Chapter Five


PRIMA was humming the song Apologize while preparing the things she will bring as she moves into Kite's apartment. Natatawa pa rin siya sa pag-alalang wala siyang pagaalinlangang tinanggap ang offer sa kaniya ng lalaki. She was in a good mood until Patricia showed up in her room.

"So, seryoso ka talaga?" usisa kaniya ni Patricia.

"Would I file a vacation leave if I'm not?" Pataray niyang sagot sa walang kwentang tanong nito sa kaniya.

"Pero Prima—"

"Can't you just shut your mouth?! Alam mo, every time na nagsasalita ka, nauuwi sa pag-aaway!"

"Mauuwi talaga sa pag-aaway dahil inaaway mo ako!"

Napasinghap siya, nagulat sa naging pag-sagot nito sa kaniya. Hindi niya inaasahan 'yon. Ang akala niya ay mananatili itong tahimik sa pag-talak niya. And somehow, it made her happy. So her "friend" still knows how to defend herself. Akala niya ay hahayaan lang siya nitong pagsalitaan ito ng kung ano-ano. But it doesn't matter, may mali pa rin itong ginawa.

Hindi na niya ito pinansin pa at pinagpatuloy na lamang ang gawain. Samantalang, si Patricia naman ay hindi siya iniwan at tumulong na rin sa kaniyang ginagawa. Tinutupi nito ang nga damit niya.

Bumalot sa kanila ang katahimikan. Ngunit makaraan ang ilang segundo ay hindi na nakatiis si Patricia at nagbukas ng kanilang mapaguusapan.

"Prima, p'wede bang kapag nandoon ka na... Tawagan mo kami kahit isang beses lang?"

"Kami?"

"Ako at si Peña, baka kasi matulad na naman noon..." Lumikot ang mga mata nito na tila hindi sigurado kung paano ipapaalam sa kaniya ang gusto.

Bumuntong-hininga siya. "Okay," maikli niyang tugon at nagpatuloy sa ginagawa.

Nakinita niya sa peripheral vision ang maliit na ngiti ni Patricia. She rolled her eyes out of annoyance. "Hindi dahil sa 'yo kung bakit ako um-oo. At hindi pa rin tayo magkaibigan. Bilisan mo na diyan, kailangan ko nang umalis," mataray niyang utos dito at umalis ng kuwarto upang mabilisang maligo.

"PUPUNTA ba si Tita-Mommy kay Daddy?" Rinig niyang bulong ni Peña kay Patricia na tinutulungan siyang mag-ayos ng gamit.

Dumukwang naman si Patricia upang buhatin si Peña. "Maghintay ka na lang sa loob, Baby, pag-uwi ni Tita-Mommy mo, may pasulubong siya!" Agad na nagningning ang mga tsokolateng mata ng bata sa sinabi.

"Sige po, Mommy! Bye, Tita-Mommy, hihintayin ko po ang pasalubong niyo!" anito sa maligalig ng tono bago kumaripas ng takbo paloob ng bahay.

"Aalis ka naman..." mahinang usal ni Patricia at tinapunan ng tingin ang mga gamit na dadalhin.

"Oo, aalis ako. Kaya alagaan mo ang anak ko. 'Wag mong pababayaan."

Nagkibit-balikat siya. "Siguraduhin mo lang," mayabang na aniya at tumingin sa daan.

Tumigil sa harap nila ang isang kulay itim na Chevrolet. Nandito na ang ang hinihintay niya. Bumukas ang pintuan niyon at iniluwal no'n si Wendell. He looks astonishing with his denim button-down shirt and black pants paired with brown shoes.

"Hi. Late ba ako?" may concern sa boses nitong tanong.

Prima rolled her eyes. "Oo, late ka. Bilisan mo namang kumilos." Paga-alila niya sa lalaki. Dapat nga lang magpa-alila ito dahil sa kasalanan nito! Pero blessing in disguise naman ang kasalanan na iyon kaya hindi siya masiyadong harsh dito.

"Yes po, Ma'am!" agarang sagot nito at kinuha ang gamit niya upang ilagay sa back compartment ng sasakyan.

Hindi na niya inabala pang tulungan ito sa paglagay at nagtungo na sa passenger seat upang sumakay nang sa pagbukas ng pinto ay isang taong hindi niya inaasahang makitang umupo ro'n.

