaki ang pagkain gamit ang nguso nito. Paiwas-iwas pa ito ng mukha upang hindi masiyadong mahalata ang ginagawa.
Pigil ni Prima ang mapangiti sa ginagawa ng lalaki. Naalala niya ay nag-aaway pala sila at hinding-hindi siya magso-sorry dahil hindi naman siya ang nang-away rito. Kahit pa sabihing matigas ang ulo niya, wala itong maririnig mula sa kaniya.
Walang tingin-tingin niyang sinubukang kuhanin ang chinese take-out ngunit hindi niya makapa kung saan na iyon napunta. Akma namang haharap na siya nang may naglapit niyon sa kaniyang kamay.
Nakaramdam siya ng boltahe nang mag-sangga ang kanilang mga kamay. Ito na nga yata ang tinatawag na spark— hindi nga lang sa pag-ibig kun'di sa inis. mabilis niyang kinuha 'yon saka bumalik sa kaniyang kama at doon nag-simulang kumain.
Habang ngumunguya ay hindi niya maiwasang isipin na napakabait pa rin talaga ng lalaki. Kahit na nag-away sila ay hindi siya nito kinalimutang pakainin. Nakaramdam naman ng mga paru-paro sa tiyan si Prima sa iisiping hindi siya nito matiis.
Heh, anong paru-paro? Magtigil ka nga! Saad ng kaniyang isip.
Ngumuso siya at inisip na lamang ang mga katagang sinabi ni Kite kagabi. Hindi iyon mawala sa kaniyang isipan. Mula kagabi hanggang madaling araw ay binabagabag pa rin siya. Ngayon ay mas lalong lumalim ang kaniyang kuryosidad sa kung ano ang nangyari noon at kung bakit tila nagka-amnesia siyang hindi matandaan ang mga detalye ng gabing 'yon.
She sighed heavily thinking what she could find out and if she could take everything in. Kaunti na lamang at malalaman niya ang pangyayari kapag nakarinig na siya sa kaibigan ni Bang-Bang.
"Maya-maya p'wede na tayong umalis." Agad na naagaw ni Kite ang atensiyon niya sa sinabi nito.
Tumango-tango lang siya at hindi na sumagot. Pinanood naman niya itong tumayo mula sa kinauupuan at lumabas ng silid. Wala naman sa sariling binuntutan ni Prima si Kite.
Hinintay niya munang nakasara ang pintuan ng ilang saglit bago buksan. Muntik nang mapalundag si Prima nang tumambad sa kaniya si Kite na nakaharap sa pintuan. Giving her a dead pan look.
"Ano 'yon?" tanong nito.
"Nothing, bibili lang ako sa baba, sasama ka?"
"No."
She subtly rolled her eyes. "Sungit," bulong pa niya.
Hindi naman siya pinansin ni Kite at nagpatiuna na. Napaawang ang labi niya sa pagiging masungit nito. Ang akala naman niya ay humupa na ang galit o inis nito. Sinundan niya ito at tumabi sa gilid nito.
"Saan ka pupunta?" pakikisosyo niya.
"Ihahanda ko ang sasakyan, Miss Prima."
"Ay, same!" tatawa-tawa niyang sagot dito dahilan upang tumigil ito sa paglalakad at ibigay sa kaniya ang atensyon.
"I'm not gonna talk to you like usual, Miss Prima, until you say sorry."
She zipped her mouth. "Nope."
"Okay," tila sumusukong sabi nito bago dumiretso sa parking lot at iniwan siya.
"Hoy, wait lang!"
NAKABUSANGOT si Prima habang nakatanaw sa paligid mula sa bintana ng kotse. Nagsisilaparan ang kaniyang buhok ngunit hindi niya inabalang hawakan iyon dahil sa tampo.
Hindi na kasi siya pinapansin ni Kite simula nang sumakay sila sa kotse. Mukhang galit pa rin ito sa kaniyang ginawang pagne-negotiate rito. Halatang importante para sa lalaki ang kaalaman ukol sa nakaraan.
Naiintindihan din naman niya dahil ganoon din siya.
Pero hindi niya mapigilang isiping may ilegal nga itong gawain noon. And surprisingly, hindi siya gaanong natatakot kung totoo nga ang iniisip niya. From what she's seeing now, maayos ito. Pero hindi pa rin nawawala ang pangamba at takot sa kaniya and she shouldn't be feeling that. She knows she shouldn't. But Prima can't help but doubt.
Everything she has now is pointing in one direction— The controversy, forgotten night, and drugs— which is illegal doing.
Huminga muna siya ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata. Winawalis paalis sa isipan niya ang mga masasamang "baka". Walang magandang maidudulot iyon sa kaniya, and hey, she have come too far to doubt him. Sa pakikitira rito ay marami siyang natutunan tungkol sa lalaki.
Alam na alam niyang hindi gusto ni Kite na magbihis sa loob ng banyo. Hahayaan pa nitong ilantad ang katawan kaysa sa magbihis sa loob ng mainit, masikip, at basang banyo. Pagbabasa naman ang ginagawa nito sa tuwing may free time. Madalas na binabasa nito ay mga recipe o magazine na ang mga features ay mga sikat na chefs sa iba't-ibang bansa.
