Chapter One


"Pride. Minsan sabon, minsan hindi mo malunok. Pero ano nga bang meron sa pride at nagmamatigas tayo para hindi lang ito malunok? Iniisip kasi natin, kapag nilunok mo ang pride, masisira na ang iyong dignidad at mawawala na rin ang respeto sa iyo ng mga tao.

"Mali. Ang pride ay isang bagay na hindi madaling bitawan dahil dito nanggagaling ang kakaibang satisfaction na nararamdaman ng bawat tao at kapag nilunok mo na ito, boom, the fun ends. Kaya ikaw ba na nagbabasa nito, kaya mo bang lunokin ang pride mo?"

Ibinaba ni Prima ang binabasa nang marinig ang boses ni Patricia.

"Ano kamo? Iiwan mo ang trabaho't anak mo para hanapin ang lalaking hindi mo naman kilala!?"

"So?" Mataray na tanong niya sa kaniyang kaibigan na si Patricia.

"Anong so!? Alam mo bang napaka-reckless ng ginawa mo? Hindi lang reckless pang-tanga pa! Sinong matinong tao ang iiwan ang lahat para lang makita ang taong hindi naman niya sure kung totoo!?" bulyaw pa nito sa kaniya.

She sighed in annoyance. She hated the fact that Patricia's right. Sino nga ba naman ang nasa tamang pag-iisip ang maghahanap ng taong nakita lang sa panaginip?

"I'm not asking for your consent, Patricia." She flipped her hair as she walked towards her closet. "Wala ka ring karapatan na magreklamo sa mga gagawin ko. Sinabihan lang kita kasi kailangan mong bantayan si Peña habang wala ako."

Puno ng inis niyang tinatapon ang bawat damit na mahahawakan sa closet. Simula kasi nang managinip siya dalawang araw na ang nakakaraan, nagpa-plano na siyang hanapin ang kung sino mang lalaking iyon. Reckless pero win-win situation pa din naman dahil si Peña ay nangungulila para sa ama at siya naman ay nangungulila para sa kasagutan.

Magkaka-ama na si Peña, malalaman na din niya ang totoo. Kung kaniyang mahanap ang lalaking iyon.

Mabuti na lang ay natatandaan niya pa rin ang itsura ng lalaki sa panaginip at ini-sketch ang mukha nito sa sketchpad niya. Naalala niya, habang dinodrawing niya ito, pamilyar ang hitsura ng lalaki kung saan. Hindi niya lang matandaan kung saan ito nakita. Kaya nagbabakasakali siyang iyon nga talaga ang ama ng kaniyang anak.

"Please, Prima. Pinapahamak mo lang sarili mo, narito naman ako. Kaibigan mo-"

Marahas niyang hinarap ito at dinuro, "I abandoned our friendship years ago! At hindi ka nandito dahil kaibigan mo ako, nandito ka dahil binayaran ka ng mga magulang ko! Kaya shut your mouth up or hindi ko itutuloy ang payment sa 'yo!"

Nagbaba ng tingin si Patricia at natahimik. Samantalang siya ay panay ang paghugot ng kaniyang hininga. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Akala niya si Patricia ang kaibigan na kaniyang masasanigan sa oras na siya ang may kailangan, 'yon pala ito ang may kailangan kaya siya sinandigan. Matagal na siya nitong kaibigan- kinaibigan, simula noong mga highschool palang sila ay magkaibigan na sila, 'yon ang alam niya. But behind her back, her parents were paying Patricia a huge amount of money just to hang out with her.

In short, she's just a job.

She was hurt. Of course she was. Si Patricia lang ang tinuring niyang kaibigan at akala niya ay ganoon din ito. But her parents proved her wrong, wala talagang taong hindi gagamitin ang kabaitan niya noon.

"Mommy, Tita-Mommy, nag-aaway ba kayo?" Napatingin sila sa nagtanong, it's the nine-year-old Peña peeking from the door frame.

"Walang nag-aaway, Peña." Nag-iwas ng tingin niyang ani dito habang tinutupi ang mga damit na ilalagay sa duffel bag. "Bakit pala hindi ka natutulog? Ang usapan ay matulog ka ng hapon, 'di ba?" Pag-iiba pa niya ng usapan.

"Pero nagsisigawan po kayo, isn't that called fighting?"

"Pwede bang manahimik ka, bata—"

Napatigil siya sa sasabihin nang si Patricia ang nagsalita. "No, baby, we're just playing. You see, when you have a best friend, the two of you do a lot of crazy things. Including shouting at each other, just like what we did."

"Talaga po?" Peña's eyes were sparkling as it grew bigger hearing what Patricia said.

"Oo, Bata, ang pinagkaiba lang hindi kami best friend ni Patricia," mapait niyang sabi bago bumalik sa ginagawa.

