Chapter Nine
TODAY is Sunday. Day off ni Prima at hindi niya alam kung ano'ng gagawin sa buong araw na mag-isa lamang siya sa apartment. Wala ngayon si Kite dahil kinakailangan daw ay present ito sa trabaho kahit weekends lalo na nga't um-absent pa ngayong araw ang assistant nito dahil sa "heartbreak" na dinaranas. Tama nga ang hinuha niya; workaholic ang lalaki.
At dahil nga roon ay inip na inip na si Prima sa at halos maubos na niyang tambayan bawat sulok ng apartment. Pasalamat na lang ay may wifi ang lalaki, kaya nga lang ay hati rin sila pag-bayad nito every month. Pero okay lang naman sa kaniya, it keeps her busy and collected.
Kasalukuyang nags-scroll sa newsfeed ni Prima sa kaniyang social media nang lumabas doon ang post sa account ni Patricia. Picture nito iyon kasama si Peña; magkatabi ang dalawa at nakangiti sa harap ng camera.
Ayaw mang aminin ni Prima ngunit nac-cute-an siyang tingnan ang anak kasama ang "kaibigan" sa litrato. She felt something warm inside her heart that spread like a wildfire. Hindi niya alam kung ano ang feeling na 'yon pero fulfilling para sa kaniya. Hindi naman namalayan ni Prima na siya pala'y nakangiti na sa kawalan habang tinititigan ang litrato.
Mabilis namang lumukot ang kaniyang mukha sa kung ano man ang iniisip. Muli na naman kasing pumasok sa isip niya ang ginawa noon sa kaniya ni Patricia. Hindi nito deserve na bigyan niya pa ng panibagong tsansa na pumasok sa buhay niya. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ng babae, pero sigurado siyang meron.
Nawalan na ng gana si Prima sa pag-scroll kaya naman ay binaba niya ang cellphone at tumungo sa kusina upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang nag-iingay na tiyan.
And there she was, nilalantakan ang nakitang mango yogurt sa refrigerator.
Hmm. Ang sarap talaga ng paborito niya. Hinding-hindi siya nagsisising ito ang inasam niya noong pinagbubuntis niya si Peña.
Agaran naman niyang naubos 'yon bago nangalkal muli sa loob ng ref dahil mukhang hindi sapat para kay Prima 'yon. Ngunit hindi pa niya naihahakbang ang paa nang tumunog ang kaniyang cellphone.
Kunot ang noong tinungo niya ang silid at tsinek ang cellphone. Mas lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo nang mapansing si Patricia 'yon; video call.
Wala na siyang nagawa kun'di ang i-accept ang call. Pigil siyang mapangiti nang tumambad sa kaniya ang itsura ng anak.
Napakagandang bata. Suot-suot nito ang kulay dilaw na bestidang binili niya noon para rito, mayroon din itong suot na hair crown na kulay puti ngunit terno naman sa disenyo ng nasa bestida. Ang buhok nitong kasing-itim ng uling ay tila ba isang silk sa klase ng pangingintab at pagkakabagsak. Buhok talaga ang pinaka-magandang asset ni Peña at malamang ay sa kaniya nito namana 'yon.
"Bakit?" May pananaray sa tono ng kaniyang boses.
As usual, hindi nagpatinag si Patricia sa pananaray niya at matamis lamang na ngumiti. "Gusto ka raw makausap ni Peña kaya tinawagan kita," ani pa nito.
"Hindi ko 'yon sinabi, ah!" Apila naman ng bata habang nakanguso't kunot ang noo.
Hindi sigurado ni Prima kung dapat ba siyang mainsulto sa sinabi ng anak o, magpasalamat kay Patricia sa ginawan itong pagtawag? Either way, hindi siya dapat maging rude at babaan ito ng tawag. Nasa harap pa naman ang kaniyang anak at hindi 'yon magiging magandang halimbawa para rito.
"So, ano'ng kailangan niyo?" She tried her best to sound less irritated.
"We talked about this naman, Prima. Once a week lang naman ang calls natin."
"Okay, so, bakit nga ba kailangang mag-tawagan?"