Hindi mapigilan ni Prima ang mapaikot ang mga mata nang maalala kung paano siya nito inignora noong nakaraan para lang basahin ang magazine na hawak. Mantakin mo pang napakanipis na ng suot niyang lingerie noon!
Pero hindi naman siya naniniwalang wala siyang epekto sa lalaki. Sa ganda ba naman niya, hindi ito maapektuhan? Imposible!
Speaking of impossible, hindi talaga sila magkakasundo ni Kite sa paraan ng paglagay ng cereal sa bowl. Isa rin 'yon sa kaniyang nalaman tungkol dito. Mas inuuna nito ang cereal kaysa sa gatas!
The horror!
Napapangiwi siya sa t'wing iisipin na kumakain ito ng soggy cereal. Kadiri ang gelatinous nitong texture. Bawas points tuloy para kay Kite 'yon.
Pero kung sa tutuusin, maraming katangian si Kite na hindi niya gusto. Teka nga, sino ba ang niloloko niya? Ang tanging katangian lamang na gusto niya kay Kite ay ang pagiging mabait, mapagbigay, ang g'wapo nitong mukha at lean na katawan. But the rest about him is boring, bland, vanilla.
Somehow, she's starting to like that part of him. Miminsan na nga siyang nakisabay sa panonood dito ng mga cooking show, nakapagbasa na rin siya kasama ito minsan ng mga magazine tungkol sa pagluluto, at pinapanood niya rin ito magluto kung minsan.
And to her surprise, she liked every minute of that.
Mahinang napasinghap si Prima nang may maisip. Is she starting to like Kite? Pero kakakilala niya lamang sa lalaki! Maaari nga namang simpleng atraksiyon lang dito ang nararamdaman niya pero kung ganoon nga, matagal na sana siyang na-turn off pagkatapos malaman ang mga bagay na kung saan ito interesante.
Siguro nga, deep inside her, gusto na niya ito. Hind niya lang pinapansin dahil okupado ang kaniyang isip sa pagtuklas kung ito nga ba ang ama ni Peña. Paano nga kaya kung hindi ito ang ama ni Peña? Mula nang makarating siya rito ay hindi niya naisip ang posibilidad na 'yan.
Ano nga ba ang mangyayari kung ang lahat ng inaasahan niya ay hindi nangyari at siya'y nabigo lamang sa huli? Saan na naman kaya siya magsisimula at pupulutin? Kailan nga ba niya matutuklasan ang kaganapan sa nakaraan?
Napakarami nga namang tanong ang bumabagabag sa isipan ni Prima na kung kaya't hindi na niya napansin ang pagkasimangot na nakalagay sa mukha at ang pagka-kurba ng pagngunot ng kaniyang kilay. Hindi niya pa mapapansin kung hindi siya tinawag ni Kite.
"Okay ka lang?" concern na tanong nito.
At dahil nga siya'y nahila palayo sa pagkatulala, kagaya ng paulit-ulit na pangyayari sa mga librong nabasa, napakurap-kurap siya na tila ba nagising sa sariling isipan.
Tinitigan niya ang katabi. Pinaparaan ang paningin sa makinis nitong kutis na kahit na may isang pimple siyang nakita ay hindi pa rin no'n tinatabunan kung gaano ito kag'wapo't kinis. Ang mapula-pula naman nitong labi na sa panaginip niya'y hindi malimutan. Hindi niya alam kung sa anong dahilan, kung bakit naiusal niya ang mga salitang...
"I'm sorry..."
Muntikan nang maibunggo ni Prima ang ulo sa compartment ng sasakyan nang bigla na lamang tumigil iyon. Mabuti na lamang ay suot-suot niya ang seat belt dahil kung hindi, kanina pa siya nahimatay dahil sa malakas na pagkabunggo.
One thing she liked about seat belts. It can prevent death.
Lukot ang mukhang tinapunan ng tingin si Kite. "Ano ba'ng problema mo?!"
Batid ang kaguluhan at gulat sa mukha nitong nakatingin sa kaniya. "Ulitin mo ang sinabi mo," utos nito.
"'Yong alin?"
"'Yong kanina."
"Anong kanina?"
"'Yong sinabi mo."
"'Yong alin nga?"
"'Yong "sorry"!"
Humalukipkip si Prima. "Good job, buti alam mong ikaw ang may mali. Buti nag-sorry ka."
Umawang naman ang labi ni Kite sa sinabi niya. "You're unbelievable, Prima."
"Oh my gosh!" Siya naman ngayon ang napaawang ang labi.
"Bakit?"
"Ulitin mo 'yong sinabi mo," tila batang nagaantipasyong utos niya.
"'Yong alin?"
"'Yong sinabi mo!"
"'Yong alin nga?"
"'Yong—"
Napatigil siya sa pagsasalita nang mapagtanto ang ninanais nitong gawin. Pinanliitan niya ito ng mga mata habang pigil ang tawa.
"You called me by my name! Does that mean we're okay now?" Sinangga niya pa ang balikat sa balikat nito habang nang-aasar na tingingnan niya ang lalaki.
Hindi sumagot si Kite ngunit may munting ngiti ito sa labing nagkibit-balikat na pinagpatuloy na ang naputol na pagmamaneho. Kagaya nga ng sinabi niya, nakakahawa ang mga ngiti nito. At ngayo'y pareho silang parang tangang nagngingitian sa loob ng sasakyan habang bumabyahe pauwi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top