Nangunot ang noo ni Peña at nilapitan si Patricia. The innocent child hugged Patricia on the side. As if she's comforting her.

"Is Tita-Mommy away'ing you again? Tell me, Mommy, I will defend you!"

Patricia gave Peña a small smile. "No, baby. Like what your Tita-Mommy said, we're not fighting. So, no need to defend me."

She felt the bitterness succumb her. Oh, how does it feel like being called 'Mommy' by her own child? Hindi niya pa kasi naranasan 'yon. Lumaki si Peña sa tabi ni Patricia. Siya kasi ay nagpakalayo-layo at pumunta ng Manila para doon magtrabaho bilang call center agent. Kaya ang nakagisnan nitong ina ay si Patricia na, kaya ang nangyari, noong makabalik siya ay hindi na siya kinilala ng bata bilang ina. Naaalala niya pa ngang ilang beses niyang sinabi dito na siya ang ina nito pero nakatatak sa isip nito na ang ina nito ay si Patricia.

Remembering those moments made her teary-eyed. It made her heart ache like her heart was being stabbed by a thousand needles. It made her body numb as if a syringe full of anesthesia was pierced to her veins. It made her whine like a child whose lollipop got stolen. It hurts her even more, realizing that it was also her fault. If she could only give them one call once a day, her daughter wouldn't forget her. But no, after she went to Manila, she loved just like a single woman.

It really hurts!

She wiped off the tears in the corner of her eyes. Ayaw niyang maging emosyonal sa harap ng peke niyang kaibigan at pinakamamahal na anak. Baka mamaya ay damayan pa siya, masira pa ang moment niya.

Sinara niya ang maleta na nakalagay sa kama at hinarap ang dalawa. Nagkukulitan na naman ang mga ito ngayon.

"Peña, halika na, matulog na tayo." tawag niya sa anak na nagtatago lang sa likod ni Patricia. Napailing-iling niya, ayaw man niyang aminin, natatakot sa kaniya ang anak niya. Bukod sa malayo pa ang loob nito sa kaniya, hindi niya pa ito mapasunod dahil madalas niya itong natatakot dahil sa pagtataray niya.

"Peña, makinig ka na sa Tita-Mommy mo. Kailangan maging matangkad ka, alam mo 'yon 'diba? Kapag natulog magiging matangkad ka na at mas maganda pa!"

"Sige po!" nagliliwanag ang mukhang pagsang-ayon ni Peña at naunahan na siyang lumabas ng kwarto.

Naglakad siya palapit sa pintuan , pero bago pa siya makalabas ay tumigil muna siya sa harap ni Patricia. She gave her a menacing look.

"Don't feed lies to my child, I don't want her to grow up like you. A liar."

"Sorry, Prima."

Nilagpasan na niya ito at tinungo ang kuwarto ni Peña na katabi lang ng kwarto niya. Nakahiga na doon ang bata at papikit-pikit na nagkunwaring natutulog. Marahil ay para hindi na niya ito puntahan at patulugin.

Lumaki nga talagang malayo ang loob sa kaniya ni Peña. Kahit pagpapatulog na lang, ayaw pa nito.

"Bata, umayos ka na ng higa. 'Wag ka ng um-acting diyan dahil halata ka." Nakanguso itong ibinaba ang kumot hanggang bewang at umusog ng kaunti sa kaliwa.

Humiga siya patagilid sa kama at tinukod ang siko para suportahan ang kaniyang ulo. She impatiently taps Peña's bosom for her to sleep.

"Tita-Mommy, Do you hate me?"

She looked down at the innocent child. Peña's dark brown eyes were filled with curiosity. "Paano mo naman naisip 'yan, Bata? Nanahimik lang ako dito oh."

"Kasi you look pissed. Parang ayaw mong ihele ako sa pagtulog. Tapos hindi rin katulad ng pagpapatulog mo sa pagpapatulog sa akin ni Mommy Patri. Kapag siya ang nagpapatulog, kinakantahan niya pa ako o hindi kaya mags-storytelling siya. Tapos kapag ikaw naman ang nagpatulog, parang wala lang. Ayaw niyo ba sa akin?"

Sunod-sunod siyang napakurap habang tinitingnan ang kuryuso nitong itsura. Kahit siya ay nagtataka, ayaw niya ba sa anak niya kaya hindi manlang siya nag-effort na mapalapit dito? Binura na lang niya 'yon sa kaniyang isipan at sinagot ang tanong nito.

"Eh, shunga ka palang bata ka! Ano bang gusto mong gawin ko magpa-party hanggang makatulog ka?"

"Tita-Mommy naman..."

"Hay naku, walang magandang idudulot ang overthinking. Matulog ka na. Ang bata-bata mo pa nag ooverthink ka na. Ipikit mo na lang 'yang mata mo para masaya."