Napakamot sa batok si Patricia. "Nakakain ka na ba? At ang trabaho mo, okay ba? How about your boss? Is he treating you right?"
"I did, yes, okay, and yes."
"What?"
"Sinagot ko lahat ng tanong mo, may kailangan ka pa ba?"
Natahimik naman ang kabilang linya ngunit hindi nakatingin sa kaniya ang mga ka-call. Batid niya'y may tinitingnan ito sa malayo; mukhang nanonood ng teleserye. Hapon na rin kasi. Ngunit mukhang mali ang hinuha niya nang makarinig ng malalim na boses, out of frame ang nagsalita na 'yon.
"I think I should go," sabi pa ng boses bago nanlaki ang mata ni Patricia at saka nagmamadaling in-end ang tawag.
Malaki ang awang ng labi ni Prima habang nakatitig sa cellphone niya. Hindi siya makapaniwala! Did Patricia just invited someone over to her house? And with her daughter? What in the damnation is Patricia trying to do? Baka balak nitong ipahamak ang kaniyang anak dahil sa pagiging harsh niya rito. Pero kung ano man ang dahilan no'n, kinakabahan pa rin siya at nararapat lamang na puntahan niya ang mga ito.
Patricia, you dirty little bitch!
HINDI naman siguro halatang nagmamadali si Prima dahil wala pang sampung minuto ay nakaligo't bihis na siya at sa ngayo'y nagsu-suot na lamang ng sandals.
Pagkababa niya ng apartment ay bumungad sa kaniya ang masikip at magulong mini-grocery ni Aling Nilma; ang landlady ng apartment. Speaking of the landlady, nakabusangot ito habang nakapameywang na mukhang may binubulyawan na tao sa labas.
Dahil may nanalaytay ng dugo ng tsismosa kay Prima ay nakisilip din siya sa kung ano ang nangyayari. Nangunot ang noo niya nang mapansing kakilala niya ang lalaking kaharap ng landlady.
"Benison?" Hindi niya naitago ang pagtataka sa kaniyang tono.
Mukha namang narinig ng lalaki 'yon at napatingin sa kaniyang gawi. Agad na kumaway ito at pinuntahan siya.
Inakbayan siya ng lalaki. "Siya ang binibisita ko," anito sa matanda.
Sinuri siya ng matanda mula ulo hanggang paa bago sila inirapan at umalis sa kanilang harapan.
Nagbawi naman siya ng tingin dito at ibinigay ang atensiyon kay Benison. "Ano'ng ginagawa mo rito? Pa'no mo nalaman ang address ko?"
"Hindi ka nakipagkita sa akin," sabi na lang nito na ang tinutukoy ay ang nakaraang araw na gusto siyang makausap pagkatapos ng kaniyang shift.
Napaka-demanding nito. Akala siguro'y obligasiyon niya ang kitain ito. Ni-hindi naman siya sumagot ng oo at hindi rin naman siya sumagot ng hindi. Pa-feel special ang lalaking ito. Naiirita na naman siya!
Inis na napakamot ng ulo si Prima. "Ano na naman bang ginagawa mo rito?!"
Hindi ito sumagot subalit ipinakita lang sa kaniya ang dalang bulaklak't teddy bear. "Manliligaw..." Pagklaro nito na nagpaikot ng kaniyang mata.
Ano naman kaya ang gagawin niya sa bulaklak at stuff toy? Hindi naman niya iyon makakain, mabuti pa sana kung tsokolate at kendi ang dinala nito, mas matutuwa pa siya.
Pero kung sa tutuusin, mukhang hindi naman masama na tumanggap ng grasya...
"You know what? Fine."
"What do you mean " fine"?"
"P'wede mo naman akong ligawan."
"Really?"
"But I refuse to, maybe we could date or just be friends for now. Hindi naman kasi ako nagmamadali."
Napangiti itong tumingin sa kaniya. "Yeah? Thank you, Prima. I won't be an ass this time. Hindi ka magsisisi na tinanggap mo ako ulit."
