Chapter Ten
Temptine: Thank you for the fan made cover, Victoria Mavis Van Dort! I forgot to ask your Watty username but still, thank you, girl! Ang ganda niya! Super classy!
"GUSTO ko lang itanong, matagal na ba kayong magkaibigan no'n?" Si Kite.
Masagana silang kumakain ng hapunan sa sala habang nagp-play ang movie na Catch Me If You Can ni Leonarde DiCaprio sa T.V.
Nasa scene na kung saan inaaya ng character ni Leonardo ang si Brenda— ang babaeng nais nitong pakasalan— na tumakas sa mga pulis na nilalaro naman ng artistang si Tom Hanks ang character noong agawin ni Kite ang kaniyang atensiyon.
"Huh?" Tutok kasi siya sa panonood hindi niya masiyadong naintindihan ang sinabi nito.
"Si Benison, matagal na ba kayong magkaibigan?"
"Oo, since high school, bakit mo natanong?"
Tumango ito. "Ah, 'di ko kasi siya nakita noong nag-move in ka, si Wendell lang."
Mataman namang tiningnan ni Prima si Kite. "Requirement ba bilang kaibigan ang nandiyan palagi sa event mo?" Mukha namang nagulat si Kite na napakamot ng batok.
"No, I'm sorry." Nagbaba pa ito ng tingin na mahina niyang ikinatawa.
"Mabait ka talaga, ano?" Hindi mapigilang usal niya. Nagtatakha naman itong nag-angat ng tingin.
"Huh?"
"You're saying sorry even when it's not your fault. Nahiya naman ako na ako ang may kasalanan pero walang pakialam. Sana all, 'no, hindi ma-pride?"
"Ms. Prima, nasabi ko na sa 'yo, I am not nice. I'm selfish, and I already told you that."
Umiling siya. "Hindi ako naniniwala. Habang tinatanggi mong mabait ka, mas lalo akong matatatag na mabait ka. Kagaya nga rin ng sinabi ko, ang mababait, hindi alam na mababait sila."
Kite shrugged. "Hindi na kita pipilitin, Miss Prima, pero sinabi ko na sa 'yong hindi ako mabait."
"Okay, mabait ka." Umiling lang ito at sumimsim sa baso na nilalaman ng tubig at muling itinutok ang mga mata sa T.V.
"Speaking of event," paninimula niya. This is now her chance! "Do you remember performing in a bar last August 10, 2010?" Taray ang specific niya ro'n, ah.
Kunsabagay, paano niya nga naman makakalimutan ang gabing sumira ng buhay niya? Kahit nga siguro malaman niya kung ano'ng nangyari noon ay hindi na niya magagawa pang kalimutan 'yon.
People get distracted but they never forgot. Lahat ng bagay, nag-iiwan ng marka; mga marka na kahit sebo de macho pa ang gamitin'y mananatiling matatag.
Dumako muli ang tingin niya kay Kite. Nalukot ang mukha ni Prima nang makita ang ayos ng lalaki. Hindi mawari ang itsura nito at tila ba nababagabag at hindi mapakali dahil sa kaniyang sinabi.
"Boss sir, natatae ka ba o ano?"
Kite abruptly shook his as if coming out of the trance. He looked at her questioningly. "What was that?"
Prima then smiled widely. "August 10, 2010, do you recall something about that date?"
"Uhm, no, I do not."
Prima exhaustedly laid back to the couch; feeling a hint of disappointment. Kite looked at her with concern.
"Are you okay? Bakit mo nga pala tinatanong, Miss Prima?"
"Prima," she corrected him. "Natanong ko lang kasi may hinahanap akong tao."
"Sino?"
"Wala, saka kung kilala ko naman, hindi na ako magtatanong pa sa 'yo."
Tumango-tango si Kite bago sumubo ng pagkain galing sa kutsara. "Bakit pala ako ang tinatanong mo?"
Natigil sa paggalaw si Prima at nanlamig ang kaniyang mga kamay. Animo'y may dumaan na hangin sa kaniyang likod at napaupo ng tuwid.
Alanganin siyang ngumiti sa katabi. "Part ka ng banda 'di ba? Baka kasi may pagkakataon na nakapag-perform ka roon noon..." panghuhuli niya pa ngunit umiling lang ang lalaki.
Kite let out a short laugh. "Sa libo-libong banda ba naman sa Pilipinas? I don't think so. Ano'ng bar ba 'yang tinutukoy mo?"
"SoLit."
Natigilan itong muli at tumingin sa kaniya. His eyes turned slits before taking a deep breath and quickly averted her gaze. Tinuon nitong muli ang atensiyon sa T.V.
Weird, Prima thought. But she shrugged it off, marami pa naman siyang oras para alamin ang gusto niyang alamin.