"Pero—"

"Shh!"

"Kasi—"

"Matulog na—"

"—Naiihi na ako! Kanina ko pa pinipigilan ihi ko, Tita-Mommy. Paihiin niyo naman ako."

Prima tsked, "Naiihi ka pala bakit hindi mo sinabi sa aking bata ka? Bilisan mo at nang makatulog ka na ulit!" Singhal niya dito na tumakbo naman patungo sa ibaba, kung nasaan ang kanilang banyo.

"NAKATULOG na pala siya. Buti naman. Baka pumutot siya paglaki."

Nakangunot ang noong tumingin siya kay Patricia. "Pwede bang 'wag kang makipag-usap sa akin na parang close tayo? Kasi nakakairita na, eh. Ayoko ng plastikan, Patricia. Umakto ka ng wasto at totoo."

"Prima, ilang years na din naman since nalaman mo na binabayaran ako. Wala na ngayon ang parents mo, pero ako nandito pa din. Kahit kaunti na lang ang bayad mo sa kain nasa tabi mo pa rin ako. Sa tingin mo ba, kung pera lang ang habol ko sa 'yo, mag-stay ako ng ganito katagal sa tabi mo? 'Di ba, hindi? Alam mo ba kung bakit?" Lumapit sa kanya si Patricia at kinawit ang kamay nito sa balikat niya. "Kasi totoong kaibigan ang turing ko sa 'yo. Sige nga, Prima, mag-isip ka ng ibang dahilan kung bakit ako nandito kasama ka. Mag-isip ka!"

"Ganoon talaga ang aso, nananatiling loyal sa amo."

Natigilan ito. "A-Ano?"

"Ang sabi ko manahimik ka na," maikli niyang sagot dito bago umupo sa hapag-kainan at kinuha ang box ng cereals.

Habang kumakain ay hindi niya maiwasang tingnan ang kaniyang cellphone at alamin ang bagong updates o chika sa internet.

Nanganak na pala si Coleen Garcia at Gigi Hadid. Meron namang kumakalat na balita na buntis daw si Janella Salvador. Ano bang meron ngayon? Bakit puro buntisan?

Is this the year of pregnancy?

Sana lang ay hindi siya mapasama sa "mabibiyayaan" ngayon. Kung si Peña ay sakit na nga ng ulo sa kaniya, dadagdagan niya pa. 'Wag na.

Matapos maubos ang cereal ay nag-procrastinate na muna siya. Hindi niya feel gumalaw sa oras na 'yon. Patuloy lang siya sa pags-scroll sa newsfeeds niya hanggang sa ma-bore siya.

Nakailang scroll pa siya bago napagpasyahan na umalis na para bumili ng stock nila sa bahay at pangangailangan niya sa pag-alis.

Nag-aayos na siya ng gamit niya nang datnan siya ni Patricia. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Grocery."

"Wala na ba tayong stock?"

"Aalis ba ako kung meron?"

Napayuko ito sa pananaray niya. "Ay sorry, oo nga pala. Magdala ka ng payong, uulan daw mamaya."

"No need. I can manage myself," mayabang na sabi niya bago lumabas ng kanilang bahay na nakatayo sa Villa Peraz Subdivision.

NAPATANGA si Prima habang nakatingin sa pila ng mga binibili ngayon. Diyos ko, ngayon niya lang naalala, "Ber" months na pala ngayon. Marahil ay nagre-ready na ang mga tao para sa papalapit na noche buena kaya nag-rush buying ang mga ito.

Minsan ay hindi niya maintindihan ang mga tao. There are still two months left until Christmas yet atat na atat na bumili ng mga gagamitin na masisira lang naman o mga pagkain na mabubulok lang naman.

Advance talaga mag-isip mga Pinoy.

Kumuha na lang siya ng pushcart para doon ilagay ang kaniyang mga pamimilian. Una muna siyang tumungo sa bread section. Kumuha siya ng dalawang putos ng Gardenia black forest loaf bread. Paborito iyon ni Peña, marahil ay iyong ang madalas niyang kinakain noong pinagbubuntis niya ito.

Marami pa siyang pinamili bago huling tinungo ang dairy section at kinuha ang totoong dahilan kung bakit siya nag-grocery ngayon. Dalawang maliit na mango yogurt ang nilagay niya sa kanyang cart na may malapad na ngiti sa mukha.

Simula pa noon, hanggang ngayon. 'Yon lang talaga ang hindi nagbago sa kaniya, ang pagkahilig sa mango yogurt. Nang makuha na ang kakailanganin ay pumili na siya kaagad sa mahabang pila.

Parang daloy ng traffic sa edsa.

