Chapter Fourteen


"SURE ka'ng ayaw mong ihatid kita sa Gamimenos?"

Nakangiting umiling si Prima bilang pang-sagot sa tanong ni Kite.

"No need, magc-commute na lang ako papuna sa resto. Hindi pa naman start ng shift ko, at hindi rin naman ako workaholic kagaya mo. So, I'll let myself have a beauty rest bago pumasok." Also because she's tired and horny at the same time.

Who could've known mad Kite and the movement of his jaw can make her arousal pulsate?

Tumango-tango na lamang si Kite bago nagpaalam sa kaniya at bumalik ng muli sa sasakyan. Kumaway pa ito paalis bago pinaandar ang sasakyan. Hinintay niyang manliit sa kaniyang paningin ang sasakyan nito bago tumalikod at tinungo ang gate na katabi ng mini grocery.

Akma namang bubuksan na iyon nang sinalubong siya ng landlady. Tiningnan isya nito mula ulo hanggang paa saka bumalik ang paningin sa kaniyang mukha.

May pagsusupetya ang pagtingin nito. Pinigil naman ni Prima ang paikutan ito ng mata. Ayaw siguro talaga sa kaniya ng babae at lagi na lamang siyang sinasalubong sa maasim na paaran. Palibhasa kasi'y wala ng asim!

"Uwa it tawo sa inyo nga apartment pagkatan-aw ko idto kabi-e, siin kamo nag-adto ag ham-an ginpabay-an niyo ro apartment nga isaeaa?"

Napakamot siya sa sinabi nito. Napapagod na siya ngunit mukhang required pa rin siyang mag-explain dito. "Umalis kami, kinuha namin 'yong stock para sa resto pero habang nandoon kami, na-stranded kami so need naming mag-stay sa ulan. So, wala kami dahil may mahalaga kaming gagawin para mabayaran ang renta sa apartment na nirerentahan namin."

"Hay ham-an ginpabay-an ninyo ro apartment? Sayran niyo baeaa nga may bagyo nga gapaabot ag uwa gid ninyo gintan-aw ro mga gilid-gilid it apartment? Tingnan mo ang nangyari, pinabayaan niyong bukas ang bintana!"

Nanlaki ang mata ni Prima nang marinig ang sinabi ng matanda. Hindi na niya inisip pa ang panenermon nito at nagmamadali na lamang na umakyat upang tingnan kung ano ang sitwasyon ng apartment.

Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang susi sa bulsa at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Marami sigurong nagiisip na nago-overreact si Prima pero para sa kaniya, mailalagay sa larangan ng horror ang paglilinis.

Cleaning is one of her worst nightmares, ever.

Mas pipiliin niya pang maghiwa ng buto ng mangga gamit ang bread knife kaysa magwalis ng kahit two inches lang na lapad na kuwarto. Oo, ganoon kaarte sa paglilinis si Prima. Ngunit lahat ng kaniyang inarte ay tila nawala na parang bula nang makita nakabukas na silid.

Agad niyang pinuntahan iyon at malaking napaawang ang labi sa nakikita ngayon.

Basa ang kaliwang bahagi ng kaniyang kama na malapit sa bintana, pati na rin ang kurtina, ang sahig naman ay mamasa-masa. Nakahinga naman siya nang maluwag nang mapansing hindi gaanong naapektuhan kanang bahagi niyon— ang parte ng silid na malayo sa bintana.

Pagod na iniupo niya ang katawan sa vanity chair bago tinatamad na tinanggal ang sandals at bra. Mahina siyang napaungol nang makawala na ang kaniyang mga dibdib sa selda. Napakasarap talagang mamuhay na hindi kinakailangang mag-suot ng sapin para sa dibdib.

Gusto tuloy pektusan ni Prima ang kung sino mang nakaisip na gumawa ng bra. Wala namang naidulot sa kaniya maliban sa pagiging hindi komportable!

Iiling-iling siya nag-bihis bago tinungo ang kusina para kunin mula roon ang mop. Iniwan niya muna ang mop sa kaniyang silid at pumunta muli sa kusina na kung saan doon din nakakonekta ang banyo.