"Mahal niya talaga si Brenda," pagbabago naman ng usapan ni Kite.
"Ano 'yon?"
"Kako, si Frank, mahal niya talaga si Brenda."
"How can you say so?"
"First, he proposed; second, he never lied to Brenda's father, third, he wanted to change for the better and that wouldn't happen if he hadn't meet Brenda, lastly, he asked her to run away with him. Kung wala naman siyang nararamdaman para rito, hindi naman niya siguro aayaing tumakas kasama siya, right? He would simply leave by himself and the money. But no, he asked Brenda to run away with him. "
Prima then scoffed. "I doubt that. First, he proposed because he was feeling lonely, kinakailangan niya ng kasama dahil nagsasawa na siya sa pera niya. Second, no comment. Third, he wanted to change because he had a talk with his father. And also, dahil nga nagsasawa na rin siyang tumakbo. And last, kung mahal niya nga, bakit kinailangan niyang magsinungaling kay Brenda about sa identity niya?"
"I see you like to doubt."
"Oh, I do," proud niyang sabi.
"Ang masasabi ko lang, ikaw ba, may tinatago ka rin ba sa mga naging boyfriend mo?"
Tumaas ang kilay niya. "If I have a boyfriend? Maybe not. Hindi naman kasi ako magtatago ng mga bagay kung pinagkakatiwalaan ko 'yong tao, right?"
"Sure? Paano na lang kung 'yong sekreto mo na 'yon ay makakasira sa 'yo, hindi lang sa 'yo pero pati na rin sa kaniya? Would you let him go and let yourself drown or would you let the two of you drown?"
"E 'di dalawa kami."
Napatanga sa kaniya si Kite bago napatango-tango. He's acting like he gets something before proceeding to sip on his glass. Naiwan namang nagtataka si Prima sa inakto nito. Ilang minuto silang tahimik na nanonood at hindi nagpapansinan nang mapuno na si Prima sa pag-iisip sa kung ano ang nilalaman ng pag-iisip ng lalaki.
"So, what was that?"
Kite gave her a glance before turning again towards the T.V. "The what, Miss Prima?"
Prima lowly growled. "Bakit gano'n ang reaksiyon mo kanina sa sinagot ko?"
"Hm, simple human reaction, Miss Prima."
"Yeah, pero parang may dugtong pa, eh. Trust me, hindi ako mabilis ma-offend, spill it, Boss sir!"
Mataman itong tumingin sa kaniya. "Sigurado ka?" Alanganin pa nitong saad. Tumango siya rito.
Kinuha nito ang remote at ni-pause ang pinapanood nila bago pinagdikit ang dalawang kamay at tumingin sa kaniyang mga mata. He looks uncertain but she gave him the look of determination.
"I... I don't want you to get offended, Miss Prima, sana hindi ka magalit."
"I won't mind. May sari-sarili tayong opinyon, walang pakialamanan unless hindi na opinyon but insult."
"Yeah, I know. And I thought about what you said, I think it just... it says a lot about you."
Napangisi si Prima. Now he caught her attention. Tinukod niya ang braso sa backrest ng sofa at ginamit ang kamay na nakabola upang suportahan ang kaniyang ulo na nakapatong doon. "Yeah... and?"
"I think that... that decision was kind of selfish, ano? Sorry agad, Miss Prima, I didn't mean to judge you harshly. I know you will still get offended by I am indeed sorry," sunod-sunod ang paghingi nito ng patawad.
Napanganga si Kite nang marinig nito ang mas malakas pa sa ugong ng kotseng halakhak ni Prima. Pinuno ng tawa ni Prima ang buong silid na ultimong kahit bahay ng mga ipis ay naririnig 'yon.
Maya-maya pa'y nahimasmasan na si Prima at tumingin sa rito na nagpipigil ang ngiti. Clueless naman ang pinakitang reaksiyon ni Kite sa naging galaw ng babae.
"Mabait ka talaga ano?"
"Huh?"
"Nagmumura ka ba? Shit, dali, magmura ka!"
"Miss Prima, are you okay?"
Mahinang pinalo ito sa braso ni Prima si Kite at si Kite naman ay hindi naalis ang paningin sa brasong kung saan dumapo ang kaniyang kamay.
Huminga muna ng malalim si Prima bago nagsalita, "Ang rare na kasi ng kagaya mo. Wala lang, ang saya lang, naalala ko tuloy 'yong kaklase ko no'ng highschool. Ang bait-bait, kagaya mo, tapos narinig namin magmura, ayon, pinaulit-ulit naming mag-mura tapos..." Hindi na napansin ni Prima na patuloy lamang siya sa pagkuwento and Kite, on the other hand, absent-mindedly anticipating every word she spits; listening to her eagerly not leaving any words unheard.