His round thick brows arched by seeing her. "Back seat ka," anito sa matikas na boses. Dahilan upang mangunot ang noo niya.

Isn't them a—

"It's our kink," dinig niyang bulong sa kaniys ni Wendell. Malalaki ang matang napatingin siya rito at hindi makapaniwala sa sinabi.

Napanganga siya nang ngumisi pa sa kaniya si Wendell. She leaned in towards him to whisper, "I thought it was just a one-time thing."

Nag-asong-ngiti ito. "Akala ko rin, eh," maikli nitong tugon bago nagpatiuna sa sasakyan.

"Oh my God," she breathed out. Hindi niya inaasahan iyon. Ang akala niya ay simpleng fling lang ang nangyari noong nagkataong tinawagan niya ito. Mali pala siya, tatagal pa pala si Wendell at ang HR.

Nakangiting umiling-iling na lamang siya. Nakita niyang nakasilip sa bintana si Peña kaya't kumaway siya.

"Alis na ako, bata. 'Wag kang malikot diyan," bilin niya. Kumaway naman pabalik si Peña bago nagtatakbo pabalik sa kuwarto. Tinapunan naman niya ng tingin si Patricia at tipid na tumango bago tinungo ang sasakyan at sumakay sa backseat niyon.

NASA kalagitnaan sila ng biyahe nang mainip sa pagda-drive si Wendell kaya't nagbukas ng mapaguusapan.

"Buti nakakuha ka ng trabaho, sa taray mo ba naman!"

"Well, I don't know, baka natakot siguro siya sa pananaray ko kaya ako tinanggap," bida pa niya.

"Wow, sana all," komento nito bago bumaling sa katabi. "Tarayan kaya kita para makuha rin kita araw-araw?" banat nito na mahina niyang kinatawa and at the same time, kiligin.

Umiling-iling naman ang HR na tila wala sa mood at bumaling na lamang sa bintana. Naga-alalang nagkatinginan sila ni Wendell sa rearview mirror. Mukhang clueless din ito kagaya niya.

"Nag-away kayo?" She mouthed.

Wendell frowned and low-key shook his head. Confusion was visible on his handsome face.

"Ano'ng problema?"

"'Di ko alam." He mouthed back.

Umiling-iling na lamang siya na tila nag-g-give up at sinandal ang katawan sa bintana. Sinalampak niya ang earphone sa tainga upang magpa-relax.

Sa bawat paglipas ng mga estilo na kanilang dinaraanan, napapaisip siya. Ano kaya ang kahihinatnan ng kaniyang buhay kung maging successful man ang gagawin niya ngayon? Would she be more vibrant like before? More positive and approachable? Magiging shallow din kaya siyang muli matapos nito?

Minsa'y may takot din siyang nadarama para sa ginagawa niya ngayon. Ngunit sa t'wing pumipikit siya, bumabalatay ang larawan ng kaniyang inosenteng anak na kahit kailanma'y hindi niya ma-hindi-an, kaya nagpapatuloy pa rin siya sa plano kahit alam niyang mahirap.

Bumuntong-hininga siya. 'Di niya alam kung saan patungo ang gagawin niyang ito pero para sa anak niya, susubukin niya ang lahat ng makakaya. Kaya nga lang, ang inaalala niya ay kung mahuli siya ni Kite sa plano niya. At lalo na kapag nalaman nito ang tungkol kay Peña.

Ano kaya ang mangyayari kung malaman man nito na may anak ito sa kaniya? Kukunin kaya nito sa kaniya palayo si Peña? Malayo na ang loob sa kaniya ng anak, mas lalayo pa ito kapag nalaman ng lalaki ang pina-plano niya. Pero hindi naman nito siguro malalaman iyon kung walang magsasabi rito.

Tama, hangga't walang magsasabi sa lalaki, walang makakaalam.

"NANDITO na tayo," anunsiyo ni Wendell na itinigil ang sasakyan sa harap ng three-story building. Hindi niya iyon masiyadong napansin no'ng una siyang nagpunta rito ngunit ngayong may sinag na ng araw, napansin niyang maganda ang itsura ng lugar.