Binuksan niya ang gripo, sa ilalim no'n ay ang balde na nilalaman ng laundry powder na may kasama pang fabric conditioner. Balak niyang lagyan iyon ng tubig hanggang sa gitna. Imbes kasi na ayusin na lang ang silid ay naisipan ni Prima na mag-general cleaning na lamang upang hindi na mag-ayos si Kite para sa mga susunod na araw.

Ang lalaki kasi palagi ang naglilinis para sa kanilang dalawa. Hindi naman siya nito inuutusang mag-linis, kaya sa ngayon, nahihiya siya sa naalalang para siyang walang ambag sa pagtira rito. Kaya't 'yon na lamang ang naisip niyang gawin kahit kaunti lamang.

Nang umabot na iyon sa kalahati ay agad niyang binuhat iyon, ngunit namali siya ng pag-hawak, kung kaya't muling naibaba niya ang balde at natapunan siya nito mula sa leeg hanggang tiyan.

Kasabay ng pagkadulas ng balde sa kaniyang kamay, tunog ng pagkatok angle kaniyang narinig. Dala-dala ang balde, tinungo niya ang pintuan upang pagbuksan ang sino mang naroon.

Agad niyang naisip na baka si Kite ang kumakatok ngunit hindi naman kinakailangang kumatok ng lalaki sa kung ito naman ay may dalang susi.

Wala sa loob na binuksan niya ang pintuan. Nakaramdam siya ng kaunting gulat ngunit hindi naman niya pinahalata 'yon nang makita sa kaniyang harapan si Benison.

"Hi," alanganin ang ngiting bati nito sa kaniya. "Nakakaistorbo ba ako?" tanong nito sabay turo sa kaniyang hawak.

Bumaba naman ang tingin doon ni Prima at saka na lamang niya na-realize na dinala niya ang balde at tumulo iyon sa buong kabahayan.

She facepalmed. Mapaparami na naman ang kailangan niyang gawin. Mabigat siyang bumuntong hininga bago ibinaba ang balde saka tinuon ang atensiyon kay Benison.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Hindi niya naiwasang pag-tarayan ang lalaki. Paano kasi'y ginhost siya nito matapos niyang sabihing nais niya na lamang munang makipag-kaibigan dito!

Saglit ang mahina nitong pagtawa na mukhang naiintindihan ang pagiging mataray niya rito ngayon. "Gusto lang sana kitang kumustahin, Prima. At gusto ko ring ipaalam sa 'yo na... mas gugustuhin ko lang na kaibigan kita."

Natigilan siya sa narinig. Dahan-dahan niyang tiningnan si Benison at pinag-aralan ang hitsura nito. Base sa ekspresyon nito, seryoso ang lalaki.

Aba, what changed?

Parang noong nakaraan lang ay tila asong gutom itong nanghihingi ng atensyon sa kaniya tapos ngayon ay magba-back out lang?

Pangit ba siya?

Pangit ba ang katawan niya?

Kapalit-palit ba siya?

Isang tapik sa balikat ang humila sa kaniya palayo sa malalim na dagat ng kaniyang pag-iisip. Hinuli ni Benison ang kaniyang mga mata.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito.

"Yeah, nabigla lang. Why though?"

Nagkibit-balikat ito, pinipigil ang pag-ngiti. Pinanliitan niya itong muli ng mata at saka naman napa tango-tango.

"Ah, I get it," she said. "Na-realize mo na masiyado akong mataas at natatakot kang ma-reject dahil isa akong babae."

"No, that's not it." Prima couldn't help but notice Benison staring at her lips.

She gave him a suspicious look. "So, bakit nga?"

"Ah, fuck it," nagmumurang bulong nito bago hinuli ang kaniyang mukha at marahas na inilapat ang labi nito kay Prima.

Kahit simpleng pag-angat lamang ng daliri ay hindi nagawa ni Prima dahil sa pagkagulat sa ginawa ng lalaki. Nakatayo lamang siya roon na tila estatwa. Hinihintay ang pagsirit ng init sa kaniyang katawan sa kahalayang ginagawa ng lalaki sa kaniyang labi.