Tumango naman siya. Naisip ni Prima na hindi naman masama kung susugal siya sa dalawang lalaking nagpapakita ng interes sa kaniya. Wala naman silang romantic relationship ni Kite at simpleng atraksiyon lang naman ang nararamdaman nila para sa isa't-isa kaya hindi na big deal kung makipag-date man siya kay Benison. Medyo risky pero sigurado siyang either way, sigurado siyang mananalo siya sa huli.
"Wow you have a nice place," nagising siya sa malalim na pag-iisip sa komento ni Benison.
Hindi na namalayan ni Prima na nakaakyat na pala silang dalawa ng lalaki patungo sa apartment niya.
Pinaupo naman niya ang laalki sa couch bago tumungo ng kusino upsng bigyan ito ng inumin.
"Thank you," magiliw na pasasalamat ni Benison bago sumisimsim.
Peke siyang ngumiti bago nagtanong ng... "Bakit ka pala inaaway ni madam?"
"Ah, 'yong matandang babae sa baba. Ayaw akong papasukin sa apartment kahit na sinabi kong bisita mo ako, she thinks that I would steal from her store or something. I think she wasn't aware that I could just buy her and her whole family."
Tumango-tango naman si Prima. Mayabang. Aniya sa kaniyang isip. Hindi naman niya ito masisisi, may ipagyayabang naman talaga ito.
Kahit na magkalayo sila, updated naman siya sa mga bagay-bagay tungkol dito. Alam niya na may dine-date itong mga babae every month or even every week. Alam niya ring isa ito sa mga youngest self-made billionaire.
Sa edad na trenta anyos, may sarili na itong kompanya na pagawaan ng furniture. Nagawa nito iyon sa tulong ng kaibigan at ka-batch mate ni Prima na si Leoniel Hontiveros, ang successor ng Hontiveros Furnitures. Kung sa tutuusin ay maganda ang takbo ng business ng pamilya ni Leoniel ngunit bigla na lamang nitong binitawan ang posisyon at nakipagsama kay Benison upang gawin ang ngayo'y most renowned Furniture company— ang Bernalieoson Furnitures— hindi itatanggi ni Prima, magaganda ang mga gawa nito. On point at patok sa taste niya ang mga designs.
"How about you, Prima, kumusta ang buhay mo?" Napatingin naman siya kay Benison.
"Well, you know ever since my mom and dad died, everything went... downhill. But don't worry, everything's okay na, I've managed to survive, yey!"
"That's good to know," may munting ngiti sa labi nitong usal. Tumikhim naman ito nang nagbalik-ngiti siya. "And I'm sorry for your loss."
"Oh, whatever. Mamamatay rin naman tayong lahat."
"Well, wow, that's very... uh... positive of you."
Nagkatinginan muna sila bago sila nagkatawanan sa banat ni Benison. Mahinang pinalo niya ito sa braso.
"Totoo naman sinasabi ko, ha, mamatay rin kaya tayo! Malay ko ba kung patayin mo na ako ngayon?"
Mahina namang natawa ang lalaki. "Papatayin talaga kita..." Tumingin ito sa mga mata niya. "...Sa kilig," dugtong pa nito.
Hindi maiwasan ni Prima na humalakhak. "Ang corny ha, ano 'yon mga banat ng 90's kids?"
"Oo nga tapos kapag funeral mo na ang theme song ay..." She was caught off guard when he started singing, "Heaven, nasa heaven ako!"
"Oh my, God! Stop!" Sumasakit na ang tiyan niya kakatawa nang buntutan pa iyon kaunting pag-sayaw ni Benison na hindi rin mapigil ang tawa.
Prima felt light-headed. Ang tagal na pala noong naka-hang out siya sa kaniyang mga tropa na ganitong-ganito ang jokes at humor na binabato sa isa't-isa. Sa bawat pag-alpas ng tawa niya, umaalpas din ang pakiramdam ng pangungulila ng kaniyang kabataan.
Ang kabataan na pinatikim siya sa kung ano'ng pakiramdam. At ang kabataan na nakaw ng dahil sa pagiging iresponsable niya.