TODAY'S THE WORST DAY EVER.
Monday.
Tumayo na sa kinahihigaan si Prima at ginawa ang morning routine— kumain, maligo, toothbrush, bihis— saka niya hinintay ang kaniyang Boss sir na nagbibihis pa rin sa kuwarto. She rolled her eyes, and they say women take too long to shower.
"Hey, sorry, Miss Prima. Natagalan ako," paghingi nito ng paumanhin na inaasahan naman ni Prima ngunit hindi pa rin siya makapaniwalang may ganitong taong kagaya ni Kite.
"Pasalamat ka, mahaba ang pasensiya ko, kung hindi baka iniwan na kita at dinala ang sasakyan mo," biro niya.
"You can't do that, wala kang drivers license."
Her eyes turned slit. "Pa'no mo nalaman 'yon?"
"Uh, well, nakatira tayo sa iisang apartment and uh, one time nahulog ko ang wallet mo at hindi sinasadyang makita ang mga laman. Sorry for going through your things. Unfortunately, wala akong nakita na driver's license..."
"Red lights, stop signs," she sang in a tone of one of the most-streamed song nowadays.
"What?" Guhit sa mukha ng kaharap ang pagtatakha; batid na hindi updated sa mga kantahan at balita ngayon. That's reasonable since workaholic naman si Kite at bawas-bawas na rin ang paggamit ng social media.
"Nothing, it's a reference that you probably didn't know. Anyway, ikaw Boss sir, napapansin ko, mabait ka pero palagi kang may argument."
Kite chortle and used his right hand to scratch the back of his head. "I'm sorry, I used to join in debates when I was in high school, mukhang nadala ko hanggang ngayon."
And that's our number three, he likes to counter arguments.
Dito siguro namana Peña ang hilig sa pagbibigay ng dahilan at rason kapag kaniya itong pinapagalitan o nahuhuling may ginagawang pinagbabawal.
Nawawalan na minsan ng pag-asang pangaralan ang bata dahil hindi maubos-ubos ang rason nito. Kung minsan ay hindi na siya makasabay pa, pinatapatigil na niya itong magsalita.
Wala siyang maisagot, speechless siya— nganga!
"Uh, Miss Prima, we need to go, we're running late."
She nodded at him and went after Kite who's now opening the car door.
"SABI mo, fan ka nila, 'di ba?"
"Oo naman," may kumpiyansang sgaot sa kaniya ni Bang-Bang.
Naghihintay pa si Prima para sa susunod na ise-serve sa costumer kaya napili niyang makipagchikahan muna kay Bang-Bang upang magpalipas ng oras. Besides, may malalaman din siya about kay Kite kaya hindi siya lugi sa chikahan.
"So, lahat ba ng shows at performances nila napuntahan mo na?"
Napaisip muna ang katabi, "I don't think so. Maybe around Aklan lang naman?"
"Great!" puno ng buhay niyang usad na pinagtakhan ni Bang-Bang. "So, alam mo kung ano'ng nangyari noogn August 10, 2010 about sa kanila?"
"Jusko naman, Prima, second year highschool palang ako niyan, mahirap maalala pero sure ako na hindi wala silang raket around Ibajay ng day na 'yan."
"Eh, akala ko ba pumunta ka sa mga shows nila dati pa?"
"Gaga, hindi ko naman keri tandaan lahat, ano? Pero may narinig ako about diyan, nabasa ko sa isang post sa Friendster. May incident daw na nangyari, involve raw sila that time."
Agad na nangunot ang noo ni Prima sa rebelasiyon. "Really? Sure ka ba riyan?"
"Oo naman sis, feel ko nga may photographic memory ako kasi natatandaan ko pa rin 'yong exact scene na nabasa ko 'yong post and articles..."
"Ano'ng sinabi sa article?"
It piqued her interest, knowing that it's about the might she had been looking for and also how Kite reacted after she asked him what happened.
He seems to know something but can't say a thing.
Kung ano man ang nangyari noong gabi na 'yon, hindi na gustong pag-usapan pa ni Kite. Pero hindi siya papayag, gagawa siya ng paraan para malaman mismo galing dito kung ano'ng nangyari ng gabi na 'yon para rito.
"Hindi ko na matandaan, eh..."
Natigilan siya. "What?"
"Sis naman, ten years ago na 'yon noong mabasa ko," dahilan nito na nagpalaylay ng balikat niya. Sayang naman, akala niya makakahanap na rin siya ng kasagutan.
"Ay, fine, tutulungan na lang kitang hanapin 'yong article, but I can't promise na makakahanap talaga tayo, okay?" Pambabawi nito na mukhang nahalata ang pagbalatay ng kalungkutan sa kaniyang mukha. "Bakit mo naman kasi gustong malaman ang nangyari ten years ago?"