Ang ibabang bahagi ng building ay isang mini-grocery na marami-rami ang namimili. Sa tingin ni Prima, ang natitirang dalawang bahagi ay apartment na. Pagdating naman sa labas ay may kaingayan dahil nasa harap ng building na iyon ang kalsada.

"Dito ka na lang muna, tutulungan ko lang si Prima." Napatingin siya sa kaniyang likuran kung nasaan si Wendell na kausap ang kasintahan. Kita niyang tumango ang lalaki na sadyang hudyat upang tulungan siya ni Wendell sa ibang kagamitan.

Lumapit naman sa kaniya si Wendell na dala-dala ang kaniyang dalawang maleta. Bumalik naman siya sa sasakyan at kinuha ang isang bag at ang kaniyang lampshade mula sa trunk.

Pumasok na sila sa building at sinalubong sila ng babaeng may katandaan. Kunot ang mga noong tiningnan sila nito.

"Wala na kaming space kung mangungupahan kayo ng apartment," anito sa kanila na may pagkataray ang boses.

"Wala akong pake kasi may tao akong kikitain," pabalik-panaray niya.

Hinawakan naman siya ni Wendell sa braso na naglalakihan ang mata na tila pinagsasabihan siya. Hindi siya nagpatinag at pinitik ang buhok dito. Ang matanda naman sa harap ay may nagtatanong na tingin.

"Sino'ng bibisitahin mo?" usisa ng matanda. Akma namang sasagot na siya nang...

"Ako," sagot ng isang tinig na pamilyar sa kaniya. She then looked at the woman tauntingly.

"Katipuno,"usal ng matanda pagkakita sa lalaki. "Anong klaseng pagbibisita ba ang gagawin ng dalawang ito at may dalang mga maleta?" May pagtatakha sa tono ng boses ng matanda.

Humarap si Kite rito. "Isa lang ang bisita ko, magiging kahati ko siya sa inuupahan ko, Manang," explain pa ng lalaki.

Tumango-tango ang matanda. "Sorry, mataray ako kanina. Ano pa't tulungan mo na siyang ihatid ang mga damit niya," utos nito. "Sino ba sa kanilang dalawa? Itong lalaki ba o siya?"

Pinitik niyang muli ang buhok. "Ako," confident niyang sabi bago nilagpasan ang matanda at sumunod na kay Kite paakyat.

"Kaano-ano mo siya?" pabulong na tanong sa kaniya ni Wendell habang patuloy sa pag-akyat.

"Roommate nga," sagot niya.

"Roommate lang? Akala ko sa pamilya mo ka magb-birthday?"

"Oo nga, inaanak siya ng... Tita ko, oo."

Tumango-tango na lamang si Wendell. "May itsura ha."

Pinalo niya ito sa dibdib. "Hoy, ikaw, TL, ha! Isusumbong kita sa HR," pambibiro niya.

Ngumisi ito. "May pangalan siya 'no. 'Di lang HR, ganda kaya ng pangalan niya."

"Eh, ano naman? Hindi kami friends, hindi ko siya tatawagin sa pangalan niya."

"Okay, bahala ka," kibit-balikat na anito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Tumigil sila sa harap ng pintuan na kulay puti. Binuksan iyon ni Kite at sabay-sabay silang pumasok. Binaba na ni Wendell ang mga maleta niya at nag-inat ng katawan. Samantalang binato naman ni Kite ang hawak na mga susi sa coffee table at naupo sa sofa. Habang si Prima naman ay pinalibot ang tingin sa lugar.

"Makakaalis na ang kaibigan mo, Ms. Prima." Napatingin silang pareho ni Wendell kay Kite. May pagtatanong ang mga tingin nila.

"Bakit naman? Kararating niya lang dito," aniya.

Kite shrugged. "Kaya naman kitang tulungan sa mga gamit mo, Ms. Prima. Besides, mukhang kailangan na ring umalis ng kaibigan mo dahil narinig ko sa labas na may isa pang lalaking kanina pa naghihintay."

"Aw, shit," naiusal ni Wendell at napahilamos sa mukha. "Sige, Prima, alis na ako! Mukhang alam ko na kung ba't siya galit. Tangina." Nagmamadali itong lumabas ng apartment at iniwan siya kasama ang kaniyang Boss Sir.

Nagkatinginan naman sila ni Kite. "Upo ka muna riyan, tulungan kitang mag-ayos ng gamit mo mamaya, Ms. Prima. Ano'ng gusto mong inumin?"