If only she could change the way things were before she would do it. But at the same time, she couldn't help but think about Peña, if what fate wants to happen never did, hindi niya magagawa ang tsismosa't bibong batang si Peña at hindi rin niya makikilala si Kite na isang konserbatibo't workaholic na tao.
Prima thought that maybe... maybe this was somehow she should be. It's not bad to learn in the hard way sometimes.
"Prima, I'm sorry," she was pulled out of reverie by Benison, he was looking at her intently.
"Well, you should be."
"Yeah, I know, yesterday was an asshole thing to do..."
"Yes, I agree and I know you regret it but I am still not okay with what you said that they are "nothing" because, no, they are not. They became part of your life, they gave you the pleasurable thing, and also you to them."
"I know, I know, that's why I'm apologizing to you."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit sa akin? Sa kanila dapat."
"Ayoko ng makipagkita sa kanila."
"Bakit naman? Kasi tapos ka na? Sawa ka na? Naghahanap ka na ng iba?"
Pakunwaring sinamaan siya ng tingin. "Ang judgemental mo sa sa akin, since high school pa 'yan ha," bintang nito. "Hindi naman kasi sa gano'n, kapag kasi nakikipagkita ako sa kanila, nauuwi kami sa sex. Eh, kapag nakipag-sex naman ako sa mga 'yon, mula gabi hanggang madaling araw. E 'di laspag ako no'n!"
Tinawanan niya lang ito. "Then, that's your misery, ang libog mo kasi."
Hindi ito sumagot at nakitawa na lang habang iiling-iling. Nasa kalagitnaan sila ng katatawanan nang biglang bumukas ang pintuan. Natigilan si Kite, ang kapapasok lang ng apartment, nang makita sila.
"Oh," bakas sa mukha nito ang gulat. "I didn't know thst you have a visitor," sabi nito na ang tinutukoy ay si Benison.
"Hey, uh...?" Alanganing tumigin sa kaniya si Benison.
"Oh, he's roommate and boss." Humarap naman siya kay Kite. "Boss sir, this is Benison, my friend," pakilala niya at humarap naman kay Benison. "And Benison, this is Kite, my boss and roommate."
Nagkamayan ang dalawa na may giliw na ngiti sa mga labi.
"Nice meeting you, Mr. Benison," pormal na address ni Kite.
Benison scoffed. "Call me Ben, I think " Mr. Benison" is too formal."
"Oh, then you could call me Kite then."
"Right, Kite."
"Oh, enjoy. Doon lang ako sa banyo; quick shower." Tinanguan naman nila ang lalaki bago bumalik sa pinaguusapan.
"MISS PRIMA," he called her.
Kite quickly took her attention. She was cooking for dinner when Kite entered the kitchen.
"Yes, why?"
"Have you seen the mango yogurt I kept in my fridge earlier?"
Prima eyes widened upon hearing what he said. Kite even pointed at the place where the mango yogurt was kept. It was the same place where she took that mango yogurt to eat!
"S-Sa 'yon?" Gulat niyang usal.
"Yeah... bakit, nakain mo ba?"
Napangiwi si Prima. "I kinda did, my fault. Akala ko kasi sa akin, kasi before I got here, I stock my bag full of mango yogurts dahil favorite ko siya."
"No way, favorite mo rin 'yon?"
"Oo naman, ang sarap kaya! The way it melts inside my mouth is so mind blowing!"
"And the way it dwells around your tongue is immaculate!" Dugtong ni Kite.
Para na silang tanga ngayon na nakangiti sa isa't-isa.
"Wow, we have the same taste."
"Yeah, I think that's the reason why I was craving for mango yogurt when I was p—" Naku, muntik na!
"I'm sorry, when you were what?"
"When... when..." Naglumikot ang kaniyang mga mata sa bawat sulok ng kusina. "When I got my first period!" Nakahinga ng maluwag si Prima. Nalusutan ko! Pagwawagi ng kaniyang isipan.
"Well, it became my favorite when I was a child and my mom used to give me that just to shut me up. Maingay raw akong bata."
Prima chortle before proceeding to her imaginary list about Kite:
First, Peña's father was in a band.
Second, he likes mango yogurt!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top