Banayad nitong sinisipsip at kinakagat-kagat ang pang-ilalim na labi. Naramdaman ni Prima ang pagtaas ng kaniyang balahibo nang isinilid nito ang dila paloob sa kaniyang bibig. Bahagya niyang naiurong ang ulo ngunit hinigpitan ni Benison ang pagkakahawak sa kaniya at ginamit ang kamay upang ihapit siya malapit dito sa pamamagitan ng pag-higit ng kaniyang batok.

Natulos naman sa kinatatayuan si Prima. Hindi magawang tumanggi o tumugon. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat na nararamdaman sa halik na pinararanas nito. Gusto niyang masarapan, gustong-gusto niya! Pero iba ang sinasabi ng kanyang katawan.

Dahil nga roon ay hindi niya magawang ipikit ang mga mata dahil ang tanging nakikita niya ay si Kite.

Ah, Kite and his good ways.

Wala siyang ibang maramdaman ngayon maliban sa pagkagulo ng sistema. May parteng nagugustuhan niya ngunit may parte ring nag-guilty siya. Na kung saan hindi naman dapat!

Ngunit huli na nga ang lahat, mas nanaig ang pagiging guilty niya sa kung ano man ang dahilan.

Akmang itutulak niya si Benison palayo sa kaniya nang tumigil ito. Hawak-hawak pa rin ang kaniyang batok at ang noo ay nakadikit din sa kaniyang noo.

Mabigat ang binitawan nitong buntong-hininga. Hindi niya masasabing dahil lang 'yon sa ginawa. Pakiramdam niya ay may pinanggalingan pa.

Nag-stay sila sa ganoong posisyon bago ito bumitaw sa kaniya. Nakahinga naman siya ng maluwag sa ginawa nito.

Lumunok muna si Prima bago pinag-krus ang kamay sa harap ng dibdib. Matamang tiningnan si Benison. "Tapos ka na?" umiikot ang matang tanong niya sa kaharap.

Nahihiyang napangiwi ito sa kaniya nang marealize ang ginawa. "Sorry...?"

Umiling siya. "Nope, not enough! Tulungan mo ako rito at pagkatapos mag-kwentuhan tayo sa kung ano man 'yang problema mo."

Hindi na sumagot si Benison at tinanggap na lang ang baldeng ibinigay niya rito.

"NAKAKAPAGOD!" hinihingal na reklamo ni Prima nang humilata na siya sa couch kasama si Benison.

Katatapos lamang nilang linisin ang kaunting baha sa kaniyang kuwarto at basang-basa na sila ngayon.

Hindi na lang nagsalita si Benison at mabigat na napabuntong-hininga.

Mahinang sinuntok ni Prima ang braso nito. "Ano nga 'yon, sabihin mo na!" udyok niya pa sa lalaki.

Umiling-iling si Benison. Nagpapakipot.

Matalim niyang tiningnan ang lalaki. "Ano nga? Baka nakakalimutan mong nagnakaw ka ng halik!"

"Nag-sorry na nga ako, eh."

"At sinabi ko ring not enough, so, ano na nga?"

Humugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita. "I got rejected. For the third time, with the same girl I was crazy over with in college."

Hindi napigilan ni Prima ang matawa ng malakas nang marinig ang kwento ni Benison sa kaniya. Napahawak na siya sa kaniyang tiyan sa sobrang pagkakatawa. Sinamaan naman siya ng tingin ng katabi na hindi rin maitatago ang pagkayamot.

Iiling-iling itong tumingin sa kaniya. "Go on, just laugh." Halata sa tono ng boses nito na naaasar na ang lalaki.

Mabilis namang humupa ang kaniyang tawa nang mapansing hindi ito nage-enjoy sa kaniyang pagtawa sa ka-miserable-han ng love life.

"Paano naman kasi, hindi mo pa ba nahahalata? Dumating na ang karma mo, hoy! May pa-nothing ka pang nalalaman sa mga naging babae mo, 'yan ang payback sa 'yo, panindigan mo!"