"Bakit gusto mong malaman? Baka mamaya kumare mo si Marites," hirit niya.
Bang-Bang scoffed. "Grabe ka sa 'kin, kumare ako ni Sasha! Ang saya kaya no'n kaibigan, lalo na kung nakahuthot sa mga kano!"
Nag-apir sila kasabay ng mga tawa. "Pero hindi nga? Bakit?"
She rolled her eyes and sighed. "Okay sasabihin ko na."
"Wala lang, I have a friend, she's looking for someone she met at the party that night. Wala raw siyang matandaan kung sino, basta naka-sex niya lang daw."
"Bong naman, mala-Possessive Series pala 'yan. Kako, sabihin mo sa kaniya, 'wag siyang maghanap, maghintay lang siya! Naku, sa mga nababasa ko, nagkikita sila unexpectedly, something like that. Chill lang kamo, si boy mismo ang maghahanap sa 'yo, gano'n!"
Mahinang natawa si Prima. "You've read too much books, Bang-Bang."
"Oh, yes, I do. That's why ang tamang advice na ibigay mo sa kaniya ay stop." Bang-Bang sighed. "Don't go chasing after guy, maliban na lang kung may utang siya, ibang usapan na 'yon."
Sabay silang nagkatawanan dahil sa sinabi nito. Pinagaralan niya ag tisura ni Bang-Bang, mukha naman itong genuine na masaya, parang hindi man lang nakaranas ng heartbreak.
Sana lahat, ano?
Siya kasi, hindi niya maitago kung ano mang emosiyon ang nakakubli sa kaniya. She's such an open book that she hates it.
Natapos ang pagtawa nila sa pagtunog ng cellphone ng kaniyang kaharap. Tingnan naman ni Bang-Bang 'yon bago pinatay at nakangiting humarap sa kaniya.
"That was my friend, cartoonist siya na nakapagsulat na sa mga newspapers around Kalibo," napatango-tango siya sa binalita nito. "Sabi niya that was a bit controversial kaya lang hindi na raw niya matandaan kung bakit controversial. Pero ang sabi niya may copy naman daw sila ng newspaper na pinupublish nila each day. Magpapaalam daw muna siya kung p'wede makasilip."
Prima almost cried upon knowing that, she then threw herself to embrace Bang-Bang tightly.
"Oh, my gosh!"
Pawang bibitawan na niya ang babae nang mas lalo pang humigpit ang yakap nito.
"'W-Wag kang bitaw."
Nangunot ang noo ni Prima. "Bakit naman?"
"Nandiyan 'yong ex ko, baka makita ako, naku, alam kong maganda ako kaya lang may set ng eyebags ang tumubo sa akin last night!"
"Okay, fine!"
And there they were, walking like a two-in-one peguine just to avoid the ugly trash man— the man who just came inside the resto.
"MASAYA pala kaibiganin si Bang-Bang," kuwento ni Prima sa katabi.
"Oo naman, but at the same time, nakakapagod. She has a lot of energy, I couldn't keep up." Si Kite.
Napangisi si Prima. "That's not a problem with me, energetic din ako..." Hininaan at pinagaspang niya ang boses upang maging tunog mang-aakit.
"Well, that's nice," komento nito bago muling itinuon ang mata sa T.V.
Bastos talaga ang mga lalaki.
Aba, hindi magpapatalo si Prima, ano! "Alam mo ba, Boss sir, sabi niya, tutulungan niya raw ako..."
"Really? Tungkol saan?"
"August 10, 2010..."
Napalunok ito. Hindi nga lang mawari ni Prima kung saan ito napapalunok. Sa sinabi niya ba o ang pag-bend niya upang isiwalat dito ang naglalakihan niyang hinaharap.
"Ikaw ba, Boss sir? Matutulungan mo kaya ako?"
"What?"
The corner of her lips tugged up. Hindi dahil sa sinabi niya kaya napalunok ito kun'di sa patuloy na ginagawa niya ngayon.
She bended even more to give him a show.
"Miss Prima..."
Oh, gosh! He sounds like he's out of breath! And it's so frigging hot.
"Yes?" May bahid ng landing tanong niya.
"Please stop bending like that."
"What why?"
"Hindi ko kasi makita ang T.V."
Awang ang mga labi ni Primang napatayo ng tuwid sa sinabi. Inayos ang postura at nakabusangot na umalis saka nagkulong sa kuwarto na para bang isang teenager na pinagalitan ng magulang.
Naiinis na talaga siya! Feeling niya wala na siyang asim pa! Kainis! P'wes, hindi siya susuko hanggat hindi nanggagaling dito na may nakasiping ito ng gabing 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top