Habang naghihintay ng kaniyang turn ay luminga-linga siya sa paligid at nag-iisip kung mayroon ba siyang nakaligtaan na bilhin. Pero habang lumilinga, ay napansin niya ang isang pamilyar na bulto.

She frowned. "Isn't that Benison?" she asked herself. Masyadong malayo ang lalaki plus, nakatalikod pa sa kanila.

Benison was one of her seniors in High School, isa din ito sa mga nag-try na nanligaw sa kanya. But of course, she refused.

She was expecting him to just leave but fortunately, he looked back. Nagtama ang mga mata nila. She gave him a small smile and nodded. But her smile disappeared as Benison shivered upon seeing her. His eyes grew bigger, face was pale as egg white, and his whole body looked so weak. It looks like it's gonna collapse in any minute now. Para ba itong nakakita ng multo nang tingnan siya.

She was about to step forward to ask what has happened to him or if he knew whatever happened before when he rush outside the mall. Weird. Dati naman ay ito na mismo ang lumalapit sa kanya, trip pa nga daw siyang ligawan eh. What has happened? Kumupas na ba ang ganda niya? Wala na ba siyang asim? Mukha na din ba siyang multo para matakot ito?

At doon na lang na-realize ni Prima na sana ay hindi na lang niya nakita ang lalaki. Dumagdag pa ang mga katanungan sa isip niya.

Mabigat na bumuntong-hininga siya bago sumunod sa kaharap na nakapila. Ilang minuto pa ang hinihintay niya doon hanggang sa nag che-check-out na ang kaharap niyang mamimili.

PRIMA was outside the mall, waiting for a tricycle to arrive. Kakaunti na lamang ang tao sa paligid, sa palagay niya dahil iyon sa pagabi na at malapit na ring magsara ang mall.

Sa gitna ng kaniyang paghihintay ay mahinang patak ng tubig ang sumalubong sa kalupaan. Nag-angat siya ng tingin, tama ang sinabi ni Patricia, uulan nga. Wala siyang dalang payong. Kung kinuha na lang niya sana ang payong at nilunok ang pride niya, baka hindi pa siya basa ngayon.

Nang mas lumakas pa ang ulan ay agad niyang tinungo ang waiting shed sa kaniyang likuran. Madami na ring taong nakatambay doon, mayroon pang nagbebenta ng dyaryo.

Nilapitan niyang Ale at naglabas ng limang-pu't limang piso sa kaniyang bulsa para bilhin ang latest na dyaryo. Gagamitin niya sana pantakip.

"Ito na, Neng, oh." Inabot nito sa kaniya ang PhilStar Newspaper. Nagpasalamat siya sa Ale at sumiksik na lang sa waiting shed.

Busy siya sa pagtupi ng dyaryo para ipinapatong sa ulo upang hindi mabasa. Mahirap na, hindi litaw ang ganda niya sa basang buhok. Habang ginagawa iyon ay may isang pahinang nakaagaw ng kaniyang atensiyon. Advertisement section, may mukha ng lalaking pamilyar sa kaniya.

Maigi niyang binuklat ang dyaryo at tumambad sa kaniya ang pamilyar na pamilyar na itsura. Malaki ang matang binasa niya ang article.

"Here in Gamimenos Restaurant, food is good, all the time!"

Gamimenos Restaurant is a newly opened restaurant in Banwa, Ibajay. Kite Solidum, the owner, is inviting you to visit his restaurant! They have different types of Filipino Dish, such as: Adobo with a twist, Sinigang, Lechon, and others! So, come with us and visit the fresh restaurant in town!

Tinapos niyang basahin ang article at muling tiningan ang hitsura ng lalaki sa picture ng dyaryo. Para siyang ninakawan ng hininga nang makita ito. Parang may bagay na iniipit sa kaniyang baga para hindi maging maayos ang kaniyang paghininga. Grabe! Kakaiba ang kaniyang nadarama sa simpleng pagtingin lang ng maamo nitong mukha!

Did someone bewitch her or what?

But would you just look at those vulnerable dazzling sparkle eyes, that precious diamond-shaped face, the super-licking good luscious dark red lips, those thick as her thighs eyebrows? And she could already imagine feeling those long eyelashes and pointed nose while he was doing his business down there while messing his already ruffled charcoal as black hair. I mean, for sure he wouldn't mind her doing that right?

She blinks three times like she just woke up in a dream or something. She heaved a sigh, goodness! What was she thinking earlier? That's bad, she shouldn't think of that! She held the newspapers and looked at his angelic face again.

Patricia was wrong, totoong tao ito.

Wala sa sariling napatulala siyang muli sa itsura ng lalaking nasa dyaryo. He looked just like him. Perhaps, this is one of the signs? Because the man she's looking at right now is the man of her dreams.

Kite Solidum, the man of my dreams.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top