Benison groaned. "Hindi pa ba sapat ang isa o dalawang rejection sa akin? Bakit naging tatlo pa, putang-ina."

"Aba, bakit? Ilang babae ba ang pinaluha mo?" prangka naman niyang tanong dito.

"'Di ka nakakatulong."

"Dahil hindi naman talaga ako tumutulong, I'm enjoying seeing you miserable, ano. Parang nae-excite tuloy akong makita na ma-in love si Derek Ramsey at Gerald Anderson tapos paiyakin sila ng mga babaeng minalas, 'no?"

Prima giggled as she remembered the disgusting news about the two finding their "the ones" which no one believed. Sino nga ba namang maniniwala sa isang sad boy at playboy na kagaya nila Derek at Gerald? Ni-hindi nga yata gumagana ang three month rule sa mga ito. Parang si Benison lang din.

Kaya wala na siyang ibang masabi sa kinahinatnan nito kun'di, "Deserved!"

Tumayo si Prima upang pagkuhanan ito ng maiinom. Mukhang mawawalan na yata ito ng laway sa kaka-buntong-hina. Pagkakuha ng pitchel at dalawang baso ay nilagyan niya tubig hanggang kalahati ng baso.

Hindi nito iyon ininom, subalit pinaglaruan lang at marahang pinaikot-ikot sa kamay ang baso. Malayo ang tingin at marahil ay malayo rin ang isip. Hindi na pinansin ni Prima ang lalaki at pinagtuonan na lang ng pansin ang sariling inumin.

Maya-maya pa'y binasag ni Benison ang katahimikan. "Wala ka bang beer dito? Tara inuman tayo."

"Ha? May tra—"

"No!" bigla naman nitong sigaw.

Nakangunot ang noo ni Prima na tiningnan ito. "Ano'ng problema?"

"I mean, no, ayoko na palang makipag-inuman."

She shrugged. "Good, ayoko rin naman."

Katahimikan.

Napakamot naman ng batok si Prima. Bothered by the silence. "Gusto mo bang bigyan kita ng advice?" half-sincere niyang tanong dio.

Nanginang ang mga mata ni Benison nang marinig ang kaniyang sinabi. Sunod-sunod itong tumango, parang batang hinihintay ang ice cream na binili mula sa sorbetero.

Pinitik niya ang noo nito. "Tanggapin mo kapalaran mo, deserve mo 'yan. At 'wag na 'wag mo siyang pipilitin kung ayaw niya."

"You think I don't know that?"

"Of course I know, pero I'm sure kung hindi mo pa narinig sa akin 'yan, hindi mo gagawin."

Napakamot pa si Benison ng batok. "Parang ang sama naman ng tingin mo sa akin?"

"Hoy, Benison, kilala kita. Kailangan mo pa ng second opinion bago gumawa ng desisyon."

Tinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Fine, naisip ko rin naman naman 'yan. Kaya lang mas ni-consider ko ang... uhm... pikutin ko sana siya."

"Benison!"

"Sorry, but that's just how I handle business."

"Pero babae ang pinaguusapan natin. Babaeng mahal mo."

Mataman siyang tiningnan ni Benison. "Wala naman akong sinabi na mahal ko siya. Ang sabi ko, baliw ako sa kaniya."

"And so? To-mey-to, to-ma-to. Same pa rin 'yon."

"Okay sabi mo, eh."

"Teka nga... don't tell me hindi mo pa sinasabi ang "I love you" sa kaniya?"

Nag-iwas lang ng tingin si Benison. Napatango-tango naman si Prima.

"Kaya naman pala. Well, bago na ang advice ko sa 'yo, sabihin mo sa kaniya na mahal mo siya!"

"No, I can't say that. I can't lie."

Nanliliit ang mga matang tiningnan ni Prima si Benison. Pinipigilan ang inis na umuukit sa kaniya. Sinusubukang kamutin ang mga salitang nagsusumanong lumabas sa kaniyang dila.

"Gago ka pala, eh! Bakit ka nangungulit sa kaniya kung 'di mo pala mahal?"

"Mahal ko..."