Ngumiti na lang siya. "You know what, Boss Sir? Bakit hindi na lang natin gawin kaaga? Para naman mabilisan na at makapag-pahinga after."

"Are you sure, Ms. Prima? You sure you're not tired from that traveling?"

"No, I'm okay. And besides, Boss Sir, you can just call me Prima. We need to get casual dahil titira tayo sa iisang bahay."

"That's just a sign of respect for me, Ms. Prima."

She met his eyes. "Then stop respecting me," she felt her voice become hoarse, eyes dilated, and her lips plump as she uttered that.

Kite's adam's apple bobbed up and down upon hearing her say that. Nauna itong magbawi ng tingin at nagpaalam na kukuha ng maiinum mula sa ref. Samantalang siya ay pagod na inilapat ang likod sa couch.

Mukhang may epekto nga siya kay Kite. Kaya lang, kahit siya ay naapektuhan din nito. Pero hindi siya dapat magpaapekto, hindi niya nga lang alam kung papaano.

Umayos siya ng upo nang dumating si Kite. May dala itong dalawang baso ng tubig, binaba nito iyon sa harap niya. Marahil ay ipinapainom sa kaniya. Mayumi siyang ngumiti rito. "Thanks," aniya bago sumipsip ng tubig.

Paupo naman si Kite sa couch nang tumayo siya. "Aayusin ko na ang gamit ko," anunsiyo niya.

Kinuha na niya ang mga maleta at nagtungo na sa kuwarto na itinuro sa kaniya ni Kite noong una siyang magpunta rito. Paiikutin niya sana ang seradura nang hindi niya iyon maipaikot. Tatawagin na niya sana si Kite nang mapasinghap siya sa gulat.

Napakalapit nito sa kaniya! Isang gahibla na lang at maglalapat na ang katawan nila sa isa't-isa. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso, tila nag-iba ang ritmo niyon. Ang malalaki niyang mata sa gulat ay napababa nang lumapit ang mukha nito sa kaniya.

Tumama ang mainit na hininga nito sa kaniyang leeg na nagpakiliti sa kaniya. Hindi niya maiwasang mapalunok sa nararamdaman. Kung ganito siya kalapit kay Kite ay mukhang malapit na siyang mabaliw. For goodness sake, iba-iba na ang nararamdaman niya ngayon!

Nanlalamig ang mga kamay niya ngunit ang kaniyang katawan ay nag-iinit! Tila kinakapos din siya ng hininga at ramdam niya ang kakaibang kiliti't sensasyon sa kaniyang katawan. Hindi niya alam ang gagawin, pero dapat alam niya! Mariin na lamang siyang napapikit ng mas lumapit pa ito sa kaniya.

"Ms. Prima..." paos ang tinig na anito. "E-Excuse me..." Nanindig ang balahibo niya sa paraan ng pagsasalita nito.

Sensuwal, marahan, at mainit.

Dahilan upang hindi niya alam ang gagawin. Tila ba naka-dikit na ang kaniyang mga paa sa sahig. Hindi niya iyon magalaw at nanatili lamang siyang nakababa ang tingin. Lumunok pa siyang muli nang marahang hawakan ni Kite ang kaniyang braso, may panginginig ang kamay nito.

Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kaniya at kaniyang hinila ang lalaki t'saka pinagpalit ang kanilang puwesto. Paharap ito sa kaniyang nakasandal sa pintuan. May bahid ng gulat ang mukha nitong namumula.

Siya naman ngayon ang naglapit ng mukha mula rito.

"Pabukas, Kite..." tila hinihingal na aniya rito. Nakita niya ang pagbaba nito ng tingin sa kaniyang katawan. Mapupungay ang mga mata nitong pinasadahan ng tingin ang buo niyang katawan bago tipid na tumango at tumalikod mula sa kaniya.

Nakahinga naman siya ng maluwag matapos itong mabitawan. Ano ba itong epekto ni Kite sa kaniya? Napaka-kakaiba at nakakabaliw! Ngayon ay mas lalo siyang nababahala sa pinaplano niya ngunit hindi niya rin mapigilan ang sariling gustuhin kung ano man ang nararamadan't nararanasan ngayon.

Oh, Kite, ano'ng ginawa mo sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top