"Oh ayon naman—"

"Na parang hindi. Hindi ko alam! Paano mo ba malalaman na mahal mo ang tao?"

"Tanga, hindi mo malalaman kung mahal mo na, basta mare-realize mo na lang na hulog ka na. Now, nasa kaniya ang desisyon kung sa paggising mo, ay may bisig na nakapulupot sa 'yo o wala."

"Wow, have you ever been in love?"

"Hindi pa. Sa mga Romance novels lang na nabasa ko. Try mo rin magbasa para malaman mo ang the moves. Recommend ko sa 'yo ang mga stories ni Miss Mandie Lee!" Prima giggled as she said that. "Oh, siya, lumayas ka na, i-text mo na lang ako para ma-update ako tungkol sa inyong dalawa. Interesante pa sa telenovela ang love story mo!"

"Hindi kita tatawagan," sabi pa nito bago tumayo sa kinatatayuan at tumungo sa pintuan palabas.

Mahinang natawa si Prima na sumunod sa lalaki. Nasa labas na ito ng apartment samantalang siya ay nakasampa sa door frame.

"Tatawagan mo ako, Benison. At tatawagan mo ako habang umiiyak ka dahil ayaw niya sa 'yo at meron siyang iba," pananakot pa ni Prima rito na tinawanan lang din naman ni Benison.

"Hindi mangyayari 'yan."

She shrugged. "Tingnan natin. Sige na, alis ka na, magliligpit na ako!"

"Okay, bye, Prima," nakangiting paalam ni Benison bago siya tinalikuran.

Nakasimangot siyang pumasok muli. Paano ba naman kasi'y kakatapos niya lang maglinis ng buong apartment ay kailangan naman niyang iangat ang mga patungo sa banyo upang maligo ngayon.

Hinubad na niya ang kaniyang namamasang damit at pinaikot ang tuwalya sa kaniyang katawan. Papasok na sana siya ng banyo nang makarinig siya ng katok mula sa pinto.

Inaasahan ni Prima na si Benison iyon at baka may nakalimutan lang na kunin. Ngunit laking gulat niya nang makita kung sino ang nasa harapan.

"Kite? A-Akala ko umalis ka na?" takhang tanong niya.

Hindi lang pala siya ang nagulat kundi pati rin ito. Ngunit hindi sa kaniyang mukha nakatingin ang lalaki, sa kaniyang katawan na nababalot ng tuwalya. Nag-iinit ang pisngi na nag-iwas ng tingin si Prima kay Kite.

"Uhm, did something... happen?" Napaangat siya ng tingin sa naging tanong nito.

"Wala naman, bakit?"

"Nakasalubong ko kasi kanina si Mr. Benison..." Nanliliit ang mga mata nitong tumingin sa kaniya. "Did you guys...—"

"Hindi!" putol niya sa nais pa nitong sabihin. Nangangamatis na ang buong mukha't leeg ni Prima dahil sa kahihiyan. Hindi nga naman malayong maisip ng lalaki 'yon dahil sa kaniyang itsura ngayon. "Hindi, walang nangyari at saka bakit ka ba nandito?"

Hindi naman pinansin ni Kite ang pagiging defensive niya at nakangisi namang sumagot. "Naisip ko kasi na baka sunduin na lang kita. 'Di ko naman alam na muntik na pala akong makaistorbo..."

Mahina niyang pinalo ang braso nito dahil sa inis. Sobra na nga namumula ang kaniyang mukha ay pinapalala pa ito ng lalaki dahil sa pang-aasar. Samantalang si Kite ay natawa na lamang sa kaniyang ginawa.

He said, "No need to hide your relationship from me, Prima, wala namang masama ro'n eh. But still, thank God hindi ko kayo naabutan na..."

"Stop right there!" Pinaikutan niya ito ng mata. "Hintayin mo ako, maliligo lang ako!" Nagmamadali niyang tinungo ang banyo. Gustong-gusto na niyang maburo sa ilalim ng kalupaan dahil sa kahihiyan! Bakit ba kasi nahuli siya nito sa bagay na hindi naman niya ginawa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top